webnovel

Chapter 55 : Jovial Island Part 2

Ito na naman ang napakasarap na hangin ng Jovial Island! Woah! Gusto ko magtayo kami ni Chal Raed ng bahay rito-yiieeee!

"Thinking of stupidity again?" tanong ni Chal Raed na agad yumakap sa likuran ko.

"Stupidity ba 'yong iniisip ko 'yong future natin, ha?" asar ko kunyaring tanong.

"Oh, I'm sorry, nakangisi ka kasi kaya akala ko kung anu-ano na naman ang iniisip mo," sagot nito.

"Judger ka talaga!"

"Judgmental."

"Judger!"

"I love you."

"Jud-" humarap ako kay Chal Raed at hinaplos ang buhok niya, "judger," nakangiti kong sabi at agad kumunot ang noo niya. "I love you, too," malambing kong sabi at bigla niya akong ninakawan ng halik. Harot!

"Let's have a walk?" pag-aya niya at syempre pumayag ako agad. Hawak kamay kaming naglalakad kaya todo ngiti ako.

Kahit ano pa mang challenges ang dumating, hinding-hindi kita bibitawan.

"Harris, I'm glad you came," naiangat ko agad ang ulo ko nang sabihin 'yon ni Chal Raed. Kaya pala huminto siya nakasalubong pala namin si Harris. Nakangiti naman siyang sinalubong ang mga mata ko. Mas gumwapo yata ang kanong 'to.

"Yeah. I need some time to relax," nakangiting sabi niya. "Hey, Maundy, it's been a long time," bati niya sa'kin.

"Without you my friend," sagot ko at pareho silang napakunot ang noo. Parehong slow! Kaasar!

Nagtaka ako agad nang bahagyang napayuko si Harris sabay sabing, "Maundy, I'm sorry."

"Para saan?" tanong ko.

"For what my Mom did," sagot niya. "I'm sorry if I haven't stopped her from doing her plans. Her sudden appearance and her confession. She really wanted to destroy your relationship. She doesn't like you since you're Mico's lil sister," dagdag pa niya.

"Ganyan talaga 'yan, eh, every story needs to have an antagonist to make it interesting," nakangiti kong sabi. "You don't have to say sorry, Harris, you didn't do anything wrong," napangiti naman siya at bahagyang napatango, "masaya ako na makitang okay ka na and you're already free from the tie that bounded between you and your Mom."

"Thank you, Maundy. No wonder, Chal Raed, is head over heels with you, to the point that he even take all the risk and disobeyed her Mom," natatawang sabi nito na ikinangisi ni Chal Raed. "By the way, you don't need to worry about our Mom, she doesn't know about this outing, so surely she couldn't ruin this."

"Asan ba siya?" tanong ko.

"She's in Korea, she's having her one month business trip," sagot niya. "So, my exposure is becoming too long, gonna take my leave now, enjoy walking around," agad na rin siyang umalis matapos sabihin 'yon.

Haay! Mabuti na lang at walang sign na masisira ang outing namin.

Naglakad-lakad na ulit kami ni Chal Raed at nang mapagod ay pareho kaming napaupo sa buhangin. Marahan siyang lumapit sa'kin at agad na yumakap. Ramdam na ramdam ko ang biceps ng loko, naka sando lang pala 'to at naka brief-charot!

"Mon?"

"Hmm?"

"Mapapatawad mo pa kaya ang Mommy ko?"

"Hindi naman ako galit sa Mommy mo. Pero, kung tuluyan niya tayong nasira, hindi ko talaga kakayanin at baka makalimutan kong Mommy mo siya."

"Hindi ko talaga alam kung ba't siya gano'n. I'm sure hindi lang 'yon dahil na trauma siya, I know there is really something wrong."

"Malalaman mo rin 'yan, don't think about it too much."

Ilang sandali rin kaming natahimik at parehong inenjoy ang tinitingnang view.

"I miss your purpled hair," biglang usal niya.

"I miss it, too, pero, bawal pa kasi akong magpakulay," sagot ko naman.

"Don't dye it anymore, you look good with your natural hair," malambing niya pang sabi. Yiieee, compliment!

"Magpahaba ka kaya ng buhok."

"What? I have a collection of wigs can I just use it?"

"A-Ano? May mga wig ka pa?!"

Huta! Ba't may tinatago pa 'tong wig?! Kaloka!

Bahagya niyang pinisil 'yong pisngi ko, "just kidding. Pero, ba't gusto mo 'kong magpahaba ng buhok?"

"Ang hot kasi ng lalaking mahaba ang buhok."

"What about mahaba ang kuko at pilik-mata?"

"Tigilan mo nga 'yan! I-untog kita riyan, eh!"

Nakakaasar 'to! Mamaya magpakabakla ulit 'to! Ayoko na, Mother Earth! Tama na 'tong gan'to na siya.

"Ang sarap mo naman magmahal nang-uuntog."

"Heh! Don't talk to me."

Nagtaka ako nang tumayo siya at naupo sa harap ko. Dahan-dahan niyang inilapit 'yong mukha niya sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "You're drop dead gorgeous," malambing niya talagang sabi! Hala no joke, nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan pati ro'n sa ano-charot!

"S-Sabi ko 'di ba, don't talk to me," paalala ko pa.

"Okay, I'll kiss you then."

Napapikit ako kasabay ng paglapat ng labi niya sa labi ko at sumabay pa ang isang napakasarap na hangin, pero mas masarap 'yong halik niya—yieeee!

"Oh, damn! P*rn!"

Sabay kaming napalingon ni Chal Raed kay Third nang biglaan niya 'yong sabihin.

"It's too public, guys!" muling pagrereklamo niya.

"Tss! What do you want?" asar pang tanong ni Chal Raed na halatang nahihiya dahil pulang-pula ang mukha, lalo na ang tenga niya. HAHAHA, CUTE!

"Everyone is there, including Kuya Mico," agad akong napangiti. Nagawan nga nila ng paraan! "Pero may mga pulis, para magbantay, it's good na rin for our safety. But, guys, we've been waiting for you, aren't you hungry?" tanong naman nito.

"Alright! Umalis ka na, susunod kami," sagot naman ni Chal Raed.

"Susunod nga ba? Or you'll continue your PDA?"

"Shut up! Alis na!" asar talagang sigaw ng Kuya niya.

"Alright, pakasal muna ha, before you do that thing."

"THIRD!"

"Fine! I'll go now."

Nakangising umalis si Third at si Chal Raed ay talagang asar na asar 'yong mukha.

"Tara?" pag-aya ko at lukot ang mukha nitong tumayo. Nagulat siya nang binigyan ko siya ng mabilisang halik sa labi. Yieee! "Lighten up your mood. Let's go," hinila ko na siya, pero bago ko inalis 'yong paningin ko sa kanya ay nakita kong sumibol ang kinikilig niyang ngiti!

Well, only Maundy Marice Powers can do that to Chal Raed Alonzo Jr. Iba talaga 'pag over sa ganda!

Hi! I'll drop the Epilogue by tomorrow, so basically, the story is about to end! Ready yourself to say goodbye to the story's characters. :) Uwu! ❤❤

eommamiacreators' thoughts
Nächstes Kapitel