webnovel

Chapter 15 BreadWinner

((( Monina POV's )))

Pagdating ko sa bahay. Dinig ko sa labas ang naglalakasang voulume ng sound system ng kapatid ko. Mag-aala-una na di man lang nahiya sa mga kapit bahay! Saka natutulog na sa oras na ito si Papa!

Pagbukas ko nga ng pinto, nadatnan ko silang nagwawala sa kanta ni T*ylor Sw*ft na Black S*pace.

Natigilan sila ng makita ako. Nawala ang galit na boses ng kumakanta. Ako na ang galit ngayon.

"Hi Ate. Pagkain ba dala mo?"

Twenty four na nga ako. At silang tatlo, di nagkalayo sae dad ko. Twenty one. Pinanlakihan ko sila ng mga mata.

"At bakit gising pa kayo!"

"Sa nakiki-uso ate. Tiktok. Baka sumikat kami."

"Nakiki-uso pala." lapag ko ng bibit sa sahig at napakaloskos ng kamay ko. "Assignment niyo nga di niyo amagawa! Wag niying sabihin na di naman kayo makakagraduate sa senior high ngayon!"

"Ate. Relaxs. Ang puso natin."

"Magsipasok na kayo! Catriona! Caroline! Carolina! Dagdag ko pa ang cartolina!"

"Hehe. Si Ate nagpapatawa. Hehehe. Ano dala mo."

"Pasok!"

"Killjoy. Che."

Saka ko inihipan nga ang buhok na gumulo sa mukha ko.

yun lang. Tapos na ang galit-galitan mode ko. Pagod na din naman kasi ako. at lokong loko nga si Kuya gwapo nagawa pang pabitbitin sa akin ang pinamili niya.

Inayos ko ang mga cushion pillow na di man lang inayos ng mga chanak kong kapatid.

Saka nga pinuntahan ko ang mini fridge namin. Tumampad sa paningin ko ang panibagong electric Bill, Water bill, saka notes ng mga kapatid ko.

"Ate Monina, lapit na ng exam namin. For Tuition fee."saka nakasulat ang halaga na kailangan nila.

Nakita ko din ang lalagyan ng gamot ni Papa. Wala na din ang maintenance niya.

Nawala yung antok ko. Hinila ko ang isang upuan sa harapan ng mini dining table nga namin. Kasya lang lima. Si Papa, yung tatlong chanak at ako.

Ginulo ko ang aking buhok na baka nga mahulog ang dandruff ko.

Huminga ako ng malalim at buntong hininga. Saka nga inilabas ko sa aking bulsa yung phone ko. Tinignan ang balance through online ng bank account ko dahil doon dumidiretso ang sabhod ko.

Okey may pera ako… ngunit ng masum up ko ang kailangan naming ngayong buwan… yung allowance ng chanaks at ako din. Mamimilipit talaga ang bulsa ko.

Nang maalala ko ang perang nakuha ko nga ngayong araw!

Thank you Justin Sy.

yun sapat na sa allowance namin. Nakahinga ako.

napapikit at nagdasal bilang pasasalamat kay Papa God.

Matatapos din ito. Wag lang paghinaan ng loob Monina. Kayang-kaya.

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

International_Pencreators' thoughts
Nächstes Kapitel