webnovel

XII.

"KUMAIN ka na, o."

Nasa isang tray ang dalawang plato ng kanin na may tatlong piraso ng bacon, isang sunny side-up na itlog, at toasted bread na may palaman na blueberry jam. Nagpabili si Laniel ng isang dress at underwear sa sekretarya niya na kaninang kumatok sa pintuan. Marami siyang palusot noong nag-utos ito na kesyo raw ireregalo niya ito. Saan kayo nakakita ng ireregalong dress na mayroong underwear? Magaling!

Tumango ako sa kaniya bilang tugon. Nasa terrace ako ngayon at pinagmamasdan ang buong siyudad. Maraming sasakyan na nagdudulot sa maitim na usok at nakakarinding ingay na busina.

Lumapit ako sa lamesa kung saan naroon ang pagkain. Iuuwi raw kaagad ako ni Laniel kapag natapos naming ang pagkain. Hindi ko na rin nakuha ang maleta ko kaya wala akong gamit ngayon. Sasamahan daw ako mamaya ni Laniel na bumili ng mga panibagong damit pero umapila ako at mas lalo siyang umapila.

Kumain kami nang tahimik at pinagsaluhan ang pagkain. Natigilan ako sa pagkain ko nang mayroon kumatok sa pintuan.

Nagbukas ito at iniluwa ang isang babae— si Karline, ang kaniyang sekretarya. Lumapit siya sa amin dala-dala ang isang tray na mayroong laman na dalawang tasa. "Ito na po ang hot chocolate niyo Ma'am Carina at hot creamy coffee, Sir Laniel. Enjoy the breakfast po."

Mabait itong sekretarya niya. Sinabi kasi ni Laniel na huwag sasabihin sa nanay niya na may kasama ito at sinunod niya naman. Bihira ka lang makakakita ng tulad nitong si Karline.

Matapos ilapag ni Karline ang mga tasa ay kaagad naman itong umalis. Humigop ako ng kaunti sa tasa ko saka ko tinignan si Laniel at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatingin din pala siya.

"Bakit?" Sabay naming tanong sa isa't isa saka tumawa. Nabalot ng tawanan ang buong opisina niya.

Mayroon ulit kumatok at pinapasok naman ni Laniel. Iniluwa nito ang isang lalaki na may mala-anghel na mukha dahil sa napakaamong aura. May dala ito na maraming kulay putting folder.

"Magpapaprima lang sana po, Sir." Nakayuko nitong sabi. Tumango si Laniel dahilan para lumapit ang lalaki.

"Wala nga pala akong ballpen dito," puna ni Laniel noong makalapit na ang lalaki. "Andrex, pakuha naman ako ng Sargo's pen sa labas. Nasa drawer 'yon."

Tumango ang nasabing Andrex saka lumabas. Lumipas lang ang ilang minuto ay nakabalik na ito.

Pinirmahan ni Laniel lahat ng papel na nasa folder. Matapos mapirmahan ay kaagad na umalis si Andrex. Nagpatuloy kami ni Laniel sa pagkain ng breakfast.

"Ayos ka lang ba diyan?" tanong nito dahilan para kumunot ang aking noo.

"Oo naman. Bakit mo naitanong?" Balik na tanong ko rito.

"Kanina ka pa kasi walang imik simula ng pumasok si Karline rito sa loob ng opisina ko," ani nito.

Umiling ako bilang sagot. Ayoko lang siguro na habang kumakain ng breakfast ay nagdadaldal. Puwede sana kung tanghalian ito o kaya naman ay hapunan. Umagang-umaga magdadaldal ka sa harap ng pagkain?

"Sigurado ka ba? Gusto mo na bang umuwi na muna?" sunod-sunod na tanong nito.

Hindi ako umimik. Ayoko muna kasi talagang umuwi dahil hindi naman alam nila mama at papa na hindi talaga ako nakalipad. Kinakabahan na naman ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam pero nanatiling kabado ako.

"Carina?" Rinig kong tawag nito sa pangalan ko para magising sa katotohanan na may kasama ako at si Laniel ito.

"Laniel, kinakabahan ako. Hindi alam nila mama at papa na hindi ako nakalipad papuntang Thailand. Para akong sinilihan," paliwanag ko rito na nanginginig pa ang boses.

Hinawakan nito ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa lamesa. "Nandito lang naman ako. Hindi kita iiwanan, Carina."

Gusto ko man makampante sa narinig ko pero hindi ko magawa. Nanatili ang kaba ko sa puso na nakakulong sa aking dibdib.

"Nasaan iyang Sir Laniel niyo at iyang manggagamit na babaeng iyan, ha?!" Rinig naming sigaw ng isang babae.

Nagulat si Laniel.

"O, there you are— the both of you," nakangiting sabi ng isang babae na nakapusturang kulay itim na dress na pinaresan ng black stilettos at black hand bag. Naka-ipit itong braid crown na mas bumagay sa kaniyang maroon lipstick, black mascara, pointed nose, and her on-fleek eyebrows.

"Mom," mahinang sabi ni Laniel.

Ngayon ko lang na-realize na si Tita Loraine pala ang batang-bata na babaeng nasa harapan naming.

"Mukhang gulat na gulat ka Laniel? Hindi mob a inaasahan na dadalawin kita rito?" sabi nito saka naglakad papalapit sa amin. "At baka naman puwede mo akong ipakilala sa malanding manggagamit na iyan?"

Natakot ako sa tingin niya. Nakakamatay. Matalim at tila wala kang takas para mabuhay pa.

"Mom, please. Huwag naman dito," natatakot na pakiusap ni Laniel sa ina. Kita ang takot at kaba sa kaniyang itsura.

"So, gusto mo sa labas para kita ng lahat ang palabas?" pamimilosopong tanong nito. "At ikaw, wala ka bang kapal ng mukha para ahasin ang anak ko? Kung inaakala mong may mahihita ka sa kaniya, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yong manahimik ka sa mabaho niyong bahay at matulog. Hindi iyong nakikikapit ka sa mayamang tulad ni Laniel para lang mabuhay. Patay-gutom."

Ramdam ko ang sakit na tumutusok sa aking dibdib. Tinignan ko si Laniel pero wala itong imik. Pinapahiya na ako ng ina niya pero nananatili lang tikom ang kaniyang bibig. Paano niya naaatim na ganitohin ng kaniyang ina? Isa lang ba ang ibig sabihin nito?

"Wala ka pa ring pinagbago, Laniel," sabi ko rito sa mahinang boses saka tumayo at umalis na lamang. Ayokong sumabog at masagot ang ina niya. Kahit papaano ay may respeto pa rin ako rito.

Nächstes Kapitel