webnovel

Destiny?

Aliyah Neslein Mercado Point of View

DAHIL sa nasaksihan, ako na ang kusang tumalikod. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis dahil wala silang pinipiling lugar o nagseselos ako?

Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

Ngayon, nagdududa na ako sa sarili ko.

Am I really fine?

Kung oo, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nagseselos yata ako. Hindi na dapat eh, wala ng kami. Na ako mismo ang tumapos nung gabing mahuli ko sila ni Geeta.

Napabuga ako ng malalim na paghinga. Maaaring nakalimot ako sa sakit na dinanas ko ngunit yung damdamin hindi nawawala. Kapag minahal mo, mahal mo na. At isa lang ang konkretong sagot dyan, siguro nga nandirito pa rin. Nagpahinga lang.

Pero wala ka ng karapatan sa kanya.

Alam ko naman yon. Hindi naman na ako umaasa pa.

" Hey babe!  Wanna go home? " biglang sulpot ni Jam. Oh my savior!

" Yeah. Tapos na ba kayo? Si Neiel at Andrei? Si Tin? " tanong ko.

" Ayaw pa umuwi. Mauna na tayo. I know you're not comfortable here. " puno ng kasiguruhang saad niya.

" Babe! " protesta ko.

" Don't deny it babe. " tudyo pa nya.

" Okay . Dito muna tayo. Mamaya na tayo umuwi pag gusto na nila. " naasar kong turan.

" Sus! Naasar ka na naman. Halika nga dito. " hinila nya ako palapit sa kanya saka niyakap. May ibinulong sya sa akin.

" Babe okay lang na mahal mo pa sya pero wag ka na umasa. He's already with someone  and he knew that you're happy with me now. Huwag mong hayaang malaman nya yon. Ayoko nang makita ka na nasasaktan ulit dahil sa kanya. Understand babe? " tumango ako.Hindi naman nga ako umaasa.  Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at panay naman ang patak nya ng mumunting halik sa ulo ko. It's so comforting.

Hinintay ko na nga lang sila na kusang magyayang umuwi. Ayoko ng asarin pa ulit ako ni Jam. Hindi na nga nya ako iniwan dun sa garden chair nila Jake. Pinapanood na lang namin  na nagkakasiyahan ang mga kasama namin dun sa may mahabang mesa na puno ng pagkain na inorder na lang nila Coco sa sikat na fastfood chain sa may plaza sa bayan.

Naaaliw ako kay  Tin na panay ang pa-cute kay Gilbert. Luma-lovelife na ang bruha. Si Neiel at Andrei naman ay napapaligiran ng mga girls na ka-age nila. Well, hindi ko naman masisisi ang mga girls kasi talaga namang gwapo at cutie yung dalawa.

May hawig si Andrei kay Jam na hindi naman nakapagtataka dahil magpinsan sila. Si Neiel, of course kay daddy nagmana yan.

Napadako ang tingin ko sa babaing katabi ni Onemig. Kahit tinitiis ko yung sakit na nakikita ko silang magkasama, hindi rin naman maiwasan na hindi ko i-check ang kabuuan nya. Maganda sya, katamtaman ang tangos ng ilong, pinkish lips, maputi at sexy. Mga katangiang tipo talaga ni Onemig. Mukhang may hawig pa nga kay Greta. Parang si Greta talaga ang basehan nya sa pagpili ng girlfriend.

Sus bitter ka na naman Aliyah! Mas maganda at sexy ka dyan.

Talaga ba? Mukhang hindi naman.

Mukha naman syang mabait at friendly. Katunayan panay ang kausap sa kanya nila Anne at Richelle pati rin si Tin. Sabagay, bakit naman nila pakikitunguhan ng hindi maganda eh girlfriend nga ito ni Onemig at alam naman nila na masaya na ako kay Jam? Ako lang naman at si Jam ang nakakaalam ng tunay na nararamdaman ko. At hindi na nila dapat malaman yon.

KINAGABIHAN ramdam ko yung pagod sa nangyari nung buong maghapon. After ng dinner, nag-shower na agad ako at nahiga na sa kama ko.  Iniwan ko na si Tin na tumulong pa kay lola Baby sa pagliligpit sa kusina. Si Jam naman ay maaga ring nagpahinga sa guest room kasama si Andrei.

Medyo napipikit na ako nung pumasok si Tin sa kwarto ko. Nakapantulog na sya.

" Besh saan ako matutulog dito? "

" Dito ka sa tabi ko syempre. Gusto mo ba dyan sa couch na lang? " biro ko.

" Ay hinde! Pwede ba dun na lang sa tabi ni Jam? " asar nya.

" Subukan mo Celestine! " pinanlakihan ko sya ng mata.

" Hahaha. Ikaw naman hindi na mabiro. " nag peace sign pa sya.

" Kumusta naman si Gilbert? " ako naman ang nang-asar sa kanya.

" Hala! Bakit mo kinukumusta yon? May sakit ba sya? Kanina lang kausap ko pa ah, may sakit na?  " napapailing na natatawa na lang ako sa sagot nya, hindi talaga ako lulusot dito pagdating sa kalokohan.

" Wag kang aning dyan! Tinatanong ko kung ano score nya sayo? Panay ang pa cute mo kanina, nakita ko. "

" Ah yun ba? Okay naman sya. Gwapo, mukhang mabait din pero masyado pang maaga para pagtuunan ko ng pansin yung ganyang bagay. Alam mo naman ang goal ko ngayon di ba?  Work muna bago landi. " tumango na lang ako. Tama naman sya. Mag-isa na lang sya sa buhay at gusto talaga nyang maging financially stable muna bago pumasok sa relasyon.

" Besh may kwento ako sayo. " biglang pagbabago nya sa pinag-uusapan namin.

" Sige ano yon? "

" Alam mo bang si Monique, lola na lang pala nya ang kasama nya sa buhay. Tulad ko, wala na syang mga magulang. " nangunot ang noo ko. Sino yon?

" Sino si Monique besh? " tanong ko.

" Si Monica Dominique Belleza, hindi mo kilala? " takang tanong nya.

" Wow ha!  Full name pa talaga. Sino nga sya?" tanong ko ulit.

" Jusme! Akala ko naman kilala mo dahil taga-rito ka. Siya yung jowa nung ex mo. Yung nandoon kanina. " parang may biglang dumaang kirot nung marinig ko yung sinabi nya pero pinalis ko kaagad.

" Ay sorry naman. Hindi naman kasi ako gala dito. Bilib din ako sayo, iba ka talaga eh noh? Ngayon mo lang nakilala, na-interview mo na. "

" Ako lang ba? Si Richelle at Anne din noh! Ginawa namin yon para malaman namin ---" binitin pa nya yung sasabihin nya.

" Malaman ang ano? "

" Malaman kung paano naging sila ni Onemig. Kasi maging sila Richelle nagtataka kung bakit biglang naging sila na. Gusto lang namin malaman kung sila talaga. " goodness hindi pa ba sapat yung naglaplapan sila sa harap ko kanina para malaman kung sila na nga.

" Ano ba naman kayo? Invasion of privacy yon! Ano naman mapapala nyo kung malaman nyo pa? " singhal ko sa kanya.

" Wala naman na-curious lang kami. Sorry na.  Pero besh seryoso, kung wala lang Jam sa buhay mo ngayon, ipu-push namin nila Richelle si Onemig sayo. Bagay kasi talaga kayo tsaka nung kinukwento mo sa akin yung past nyo noon, kinikilig talaga ako. What more sila Richelle at Anne na nasaksihan talaga yung love story nyo. May panghihinayang talaga sa kanila pero kung masaya ka naman kay Jam, ayos na rin sa amin yon. Mabait si Jam at alam ko na kung kayo ang magkakatuluyan, magiging masaya ka talaga. "

" Besh, hindi naman masamang hangarin nyo na maging kami ni Onemig hanggang sa huli. Pero besh, iba na ang sitwasyon namin pareho ngayon, may Jam at Monica na sa buhay namin. Kung kami talaga ang para sa isat-isa, destiny will find its way. "

" Sabagay tama ka besh. May nabasa ako, bago pa man daw tayo ipanganak, may nakalaan na si Lord sa atin na makakasama natin sa buhay. Kung si Onemig talaga ang destiny mo, kahit sino pa ang dumating sa buhay nyo, makikiraan lang yon, hindi tatambay. Maaaring may ituro lang sila sa inyo para sa pagkakataong kung kayo na, alam na ninyo ang tamang gagawin. "

" Wow!  Words of wisdom coming from someone na hindi pa nai-inlove kahit minsan. " pang-aasar ko sa kanya, pero naniniwala ako sa sinabi nya. Type ko lang syang asarin.

" Tse! Seryoso nga kasi! "

" Oo na. Naniniwala naman ako. Tara tulog na tayo. May training ka pa bukas. "

" Oo nga. Excited na ako. Imagine, working girls na tayo. Hindi na natin kailangang mangarag ngayon dahil sa finals, mid-terms at prelims. Graduate na tayo dyan. Besh, sa unang sweldo, ibo-blow out kita, tandaan mo yan. Babawi ako sayo. "

" Oo na po. "

Tulog na si Tin, nag-iisip pa rin ako. Kung umaasa sila na magiging kami ni Onemig sa huli, ako naman parang ayaw ko ng umasa.

Iaasa ko na lang sa Diyos ang kapalaran ko tutal Siya naman ang sumulat ng love story ko. Alam Niya kung sino ang karapat-dapat sa akin.

At some point,  I have to realize that some people can only stay in your heart not in your life. And maybe, Onemig is one of those who can only stay in my heart, never in my life.

KINABUKASAN wala ng naiwan sa bahay kundi si lola Baby, Jam at ako. Nagsipasok na silang lahat sa office kasama si Tin dahil ngayon yung start ng training nya kay mommy. Sila papa Anton ay bumalik na ng Makati para sa meeting nila sa Montreal, sumama nga si Neiel dahil hindi na sila mapag-hiwalay ni Andrei. Pumayag naman sila mommy kasi bakasyon naman na. Kasama na rin sila tito Fred sa pagluwas pwera kay tito Frank, pinauna na nya sila tita Angel. May project kasi sila ni lolo Franz about dun sa bagong building na ipapatayo.

Dahil pareho kaming naiinip, niyaya ko na lang si Jam na mamasyal tutal pinangako ko naman na ipapasyal ko sya sa mga places dito sa Sto. Cristo nung nasa Zurich pa kami.

Matapos magbihis, nagpaalam na kami kay lola Baby at nagbilin na lang na sa labas na kami kakain kaya wag na lang syang magluto ng marami.

Yung lumang kotse ni mommy ang sinakyan namin. Ako na ang nag-drive dahil walang dalang license si Jam. Ang pagmamaneho ang huling naituro sa akin ni Onemig noon bago kami nagkahiwalay.

Una ko syang dinala doon sa may burol, wala naman masyadong tanawin na makikita doon pero presko kasi ang hangin. Naroon pa rin yung mga upuang pahingahan namin nila Richelle kapag nagagawi kami dito. Kinukwento ko sa kanya yung mga happenings namin dito noong mga bata pa kami.

Sunod ko syang dinala sa plaza. May botanical garden kasi  sa pagitan ng simbahan at munisipyo. Sumakay kami sa bakanteng swing doon habang nag-uusap.  May mga kainan din doon pero hindi kami kumain kasi balak naming sa office ng FCG kami kumain. May kainan kasi sa ibaba ng building at coffee shop.

Huli naming pinuntahan bago kami mag-lunch ay yung Sto. Cristo falls na 30 minutes drive ang layo sa kabayanan.

Nagustuhan ni Jam dito kasi ang linaw ng tubig at maganda ang tanawin. Maraming tao ang nandoon nung dumating kami kaya matapos ang ilang sandali ng pag-sight seeing sa lugar nagyaya na rin sya at sinabing babalik kami sa susunod na araw para naman maligo.

Fifteen minutes before lunch nang marating namin ang FCG. Binati ako ng mga guard sa lobby ng makilala nila ako. Nasa huling floor ang office nila mommy kaya sumakay na kami ng elevator ni Jam.

Hawak kamay pa kami ni Jam nang lumabas kami ng elevator. Binati ako ng recepcionist sa may pinto at sinabing nasa conference room pa sila mommy.

Nang biglang may marinig kaming nagtatawanan kaya pareho kaming napatingin ni Jam dun.

Dun sa table sa labas ng office ni lola Paz. At nandoon yung dalawang nilalang na akala mo silang dalawa lang ang tao sa mundo. Pareho pa silang napatingin din sa amin ni Jam.

Yung babae mukhang nahiya pa dahil oras pa nga naman ng trabaho, nakikipag-tawanan na sya. At yung lalaki naman, madilim ang tingin sa mga kamay namin ni Jam na magka-hawak. Problema nya?

Ano ang ginagawa ng maharot na lalaking ito dito?

Hello! Girlfriend kaya nya yan kaya sya nandyan.

" Babe let's go. Mukhang wrong timing ang pagpunta natin dito. Kain muna tayo then balik na lang tayo mamaya. " bulong ni Jam sa akin. Tumango na lang ako.

Nung akmang aalis na kami ni Jam, narinig namin ang boses ni daddy, tinawag kami.

"Aliyah?  Jam? What are you two doing here? "

" Ah eh dad, namasyal kami ni Jam. Dumaan na kami dito para dito na lang mag-lunch. "

" Oh tamang-tama may pa-lunch si tito Migs mo, nakuha kasi namin yung malaking project dyan sa kabilang bayan. "

" Si tito Migs po dad? "

" Oo, si Migs na daddy ni Onemig. Hindi ko ba nasabi sayo na kasosyo namin sya sa FCG Home Builders? "

Hindi ako nakakibo. Kaya pala nandito ang maharot na lalaki eh kasosyo pala sila sa bagong company ni lolo Franz na pinamamahalaan ni daddy.

" Sige dad. Sasama po kami ni Jam. " pikit mata kong desisyon. Bahala na.

" Oh that's good. Wait here nasa conference pa sila. " umalis na si dad. Nagkatinginan naman kami ni Jam.

" Seems like destiny is making its way huh! " ngumisi pa sya na may lakip na pang-aasar.

" Jose Antonio! You shut up! "

" Hahaha! Pikon ang ale. "

Destiny? Totoo nga ba? Ewan! Paasa rin yan minsan.

Nächstes Kapitel