Pagdating nila Dani at Axel sa hotel ay dumiretso na agad sila sa kanilang suite room. Pagpasok nila sa loob ay hinawakan ni Axel si Dani sa balikat at iniharap sa kanya.
"Ok ka lang?" Tanong ni Axel at tiningnan mula ulo hanggang paa si Dani. "Namumutla ka, ok ka lang?" Pag-aalala ni Axel. Tumango si Dani. "Nagulat lang siguro ako kanina. Hindi kasi ako sanay na pinagkakaguluhan ng mga tao." Sabi ni Dani. Niyakap siya ni Axel. "Sorry, kasalanan ko ito." Sabi ni Axel at hinalikan si Dani sa noo. "Pareho natin kasalanan. Hindi tayo nag-ingat." Sagot ni Dani na nakaramdam ng pagkalma sa yakap ni Axel.
"Sige na, maligo ka na. Magluluto muna ako para may makain tayo." Sabi ni Axel at tumango si Dani at pumasok na sa kwarto. Bago pumasok sa CR, naupo muna si Dani sa gilid ng kama. "Ha'ay, ang hirap naman ng pinasok ko na ito." Sabi niya sa sarili at bumuntong hininga.
Pagkatapos maligo ni Dani ay lumabas na siya. Nakatapos na din sa pagluluto si Axel. "Ligo muna ko tapos saka tayo kumain." Sabi ni Axel. Tumango naman si Dani at naupo sa sofa.
Paglabas ni Axel ng sala ay nakita niya si Dani na tulog na sa sofa. Ngumiti siya at nilapitan ito. Binuhat niya si Dani para dalin sa kwarto. Para naman bata si Dani na sumiksik sa katawan ni Axel. Nang maibaba ni Axel sa kama si Dani ay kinumutan niya na ito at lumabas para ilagay sa ref ang nilutong pagkain.
Pagkahiga ni Axel sa kama ay otomatikong sumiksik muli si Dani sa katawan niya. "Alam mo ba kung gaanong pagpapahirap ang ginagawa mo sa kin gabi gabi?" Mahinang bulong ni Axel. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na din si Axel.
Nagising si Dani ng wala na si Axel sa tabi niya. Bumangon siya at pumasok sa CR para maligo at maghanda sa pagpasok. Nagulat si Dani ng paglabas niya ay nasa kusina si Axel at busy inaayos ang umagahan nila. Pinagmasdan niya ito at di niya namalayang nakatulala na pala siya.
"Tulo laway." Sabi ni Axel na nagpagising sa diwa ni Dani. Wala naman sa loob ng pinunasan ni Dani any bibig niya. Isang malakas na tawa naman ang ginawa ni Axel. "Ikaw talaga!" Sabi ni Dani. Kukurutin niya sana si Axel ng biglang umiwas ito. Kaya naghabulan silang parang mga bata sa kusina.
"Kumain na tayo." Pigil ni Axel kay Dani na patalikod niyang niyakap. Napansin ni Dani na may mga maliit na sugat si Axel sa braso. "Anong nangyari sa mga ito?" Tanong ni Dani na humarap kay Axel. "Di ko din alam. Hayaan mo na. Malayo yan sa bituka." Sabi ni Axel at inilalayan na si Dani para umupo.
"Ininit ko na lang yan ha? Tinulugan mo ako kagabi." Sabi ni Axel. "Sorry ha." Sabi ni Dani. Tumango si Axel at nilagyan na ng pagkain ang plato ni Dani.
"Nga pala, nasaan na yung dalawang crew?" Tanong ni Dani ng mapansin na wala ang dalawang babae na lagi nakaalalay sa kanila. "Dumating sila kanina. Sabi ko pwede hindi na sila pumasok dito at bumalik na sa dating trabaho. Lilipat naman na tayo next week di ba? Gusto mo bang kumuha ako ng kasambahay?" Tanong ni Axel. "Hindi na kailangan, lagi naman tayong nasa PGM. Yung maglilinis na lang siguro ng bahay. Tapos laundry na lang natin mga damit natin." Sabi ni Dani.
Nangiti si Axel. Kumunot naman ang noo ni Dani. "Para na tayong tunay na mag-asawa. Kasal na lang ang kulang." Sabi ni Axel. "Basta yung usapan natin!" Sabi ni Dani. "Anong usapan?" Inosenteng tanong ni Axel. "Hiwalay na ang kwarto natin di ba? Ako nanalo sa karera kaya hindi na tayo magkatabi pag uwi natin sa bahay mo." Sabi ni Dani. "Sigurado ka ba na kaya mong wala ako sa tabi mo?" Tanong ni Axel. "Oo naman! Bakit hindi?" Sabi ni Dani. "Tingnan natin." Sabi ni Axel.
"Good morning, madam." Bati ni Aubrey sa papasok na si Dani. "Saan si Axel? Tanong nito. "Dumiretso na sa site. "Congrats nga pala!" Sabi ni Aubrey. "Salamat." Sagot ni Dani. "Eh di sa linggo sa Holy Angels ulit tayo?" Tanong ni Aubrey at tumango si Dani. "Nasaan si Cleo?" Tanong ni Dani. "My dinalang documents kay President." Sagot ni Aubrey. "Pakisabi na tumawag sa orphanage para inform sila Na dadating tayo sa Sunday." Sabi ni Dani. "Ako na tatawag." Sagot ni Aubrey.
Pagbalik ni Cleo ay nakasabay niya si Axel na papasok sa elevator. "Axel, sabi ni President gusto daw niya kayong makausap ni Dani." Sabi ni Cleo. "Bakit daw?" Tanong ni Axel. "Hindi sinabi eh." Sagot ni Cleo.
"Oh, tapos ka na agad?" Tanong ni Dani ng makitang kasabay ni Cleo na pumasok si Axel sa kanyang opisina. "Namiss na kita eh." Nakangiting sabi ni Axel. "Puro ka talaga kalakohan." Sabi ni Dani. "Ang daming langgam dito, Cleo!" Sabi ni Aubrey. "Ang haba ng hair mo Aubrey, pakitabi nga at baka matapakan ko." Sudlong ni Cleo. Nangingiti na lamang si Dani sa tukso ng mga kaibigan.
"Dan, kausapin daw tayo ni Uncle." Sabi ni Axel. "Ay, oo nga, nawala na sa loob ko." Sabi ni Cleo. "Bakit kaya?" Tanong ni Dani na ikinibit balikat lang ni Axel.
Kumatok si Dani bago buksan ang pinto ng opisina ng kanyang mga magulang. Nagulat silang dalawa ng makita na nasa loob din ang mga magulang ni Axel. Nagbigay galang ang dalawa at sabay na umupo.
"May problema ba, Dad?" Takang tanong ni Dani. "Anong ngyari kagabi?" Seryosong tanong ni Arthur. Nagkatinginan ang dalawa. "May invitation kasi kami ni Axel sa karera." Sabi ni Dani. "Pagkatapos?" Sabi ni Arthur. "Nanalo kami, Dad." Masayang balita ni Dani.
"Nag-usap na kaming apat kagabi. Dadagdagan namin ang inyong mga bodyguards lalo at lalabas kayo ng opisina. Hindi na din kayo pwedeng sumali sa mga karera." Sabi ni Arthur. "Pero, Dad! Alam mo na doon ko kinukuha ang fund ng Holy Angels." Sagot ni Dani. "Paano kung wala ang mga bodyguards doon kagabi? Sa palagay mo, makakalabas kayo ng hindi nasasaktan sa lugar na iyon?" Medyo tumaas na ang boses ni Arthur. Sasagot pa sana si Dani pero hinawakan na ni Axel ang kamay niya.
"Tingnan mo ang mga sugat sa kamay ni Axel. Baka sa sususnod ay di lang iyan ang mapala ninyo sa karerang iyan." Patuloy ni Arthur. "Iha, para sa ikabubuti ninyo ito. Hindi ka na simpleng tao lamang." Sabi ni Eleonor. "Anak, sundin mo muna ang Daddy mo." Sabi ni Esther.
"Don't tell me, sa linggo ay pagbabawalan nyo din ako na puntahan ang mga bata." Sabi ni Dani. Tumingin sa kanya sa Axel. "That will be the last time. Magbibigay na lang ang mall ng monthly budget para sa kanila." Sabi ni Arthur. Biglang tumayo si Dani ng hindi nagsasalita at lumabas na sa opisina ng ama.
"Don't worry, Uncle, kakausapin ko siya." Sabi ni Axel at sinundan na si Dani.
"Hindi ba masyadong hinigpitan mo naman si Dani, Pare." Tanong ni Benjamin. "Natatakot ako para sa kapakanan niya. Maiintindihan niya din ako." Sagot ni Arthur.
Inabutan ni Axel si Dani sa elevator. Inakbayan niya ito.
"Ganito ba talaga ang mundong ginagalawan mo?" Tanong ni Dani. "Don't worry, masasanay ka din." Sabi ni Axel. "I can't sacrifice the children's welfare. I love them and I can't bear not to see them at least once in a while." Malungkot na sabi ni Dani. "Sabi naman ni Uncle ay magbibigay siya ng monthly allowance and don't worry, I'll give my share too. Saka kakausapin ko si Uncle na once a month ay pupunta tayo sa orphanage." Sabi ni Axel. Nagliwanag ang mukha ni Dani. Napayakap siya kay Axel at hinalikan sa pisngi.
"Thank you, thank you." Sabi ni Dani na nakayapakap pa din kay Axel. "Pwede dito pa?" Sabi ni Axel na nakaturo sa kanyang bibig. "Sobra ka na ah! Nakaisa ka na nga nung isang araw ha!" Sabi ni Dani na ikinatawa ni Axel. "Oh, sige, yakap na lang." Sabi ni Axel at hinigpitan ang pagkakaikot ng mga kamay niya sa bewang ni Dani.
"Sama ka sa linggo ha?" Sabi ni Dani ng palabas na sila ng elevator. "Sure! Pero kiss muna." Sabi ni Axel na nakanguso any bibig. "Ewan ko sayo." Sabi ni Dani at lumayo na kay Axel. "Hindi na, tara na dito." Sabi ni Axel at hinawakan ang kamay ni Dani saka hinalikan ito. "Ang haba talaga ng buhok ko." Sabi ni Dani sa sarili na kilig na kilig.