webnovel

15

Napabuntong hininga ako nang nasa tapat na ako ng malaking gate ng bahay nila. Kinakabahan ako. Baka anong isipin ng mga tao dito sa'kin.

May lumapit na maid sa may gate. "Ikaw si Emelita?"

"Ah—upo."

Tiningnan n'ya muna ako mula ulo hanggang paa at agad kong nakita ang pagkadisgusto ng hitsura ko pero agad din naman iyong pinalitan ng pekeng ngiti. "Halika, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay ni sir."

Napatigil ako. "H-hinihintay?"

"Oo. Nagwawala na 'yon kanina pa. Teka, sino ka ba n'ya? Para ayos ng sakit?" Aniya at bumungisngis.

Ngumiti lang ako sa hiya at hindi nalang pinansin ang isip bata na katulong.

Nang makapasok ako ay nandoon lang ako sa likod ng katulong at sinusundan s'ya. Nang makapasok kami sa bahay—sa malaking mansyon ay agad kong inilibot ang paningin ko. Napaganda talaga ng bahay nila John. Hindi makapagtataka kung bakit puro ingles nalang ang sinasabi ni John.

Umakyat kami ng hagdanan at naglakad sa pasikot-sikot na daanan. Huminto kami sa pinaka-dulo at kumatok naman ang katulong.

"Sir. Nandito na po si Emilita."

Pagkasambit niyon ay may agad na nagbukas sa pintuan mula sa loob ng kwarto at nagulat ako nang biglang humila sa'kin at agad sinirado ang pintuan na nasa likod ko. Hindi ko pa nakikita kung sino 'yon dahil nakapikit ako habang hinihila ako.

"You came."

Napabukas ang mata ko at parang biglang nanghina ang tuhod at buti nalang ay napakapit agad ako sa braso ni John. Napaiwas ako dahil ayokong makita kung gaano ka gwapo si John sa buhaghag na buhok n'ya.

"A‐ano bang nangyari sa'yo kagabi?" Tanong ko.

Umalis s'ya mula sa pagkakalapit sa'kin at pumunta sa malaki n'yang higaan at doon humiga, dumapa. Hindi s'ya sumagot pero hinintay kong magsalita s'ya. Nanatili lang ako kung saan man ako nakatayo at tinititigan lang ang likod ni John.

Ilang minuto pa akong nakatayo doon bago dahan dahang naglakad sa kilid ng kama at umupo doon. Hindi parin umaalis ang tingin ko sa kan'ya hanggang sa hindi ko na mapigilan at haplusin ang buhok n'ya, napakalambot nun. Napangiti ako. Hindi pa din na babawasan ang pagmamahal ko sa kan'ya.

Bigla akong napahiyaw nang bigla n'yang hilahin ang kamay ko na nakahaplos sa buhok ni John dahilan para mapahiga ako. Napakapulupot na ang mga kamay n'ya sa bewang ko habang nakahiga sa tabi n'ya. Agad kong nilayo ang mukha ko nang ilang hibla nalang ang layo ng labi namin.

"A–anong—"

"I got scared, Emy..." mahinang sambit ni John at naramdaman kong bumigat na ang paghinga n'ya, mukhang agad s'yang nakatulog.

Ngayon ko lang narinig na tinawag n'ya akong Emy. At parang musika iyon sa tenga ko.

Tumitig muli ako sa mukha ni John at hindi ko mapigilang makaramdam ng awa. Nakakawa ang mukha n'ya at hindi ko mapigilan ang haplusin ang mukha n'ya. Sa noo hanggang sa tuktok ng ilong n'ya, pababa sa labi n'ya.

Agad kung hinalikan ang noo n'ya at ngumiti. "Balang araw din, masasabi mo din kung anong kinakatakutan mo. 'Wag kang mag-alala, ako ang magpapawala n'yan."

Nächstes Kapitel