webnovel

Knock knock!

SABI NILA KAPAG malapit ka na raw mamatay, magsisi ka muna sa mga kasalanang nagawa mo para sa langit mapunta ang kaluluwa mo at hindi sa impyerno.

"Papa-Jesus-sorry-po-kung-palagi-kong-pinapakyu-ang-professor-ko-sa-architecture-design-nasisilaw-kasi-ako-sa-noo-niyang-panot!"

Halos habulin ko ang hininga pagkatapos magsalita nang full-speed without breathing!

Pikit-mata kong hinihintay na maramdaman ang makirot na kagat pero ilang segundo na ang lumipas pero walang nangyari.

"Pfft! BWAHAHAHA! BWAHAHAHA!"

Mabilis akong dumilat at labis na nagtaka nang makita ko si Romeo na nakahandusay sa sahig at nagpapagulong gulong na sa kakatawa. Eh? Anong klaseng bato ba ang tinira nito? Bato ni Darna? Naka ilang singot kaya ng mighty bond ang bampirang `to?

"Huy pssst! Huy, okay ka lang?"

Mga isang minuto pa siyang nagsawa kakatawa bago siya umupo at lumingon sa akin. Hinahabol niya pa ang hininga niya. "I can't believe Vlad's girl is fucking hillarious. Oh boy, motherfucker."

That caught my full attention. "Anong sinabi mo? Vlad ba kamo? Kilala mo si Vlad?"

Pinahid ng daliri niya ang mga namuong luha sa gilid ng kanyang mata. "Uhuh."

Namilog ang mga mata ko. "Seryoso? As in si Vlad? `Yung lalaking matangkad na green `yong mga mata at may nagmumurang six pack abssssss!? Anim din `yung "s" ng abs niya, ah!"

Tumitig sa `kin si Romeo na seryoso ang mukha. Matapos ang limang segundo ay humagalpak uli siya sa kakatawa. Pinagpapalo niya pa ang sahig sa sobrang tuwa niya. Nag-crack tuloy ang semento.

"Hoy! Tigil na hinga-hinga rin kuya. Libre tumawa bukas. Baka mamaya mabiyak mo na `tong lupa!"

Tumigil uli siya at nagseryoso pero after three seconds ay tumawa na naman siya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-iinsulto sa lalaking `to. Bentang-benta sa jokes ko hindi naman ako tindera. At mas lalong hindi naman ako mukhang clown. Nang biglang nag-ilaw ang bumbilya sa utak ko.

Ting!

"Uhm, Romeo... may tanong lang ako."

"Sure, anu `yon?"

"Uhm... anung hayop ang tumatahol?"

Nagtaas ito ng isang kilay. "Edi aso."

"Hindi!"

"Huh? Eh, ano?"

"Edi... Wolf! Wolf!"

Hagalpak ulit siya sa tawa. Hala ang isang `to one feet lang ata ang kaligayahan. Sinamantala kong abala siya sa pagtawa kaya unti-unti akong lumakad palayo sa kanya.

"Ano naman ang sinasabi ni Winnie the Pooh tuwing nagagalit siya?"

Tawa pa rin siya nang tawa at naniningkit na nga ang mga mata niya. "Ano?"

"Edi... POOH-tangina mo!"

Lalong lumakas ang tawa niya. Kiniskis-kiskis niya pa `yung puwet niya sa semento sa sobrang kaligayan na parang na-eepilepsi. Sinamantala kong masaya siya sa ginagawa niya kaya lumakad ulit ako ng ilang hakbang palayo habang hindi niya namamalayan.

"Knock knock!" Medyo konting hakbang na lang at makakalabas na ako ng pinto.

"Who's there?"

"Far I see you."

"Far I see you who?"

Huminga ako nang malalim at kumuha ng hangin. "Far I see you.. ang laban na tuu. Far I see you... ang laban na tuu... ooh ohh... `Di ako susuko, isisigaw ko sa mundo. Far I see you... ang laban na tuu..."

Nakahakbang na ako hanggang sa labas at wala man lang siyang kamalay-malay na nakaalis na ako. Lakas kasi ng tawa niya. Mabilis akong tumakbo patakas ng lugar na `yon. Hindi naman pala ako masyadong nalalayo sa campus. Sa abandonadong bodega lang ito ilang kalye mula sa university. Nagmadali akong tumakbo. Panay ang tingin ko sa likod para masigurong hindi niya ako nasundan.

Kung lahat ba naman nang kontrabida katulad ni Romeo edi palaging happy ending!

Kaya mo ‘yan Erin! Sorry na, nakuha ko lang sa google yung mga jokes soooo hahaha!

AnjGeecreators' thoughts
Nächstes Kapitel