SUNUD-SUNUD na tunog ng kaluskos ang gumising sa akin. Minulat ko ang mga mata at umikot ang buong mundo ko. Tila tinutusok ng libo-libong karayom ang sintido ko. Pagtingin ko sa alarm clock ay alas-tres pasado na ng madaling araw. Agad kong napansin ang cabinet na katapat ng kama. Parang doon nanggagaling ang ingay.
Nag-eekis ang mga binti na lumakad ako palapit sa cabinet. Inabot ko ang handle nang biglang gumalaw ang buong aparador. Napasinghap ako at humakbang paatras. Naningkit ang mga mata ko. Totoo ba ang nakikita ko o lasing lang ako?
Lumakas nang lumakas ang kaluskos na nanggagaling sa loob ng cabinet. Napalunok ako nang madiin. Nanlamig na parang yelo ang balat ko. Anung nangyayari? May nakapasok bang ligaw na pusa o daga sa loob ng cabinet ko? Dahan-dahan kong dinikit ang isang tenga sa pinto. Napatalon ako nang may kumalabog sa loob. Nahigit ko ang hininga.
Sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko ay pinilit ko pa ring magtatapang-tapangan at hinawakan ang handle. Humugot ako ng malalim na hininga, bumilang ng tatlo, at binuksan ang dalawang pinto nito. Imbis na hayop, makapal na usok ang sumampal sa buong mukha ko.
Napaatras ako at hindi napagilan ang sunud-sunud na pag-ubo. Shit! Sunog? Bakit may nasusunog dito sa loob ng cabinet?
"Mga kapitbahay may sunog! Help! Help!"
Mas lalong bumilis ang pintig ng dibdib ko habang halos mabilaukan sa kauubo. Hindi ko maidilat nang maayos ang mga mata ko. Naluluha na `ko. Napatigil lang ako sa pagsigaw nang maaninag ko ang isang bulto na lumalabas galing sa cabinet.
Unti-unting lumapit ang bulto sa `kin hanggang sa tuluyan itong nawala sa likod ng mga usok. Tila ba inugat ang mga paa ko sa sahig. Nahigit ko ang hininga habang natulala sa estranghero sa `king harapan. Kailangan ko pang tumingala dahil may katangkaran ang lalaki. Nakasuot siya ng mahabang kapote na kulay itim. Sa ilalim niyon ay white polo at itim na vest, slacks at makintab na leather shoes. Hindi ako mahilig sa fashion pero unang tingin pa lang halata ko na agad na mamahalin ang tela ng damit niya. Para siyang prinsipe noong sinaunang panahon.
Malalim na tumitig sa `kin ang color green niyang mga mata. Sa tingin pa lang nito sapat na upang lumuwag ang garter ng suot kong salawal. Nagbe-bacon pa naman lahat ng salawal ko gaya ngayon, mahina na'ng kapit nitong suot ko kaya ramdam kong nahuhulog na.
At ang ilong niya. Jusmiyo Marimar! Napakatangos! Siguradong sasambahin ng mga taong pango. Malamang ituturing pa itong isang santo ng mga pango at magpapanata rito araw-araw na sana biyayaan din sila ng ganitong kaperpektong ilong. Tipong sa umaga, gabi, at bago kumain magdadasal sila ng: "Oh, St. Nose pray for us. Amen!"
Lubog na lubog ang magkabila niyang pisngi na parang naka-contour. Daig pa ang mga nagme-make up tutorial sa Youtube. Perpekto rin ang hugis ng kanyang square jaw face na siguradong hindi lang diamonds ang kayang hiwain. Pati na rin ang copper, metal at gold.
Napaka-pula ng mga labi niya, parang ang sherep-sherep humalik. Siguro `pag nahalikan ka nito mabubuntis ka na agad kinabukasan. Wala sa sariling napalunok ako ng laway. Parang bigla nanuyot ang lalamunan ko at na-tense lahat ng brain-cells ko. Sama mo na pati white and red blood cells dahil sa hindi makamundong kagwapuhan nitong lalaking sa `king harapan.
Tao ba `to o Greek God? `Di kaya galing `to sa planeta nila Thor?
"S-sino ka?" tanong ko.
Ngumisi sa `kin ang estranghero at bahagya siyang yumuko. Pumantay ang mukha naming dalawa. Para akong nahihipnotismo sa mga mata niyang color green. It reminds me of mother earth. Shala! Pati eyes niya eco-friendly!
"My name is Vlad, I'm a prince from the Kingdom of Transylvania," aniya. Buo at malalim ang kanyang boses. Lalaking-lalaki. Medyo may pagkapormal kung paano ito magsalita. Ito `yung tipo na pwede mong gawing voice over kay Waze. In three hundred meters turn left and then turn right. But wait. Ano raw?
"Prince? Kingdom of w-what?"
Sumeryoso ang mukha niya. "Kingdom of Transylvania," pag-ulit niya nang mas mariin.
Sinubukan kong pigilan. I did my best but I guess my best wasn't good enough. Hindi ko na napigil ang malakas at iniipon kong tawa.
"Pffft... BAHAHAHAHA!"
Jusmiyo Marimar! Gwapo nga sana may pagkakomedyante lang, hindi naman siya kalbo.
"What's funny, human?" Nag-isang guhit ang labi niya.
Napahawak ako sa tiyan kong nanakit. Kulang na lang ay magpagulong ako sa sahig. "Ikaw! Ano ba kase ang pinagsasabi mo? May pa kingdom-kingdom ka pang nalalaman? Saka sa'n mo ba nakuha `yang costume mo? Teka, nasa wow mali na ba `ko? Nasaan na'ng camera? Ituro mo na."
Nakakunot lang ang noo niya at nanatiling walang imik habang nakatitig sa `kin na para bang ako ang mas baliw sa `ming dalawa. Pero ang gwapo niya talaga. Siya na ata ang pinakamagandang lalaking nakita ko in my twenty years of existence simula nang niluwal ako ng nanay ko mula sa kanyang bahay bata. Walang panama si Janno Gibbs dito.
Para siyang si Damon ng Vampire Diaries. Yummy! Grr.
"I don't have time for this," aniya na tila napipikon na. Gumala ang mga mata niya sa paligid habang tila malalim ang iniisip. "Where am I? What is this place?"
Woah! English talaga? Teka lang naman mahina ang kalaban.
Tumikhim ako bago sumagot. "Nandito ka sa kwarto ko, sa loob ng bahay ko." Pumamewang ako habang pinagmamasdan siya na magpabalik-balik ng lakad sa harapan ko.
Hmm. May something mysterious talaga rito kay Mr.Pogi. Hindi kaya sindikato `to? Baka mamaya magnanakaw o kaya rapist pala. Pero paano naman siya napunta sa loob ng cabinet ko? At ganito na ba talaga ang mga bagong modus ngayon? Naka-costume na ang mga sindikato tapos with usok effect pa dapat ang entrance?
"I don`t understand. How did I end up here? I was supposed to be in my room at the castle of Transylvania," bulong nito sa sarili.
Luh. Gwapo nga maluwag naman ang turnilyo sa utak.
"Teka, teka, teka nga. Sino ka ba kasi talaga at paano ka biglang lumabas dito sa cabinet ko? Kung modus `to naku, sinasabi ko sa `yo `wag kang magkakamaling gumawa ng hindi maganda. Kung `di mo naitatanong, black belter ako ng Jukawondo!"
"Jukawando?"
Nag-fighting position ako na parang si Jet Li. Ginalaw-galaw ko ang ilong ko gamit ang aking hinlalaki sabay nag-footwork. "Jukawando. Judo, karate at taekwondo. Hiyaaaah!"
Sinampolan ko siya ng isang flying kick. Bigla siyang nawala sa kinatatayuan niya at tumama ang sipa ko sa pader. Napasigaw ako sa sakit. Napatalon-talon ako habang hawak ang tumamang paa. "Aw! Pakshet!" Nawala siya bigla. Saan nagpunta `yon?
"Booh!" Bigla siyang lumitaw sa likuran ko. Napatili ako. Halos isiksik ko ang sarili sa sulok ng kwarto. He chuckled. "You're so cute," aniya na halos umabot na hanggang tenga ang ngiti sa labi.
Mabilis na uminit ang pisngi ko. Aba't ginawa pa `kong aso!
Naglakad ang estranghero palapit sa akin. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Kinulong niya ako sa sulok gamit ang dalawa at matitipuno niyang braso. Mas dumoble ang pagrarambulan ng pintig nitong dibdib ko lalo na't ramdam ko ang init na isiningaw ng katawan niya.
"I don't know what happened to me, but I think I'm lost." Tumatama sa balat ng mukha ko ang init na dulot ng kanyang hininga. At in fairness sa lolo mo, mabango ang kanyang breath. Amoy Colgate!
"Uhm. Kailangan na ba kitang dalhin sa lost and found––este sa pulis? Baka matulungan ka nilang makauwi. Saan ba kasi `yung Kingdom of––pfft!" Nang tumitig siya nang masama sa `kin ay agad nalusaw ang ngiti ko. "—Transylvania."
Kumunot ang noo niya at mabigat na nagbuntong hininga. "It's unreachable. Humans can't detect it. There's something wrong with me and I can't use my powers to teleport back to my home." Pumikit siya nang mariin at bumagsak ang balikat niya.
Kinagat ko ang ibabang labi habang pinipigilang matawa. Kung hindi lang siya gwapo, iisipin ko talagang komedyante ang lalaking `to. Pero hindi naman kasi siya kalbo. Sa katunayan tinalo niya pa si Edward Cullen sa hairstyle ng kanyang buhok. Makapal, shiny black at naka-brush up. Daig pa ang sapatos na nilagyan ng Kiwi sa sobrang kintab.
Pagdilat ng estranghero agad bumagsak ang titig niya sa labi ko. Kumunot ang kanyang noo at madiin na nagrolyo ang adams apple niya. "Hey, stop biting your lips."
"Huh?"
Napigil ko ang paghinga nang biglang hinawakan ng hinlalaki niya ang labi ko. He gently pulled it down, freeing it from my teeth. Mabilis na gumapang ang kuryente sa buo kong katawan. Mula bumbunan hanggang bukong-bukong ko, kinakikilabutan. Jusko, how to breathe?
"It's very... seducing." Para `kong kinikiliti sa tunog ng mababa niyang boses. It's the kind of voice that could make any woman melt like ice cream.
Daig ko pa ang rebulto sa paninigas sa kinatatayuan. Unti-unting binaba ng lalaki ang kanyang mukha hanggang sa magdikit na'ng tungki ng ilong naming dalawa. Kumislap ang mga mata niya na tila nakaisip ng isang magandang ideya.
"For the meantime that I lost my powers, I need to stay here and you human—must feed my hunger. Besides your cuteness, I like the smell of your scent. You smell like…" Inamoy niya ang leeg ko. Kinilabutan ako. "Hmm, strawberries."
Napatunganga ako sa mga sinabi niya. Ano raw? I need a translator!
"Hey, I said… stop. biting. your. goddamn lips." He pinned me harder on the wall. Our faces were almost touching. "`Coz you're making me really hungry."
Natutuliro na ako sa sobrang pagkakalapit ng mukha namin. Nilaro-laro niya ang ilong ko gamit ang tungki ng kanyang matangos na ilong. Sunud niya iyong pinadaan sa `king pisngi, pababa sa `king panga. He's so KAKA.
NaKAKAkiliti, naKAKA-tense at naKAKA... kilig?
So KAKA-asar!
Tuluyang bumaba ang mukha niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan na para bang I'm under a spell. Sinimulang niyang halikan nang maliliit ang leeg ko. Para akong sinisilaban ng apoy sa ginagawa niya. Teka lang, hindi ako prepared. Enebe...
Tumitirik na ang mata ko sa sobrang pagdi-delerihiyo. Sinasapain na ata ako ng masasamang elemento. Juice ko po! Macho-choke me Daddy na `ko sa sarili kong kalandian!
"From now on... I'll make you mine."
Isang makirot na kagat ang naramdaman ko sa `king leeg. Napakapit ako nang mahigpit sa kanyang malapad na balikat. Tumingala ako sa kisame bago mabilis na nilamon ng kadiliman ang mundo ko.