webnovel

Chapter 1

Chapter 1:

A Book Filled With Wonders

Glitzie's POV

Umupo ako sa harap ng aking lolo at ngumiti kahit na wala pa ako masyadong ngipin dahil 5 years old palang ako.Pinakinggan ko ang aking lolo sa pag kwento nya tungkol sa mahika at ang mundong "Crystellaria" kung saan siya galing."Lolo!gusto ko din maging magaling na mahikero katulad niyo!"Nakangiti kong sambit at nagtalon talon.Napatawa ang aking lolo at hinawakan ako sa aking kamay."Pagtanda mo iha magiging magaling ka na mahikero...tandaan mo lang na huwag ka susuko ha?kahit mahirap man ang iyong sitwasyon"Nakangiti nitong sambit.

"Opo lolo!gusto ko po maging katulad niyo ni lola na magaling po na mahikero!"Sabi ko at ngumiti ng malaki.Bigla pumasok ang aking lola at tumabi sa aking lolo."Aking asawa...sa murang edad na ito sinasabi mo na sa kanya ang lahat?"Tanong ni lola sa aking lolo."Oo naman aking asawa...para paglaki niya matuto na niya gamitin ang kanyang abilidad at makontrol niya na ang exousia na nagdadaloy sa kanyang katawan"Pagpapaliwanag ng aking lolo ki lola ko."Sabagay pero...di niya pa lubos naiintindihan lahat ng ito baka siya ay malito"Sagot ng aking lola.

Pinagmasdan ko sng kanilang pagsasalita at maliit na alitan."Lola!okay lang po sa akin abg malaman ito sa murang edad ko!curious naman po kasi ako!"Sagot ko at ngumiti sa akong lola.Nakapaghinga ng maluwag si lola at ginulo ang aking buhok."Basta ingat ko sa mga nalalaman mo ha?Huwag mo kalimutan ang mga tinuro saiyo ng iyong lolo"Sambit nito at ngumiti."Opo lola!"Masaya kong sambit at nagtalon talon pa.Nagkwentuhan at laro kami habang pinapalipas ang oras."Anak nakauwi na kami!!"Narinig kong sigaw ng aking mga magulang."Nay at tay!"Masigla kong bati sa kanila.

Nilapitan ko sila at ngumiti.Kinarga ako ng aking ama at niyakap ng mahigpit."Naging mabuti ka ba sa lolo at lola mo?"Tanong sa akin ng aking ina."Opo!"Nakangiti kong sambit sa kanila."Matulog ka na anak"Sambit ng aking papa at binaba na ako."Pero di pa ako nakakaramdam ng tuloy pa at ma!"Malungkot kong sabi."Malapit na kumagat ang dilim nak...baka mapahamak ka pa pag nanatili kang gising buong gabi"Sabi sa akin ng akin ina kaya napanguso ako pero agad na tumango at pumunta sa aking kwarto.Nang makahiga ako sa aking kama ako'y nakatulog.

Nagising ako ng hating gabi ng makaramdam ako ng pagyugyog na parang lumilindol.Minulat ko ang aking mata at naglakad palabas at nakita ko ang aking mga magulang at lolo at lola na may bahind na alala sa kanilang mga mukha.Bumaba ako sa hagdan at nilapitan sila."Mama...papa?Ano pong nangyayari?"Tanong ko."Anak...kailangan na natin umalis..emergency ito halika na..."Sabi sa akin ni nanay."Iha sa Wisteria muna kayo magtira dahil mahahanap lang kayo ng Black Warriors sa Crystellaria"Sabi ni lola sa aking nanay."Sige na halika na kayong dalawa"Sabi ng aking ina sa amin.

"Sandali lang!"Paghabol sa amin ni lolo."Ibibigay na namin ang aming exousia sa inyong anak dahil kami din ay malapit na mawala sa mundong ito"Sambit ni lola sa aking mga magulang."Exousia na dumadaloy sa aking katawan...pinapakawalan na kita...ibinibigay na kita sa aking apo"Sabay nilang bigkas at parehas hinawakan ang kaliwa't kanan kong kamay.Napasinghap ako ng bigla umilaw ang aking paligid at may naramdaman akong parang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.Malapit na akong matumba ngunit sinalo ako ng mga magulang ko."Tapos na iha ang pagtransfer ng exousia"Sabi sa amin ni lolo.

Agad akong hinila ng aking mga magulang ng maramdaman nanaman namin ang pagshake ng aming paligid.Pumunta kami sa library at pumunta sa tapat ng pader.Nagbulong ang aking ina ng mga salita na di ko marinig at biglang bumukas ang pader.Nang makapasok kami agad nagsara yun pader sa likod namin at sinalubong kami ng isang malaking libro.Binuksan ito ng aking papa at may mga salitang binulong hanggang umilaw ito at naging purple.Naging parang portal ito at agad agad naman kami pumasok.Agad lumiwanag ang aming paligid sa bagong mundo.Pinagsanayan ko muna ang aking mga mata sa bagong kapiligiran na napunta namin ngayon.

Pagkapasok namin sa bagong mundong ito ay marami nnagtinginan at nagbulungan."Hala siya pa ang sinasabing magaling na inventor na kayang makipag glitch ng teknolohiya"Narinig kong sabi ng isa."Oo tapos yun isa magaling ireplace ang components sa substances ng iba't ibang bagay!Summoner din siya!"Rinig ko sambit ng kausap nya."Halika na Glitzie kailangan pa natin humanap ng bahay para sa atin pag natili"Sabi ni nanay."Okay po mommy!Halika na po"Sagot ko at nagtakbo sa unahin nila mommy hanggang may nabunggo akong tao.Tumayo ako at agad siya tinulungan."Sorry po!"Sabi ko habang nakangiti.

Kinamot ko gilid ng ulo ko dahil sa hiya."Okay lang iha...parang bago ka dito...may pagtutulugan ba kayo ng iyong pamilya?"Sabi ng matandang babae at tinuro ang aking mga magulang sa likod."Sa totoo lang po...wala po kaya naghahanap po kami ng pagtutulugan"Sabi ko at napanguso."Kung gusto nyo pwede kayo makitulog sa amin...kaso may anak din ako at ako nga pala ay si Aemie Welfares"Sabi ni Aemie at ngumiti sa akin."Opo!Thank you po!Halika na mommy at daddy!"Masigla kong sagot at hinila ang aking mga magulang papunta ki Nanay Aemie.

Naglakad kami papunta sa kanyang bahay na isang mordenong klase."Salamat po sa pagbibigay sa amin ng tulong"Pagsasalamat ng aking ama."Walang ano man yun...ang bait at galang ng inyong anak,siya ay may mabuting puso iho"Sagot ni Nanay Aemie."Salamat talaga po sa tulong na binigay niyo"Pagsasalamat din ni mommy habang papasok kami sa bahay ni Nanay Aemie."Nanay!Ang dito ka na ba?"May narinig kaming sigaw at sunod sunod na mga tunog ng sapatos.Nakita namin na pababa ng hagdan ang isang bata na katulad ko rin.Naghabol siya ng hininga at bahagyang ngumiti.

"Nanay!May bisita pala di mo po sinabi sa akin!"Sabi muli ng bata at nagsimangot."Anak mananatili muna sila sa bahay natin hanggang kailangan na nila umalis ha?"Sagot ng kanyang nanay at tumango na lamang yun bata."Ako nga pala si Amethyst Mae Welfares!Sana makilala pa kitang lubos!"Masiglang pag papakilala sa akin ni Amethyst at nakipagkamayan."Ako si Glitzie Saifie(Sci-Fi) Anderson at sana maging matalik kitang kaibigan!"Pag papakilala ko din."Amethyst ipakita mo sa kanila kung saan ang kwarto nila"Paguutos ni Aemie ki Amethyst."Okayyy mommy"Sabi ni Aemie at nagsimulang lumakad

Naglakad kami patungo sa isang kulay asul na pintuan at ito ay binuksan ni Amethyst."Ito nga pala ang kwarto niyo sana magustuhan niyo"Sambit ni Amethyst at pinagmasdan ko ang tatlong kama na nasa loob ng kwarto at mga cabinet at drawers at meron rin pintuan na patungo sa isang CR."Nagustuhan niyo ba?"Pagtanong sa amin ni Amethyst."Oo naman"Sabay sabay namin sagot at napangiti na pinagmamasdan ang kwartong iyon.Agad kami pumasok at napahiga nalang ako sa aking kama sa pagod habang nagaayos ng gamit ang aking mga magulang.Nakaramdam ako ng matinding pagod na nagresulta sa pagkaantok.

Unti unti akong napatulog at nilamon ng kadiliman.Nabalutan ng itim ang aking paningin at nakita ko ang sarili ko na nakatayo kaharap ang isang tao na naka maskara na may kakaibang aura ang nakalibot sa kanya."Bat mo to ginagawa sa akin?!"Pasigaw kong tanong habang unti unti na tumutulo ang aking mga luha.Nagtaka ako sa aking sarili bat ganito ang aking sitwasyon?Alam ko isa lang tong panaginip pero nakakabigay siya ng goose bumps.Tumawa ng malakas ang taong naka maskara at lumapit sa akin."Simple lamang...ikaw ay isang espesyal na bata"Natatawang sagot niya sa aking naguguluhang tanong.

"Ano ba ang espesyal sa akin?!Isa lang naman ako normal na alchemist sa mundong ito!"Pagsigaw ko habang naghuhulog na ang aking mga luha galing sa mga mata ko.Biglang nagliwanag ang lahat at inimulat ko na ang aking mga mata.Napasinghap ako at napahawak sa aking dibdib sa lakas ng tunog ng aking puso."Anong klaseng panaginip yun?"Naguguluhan kong tanong sa sarili ko.Muli akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo at makapagpalit ng damit.Pagkatapos nun ay bumaba na agad ako sa kusina at sinimulan kumain ng niluto para sa amin ni Nanay Aemie."Ang sarap naman!"Sambit ko.

Pagkatapos ko kumain ay agad kami lumabas ni Ate Amethyst dahil 6 na siya habang ako 5 palang."Tingnan mo Glitzie!"Sambit niya sa akin at kinuha ang kanyang broom at sumakay doon."Ingat ka Ate Amethyst!"Sigaw ko kasi naglutang siya sa ere gamit ang broom at nagikot ikot pa.Namangha ako sa kanyang galing at nagpalakpak pa."Ang galing mo Ate Amethyst!Idol talaga kita eh!"Sambit ko at ngumiti.Niyakap niya man ako ng mahigpit at nginitian akong malaki....Makalipas ng ilang taon ay 16 years old na ako at nakapagpraktis lang ako ng mga spells para sa witches.

Di ko gaano man napraktis ang aking exousia dahil hindi kami pinapapraktis ng ganun sa bayan ng Wisteria dahil witches lang ang laman ng bayan na ito at hindi mga alchemists o taga gamit ng exousia pero ngayong araw sabi sa akin ng aking mga magulang makakapunta na kami sa bayan ng Crystellaria kaya masaya ako ngayon na nagiimpake ng aking mga kagamitan na aking ginamit habang nanatili kami sa bahay nila Nanay Aemie."Bilisan mo na pag impake mo Glitzie nak!"Narinig kong sigaw ng aking ina kaya binilisan ko at agad ng bumaba para kumain ng pang umagahan.

"Oo nga pala nak....iiwanan namin ikaw sa iyong paaralan may dorms naman doon tapos babalik kami rito dahil may aayusin pa kaming mga bagay bagay...ingat ka ha?"Sabi sa akin ng aking ama at tumango naman ako at tinuloy ang pagkakain.Nang makatapos ng pagkakain ay pumunta na kami sa labas habang dala dala ko ang aking mga maleta habang kasama si ate Amethyst na 17 years old na papunta nga pala kami sa "Crystal Rose Academy" at doon na kami magaaral na magkasama.Naglapit kami sa portal at pumasok doon ng makapasok na kami ay nagliwamag ang buong paligid.

Pagkabukas ko ng aking mga mata nagbungad sa amin ang isang malaking paaralan at agad agad naman na kami pumasok at nagtungo sa Principal's Office."Magandang umaga!Ayy William ikaw pala...handa mo na ibigay sa amin ang iyong anak?"Sambit ng Principal."Oo naman Isabelline kasi nagsimula na.."Sagot ng aking ama at malungkot na tumingin sa mata ni Mrs.Isabelline."Oo nga Isabelline...nagsimula na..natagpuan nya na kami"Sagot muli ng aking ina."Sige na..alam niyo na ang kanyang kapangyarihan?"Tanong muli ni Mrs.Isabelline."Hindi pa eh...tulungan niyo siya please naman Isabelline"Pagmamakaawa ng aking ama.

"Hello po!Ako po si Glitzie Saifie Anderson!"Masigla kong bati ki Mrs.Isabelline."Glitzie...sige na samahan ka na ni Amethyst sa Division mo.."Pagsabi sa akin ni Mrs.Isabelline."Division?ano pong division ko?"Pagtataka kong tanong."Nasa Warrior division ka...ang pinakamababang division dahil ikaw ay freshmen lamang"Sagot nito at binigyan akong matamis na ngiti."Nasa Elite Division na nga pala ako Glitzie!"Pagkwekwento sa akin ni Ate Amethyst."Halika na...hatid kita sa dorm mo..."Sabi muli ni Ate Amethyst."Paalam muna ako sa aking mga magulang Ate Amethyst!"Naka ngiti kong sambit ki Ate Amethyst ko.

Nilapitan ko sila mommy and daddy at niyakap sila ng mahigpit."Paalam po mommy and daddy!Visit ko po kayo pag break namin po"Naluluha kong sambit at binitawan na ang pagyayakap sa kanila."Paalam anak"Sabay nilang bigkas na nagpaluha sa akin.Umalis na lang ako sa kanilang harap at sinundan si Ate Amethyst papunta sa aking dorm."Ate Amethyst sng dito na ako sa dorm ko sige na paalam na po"Sambit ko at kumaway kaway habang palakad na siya palayo sa akin.Pagbukas ko ng pinto ay may nagbunggad agad sa akin na isang babae..."Hi ako nga pala..."

Nächstes Kapitel