webnovel

Chapter 46: ZL House

Louise ko, nagtext ako. Babasahin mo ba?

Napatingin ako kay Yat na katabi ko.

ZzzZzZzZzZ....

Buti naman at hindi nagising. Katabi ko sa isang kwarto si Yat, tapos si Sophi at Chloe naman. Tapos si CeeJay, VJ at Dwayne naman ang magkakatabi sa isang kwarto. Si Zoid, solo. Ayaw nya daw kasi ng may katabi EXCEPT ME. Haha.

Okay, binuksan ko yung text message ni Zoid.

Labas tayo. May ipapakita ako sayo. Make it fast.

Dahan-dahan akong tumayo at kumuha ng jacket. Naka-night gown pa ko.

Pagbaba ko, nakaabang si Zoid. May hawak syang dalawang makapal na jacket.

"San ba tayo pupunta? Anong oras na ba?"

"1am."

"HA?"

"Tahimik!"

"Oo na po. San ba kasi tayo pupunta?"

"Basta." He held my hand then sabay na naglakad palabas ng bahay.

Pagkalabas na pagkalabas palang namin, sumalubong na agad sa'min ang napakalamig na hangin. Grr.

Sinuot ko yung jacket ko, ganun din sya.

"Wear this one. Masyadong malamig. Di kakayanin ng isang jacket." He said, handing me a jacket.

Nung napansin nyang ayaw kong tanggapin, sya na yung nagsuot sa'kin. Naglakad pa kami ng naglakad.

Hindi naman masyadong madilim dahil full moon.

"San ba kasi tayo pupunta? Naka-pantulog pa tayo, oh!" Tinuro ko pa yung mga suot namin habang naglalakad. Naka-PJs lang kasi sya tapos black sando underneath ng jacket.

Hindi naman sya nagsalita at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa.....

bahay ulit?

Parang.. parang ang sarap tirhan?! Ewan. Ganun yung nararamdaman ko eh.

Bungalow house at hindi sya gaanong kalakihan, pero I somewhat feel at home.

Weird >__<

In-unlock nya yun, then pumasok na kami. Pagbukas nya ng ilaw...

Na-amaze ako masyado.

Nakaagaw pansin yung simple pero napakagandang chandelier na nasa ceiling. May pagka-golden white ang kulay. Ang ganda talaga sa paningin.

This house is beautifully built. Perfect ang pagkaka-arrange ng mga fresh flowers na nasa vase. Bagay na bagay sa house type. Simple lang yung bahay, pero mamahalin ang mga furniture.

May dalawang pinto akong nakita. Siguro yung isa bedroom at yung isa naman ay comfort room.

"This house .... is mine." Napatingin ako kay Zoid.

Kitang-kita sa mga mata nya kung gaano nya kamahal ang bahay na 'to.

Pumasok kami sa isang kwarto then umupo sa king-sized bed.

"Matulog ka muna. I will just wake you kapag nandyan na yung ipapakita ko sa'yo."

"Akala ko itong bahay na 'to ang ipapakita mo."

"Yes, it is. Pero meron pa 'kong ipapakita sa'yo."

"Ah. Okay." Pinahiga nya ko sa kama tapos kinumutan.

Humiga sya sa tabi ko tapos niyakap ako.

"Matulog ka na, Louise ko." Utos nya. Nakapikit na sya ngayon.

I slowly nodded then shut my eyes off until I got sleep.

***

"Louise ko, wake up!"

Nakaramdam ako ng may tumatapik-tapik sa  pisngi ko tapos may humahalik sa lips ko.

I opened my eyes then tumambad ang mukha ni Zoid.

"Minamanyakan mo ko, ah!"

He chuckled.

Pumikit ulit ako. Nakakaantok kaya!

"Bangon na! You need to watch something. You surely regret when you miss it."

Dahil sa sinabi nya, I felt excite kaya naman bumangon na  ko.

Binuksan nya yung sliding glass door at diretso sa balcony. I shiever.

Napansin nya siguro yun kaya nilapitan nya ko then wrapped his arms around my waist.

We stood, looking out into the quiet sea.

Nawala ang antok ko nang makita ko ang dahan-dahang pagbabago ng kulay ng ulap. First, there was the dark blue of the evening sky being broken by light blue streaks. Then, nagiging medyo violet, pink and orange ang  horizon.

It was sooooooo breathtaking!!!

"Hang ganda nga, maboy!"

"That scene made this house perfectly built. Hindi gaganda ang bahay na 'to kung wala ang sunrise at sunset view na kitang-kita dito mismo sa balcony exactly where we are standing at."

Silence....

Pinanood pa namin hanggang sa tuluyan ng mag-rise ang araw.

"Grade five ako nung sabihin sa'kin ng parents ko about my disease." He said, out of nowhere.

 "Kaya pala pinagbabawalan nila akong maglaro ng mga outside games. Kaya pala grabe nalang ako pagalitan ni daddy kapag nahuhuli nya kong tumatakbo. Kaya pala madalas sumasakit yung dibdib ko lalo na kapag pagod ako o kaya I'm on too much emotions. Kasi may sakit pala ako. My heart is weak. I am ill." Nakatingin lang sya sa malayo habang nagki-kwento.

"I grew up without any friends. Si VJ ang tumayong bestfriend ko. I'm not allowed to play kasi."

"I feel like loner. May sakit na nga ako, Loner  pa." He let out a fake laugh. "Sinabi ko sa parents ko na I want a house just for me. Yung ako lang yung titira. Yung bahay na pwede kong puntahan when I am down. At dahil sa mahal ako ng parents ko, they gave what I want. This is the place na nakakapag-relax ako. Nakakalimutan ko sa lugar na 'to na I am sick."

Humarap sya sa'kin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kung dati gusto ko mag-isa lang ako dito sa bahay na 'to, ngayon iba na. I wanna live here...

with you. Even if I can't live any longer, I wanna live here with you. Sana pagbigyan mo yung hiling ko."

"I'm willing to live with you whole-heartedly. Kaya sana wag mo ng babanggitin na you can't live any longer. Magagamot ka pa naman eh." Basag ang boses kong sagot sakanya.

Eto na naman. Kaya ayokong napupunta  kami sa ganitong usapan eh. Kumikirot yung puso  ko.

VJ's POV

"Good morning, Labs! Nakita mo ba si Zoid?"

"Bakit?"

"Pinuntahan ko kasi sya kanina sa kwarto nya pero wala sya. Nasaan naman kaya yun?" Umupo ako sa tabi ni labs para magbreakfast.

"Malay ko. Baka magkasama sila ni Zai. Pagkagising ko, wala na sya eh. Tanong mo kay Nany Marie o kaya kay Mang Emong."

"Tinanong ko na. Di rin nila alam."

"Yan! Sabi ko naman kasi sainyo wag nyo ng puntahan kagabi. Naistorbo natin sila. Kaya ayan, humanap ng lugar na walang makakaistorbo." Sabi ni Ceejay. Eh, sya nga yung nagpumilit na puntahan namin sila pinsan kagabi eh!

Sabi nya pa nga, "Puntahan natin yung dalawa sa taas. Baka maging ninong at ninang tayo ng wala sa oras. Di pa 'ko ready."

Kaya ayun, sumunod naman kami sakanya. Tas eto sya ngayon, kami daw ang nagpumilit na puntahan ang dalawa -.- Tch.

"Ano ba yan! Will the two of you stop?! Ang korni nyo!" Half-yell na sabi ni Chloe kila Sophi at  Dwayne.

Pa'no, nagsusubuan. Tch =.=

Palibhasa, wala syang lovelife.

"They're not korni, CG! They are sweet! Palibhasa kasi... wala  kang love life! Hmpk!"

Ayos, ah! Nasa isip ko din yung sinabi ni Ceejay. Atsaka....

"AHAHAHAHHAHAHAHAHHA! Para kang bading, pareng Ceejay!"

***

Natapos na kami maglunch pero wala pa rin sila pinsan at Zai.

Saan naman kaya nagpunta ang dalawang yun?

Nagyaya si Chloe na magswimming, kaya nagpalit kami ng damit into swim wear.

"Andyan na sila Zoid!" Sabay-sabay kaming tumingin sa direction na tinuturo ni Dwayne kung nasaan yung dalawa.

"Oo nga. Puntahan natin!" -Sophi

Tumakbo kami palapit sakanila.

"Zoid, saan kayo galing? Ba't ngayon lang kayo bumalik?" Tanong ni Dwayne kay Zoid.

Yung itsura ni Zoid at Zai ngayon parang wala sa mood. Parang walang energy.

"Basta." Sagot nya na walang kagana-gana.

"Sige, pasok na kami sa loob." Sabi ni Zai then pumasok na sila sa loob ng beach house.

Nagkatinginan kaming anim na nagtataka.

"Pagod lang yung mga yun." Ceejay

"Tara na!" Yaya ni Chloe kaya nagsibalikan na kami sa dagat.

Zai's POV

"Oh, andyan na pala kayo. Kumain na ba kayo? Kanina pa kayo hinahanap ng mga kaibigan nyo." Bungad ni NanayMarie nung nakapasok na kami sa loob ng bahay.

"Kumain na po kami. Sige po, magpapahinga na po ako." Ngumiti ako tapos umakyat sa kwarto.

Simula  nung napag-usapan namin ni Zoid yung about sa sakit nya, parang nawalan na ako ng gana. Kahit masarap yung niluto nyang breakfast at lunch kanina, hindi ako nag-enjoy. Basta tahimik lang ako at hindi ko sya kinakausap.

Kapag nagtatanong sya, dun ko lang sya sasagutin.

Maya-maya, biglang pumasok si Zoid sa kwarto namin ni Yat. Tss. Di manlang kumatok >.<

Tumalikod ako sakanya. I felt his weight on the bed.

"Louise ko, ayaw mo bang mag-swimming?"

Yikes! Blue sea plus white sand! Gusto ko! Gustong-gusto ko!

Pero naman! Parang wala akong energy!

"Ayoko. Ikaw nalang."

Hinawakan nya ko sa balikat at dahan-dahang iniharap sakanya.

"Louise ko, naiintindihan ko kung bakit ayaw mo sa topic na yun. Kaya sige, hindi natin yun pag-uusapan." Humiga sya sa tabi ko at siniksik yung ulo nya sa leeg ko.

Shet lang! I can feel his breathe.

"Maboy, ayokong iwan mo ko." Bigla nalang may luhang tumulo sa mga mata ko.

"Sssshhh.. Wag mo munang isipin yan. Magpahinga ka na."

Tumango ako at pumikit hanggang sa nakatulog na ko.

***

"She's so matagal naman matulog!"

"Quiet! Natutulog ang Louise ko!"

"Okay, fine!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. And as I opened my eyes, agad akong napaupo sa kama.

Pa'no, lahat sila mga nakatingin sa'kin! Ang awkward kaya >___<

"Hay salamat! Nagising din." -Yat

"Bakit nandito kayong lahat?"

"Inaantay ka kasi namin magising." -Dwayne

"Huh? Bakit?"

"Uuwi na tayo." -Sophi

"Bakit naman? Wala pa tayong three days dito, ah?"

Lumapit naman sa'kin si VJ. "Kasi Zai, pinapabalik ng doctor si Zoid."

"Ganun ba?" Tumango silang lahat. "Sayang naman. Di pa ko nag-e-engjoy."

"Pwede ko namang ipagpaliban yun eh. Kung gusto mo dito mun---"

"Hindi na, Maboy. Marami namang next time eh." Nginitian ko sya.

"Teka nga! Bakit nandito kayo? Pwede naman sa baba nalang kayo mag-antay, ah!"

"Hehe. Pinapanood ka kasi ni Zoid matulog kaya nakigaya na rin kami. Tara na nga!" Inakbayan nya si Chloe tapos lumabas na sila. Sumunod naman sila Sophi, Dwayne, Yat at VJ.

Napatingin ako kay Zoid. Nakatingin lang din sya sa'kin.

Napansin ko yung necklace nya. Nakatago pa rin sa loob ng shirt.

"Bakit nakaganyan yung singsing mo? Diba dapat nasa daliri mo yan? Nakatago pa talaga sa loob ng shirt mo."

"Syempre, kapag nakaganito, mas malapit yung singsing sa puso ko."

Napangiti na naman ako.

"So, dapat pala ganyan na din ang gawin ko?"

He chuckled. "Tara na sa baba. Inayos ko na yung mga gamit natin. Ang haba ng tulog mo eh."

Bumaba na kami tapos nagpaalam kila Nanay Marie at Mang Emong na aalis na kami, pero nag-promise naman kami na babalik kami.

Syempre, babalikan pa namin yung tinatawag namin na ZL HOUSE ni Zoid. Hahaha.

Nächstes Kapitel