webnovel

Chapter 29

Madami ng tao sa convention hall ng dumating sila Axel at Dani sa lugar. Ang iba ay nasa registration table. Ang iba ay nasa mga booths. Ang iba naman ay naghihintay na sa kani kanilang mga table.

Nang pumasok sila Axel at Dani sa hall ay nakatingin sa kanila ang lahat ngunit di nila magawang lapitan dahil sa mga bodyguards na nakapaikot sa kanila.

"Grabe, ang tindi ng security nila." Sabi ng isang businessman. "Di mo ba napanood yung video ng karera nila? Muntik na silang masaktan dahil pinagkaguluhan sila ng mga manonood noon." Sabi ng katabi. "Oo nga, kaya siguro ganyan ang mga bodyguards nila."

Dumiretso si Axel sa backstage na kasama ang dalawang bodyguards. Tinawag siya ng isang usher para maghanda na sa kanyang speech. Naiwan naman si Dani sa table kasama ang limang bodyguards. Naiilang man si Dani ay wala siyang magawa.

Nagsalita na ang organizer ng convention na mag-uumpisa na ang program. Matapos ang opening speech ay ipinakilala ng si Axel.

"Ladies and Gentlemen, we are all lucky to have them as our speakers, the most sought after bachelor of the country but sorry for the ladies but he's already been caught recently. And the most eligible bachelorette na recently lang din nagpakita and was already taken too." Sabi ng emcee at ang lahat ay tumawa. "Originally, it was planned that they will be having separate speeches but the organizers thought that it would be more exciting if we will allow them to talk about their business at the same time." Patuloy na sabi ng emcee. Kumunot ang noo nila Axel at Dani at nagkatinginan silang dalawa.

"Please welcome, let's give them a round of applause, Mr. Axel Monteclaro and Miss Daniella Monteverde." Sabi ng emcee at ang lahat ay nagpalakpakan.

Kahit nagulat ay lumabas si Axel galing sa backstage at sinundo si Dani sa kinauupuan nito. Kinilig ang lahat sa ginawa ni Axel. Lalo silang kinilig ng maglakad ang dalawa papunta sa stage na magkahawak ang kamay.

"Well, we didn't expect na ganito ang mangyayari but it's ok. It would be my pleasure na magbigay ng speech na katabi ko ang nag-iisang babae sa buhay ko." Sabi ni Axel. Nagsigaway ng panunukso ang mga attendees na ikinapula ng mukha ni Dani. "Thank you for giving us this opportunity to talk infront of you and we're hoping that it will inspire you to continue persevering and your diligence towards your businesses." Sabi ni Dani at muling nagpalakpakan ang lahat.

Halos lahat ay masaya at pumapalakpan, maliban sa isang babae na masama ang tingin kay Dani.

Nang matapos ang dalawa sa maikli ngunit kapupulutan ng aral na speeches ay bumaba na sila mula sa stage. Kinamayan sila ng ibang mga speakers pati na din ng mga organizers na kasama nila sa table.

Halos tanghalian na ng matapos ang unang part ng program. Ang lahat ay pumunta na sa buffet table ng i-aanounce ng emcee na pwede ng mag-lunch. Busy sa pagkuha ng pagkain sila Axel at Dani ng biglang may kunyaring natapilok at mabubuhusan sana ng mainit na soup ang likod ni Dani pero nakita ito ng isang attendee at sumigaw. Nakaiwas si Dani pero inabot pa din ang kamay niya. Dali dali naman silang napalibutan ng mga taong nag-aalala kaya nakalayo agad ang babae na may dala ng soup.

Lumapit agad-agad ang mga bodyguards upang ilayo ang mga tao at bigyan ng daan sila Axel at Dani.

"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Axel. Nakangiwi si Dani dahil ramdam niya ang hapdi at init sa braso na dulot ng mainit na soup. Walang sabi sabing binuhat agad ni Axel si Dani at lumabas ng hall.

"First degree burn, Mr. Monteclaro. I will prescribe her a pain reliever, an antibiotic, and an ointment to soothe her skin and relieve pain. I will also put a loose gauze to protect the affected area but be sure to change it twice a day." Sabi ng doctor na nagpapacute kay Dani. "Thank you doctor for assisting my wife." Sabi ni Axel na ikinasamid naman ng doctor. Nangiti naman si Dani sa reaction ng batang doctor.

"Sir." Tawag ng head bodyguard kay Axel na si Dalton. "Sir, hindi po aksidente ang nangyari. Base po sa cctv footage ay mukhang sasadyain po ang pagtatapon ng soup kay Ma'am Dani." Report ni Dalton kay Chase.

Bago nila dalin si Dani sa pinakamalapit na hospital ay inutusan niya si Dalton na tingnan ang cctv ng hotel. May pakiramdam siya na may kakaiba sa nangyari kanina dahil wala naman siyang nakitang maaring makatalisod sa kung sino man ang may pakana ng pakakabanli kay Dani. Maayos ang mga silya at lamesa. Maayos ang mga tiles. Maayos din na nakapila ang lahat.

"Ok, padala mo sa akin ang copy ng footage. Wala kayong babanggitin na kahit ano kay Dani." Sabi ni Axel na tinanguan ni Dalton.

"May problema ba?" Tanong ni Dani. "Wala naman, napakaclumsy mo lang talaga." Sabi ni Axel. "Ako na ang natapunan, ako pa clumsy?" Maang na Tanong ni Dani. Ngumisi si Axel. "Mag-settle lang ako ng bill sa cashier. Huwag kang aalis dito hanggang wala ako, ok?" Sabi ni Axel. "Ano ako, bata?" Tanong ni Dani. "Basta huwag ng matigas ang ulo. Simula ngayon ay hindi ka dapat mawala sa paningin ko." Sabi ni Axel na tinawag ang dalawang bodyguards. "Para naman akong preso nito na kalalabas lang ng kulungan!" Sabi ni Dani na ikinangiti ng dalawang bodyguards.

"Uncle, uuwi na po kami ngayon din." Sabi ni Axel. Minabuti ni Axel na ipaalam kay Arthur ang nangyari. Habang papunta siya sa cashier ay tinawagan niya ito. "Bakit, may nangyari ba?" Kinakabahang tanong ni Arthur. Nakikinig din si Benjamin. Magkasama sila at naglalaro ng golf.

"Ipapadala po sa inyo ni Dalton ang kopya ng cctv footage ng hotel. Pagbalik po namin ay saka natin pag-usapan kung ano ang dapat gawin. Huwag mo na po ninyong sabihin kay Auntie at Mama. Wala pong alam si Dani sa nangyari." Sabi ni Axel. "Ok, iho. Hihintayin na lang namin ang pagdating ninyo." Sabi ni Arthur.

"Bakit? May nangyari sa Cebu?" Takang tanong ni Benjamin. "Mukang may nangyari. Hintayin na lamang natin si Axel." Sabi ni Arthur.

Pagtapos magbayad ni Axel ng bill ni Dani ay agad agad silang bumalik sa hotel. Nagtaka si Dani ng sabihin ni Axel na babalik na sila sa Manila pero ng sabihin ng binata na para maiwasan ang infection ng kanyang sugat ay hindi na siya nagtanong muli. Nagtaka din siya na mas humigpit ang pagbabantay sa kanila ng mga tao ni Dalton, higit sa kanya.

"May problema ba?" Tanong ni Dani ng nasa loob na sila ng kotse papuntang airport. Ngumiti sa kanya si Axel. "Wala naman, bakit?" Tanong ni Axel. "Para kasing may nabago magmula nung nabanlian ako sa hotel." Sabi ni Dani. Pinitik ni Axel ang noo ni Dani. "Aray!" Sabi ni Dani na hawak ang noo. "Sobrang panonood mo ng mga detective files kaya kung anu-ano naiisip mo." Sabi ni Axel. Inirapan lang siya ni Dani.

Lalong nagulat si Dani ng pagdating nila sa airport ay hindi na sila sa eroplano sasakay kundi sa isang private jet. "Ang OA ninyo ha? Ikaw na mayaman!" Sabi ni Dani. Natawa si Axel at inakbayan si Dani. "Ganyan kita kamahal kaya diyan kita isasakay. Bayaran mo ko ha pagsweldo mo, mahal kaya arkila ko diyan." Sabi ni Axel. Siniko siya ni Dani pero inakbayan niya pa din ang dalaga hanggang sa makasakay sila.

"Sa susunod hindi lang soup ang ibubuhos ko sa iyo, Daniella Monteverde!" Sabi ng isang anino.

Nächstes Kapitel