webnovel

CHAPTER SEVEN

ROMULUS' POV

"Nanahimik ka yata" hindi na napigilang puna ni Romulus sa dalaga. Nasa may kabilang gilid niya ito at tahimik na naglalakad. Kung titignan ito ngayon parang napaka-kalmado ni Caitlin pero alam niyang isang malaking pagpapanggap lamang iyon.

He knew deep down that she's scared. Still, faking her feelings is the only way she knew how to cope. He couldn't blame her.

"Makakaalis rin tayo dito" mahinang saad niya habang nakatutok pa rin ang atensyon sa dinaraanan nila at hindi sa mukha ng dalaga.

"Kung kaya niyo" nanghahamong sabat naman ni Devon na kasalukuyang naglalakad sa may tabi niya habang ang punyal nito ay patuloy na tumatarak sa may gilid niya. Pero hindi siya natinag. Hindi isang simpleng punyal lamang ang tatapos sa buhay niya.

Nanlilisik ang mga matang tinitigan niya si Devon. Kung wala lang ngayon dito si Caitlin hindi siya mag-aatubiling labanan ito at tapusin na ang buhay nito pero dahil sa kasama niya ang dalaga hindi siya pwedeng magkamali sa bawat kilos niya kundi malalagay ito lalo sa panganib. Isipin pa lamang niyang mapapahamak ang dalaga at malaki ang posibilidad na angkinin ito ni Devon sa oras na maidispatsa siya nito ay sapat na para makapagpawala ng katinuan niya.

Devon will do everything to torment him. At hindi niya aakalaing magkakaroon si Devon ng alas para tuluyan siya nitong pahirapan ng hindi siya lumalaban. Isang alas na alam nitong magiging sanhi ng pagkatalo niya. Kailangan niyang mag-ingat.

He needed to protect her even though she's his weakness. He will gladly do everything just to keep her safe. Caitlin Rose Sinclair is only a mission. At least that's what he thought until he felt something different.

Simula pagkabata pa lamang ni Caitlin ay palihim na niyang sinubaybayan ito, binabantayan na parang isang anino . He's always been tempted to show himself to her—but that would be breaking the rules. At malaki ang posibilidad na matanggal siya sa misyon dahil doon.

Hindi mapigilan ni Romulus na maramdaman ang init na hatid ng katawan ng dalaga lalo na kapag panakanaka ay nagkakadikit ang mga balat nila habang sabay silang naglalakad. Sa pagkakataong iyon hinayaan niya ang sariling namnamin ang init nito na muling nagpatindi sa pinipigilan niyang damdamin— pati na rin ang pamilyar na amoy ni Caitlin—just like a sweet scented flower.

"His Rose" he chuckled with the thought. Siguradong gugulong ang ulo niya sa semento kapag nalaman ni Master Vladimir ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Alam niyang kinakailangan niyang dumistansiya sa dalaga pero may pagkakataon na nawawalan siya ng kontrol, katulad na lang ngayon.

For now, he needed her warmth, her scent because for once…he doesn't want to feel cold and empty anymore.

"Don't worry. I'll protect you no matter what" piping pangako ni Romulus sa dalaga habang pasimpleng tumingin sa direksyon nito bago muling tinutok ang atensyon kay Devon.

Ngumisi ito. Hindi maitatanggi ang karahasan na nangibabaw sa mga mata nito. Kasunod niyon ay bigla itong sumenyas sa lalaking kasalukuyang nasa kabilang gilid ni Rose. Bago pa rumehistro sa utak ni Romulus ang dapat niyang gawin parang may sariling utak ang kanyang katawan, walang pag-aatubili at kasing bilis ng hangin na ipinasanggala niya ang sarili para protektahan ang dalaga habang nakagapos pa rin ang dalawang kamay sa kanyang likod.

Hindi ang madiin na tarak ng punyal sa kanyang likod ang nakapagpatinag sa kalmado niyang isip sa kabila ng sugat na natamo kundi ang impit na tili sa may harapan niya. Nanginginig ang katawan na nakalagapak na semento ang dalaga. At may nagbabadya nang luha sa gilid ng mga mata ni Caitlin habang diretsang nakatitig sa mga mata niya. Sa tuwing tinititigan niya ito, lagi siyang napapako at nahihipnotismo. Ang mga mata nito ang laging nagsisilbi niyang salbasiyon.

Pinigilan niya ang sariling yakapin ito, o kaya'y pahirin ang mga luha ng dalaga. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahit anong emosyon na maglalagay lalo dito sa panganib. Sapat na ang ginawa niyang pagligtas dito kanina para makahalata si Devon hindi niya gugustuhing dagdagan pa ang hinala nito.

"Tsk.Tsk.Tsk..Gusto ko lang namang ipaalala sayo kung sino ang mas nakakalamang sa atin ngayon" nakangising paalala ni Devon. Gustong-gusto na niya talagang pulbusin ng suntok ang pagmumukha nito. "At bakit kaya parang masyado mo namang pinoprotektahan ang pagkain mo?"

Pinilit niyang gawing blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Panandalian niyang isinantabi ang umusbong na nagra-riot na naman niyang damdamin.

Humarap siya dito, walang kahirap-hirap na inalis niya ang pagkakatarak niyon sa kanyang likod at inihagis sa may semento, bago muling tinapatan ni Romulus ang ngisi ni Devon.

Sinigurado niyang may karagdagan iyong sapat na paalala dito

"Hindi ko lang gustong kumalat ang dugo ng alaga ko. Ang tagal ko rin siyang inalagaan at siniguradong malusog ang kanyang pangangatawan sayang naman kung ang patitikimin ko lang ng dugong iyon ay ang maalikabok niyong semento at ang makalawang mong kutsilyo. Kaya kung ako sayo wag mong subukan ang pasensiya ko "

Lalong lumawak ang ngisi nito. "Mukhang pareho tayong hindi makikinabang sa kanya dahil may kalalagyan na yang alaga mo"

Natigilan siya. Anong sinasabi ng basurang 'to?

"Sige na. Dalhin ang mga yan sa seremonya ng pag-aalay" maawtoridad na utos nito

Natigilan siya. Pakiramdam ni Romulus malapit na siyang tuluyang lamunin ng kadiliman at mawala sa katinuan.

CAITLIN'S POV

"A—la—y?" nauutal na ulit ni Caitlin sa sinabi ni Devon. Kung kanina parang wala lang siya sa sarili at hindi man lang niya magawang pumalag o magtanong kung saan ba sila dadalhin ng mga mokong, iba na ngayon. Nang banggitin nito ang mga salitang "seremonya ng pag-aalay" para siyang nabuhusan ng malamig na tubig at nahulasan sa pity party niya sa sarili kani-kanina lang.

Awtomatikong nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan, unti-unting nilukob ng panlalamig ang buong katawan niya. Hindi niya talaga maintindihan pero parang alam na ng katawan niya ang panganib na hatid ng mga binitiwan nitong salita kahit hindi pa talaga ito lubusang maintindihan ng utak niya. Kahit si Romulus—naestatwa sa harapan niya ng marinig ang sinabi ni Devon, kahit hindi nito sabihin sapat na ang simpleng kilos na iyon para maghinala siya ng hindi maganda.

"Tama. Isa ka sa magiging alay. Isa iyong malaking karangalan para sa isang katulad mong hamak na tao lamang kaya wala kang dapat ikabahala. You'll die an honorable death after all" hindi mapalis ang ngiting saad nito.

Baliw talaga ang lalaking ito! Hindi siya makakapayag sa kung anong balak ni Devon at ng mga goons nito.

Sinubukang tumayo ni Caitlin mula sa pagkakalagapak niya sa semento kahit pa hanggang ngayon nararamdaman pa rin niya ang panginginig ng buong katawan lalo na ang mga tuhod niya. Kinakailangan niyang maging matapang kundi mauuwi siya sa kangkungan. At tsaka anong karangalan sa pagkamatay? Duh?! There's not a damn thing honorable with death lalo na at hindi mo man lang makuhang ipaglaban ang sarili mong buhay. She's going to give this asshat a piece of her mind.

"Hindi na kailangan. I heard you loud and clear" biglang tugon ni Devon. "Not a damn thing honorable with death huh?" Devon quoted.

Nanlaki ang mga matang napatitig siya dito. Teka lang! Paano? Paano niya nalaman ang nasa isip ko? Imposible!

Naguguluhang napatanga na lang siya dito. Bilang ganti, pinasadahan naman siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling nag-landing sa mukha niya.

"Hindi ko naman inaasahan na maiintindihan ng isang tulad mo ang paraan ng pag-iisip ko na mas mataas ang level kaysa sa tulad mong isang hamak na tao. Hindi ko maintindihan kung anong nakita sayo ni Romulus at naisipan ka niyang itabi. You really don't look like that much"

This guy is a major douche bag! He pisses me off! Malapit ng sumabog ang bumbunan niya.

"You really talk a lot don't cha? Kahol ka ng kahol nakakarindi"—nagngingitngit na niyang birada. Hindi siya magpapatalo sa matabil na dila ng lalaking ito!

Tumalim ang mga titig nito ngunit bukod doon at sa lalong paglawak ng ngiti nito na parang nasisiraan na ng bait. Wala naman itong ginawang ibang aksyon bukod doon. Hindi katulad ng ginawa ng mga kasama nito kay Romulus kanina.

He's still bleeding. At dahil iyon sa kanya. Jus like what happened before, it's her fault again.

Pero hindi man lang nito ininda ang saksak sa may likod nito.

She hates blood. Tama si Romulus kanina sa sinabi nito tungkol sa kanya.

She's scared of blood.

Blood reminds her of her father's death.

Blood reminds her of her stupidity and helplessness.

Blood is life and death itself.

At noong gabing namatay ang kanyang ama sa harap niya—wala siyang nagawa kundi pagmasdan ito habang naliligo siya sa dugo nito. He died. She was weak, stupid and helpless that night. It was a nightmare—no, it was more than that. At that time—she felt like she was drag down to hell. That memories were her personal hell.

Umabot ng maraming taon bago siya muling nakabangon. Unti-unti tinulungan niya ang sarili.

She's a lot stronger now than before. Naniniwala siya doon.

Alam niyang makakayanan niya iyon. At ngayon na may isang taong—dumadanak ang dugo sa harapan niya ng dahil na naman sa kanya. Bago pa mapag-isipang mabuti ni Caitlin ang kanyang ginawa. Namalayan na lamang niyang hawak na niya ang isang kamay ni Romulus at marahang pinisil iyon. Parang slow motion na nilingon siya nito—habang hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha ng binata.

She couldn't help but smile despite of the situation. Hell! This dude is weird and she's feeling kind of weird too.

Pakiramdam niya nag-iba ang hitsura nito ngayon kaysa kanina. Nag-iba ang aura nito. Ang mga mata rin nito—hindi na kulay pula instead it's a warm shade of honey and sunshine. For a split second, she thought she saw him gaze back at her endearingly. Sa maikling mga segundo nakita niyang may umusbong na emosyon sa mukha nito.

It looks like he is conflicted with his feelings.

"Wag kang mag-alala, nandito ako. You'll be safe" hindi na niya napigilang ibulalas. Awtomatikong lumipad ang kamay ni Caitlin sa kanyang bibig ng ma-realize ang sinabi niya.

He blinked. Dumbstruck. Then suddenly, a smile tugged at the corner of his lips.

"You really say the most foolish things. Of course I'll be safe because I'm too damn good to die. At hindi ka rin mamatay hangga't hindi ko sinasabi" nagmamayabang na pangaral nito sa kanya

"Arrogant much?" naiinis na niyang banat dito.

"Pwede na bang sumingit sa pagmo-moment niyong dalawa?" naiinis ng bulalas ni Devon. Sabay silang humarap sa direksyon nito, at kapansin-pansin na napalis na ang nakapagkit na ngiti nito kanina. Seryoso na ito ngayon habang mataman silang pinagmamasdan ngunit mas tumagal ang tingin nito sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ito makatingin—na parang may hinahanap ito at gustong malaman. Hindi katulad kanina na gusto na siya nitong tirisin.

Awtomatikong hinarang ni Romulus ang katawan nito sa kanya para harangin ang tingin ni Devon.

Matagal na nagsukatan ng tingin ang dalawa ng biglang may nagsalita sa mula si likuran ni Devon.

"Nandito siya Raphael" anang isang lalaki.

"Alam ko" sagot naman ng isang pamilyar na boses.

Kung hindi siya nagkakamali, sila ang sumalubong sa kanilang magkakaibigan sa may entrada. Bigla siyang nakahinga siya ng maluwag. Sa wakas meron na ring dumating para tulungan sila ni Romulus.

Nang makalapit ang mga ito—agad siyang pumunta sa harap ni Romulus at kinawayan ang mga ito.

"Mr. Raphael tamang-tama ang dating mo. Kailangan namin ng tu—"

"Ms. Caitlin Rose Sinclair. Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap sa loob" diretsang imporma nito sa kanya

"Talaga? Kung ganun pwede mo ba kaming tulungan kasi ang mga lala—"

Biglang muling sumingit sa unahan niya si Romulus at sa pangalawang pagkakataon ay hinarang nito ang katawan nito sa kanya. Naiinis na tinapik niya ito pero hindi siya nito pinansin. Nang nagtangka siyang lumusot ulit para pumunta sa unahan ay agad siyang pinigilan nito. Napapagod na sumilip na lang siya mula sa likuran ni Romulus.

"Raphael" Romulus acknowledge lowly. Hindi niya makita ang mukha ni Romulus. At hindi rin niya ma-figure out kung anong nangyayari dito. She couldn't detect any hint of emotion in his voice.

Lumapit naman si Raphael kay Romulus ng ilang distansya at tinitigan ito ng diretso

"Romulus" he answered dangerously low

"And so the infamous rival brothers are now reunited" Devon butted in. Sumingit ito sa pagitan ng dalawa at salit-salitan na tinapunan ito ng tingin habang nakangisi na naman ito hanggang sa muling tumigil ang tingin nito kay Raphael.

"At ano naman ang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay ikaw ang receptionist ngayong gabi?"

Hindi ito sumagot bagkus ay napako ang tingin nito sa direksyon niya. "Ms. Sinclair I'll escort you back to the party. Mr. Mercer is waiting for you"

Mercer? Sebastian Mercer? Yung tinutukoy ni Lors?

Biglang umalingawngaw ang tawa Devon sa bawat sulok ng building. "Ibig sabihin talagang kasali ka sa listahan ng mga babaeng kasama sa seremonya. Your Sebastian Mercer's recruit. At ikaw Romulus—you're here to get her out. Tama ako. There's something going on. You're here to protect her. I wonder why?" ani Devon. Binagtas nito ang maliit na espasyo sa pagitan nila ni Romulus ngunit agad namang nakalayo si Romulus habang kapit-kapit na siya nito sa baywang niya at walang kahirap-hirap na binuhat siya palayo kay Devon.

"Sino ka?" biglang tanong ni Devon. Hindi makasagot si Caitlin. Hindi alam ni Caitlin kung bakit hindi siya makapagsalita. It feels like she forgot something really important.

"Wag ka ng makialam Devon. Ako ng bahala dito" saad ni Raphael kay Devon.

"Stay back Raphael. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka" nagbabantang saad naman ni Romulus dito.

"Pakawalan mo si Ms. Sinclair. Wala ka sa posisyon para bantaan ako. Hindi mo ba nakikitang mag-isa ka lang ngayon?"

"Hindi ko siya bibitawan Raphael"

"Kung ganun wala akong magaga---" hindi na maintindihan ni Caitlin ang nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng dalawa. Parang pakiramdam niya nilamon siya ng kung anong kadiliman na nakapagpahiwalay sa sarili at sa paligid niya.

Wala siyang makita. Wala siyang maramdaman bukod sa matinding sakit na biglang umusbong sa buong sistema niya.

Habang lumilipas ang bawat segundo tumitindi ang sakit na nararamdaman ni Caitlin. At may kung anong boses sa pinakailaliman ng pagkatao niya ang unti-unting nangingibabaw, pilit kumakawala—taking over her mind and her body.

Hindi niya maintindihan pero sobrang sakit. At patuloy na minamarkahan nito ang bawat sulok ng kanyang katawan pati na din ang kaluluwa niya. Torrent of pain crashes in and Caitlin knew she was doomed. She screamed in pain and it felt like she's falling into the deep abyss.

Nächstes Kapitel