webnovel

17

Pagkatapos naming kumain ay bumaba na kami. Nagpasubo si John sa'kin at wala akong nagawa kundi gamitin ang kutsara at tinidor sa pag kain ko na ginamit sa pagsubo kay John.

Sa ganoong posisyon, para kaming magkasintahan. Gusto kong dumistansya sa kan'ya pero ayaw n'ya akong hayaan. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang pagkilos ni John.

Nang bumaba kami ay agad naming nakita ang mommy ni John. Bigla akong kinabahan at binigyang distansya ang pagitan namin ni John. At nang makalapit na kami sa nanay n'ya ay hindi magawang tingnan ako nito.

Bumaba ang tingin n'ya sa suot ko at handa na akong tanggapin ang mga salitang walang sawang natatanggap ko parati nang bigla s'yang ngumiti at lumapit sa'kin at hinawakan ako sa balikat at muli akong sinuri.

"Maganda ka naman sana, Hija, kaso bakit ganyan ka mag suot?" Tumingin s'ya sa mga mata ko ng masuyo. "It's okay. I understand. You're not capable of wearing those fancy clothes and I know you're not comfortable."

Nag-iwas ako ng tingin at tumango. "Parang ganoon na po."

Lumayo s'ya ng kaunti sa'kin. "Don't worry, I'll make you comfortable with that."

"Mom. She's not my girlfriend, okay?" Biglang sabat ni John.

"Why not? S'ya 'yong gusto ko. I told you, didn't I?" Tumingin naman ang mommy n'ya sa kan'ya at muling bumaling sa'kin at agad na ngumiti. "By the way, I'm Lucy. John's tita, he always used to call me mommy."

"I'm Emil—"

"No, Don't." Pigil ng tita ni John sa'kin. "I know you already. Didn't John tell you?" Iling lang ang itinugon ko at hindi sumagot. "Well, seems like he's already okay, I'll get you away from him." Bumungisngis ang tita n'ya nang makita namin na lumaki ang mata ni John na para bang bata na inagawan ng chokolate.

"Don't do that to me, mom."

"Wala kang magagawa John. I'm your tita and I'm your mommy." Napailing nalang si John nang hilahin na ako ng tita n'ya papuntang kusina. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang iniasta ni John pero isinawalang bahala ko nalang iyon.

Inisip ko nalang kung ano ang ginagawa namin ng tita n'ya. Gumawa kaming dalawa ng kahit anong pagkain. At dahil hindi ako marunong nun, tinuruan n'ya ako at magaling naman s'yang tumuro. S'ya na siguro ang pinakamagandang tao na hindi nanghagis ng masasakit na salita sa'kin.

Nächstes Kapitel