webnovel

Chapter 3: Back Story

Cassie's POV

Nagkulong si Cassie sa kanyang silid at hindi matapos-tapos ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. Gayun na lang ang pagguho ng kanyang mundo sa nalaman. Kung totoong nawala na ang lahat sa kanya, wala na siyang ibang mapupuntahan.

Kailangan na ba niyang umalis dito sa Villa at lisanin ulit ang Isla? Wala pa siyang na meet na ibang mga kamag-anak maliban sa uncle Martin niya.

Noong namatay ang kanyang mga magulang sa bagyo, ang kanyang tiyohin na ang kumupkop at nag-alaga sa kanya. Tumira siya sa France ng apat na taon kasama ito at ang asawa at anak nito. Isang araw, nagpasya ang kanyang tiya na bumalik sa isla ng namatay ang kanyang tiyohin.

Dose anyos siya ng mga panahong inadopt siya ng mga ito at wala siyang nalalaman na unti-unti siyang ninanakawan. Hindi nakakapagtaka na palagiang nagtra-travel ang kanyang auntie Lydia at anak nitong si Mimie na sa bawat pag-uwi ng mga ito ay napakadaming bagahi ng mga bagong damit, bag at mga sapatos ang dala.

Tama, baka maaari niyang kontakin ang kanyang kaibigan para tulungan siya. Baka maaari siyang mang hiram ng pera para pamasahe niya patungong France at doon maghahanap siya ng trabaho. Meron ding nag-offer sa kanya ng isang scholarship program sa kolehiyo, at pwede niyang tanggapin ito habang nagpa-part-time job.

Kaso nga lang, wala siyang cellphone at isang lumang computer lamang ang kanyang gamit para sa research materials at school projects niya. Nandyan din yung super hinang signal sa internet connection. Hindi kasi siya mahilig at interesado sa social media kaya wala siyang cellphone hanggang ngayon. Kaya paano kaya niya makokontak ang kaibigan?

Argh, para ng minamartilyo ang ulo niya sa ka-iisip ng mga paraan upang makontak niya si Levi para tulungan siya. Mabigat na din ang kanyang puso sa mga iniisip na kailangan na naman niyang lisanin ang lugar na ito ngayong may nagmamay-ari ng iba sa kanyang bahay at 40 hectares na man-made forest, kung saan ibinigay ng kanyang mga magulang ang buong puso sa pagtatanim ng libo-libong puno.

Ang lupaing iyon ay ang kanyang kayamanan, sapagkat, ito ang ala-ala ng kanyang mga magulang. Nakahanap na naman ng pagkakataon na makatakas ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Pinahid niya ang mga ito.

Ang Hiryuu Island ay matatagpuan sa bahagi ng Northern Asia kung saan dito makikita ang pinaka-magandang pagsikat at paglubog ng araw. Meron itong isang aktibong bulkan at sikat nitong hot spring na siyang pinupuntahan ng marami dito sa Isla.

Tatlumpung taon ang nakakaraan, ang lugar na ito ay inabandona at kinalimutan ng marami mula ng sumabog ang bulkan. Dalawang daang taon na ang nakakalipas mula nung huli itong sumabog. Ang papa niya ay nakapagmana ng maliit na lupain mula sa ninuno nito. At sa araw na dumating ito at nagtanong-tanong ng address, ang kanyang mama ang napagtanungan nito.

Pag-ibig sa unang tingin, hindi na ninais ng kanyang papa na umalis sa isla, kundi, sinimulan nitong magbungkal ng lupa at ibinigay ang lahat ng yaman at lakas nito para mabago ang noon ay isang disyerto na bundok na isa na ngayong Man-Made Forest.

Tapos sa kursong Environmentalist at may major sa Biology, ang mga kaalamang ito ang ginamit ng kanyang papa upang makagawa ng milagro Isla.

Ngunit sadyang malupit ang kapalaran. . . isa-isang nawala ang mga mahal niya sa buhay at naiwan siyang mag-isa.

Nasisilaw sa liwag na nagmumula sa bintana, tinatamaan nito ang picture frame na nasa ibabaw ng lumang tokador na nanggagaling sa pang-hapong araw.

Anong oras na ba? Tanong ni Cassie sa kanyang sarili sabay sulyap sa bedside table kung saan nakapatong ang kanyang digital alarm clock. Pasado alas tres na ng hapon, gayunpaman ay hindi niya iniintindi ang nag-iingay niyang tiyan sa gutom.

Tumayo siya mula sa kama at kinuha ang picture frame mula sa tokador at dinala ito pabalik. Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na higaan at ipinikit ang mga mata yakap ang picture frame habang umaagos ang mga luha.

"Kuya, nasaan ka na?" sambit niya habang hinihila ang kanyang kamalayan at nakatulog.

Shun's POV

Pagkatapos tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay si Cassie ay hinarap ni Shun ang kanyang mga assistants.

"Rudolf, magtawag ka ng mga taong maghakot ng lahat ng mga gamit sa dalawang silid na iyon sa taas."

"Yes, boss..." sagot ni Rudolf sa kanya. Pagkatapos, pumunta ito sa likod bahay at doon ginawa ang pagtawag sa mga kinakailangang tauhan.

"Daichi, sumunod ka sa akin," tumayo si Shun sa pagkakaupo at humakbang paakyat ng hagdan.

"Hey, boss... hindi ba ang sabi mo, antayin natin si Missy na bu--" hindi na tinapos ni Daichi ang sasabihin ng pumihit paharap ang amo at binigyan siya ng makahulugang tingin.

"Hindi tayo pupunta sa silid niya, dadalhin kita sa dalawang kwarto na gusto kong mabakante ang mga iyon unang mangyari kinaumagahan bukas."

Nagtataka man ay ipinilig ni Daichi ang ulo, "okay, boss," sagot niya.

Napasipol siya pagkatapos buksan ang master's bedroom. Mapapansin ang karangyaan sa bawat sulok ng silid na iyon. Sinisiguro talaga nung tiyahin ni Cassie na buhay reyna ang kanyang tinatamasa.

"Tignan mo din ang walk-in closet nito," utos ni Shun.

Tumango si Daichi at hinila pabukas ang sliding door tsaka siya pumasok sa loob. Isa-isa niyang binubuksan ang bawat makitang drawers dito. Hindi rin niya mapigilan ang mapasipol.

"Mga gago talaga yang kamag-anak ni Missy," aniya at nakaramdam ng habag para sa munting dalaga.

"Boss, itong mga alahas, hindi ba nagkakahalaga ang mga ito ng daang libong olyares?"

Mapapansin ang galit sa mukha ni Shun ngunit hindi ito umimik. Pinagmasdan lamang nito ang mga nakasabit na paintings at antique vase na naka display sa bawat sulok ng silid.

"Tayo na sa kabilang silid," aya niya dito kinalaunan.

Sumunod si Daichi sa kanya at gayon na lamang ang pagkagulat nito na para bang sinuntok ang mukha ng mabuksan ang pangalawang silid.

"Put* ano bang nangyari dito?"

Sumenyas si Shun na tumahimik siya dahil katabi lang nito ay ang silid ni Cassie. Tinakpan agad ni Daichi ang bibig upang hindi na muling makapagbitiw ng di magandang salita.

Ang silid na ito ay parang binagyo. Ang marumi at malinis na mga damit ay nagkalat lamang sa buong silid. At hindi lang mumurahin ang mga ito ngunit pawang branded at designers clothes ang karamihan sa mga ito. Nagkalat din doon ang iba't-ibang uri na mga sapatos at high heels gayundin ang mga bag sa sahig.

"Ilagay mo ang lahat na mga ito sa auction," utos ni Shun.

"Yes, boss!" Sagot ni Daichi sabay tango.

Pinasok din niya ang walk-in closet at sinuri ang mga alahas na nakatago doon. Tama siya, ang batang iyon ay nagmamay-ari din ng mga mamahaling alahas. Gayon nga lang, karamihan sa kanya ay mga banggles at earrings ngunit malalaking bato at mabibigat na Kwentas ang matatagpuan sa silid ng ina.

Ang mag-inang iyon! Sa isip na lang niya pagtungayawin ang mga ito.

Napansin niyang palabas na ng silid ang kanyang boss kayat sumunod na rin siya dito at isinara ang pinto sa makalat na silid.

Hindi ako masyadong familiar sa word na "pagtungayawin". Cursing pala ito sa English... hehe, new learn para sa akin. ☺

Elise_Ellenethcreators' thoughts
Nächstes Kapitel