webnovel

Mutual

Aliyah's Point of View

NAGMAMADALI kong hinigit ang kamay ni Chuchay para makalabas na kami. Nagulat pa nga sya sa ginawa ko dahil natigagal din sya sa eksenang nasaksihan.

Well, sino ba naman ang hindi magugulat kung makapanood ka ng live na kissing scene?  eh sa tv screen lang yata nakakita nun itong si Chuchay.

Hindi naman nahalata ni Chuchay na umiiyak ako, kuntodo iwas kasi ako na makita nya ang mukha ko. Pagdating sa gate ay nagpasalamat lang ako sa kanya at nagmadali na ako na lumabas.

Nakakailang hakbang palang ako palayo sa bahay nila Onemig nang makarinig ako ng pagtawag.

" Ali! " sa klase pa lang ng pagtawag sa pangalan ko at ang pamilyar na boses ay alam ko na kung sino. Hindi ako huminto at hinayaan ko sya.

"Ali wait! " this time hindi na ako nakasulong dahil maagap nya akong nahigit sa braso.

Hindi ako kumikibo. Nanatili lang ako na nakayuko. Naririnig ko pa ang malalim na paghinga nya.

" I'm sorry. I know, you saw us a while ago but it's not what you think it is. Nagulat din ako sa ginawa nya. " paliwanag nya pero hindi pa rin ako kumikibo. Hindi ako makapagsalita dahil mahahalata nya na umiiyak ako.

" Hey! Galit ka ba? Sorry na baby. "

Tse!  babyhin mo mukha mo!

Maharot!

" Sige na Uno, uuwi na ako hinihintay na ako ni daddy. "tumalikod na ako ng hindi sya tinitingnan.

Hindi pa ako nakakaisang hakbang ng magsalita syang muli.

" Bakit ka umiiyak? Galit ka nga siguro. " turan nya.

" Ako umiiyak? Hindi noh! Asa ka pa. " nayayamot kong turan.Hindi ko pa rin sya nililingon.

" Hindi daw eh halata sa boses mo. Kilala kita Ali, from head to toe. " wika nya na may amusement sa tono ng pananalita nya.

" Eh di shing! Ikaw na! "

" Talaga naman eh. " sagot nya. Teka bakit parang ang lapit na nya? Pumihit ako. Gayun na lang ang pagkagulat ko ng halos magkadikit na ang mukha namin. Lumayo ako ng bahagya sa kanya.

" See? Tama ako di ba? Umiiyak ka nga. " turan nya habang pinupunasan ang mga luha na naglandas sa pisngi ko.

" Kasi naman ikaw eh! " halos mapapadyak na ako sa inis.

" Sorry na nga kung nagselos ka. "

" Gagi hindi ako nagseselos noh! " sige lang Liyah deny ka pa.

" Eh bakit ka umiiyak kung ganon? "

" Wala! Naaawa lang ako dyan sa mga labi mo, baka may kalyo na.  Kawawa naman yung magiging asawa mo,  laspag na yan. "

" What? " gulat na tanong nya tapos parang gusto nyang matawa pero pinipigilan lang. 

" Wala! kung hindi mo narinig ayaw ko ng ulitin. Babye na. " inirapan ko sya tapos tumalikod na ako para maglakad pauwi.

" Sweetie ano ba?  mag-usap muna tayo! " humabol sya sa akin.

" Hon nasaan ka? Hatid mo na ako! " boses ni Monique yong narinig ko. Lumingon ako at nakita kong palabas na sya ng gate nila Onemig.

" O hayan hatid mo na daw yang jowa mo. Sige na tsupi na! Wag mo akong intindihin, makakaraos din."

" Sweetie! " napapakamot na lang sya sa ulo nya dahil sa mga pinagsasabi ko.

" Sweetiehin mo yang mukha mo!  Talipandas na maharot! "

" Mag-uusap tayo bukas Aliyah Neslein. " seryosong turan nya, halos umigting na ang panga. Hala napikon na yata, binuo pa pangalan ko eh. Pero wapakels ako kung napikon na sya, ang intindihin nya yung inis ko.

Hindi na ako umimik, sa halip nagmartsa na ako pauwi.

Huh! Magsama sila ng honey nya. Kahit maglaplapan sila buong magdamag, wala akong pake!

Talaga ba Liyah? Eh bakit nagpupuyos ka sa inis dyan?

Sinong naiinis? Hindi ako naiinis. Hindi..  Ako..  Naiinissss. .  .

-----------

ALAS singko ng madaling araw kinabukasan ng marinig ko ang busina nila Onemig sa labas. Mabilis na kaming nagpaalam ni Tin kila mommy at daddy na syang nagising para asikasuhin kami.

Narinig kong inilalabas na ni Tin ang kotse namin mula sa garahe kaya binuhat ko na ang gamit ko at nagmamadaling sumakay. Nung nasa labas na ay namataan kong bumaba si Gilbert mula sa kotse ni Onemig at lumipat sa amin para sya ang mag-drive. Pero laking gulat ko nang pati si Jake at Caloy ay pasakay na rin sa amin.

" O bakit dito rin kayo? Sino kasama ni Engr. Arceo dun? " tanong ko.

" Eh boss madam dun ka daw sumakay sa kanya. Mukhang mainit ulo. Nag-away ba kayo nun? " si Jake ang sumagot.

" Sus ang arte nya. Sige na dito na kayo at dun na ako. Kita na lang tayo sa office. " sabi ko habang bumababa ng kotse.

" Bye besh! Ingat kayo. " si Tin bago pinaandar ni Gilbert ang sasakyan. Nauna na sila.

Padabog akong sumakay sa passenger seat. Hindi ko sya pinapansin. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sa akin. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa kandungan ko at mahigpit na niyakap na parang doon nakadepende ang buhay ko.

Hindi kumikibong pinaandar nya na ang sasakyan. May silent war yata kami.

Pinahinga ko ang ulo ko sa may bintana at pinagmasdan na lang ang nadaraanang tanawin.

Kung galit sya, mas galit ako!

Lumipas ang halos isang oras, nasa NLEX na kami. Hindi pa rin kami nag-uusap.

Sus! Akala yata ng lalaking ito, kakausapin ko sya. No way, high way!

Babe I'm leaving

I must be on my way.

Bigla akong nagulantang ng marinig ko ang team song namin ni Jam. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa aking bag.

Jose Antonio Montreal is calling. . . .

Bigla akong na-excite dahil mahigit isang buwan na kaming hindi nakakapag-usap at video call. Binawal kasi sa kanila ang sobrang paggamit ng gadgets. Pwede kung minsanan lang.

" Hello babe! Musta na? " masayang bungad ko ng sagutin ko ang tawag.

" I'm fine. Medyo malamig na dito ngayon dahil December na. You, how are you? Pasensya na ngayon lang ako nakatawag. You know the rules here. "

" Yeah, I know. I'm fine naman. Buti nakatawag ka, sobrang miss na kita. " narinig kong malakas na tumikhim si Onemig kaya napatingin ako sa kanya. Madilim ang mukha na nakatutok lang ang mata sa kalsada. Problema nya?

" Nami-miss ko na yang kakulitan mo kaya tumawag ako.  Anyway, invite sana kita, if you are free lang naman. It's my second religious profession of vows on the third week of this month. Can you come? "

" Wow ha!  Parang nasa Divisoria ka lang ah. " natatawa kong turan.

" Hahaha. Sabi ko nga yan ang magiging comment mo. Sagot ko na plane ticket mo, dont worry, isama mo pa si Tin kung gusto mo. I just wanna be with you bago mag-Christmas. "

" Wow ang sweet. Sige, I'll free my schedule on the third week. Babe two to three days lang ha? Madami akong trabaho sa office. "

" Alright, that's good enough. I'll arrange  your plane ticket, and Tin of course. See you soon. Take care sweetie. God bless you. " ibinaba na nya agad ang tawag matapos kong sabihin ang take care at God bless you din sa kanya. Limitado din kasi ang oras ng paggamit ng cellphone sa kanila.

" Ang saya ha? Mukhang aalis ka ng bansa base sa usapan nyo. " napatingin ako kay Onemig ng bigla syang magsalita.

" May problema ba kung pinapupunta ako ni Jam dun?  Gusto lang nya akong makasama bago mag-Christmas. "

" Wala namang problema, boyfriend mo yun eh. Masakit lang sa damdamin ko. "

" Onemig! " bigla kong sambit.

" Totoo naman Liyah. Ano ine-expect mo na maramdaman ko? Magtatalon sa tuwa habang kausap mo yang boyfriend mo? " masungit nyang wika habang diretso ang tingin sa kalsada.

" Ah ganon! Masakit pala sa pakiramdam yung makita mong masaya ako na kausap yung boyfriend ko? Kausap lang yon Uno,  hindi kami naghahalikan. Ano naman sa palagay mo ang naramdaman ko kagabi ha? "

" So, nagseselos ka nga. "

" Nasasaktan, oo pero nagseselos, hindi. Wala akong karapatan dahil wala namang tayo. Kayo ni Monique kahit walang label, atleast kahit paano may pinanghahawakan sya sayo. Alam mo kung ano yung masakit? Yung nanliligaw ka sa akin tapos makita kita sa ganoong tagpo . Pakiramdam ko niloloko mo na ako hindi pa man tayo. "

" Ali I'm sorry. Yung nakita mo kagabi, hindi ko yun sinadya. Hindi ko alam na pupunta sya sa bahay dahil galing naman ako sa kanila para alagaan ang lola nya. Si Mumay ang nagpatuloy sa kanya at hindi nya napigilan ng pumasok ito sa kwarto ko. Yun ang nadatnan mo siguro, pinalabas ko sya dahil baka makita sya ni mommy. Ayaw ni mommy na nagpapapasok ako ng babae sa room ko maliban sayo. Nagulat nga ako nung bigla na lang nya akong hinalikan. Kung nagtagal ka ng konti nakita mo sanang hindi ako nag-response sa halik nya. " paliwanag nya.

" Ano palagay mo sa akin,  papanoorin kita habang nakikipag-laplapan ka? " sabi ko sabay irap sa kanya.

" Yun nga, kung nagtagal ka nga lang. To tell you honestly, simula nung manligaw ako sayo, itinigil ko na yung anumang act of intimacy with Monique. Gusto kong malinis ako sa paningin mo pero tinawag mo pa akong maharot at talipandas kagabi. " tila nagtatampo pa nyang turan. Lihim akong napangiti, sa sobrang yamot ko kagabi hindi ko na alam kung ano yung mga nasabi ko.

Pero teka bakit sya pa yata itong nagtatampo ngayon imbes na ako?

" Hoy lalake, wag ka ngang paawa effect dyan. Ako yung galit di ba? Bakit parang bumabaligtad yata? "

" Sorry na nga. Bati mo na ako. " saad nya, nag puppy eyes pa ang bugok.

I heaved a sigh. Seryoso ko syang tiningnan kahit na hindi kami pwedeng magtitigan dahil nagmamaneho sya.

" Onemig, hindi naman lingid sayo na may pagmamahal pa rin ako sayo. Given na yun dahil ikaw ang first sa lahat ng romantic events sa buhay ko. And I won't deny that, but like what I've said before, things are not the same the way it used to. Now, mayroong Jam at Monique sa pagitan natin. Naniniwala naman ako na ako pa rin ang mahal mo, nakikita at nararamdaman ko naman yun sa mga ginagawa mo para sa akin. Kaya lang wala namang tayong dalawa lang dito eh, mayroong sila. Gaano man natin kagusto na bumalik sa kung ano tayo dati, hindi pa maaari sa ngayon. Mas mabuti pa yung ganito na lang muna tayo, hanggat may tao pa sa pagitan natin. " saglit syang nagtapon ng tingin sa akin, tila pinag-aaralan ang lahat ng sinabi ko. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumango-tango sya.

" Yeah, I get it. Sabi ko naman sayo, maghihintay ako. Pero asahan mo na aayusin ko ang lahat para maging tayong dalawa lang, wala ng sila. So for now, ganito na lang muna tayo. "

" So what are we? " tanong ko. Naninigurado lang para naman mutual kami ng pananaw sa kung ano kami.

" We're special friends with special feelings for each other? " parang patanong pa yung sagot nya with sparkling, smimmering, splendid eyes.

" Uhm. Sounds good. Ano yun parang MU? " tanong ko.

" Parang ganon. " sagot nya.  Tumango ako bilang pag-sang-ayon.

" Uno? "

" Hmn? "

" Secret lang natin yun ha? "

" Sige. Ayoko rin naman na mag-isip yung ibang tao ng hindi maganda sayo dahil may Jam ka pa. Di bale ng ako, lalaki ako. "

" Pero alam ng pamilya ko na nanliligaw ka sa akin, nagpaalam ka na raw sa kanila noon. "

" Oo pero huwag muna nating ipaalam na umusad na tayo sa next level. Ayaw ko namang isipin nila na hindi ko nirerespeto ang relasyon mo kay Jam. " ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

Gusto ko mang sabihin na wala naman syang sinasagasaang tao dahil wala naman kami ni Jam pero pinigilan ko ang sarili ko, mas magandang ayusin muna nya yung sa kanila ni Monique bago ko aminin sa kanya yung sa amin ni Jam. Ayoko naman kasi na basta na lang nya iwan si Monique kapag nalaman nya na wala na kami ni Jam. Hindi malayong

mangyari yun lalo't ganito sya kapursigido na magkabalikan kami. Kawawa rin naman si Monique, babae rin ako at alam ko ang pakiramdam ng mawalan.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang kunin ang isang kamay ko. Pinagsalikop nya ang mga daliri namin. Ang isang kamay nya ay nakahawak sa manibela.

" I love you sweetie. Masaya na ako kahit ganito lang muna tayo. Atleast kahit paano nakakasama kita. Sapat na yung ganito kaysa nung wala ka.  May inspirasyon na ako para mas mapabuti ko pa ang trabaho ko. Hindi ko na sasayangin ang chance na ito. I won't let you go again baby. This time, I will prove to you that I'm worthy of a second chance. " he said then he kiss my hand. Gumapang ang kilabot sa buong sistema ko sa simpleng pagdampi ng labi nya sa kamay ko.

Hanubayan! Kamay pa lang yan Liyah kung maka-react ka naman!

Nächstes Kapitel