webnovel

Unang Kabanata

Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang mga tao sa loob ng opisina. Nagbabatuhan ng mga bola at eroplanong gawa sa papel.

Parang mga batang naglalaro. Parang mga batang walang mga trabahong inaalala. Ang saya nila tignan.

"GUYS!!! PARATING NA SIYA!!!" May biglang pumasok sa opisina na nagsisisigaw.

Tumingin lang sa kanya ang mga nakarinig sa bumalik sa pakikipagusap at paglalaro. "Nako James, sinabi mo na yan kanina. Sinong niloloko mo?" Sabi ng isa habang naglalaro ng Mobile Legends.

"GUYS PAPUNTA NA SIYA DITO! NAGTEXT SA AKIN SI RUBY NG 3RD FLOOR TAPOS NA DAW SILA ICHECK, PATI SI LORNA NG 6TH FLOOR. TAPOS KAKATEXT LANG SA AKIN NI WESTON NG 14TH FLOOR NA KAKAALIS LANG NIYA SA KANILA! DITO NA ANG FINAL DESTINATION NIYA!!" Isang babaeng di pa nakababa ang skirt na halatang galing sa cr ang pumasok sa opisina at nagmamadaling nagaayos ng gamit at sarili.

Nagkagulo na sa buong opisina, nagbubungguan at nagaagawan ng suklay ang mga tao, nagaayos ng workstation at ng sarili nila bilang paghahanda sa pagdating NIYA.

Makalipas ang 2 minuto tahimik at maayos na ang opisina, walang umiimik at lahat ay presentable habang nagaabang sa pagpasok NIYA.

Nagaabang sila sa tunog ng takong. Parang tunog ng kadena ni Kamatayan ang tunog na yun para sa kanila.

Unang pumasok si Seb, ang secretary NIYA, pinalakihan niya ng mata ang mga nasa loob ng opisina na para bang nagsasabing 'andyan na siya umayos kayo'.

"Goodmorning." Sabi ni Anatalia pagkapasok ng opisina habang isa isang sinuri ang mga empleyado niya. Nanliit ang mata niya sa isang babae na masyado mababa ang neckline, nilapitan niya ito saka tinaasan ng kilay, "Miss?"

"Policarpio po."

"Miss Policarpio, di ako nagpapatakbo ng bar dito kaya baka gusto mong takpan yang cleavage mo or ako mismo ang magbubutones hanggang leeg mo. Accountant ka, wag mong bigyan ang ibang tao ng dahilan na tignan ka na mas baba pa sa propesyon mo. Pinagaral ka ng mga magulang para galangin kaya umayos ka. Nagkakaintindihan ba tayo?" Umalis siya sa harap ng babae saka tumuloy tuloy sa kanyang opisina.

Pagkapasok niya ay nagumpisa ng mag bulong-bulungan ang mga tao na parang nga langaw, "Napakaconservative talaga ni Ma'am Ana, kaya tatanda yang matanda e! E ano naman kung kita cleavage ko? Paki ba niya? Inggit lang siya kamo!"

Sumang-ayon naman ang mga kausap ni Miss Policarpio, may isa pa ngang lalaki ang pumuri sa kanyang kasexy-han.

Tumikhim naman si Seb, "Tama naman si Ma'am Ana, Dixie. Harsh man ang pagkakasabi niya maganda naman ang gusto niyang ipahiwatig."

"Sus! Sipsip ka lang e! For all I know, pinagnanasaan mo rin ako, di ba Seb?" Yumuko ng kaunti si Dixie sa lamesa ni Seb at pinatong ang parehong kamay dito upang maipit ang dibdib at mas lumalim ang kanyang cleavage.

Di pinansin ni Seb si Dixie at nagpatuloy lamang sa pag aayos ng schedule ni Ana. Biglang tumunog ang intercrom sa lamesa ni Seb, "Miss Policarpio, this is your second and last warning. Kung ayaw mong mawalan ng hininga at trabaho, aayusin mo ang sarili mo. Please stop pestering my secretary and get back to work AFTER fixing yourself. You have 3 minutes."

Napaikot naman ang mata ni Dixie saka binutones ang damit at bumalik sa workstation niya.