webnovel

Chapter 28: Bagong Alipin

"Ano ba yan ang boring, ang tagal naman maghanap ng mga multo na yun." Sabi ni Farrah habang naka upo at nababagot na. "Edi makipag laro ka muna doon sa mga aso mo para may magawa ka." Sabi ni Andrea na nakasandal sa isang puno.

"Lola, may pangalan sila. Sila ang mga Lycans. Ganda kaya ng pangalan nila." Sabi ni Farrah habang tumatayo at saka sya tumakbo papunta sa mga Lycans para makipag laro.

"Shadow 1, kumusta si Shane?" Pagkatapos kausapin ni Andrea si Farrah ay tumingin sya kay Shadow 1 at nagtanong. "Miss Andrea ok napo ang kalagayan nya. Dahil sa Healing Water ni Goddess Farrah, mabilis ang paggaling ng mga sugat nya at nawala na din ang mga piklat sa boong katawan nya. Ang kailangan nya nalang ay pahinga at gigising rin sya." Sabi ni Shadow 1 kay Andrea.

"Ahhh mabuti naman. Ano kaya sa tingin mo Shadow 1 ang plano ng mga Elf kung bakit sila umatras? Maari kayang may rason ito? Baka umatras lang sila para may ma ihandang napaka lakas na armas o malay mo hinde pa yun ang boong lakas nila at may tinatago pa sila para surprisahin tayo." Sabi ni Andrea habang napapaisip.

Si Shadow 1 naman ay biglang napatawad. "Miss Andrea wag kang mag alala, may dinala saamin na balita ang mga Ghost Servants. Papunta na dito ang mga Elves." Sabi ni Shadow 1 habang nakangiti. "Huh!? Edi dapat mag handa na kayo. Tila tatawagin ko si Farrah." Lilipad na sana si Andrea papunta kay Farrah nang marinig nya ang sunod na sinabi ni Shadow 1.

"Miss Andrea hayaan mo muna maglaro si Goddess Farrah, alam mo ang mg Elf na yun ay hinde papunta dito para makipag laban kundi para makipag usap. Pumuslit kasi ang isang multo sa isang gusali na kung saan doon nag pupulong pulong ang mga namumuno ng Elf Race at narinig nya na papunta sila dito para matigil na ang away sa pagitan natin at ng mga Elves. Kaya kalmado kalang Miss Andrea." Sabi ni Shadow 1 kay Andrea habang nakangiti.

"Ano ba yan, akala ko naman Gira nanaman ito. Buti naman alam ng mga Elves ang mas makakabuti sakanila, at ikaw naman Shadow 1 kung magsasalita ka dapat taposin mo agad, akala ko talaga papatay nanaman kayo." Sabi ni Andrea.

"Hahaha Miss Andrea, hinde pa kasi ako tapos magsalita kanina tapos bigla kanang nag react, anong magagawa ko?" Sabi ni Shadow 1 na simula kanina ay nakangiti lang. Pagkarinig ni Andrea sa sinabi ni Shadow 1 ay hinde nya nalang ito pinansin at lumipad sya pataas sa langit saka sya tumingin sa paligid at nang tumingin na sya sa likod nya ay nakita nya ang mga sundalong Elf na papunta sa direksyon nila.

Ang mga ito ay naka sakay sa mga nakita nila Farrah na lumilipad na kotche kaya hinde nakakapag taka na mabilis silang nakarating dito. Ang posisyon ng mga sundalo ay hugis bilog na para bang may pinoprotektahan sila sa loob ng bilog. Dahan dahan ay palapit na sila nang palapit.

Si Farrah na nakikipag laro sa mga Lycans ay naramdaman narin ang mga Elf na papunta sakanila kaya lumipad din sya papunta sa langit. Lahat ng nandito ay naghanda kasi naramdaman din nila na papunta na dito ang mga Elf.

Si Farrah, Andrea, at ang mga Ghost Servants ay lumilipad at ang mga Metal Giants, Lycans at ang mga Shadows ay nasa baba kasi hinde sila nakakalipad. Hinintay nila doon ang mga Elf at naghanda sa kung ano man ang biglang mangyari.

Ilang saglit lang ay na kalapit na ang mga Elf kina Farrah. Kita sa mga mukha nila ang takot na lumalabas pagkakita nila sa grupo ni Farrah. Kanina kahit napaka dami na ng mga Elf kumpara sa kanila ay natalo parin ang mga Elf at hinde manlang sila nakalaban, kahit nga patayin ang isa sa kasamahan ni Farrah hinde nila nagawa kaya nagdulot ito ng takot na bumaon na sa mga buto nila.

Mas natatakot sila kapag tumitingin kay Farrah kasi nakita nila ang paraan ng pagpatay ni Farrah, pinapahirapan nya muna sila bago patayin at napaka makapangyarihan nya pa kahit tao sya.

Nagtinginan ang dalawang panig. Ang mga Elf puno ng takot sa mukha habang ang mga nasa grupo ni Farrah ay puno ng mga ngiti na kapag tiningnan mo ay titinding lahat ng balahibo mo.

"Gumawa ng daan! Dadaan ang mga Elder." Ang na ang pangalan ay Ryan ay sumigaw at saka gumalaw ang mga sundalong Elf para magkaroon ng daan sa gitna ng bilog na ginawa nila. Sa loob ng bilog ay makikita mo na may apat na matatandang Elf na nakasakay sa isang karwahe na lumilipad.

Lumapit sila kina Farrah at ang mga sundalong Elf ay naging alerto at nagsimulang hawakan ang armas nila. Takot kasi sila na bigla nalang atakehin ng grupo ni Farrah ang apat na Elder nila. Sila ang namumuno ng Elf Race at sila din ang dahilan kung bakit ganito ito kalakas. Kaya nga simula noong huling makipag gira sila sa isang Kingdom ay wala na ulit sakanila ng humamon..... Pwera lang ngayon.

Ang apat na Elf na ito ay napakatatanda na. Halos lahat sakanila ay lagpas 400 plus years old na. Natural lang naman ang ganitong edad sa mga Elves, kasi ang mga Elves ay napaka kakaiba talaga kumpara sa ibang mga nilalang na nakatira dito sa mundong ito. Kaya nilang mabuhay nang 500 plus Years kung hinde sila mamatay sa labanan o sa lason o sa mga nakakamatay na bagay sa labas at mamuhay lang sila ng natural ay maari talaga ito.

"Hello sa inyo, kami nga pala ang apat na Elder ng Elf Race. Kami ang mga pinakatataas sa mga ka uri namin, kami namumuno sa kanilang lahat. Kayo, pwede ba naming malaman ang mga pangalan nyo?" Nagpapakumbabang sinabi ni Elder Loyd.

Tumingin si Farrah sa apat na Elf at saka sya nagsalita. "Ang pangalan ko ay Farrah yun lang ang dapat nyong malaman." Sabi ni Farrah na walang paki kung sila man namumuno sa boong Elf Race kasi kaya namang durugin ni Farrah ang boong Elf Race ng napaka dali kaya para sa kanya wala lang ang apat na Elf na makita ito na sinasabing sila ang namumuno sa Elf Race.

Pagkarinig ng apat na Elder Elf sa tono at sinabi ni Farrah ay hinde nila mapigilan na makaramdam ng galit, simula pa noon at wala pang nang ahas na kausapin sila ng ganito. Kung hinde lang dahil alam nila na wala silang laban sa grupo ni Farrah ay hinde sana sila pupunta dito para makipag usap kundi para makipag Gira.

Ito ang napaka hirap na desisyon na ginawa nila simula pa noong una silang maloglok sa pagiging pinuno ng boong Elf Race. Dignidad o Kaligtasan, tatanungin pa ba yan? Syempre pinili nila ay kaligtasan, kahit sino naman yun ang pipiliin kung nasa kinatatayuan sila ng mga Elder Elf. Pero kahit na pinili nila ang kaligtasan ay masakit parin ito para sakanila.

Sa pag pili ng kaligtasan ay parang tinapon na rin nila ang dignidad nila bilang Elf at kahit ang dignidad ng mga ninuno nila. Pero wala talaga silang magagawa sa harap ng totoong makapangyarihang nilalang. Ang iba nga sa apat Elder ay gustong makipag laban hanggang sa huli, hanggang sa ma wala ang buhay nila.

Pero hinde lang naman basta mga buhay nila ang hawak nila kundi pati ang buhay ng boong Elf Race, kaya kung pinag patuloy nila ang gusto nila na makipag laban sa grupo ni Farrah ay baka maubos lang sila at ang boong Elf Race ay maging kasaysayan na lamang.

Kaya kahit ayaw nila at kahit masakit ito para sakanila ay nandito parin sila sa harap ni Farrah.

"Hmm Miss Farrah, nagagalak kami na makilala ka, ako nga pala si Loyd of the High Elves. Nandito kami para mapag usapan natin ang tungkol sa boong pag aaway na ito. Miss Farrah, bakit moba ginagawa lahat ng ito? Wala naman kaming nagawa sayo para patayin mo ang mga kalahi namin." Sabi ni Elder Loyd na parang naiiyak na pero sa loob nya ay natatawa sya. Ilang beses nya na itong ginawa noon, napaka galing ng pag aarte nya kaya kahit si Farrah ay muntikan nang mahulog dito.

Buti nalang ay sinabihan sya ni Andrea na lumapit mula sa likod nya at ibinulong na nag kukunwari lang ang Elder Elf na yan.

Natural lang naman na makita ni Andrea ang pagkukunwari ng Elder Elf na yun kasi sa tanda nyang yan ay napaka dami nya nang nakitang mga Elves, Dwarfs at mga tao. Iba iba man ang mga expression nila ay madali lang para kay Andrea na makita ang totoong nasa loob nila kaya walang wala ang pag kukunwari ng Elder na ito kay Andrea.

"Tumigil ka nga jan sa pag kukunwari mo Monggoloyd, kitang kita ko yan." Sabi ni Farrah.

Pagkarinig ng mga sundalo sa sinabi ni Farrah ay muntikan na silang matawa, buti nalang napigilan nila ito kundi mapaparusahan sila pag balik nila. Si Elder Loyd naman kahit namumula na sa galit dahil sa sinabi ni Farrah at dahil nakita nyang napatawa ang mga sundalo nya. Kahit hinde natuloy ng mga sundalong Elf na tumawa ay nakita parin ito ni Elder Loyd.

Pero kahit na ganun ay pinag patuloy nya parin ang pagkukunwari nya, may lumalabas na nga na luha sa mga mata nya pag tingin nya kay Farrah. Pero hindi ito luha mula sa pagkalungkot kundi luha sa pagkagalit, sa sobrang galit nya ay napapaluha nalang sya. Pero kung titingnan ang itchura nya ngayon ay parang umiiyak talaga sya sa pagkalungkot. "Ititigil moba yan o papatayin na kita ngayon." Malamig na sinabi ni Farrah at biglang may anino na sumulpot sa harapan ni Elder Loyd na hugis kutchilyo at dumikit sa leeg nya.

Magsalita pa sya at mag drama pa sya at tutuloyan na sya ni Farrah. Ang mga katabi naman ni Elder Loyd na mga Elder Elf ay napaatras sa takot na pati sakanila ay gawin rin yun. Kahit ang mga sundalo ay na nasa paligid ay walang magawa kasi napakalapit ng aninong kutchelyo sa leeg ni Elder Loyd kaya kung susubukan nilang iligtas si Elder Loyd ay dapat mas mabilis pa sila sa kidlat para magtagumpay sila.

Sa oras na may sundalong lumapit kay Elder Loyd ay saka nya bibigyan ng utos ang anino para patayin si Elder Loyd, kaya wala manlang makatulong sa kanya.

"Tika Miss Farrah tika lang po. Pwede naman natin itong pag usapan diba. Sinusobokan lang naman kita kung makikita mo na umaarte lang ako o hinde, pero mukhang napaka lakas mo talaga Miss Farrah at napaka makapangyarihan mopa, kumpara sayo wala nang makaka higit pa. Kung gusto nyo nga ay pwede nyo akong maging alipin habang buhay. Gagawin ko lahat para sainyo, basta hayaan nyo lang akong mabuhay." Kung ano ano na ang pinag sasabi ni Elder Loyd para makatakas lang sa kamatayan, umiiyak pa nga sya pero ang iyak na ito ay hinde dahil sa galit tulad kanina.

Ang iyak na ito ay dahil takot na takot na talaga sya. Muntikan na nga syang ma-ehi sa kinatatayuan nya buti nalang napigilan nya kasi kung natuloy yun ay sigurado na grabing kahihiyan ang dadalhin nito sa kanya.

"Alipin ba sabi mo? Hmm hehe mukhang kailangan ko nga ng alipin na tulad mo. Sige simula ngayon ay alipin na kita, wag molang subukan na mag taksil saakin kundi patay ka agad sakin." Pagkasabi nito ni Farrah ay ang anino na hugis kutchelyo na nasa leeg ni Elder Loyd ay pumasok sa tenga ni Elder Loyd at pumunta sa utak nya.

"Haaaaahhh! Mi...Miss Farrah a...ano yung pumasok sa ulo ko?" Napasigaw si Elder Loyd pag pasok nung anino sa loob ng ulo nya. "Yun? Isa lang yung asurrance. Para kapag nag traydor ka ay mabilis kitang mapapatay kahit nasaang sulok kaman ng mundo, at oo nga pala wag mong subukan na tanggalin yun kundi bigla yun sasabog at pati ulo mo sasabog kasama nito kaya kung ano man yang nasa isip mo ay kalimutan mona yan." Sabi ni Farrah kay Elder Loyd habang natatawa.

Sa totoo lang nang marinig ni Elder Loyd na kaya syang patayin ni Farrah gamit ang anino na pumasok sa ulo nya ay nag isip na agad sya ng maraming paraan para maalis nya ang anino na nasa loob ng ulo nya, pero nahulaan ni Farrah ang iniisip nya kaya sinabihan nya na si Elder Loyd bago nya paman mapasabog ang ulo nya.

Baka kasi mawalan si Farrah ng alipin na isa sa pinuno ng boong Elf Race, ito ang ayaw nya. Marami pang pwedeng pag gamitan ang posisyon nya sa hinaharap kaya ayaw muna ni Farrah na mawala ang bago nyang alipin.

Nächstes Kapitel