webnovel

Trouble Maker

Aliyah Neslein Mercado's POV

" Aliyah wait! " nalingunan ko si Jemaima, ang president ng student council na humahangos papunta sa akin. Kasalukuyang naglalakad kami ni Derrick papunta sa parking lot. Katatapos lang ng huling rehearsal namin para sa pageant na sa susunod na tatlong araw na gaganapin.

" Oh Mai! Bakit? " tanong ko. Medyo kinalma muna nya ang sarili nya bago nya ako sinagot. Hinihingal pa kasi sya dahil sa pagtakbo.

" Pinapasabi ni sir Theo na kung uuwi ka daw ng Sto. Cristo ngayon, hindi raw siya makakasama dahil maraming trabahong iniwan sa kanya ang Chairman. " gusto kong matawa sa sinabi ni Jemaima. Sira talaga tong kuya Theo na to.Nagpi-feeling na naman.  Siya nga lang itong nangungulit na sumama ng Sto. Cristo, ayaw ko nga dahil sandali lang ako. Gusto ko lang magpahinga dahil pageant night na sa Monday. At sobra ko ng nami-miss ang pamilya ko at si Onemig. Mabuti naman tinambakan siya ni lolo Chairman ng trabaho kundi paano akong makakapag-pahinga kung kasama sya.

Simula nung dumating si kuya Theo nung birthday ni ate Sabina, sya na ang pansamantalang pinamahala ni lolo chairman sa pagpapatakbo ng University. Nasa ibang bansa ngayon si lolo Chairman para pamahalaan ang ibang negosyo nila kasama si tito Alfred at tita Sally, mga parents ni Sav. Kaya naman madalas na namin syang makasama ngayon during lunch at sa mga lakad din namin na magbabarkada.

" Ah okay Mai. Sige salamat, ite-text ko na lang sya kamo. " tugon ko.  Nagpaalam na si Jemaima at bumalik na muli sa office. Kami naman ni Derrick ay sumakay na sa kotse nya. Ihahatid na lang nya ako sa office ni daddy at doon na kami manggagaling pauwi ng Sto. Cristo.

Habang  nasa byahe pauwi ng Sto. Cristo ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Marahil sa sobrang pagod sa mga nagdaang araw dahil sa rehearsal. Nagising lang ako sa pagtapik ni Neiel sa braso ko. Nang magmulat ako ng mga mata ay ipinapasok na ni dad sa garahe ang kotse namin.

" Bunso sorry kung tinulugan ka ni ate. "

" It's okay ate. You look so tired kaya hinayaan na kita. Si daddy naman kausap ko sa byahe baka kasi antukin sya eh. "

" Thank you bunso. Halika na pasok na tayo, nami-miss ko na sila. " untag ko. Magkahawak kamay pa kaming magkapatid na pumasok ng bahay kasunod ni daddy.

MATAPOS ang hapunan ay napag-pasyahan kong puntahan si Onemig sa kanila. Hindi ko sinabi kaninang umaga nung tumawag sya sa akin na uuwi ako. Gusto ko syang i-surprise. One month na kaming hindi nagkikita kaya sigurado ako na masu-surprise sya.

Dala ang cellphone ko excited akong lumabas ng bahay. Hindi pa ako nakakalabas ng bakuran ng maisipan kong tawagan muna sya.

Naka ilang ring pa muna bago nya ito sinagot.

" Hi sweetie! " masayang bungad nya. Medyo maingay sa background ang nauulinigan ko.

" Hi beb!  Nasaan ka? Para kasing maingay. " tanong ko.

" Ah nandito kasi ako kila Gilbert. Nagkatuwaan kaming uminom ng konti kasi nanalo yung team nila Bidong sa basketball kanina." sa narinig ay dali-dali akong pumunta sa may bakod namin sa gilid. Nung nandun na ako ay dahan-dahan akong sumilip para hindi nya ako makita. Nandoon nga sila sa terrace. Kumpleto silang anim.

Napansin kong tumayo sya at lumayo ng bahagya sa kanila para siguro mas magkarinigan kami. Medyo nagtago naman ako sa halaman na nasa tabi ng bakod para hindi nya ako makita pero nakikita ko pa rin sya ng maayos.

" Beb manonood ka ba sa pageant namin?  Sa Monday night na yon. "

" Of course sweetie. Hindi ako papayag na hindi kita mapanood. Nag-usap na kami ni lolo Franz, sa kanila ako makikisabay." tugon nya.

" Talaga beb! Gusto ko talaga na nandoon ka para ma-inspire naman ako. "

" Nami-miss na kita baby. " bigla nyang sambit. May nakapaloob na lungkot sa tinig nya ng sambitin nya yon. Nang silipin ko sya mula sa bakod ay ganoon nga ang nakita ko sa itsura nya. Malungkot talaga sya. Nakaramdam naman ako ng awa kaya parang gusto ko na tuloy magpakita sa kanya. Pero wait lang mamaya na muna.

" Ako rin beb, miss na miss na miss na kita. Anong gagawin mo kung halimbawang makita mo ako ngayon? " pananalakab ko. Nakita kong tumingin sya sa gawi ng bahay namin tapos medyo lumapit sya sa bakod at luminga-linga sa paligid. Kinakabahan ako na baka makita nya ako. Pinagbutihan ko naman ang pagtatago ko dun sa halaman, pigil hininga pa ako, mabuti na lang medyo madilim. Nakahinga ako ng maluwag nung bumalik na sya dun sa pwesto nya kanina.

" Naku sweetie huwag mo akong tanungin ng ganyan. Kung halimbawang makita kita ngayon, well, you know what I can do to you. Gaano katagal nawala yung mga marka the last time, hmm? " tudyo nya,  awtomatikong pinamulahan ako ng mukha sa sinabi nya. Bwisit na to, pinaalala na naman yung kalokohan nya na yun.

" Tse! Tumigil ka nga beb. Puro ka kalokohan. Huwag mo na uulitin yon, ilang araw bago nawala yun. Kainis ka! " narinig kong tumawa sya ng malakas. Nang silipin ko ay tawang-tawa nga ang loko.

Magsasalita na sana ako ng may marinig akong tumawag sa kanya mula sa background.

" Onemig ready na yung table. " kinabahan ako ng mabosesan ko yung nagsalita. Nung sumilip ako sa bakod ay nakumpirma ang hinala ko kung sino.

Si Greta.

" Sige susunod na ako may kausap lang ako. " dinig kong tanggi nya.

" Mamaya na nga kasi yan, nandoon na sila sa loob lahat. " narinig kong suway nya kay Onemig. Nagulat na lang ako ng mag-end yung call. Nakita kong kinuha nya pala kay Onemig ang cellphone nito at pinatay ang tawag ko pagkatapos inilagay nya sa mismong bulsa nya.Si Onemig naman ay parang bata na sumunod sa nanay nya at napapakamot na lang sa sariling ulo.

Anong nangyayari? Bakit parang naging sunud-sunuran na sya kay Greta ngayon? Ano ang nangyari sa loob ng isang buwan na hindi kami magkasama?

Gosh! Kinakabahan ako. Pero hindi pupwede ito. Ako ang girlfriend kaya ano ang karapatan nyang patayan ako ng call? At isa pa, kinuha nya ang cellphone ng bebeh ko na akala mo siya ang may ari. Ako nga hindi ko pinapakialaman ang gamit ni Onemig kahit na sya na mismo ang nagbibigay ng pahintulot.

Kumilos ako at umalis dun sa bakod. Lumabas ako ng gate namin at dali-daling pumunta sa kabilang bahay. Naiinis ako. Mukhang namamanipula na ni Greta ang mga kaibigan ko pati na si Onemig. Hindi maaari ito. Kailangang mahadlangan ko kung ano man ang binabalak nya. Kailangan mabantayan ko si Onemig ngayon baka malasing sya at may mangyaring hindi maganda. Masamang mag-isip ng negatibo sa kapwa pero sa nakita ko, hindi ko maiwasang hindi kutuban.

Nag-doorbell ako sa gate nila Gilbert. Wala ng surprise-surprise pa. Baka ako pa ang ma-surprise pag nagkataon. Mahirap na.

Hindi nagtagal ay may nagbukas ng gate.

" Oh Liyah kailan ka dumating? " si Gilbert na tila nagulat pa ng makita ako.

" Kadarating ko lang. Si Onemig nandyan ba? "

" Oo nasa loob, kumakain. Halika pasok ka. " binukas nya ng malaki yung gate para makapasok ako.

" Sila tita Annie nandyan? " tanong ko.

" Wala. Nasa business trip sila ni dad. " sagot nya. Kaya pala.

" I see. Kaya pala sandamakmak ang alak dito. " puna ko ng madaan kami sa terrace.

" Nagkakatuwaan lang naman kasi nanalo yung team nila Bidong sa basketball kanina. Kumain ka na ba? "

" Oo tapos na. Thanks. "

" Guys may bisita tayo! " anunsyo nya nung makapasok na kami. Agad na tumama ang tingin ko kay Onemig. Gulat at pagsabik ang nakita ko sa kanya nang magtama ang tingin namin.  Tuwa naman ang nakita ko kay Jake, Caloy, Bidong at Itoy. At pagkadismaya naman ang nabasa ko sa mukha ni Greta.

See?  Mukhang tama ang hinala ko base sa itsura nya.

Biglang tumayo si Onemig at nagmamadaling tinawid ang distansya namin. Nang makalapit ay bigla akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

" God baby I miss you so much. " bulong nya sa akin at mas lalo pang hinigpitan ang yakap nya.

" Beb hindi ako makahinga. " bulong ko. Natatawang kumalas sya sa pagkakayakap nya sa akin. Tinitigan nya ako ng buong pagmamahal at parang nasasabik na mahagkan ako kundi lang may mga tao sa paligid.

" Hoy mga love birds mamaya na yan. Naghihintay ang pagkain dito. Hi Aliyah! " narinig kong sambit ni Greta. Nginitian ko lang sya. Hinila naman ako ni Onemig papunta sa hapag at iniupo dun sa upuan nya. Kumuha naman sya ng extra chair at dinala sa tabi ko saka sya umupo. Kung kanina katabi nya si Greta, ngayon naman ako na ang katabi ni Greta dahil sa akin napunta yung chair ni Onemig.

Habang kumakain ay panay si Greta lang ang nagbubukas ng usapan. Siguro feeling ng mga boys eh magiging unfair sila sa akin kaya hindi sila nagsasalita at nakikinig lang kay Greta. Hindi naman lingid sa kanila na ex ito ni Onemig, hindi nga lang nila alam yung mga nangyari sa dalawa.

" Huy guys, natatandaan nyo ba yung classmate natin na si Sheila? " tanong ni Greta na sa mga boys nakatingin.

" What about her? " si Jake ang nagtanong.

" I saw her in Manila the other day with her husband. My God, she's already married and very much pregnant. Eiw, I can't believe it. "

" What's wrong with being married? It's her choice. " si Gilbert naman ang nagsalita.

" Wala lang. She's so young kaya. " maarteng turan nya.

" Choice nga nya yon. At baka dun sya masaya. " tila naiiritang wika muli ni Gilbert .

" If I know kaya ka ganyan kasi crush mo yun nung high school tayo. " nagkibit balikat lang si Gilbert at ipinagpatuloy na ang pagkain ng dessert.

Panay pa rin ang kwento nya lalo na yung mga pinaggagawa nila nung high school sila.Pati yung paghahatid ni Onemig sa kanya pauwi mula sa school.  Pati na rin yung mga bagay na dinadala daw ni Onemig sa kanila nung sila pa ay hindi rin nya pinangingimiang ikwento kahit na sa harapan ko. Gusto ko ng mainis dahil parang sinasadya na nya pero panay lang ang pisil ni Onemig sa kamay ko sa ilalim ng mesa, hudyat na huwag ko na lang pansinin.

Nung lumipat na kami sa terrace para ipagpatuloy na nila yung inuman nila ay tuloy pa rin ang pag bangka ni Greta. Kung ano-ano ang kinukwento nya tungkol sa kanilang dalawa ni Onemig na parang ayaw na ngang intindihin ng mga boys dahil nasa akin pa rin ang simpatiya nila. Pansin ko rin ang pinipigilang inis ni Onemig, ayaw lang niyang ipahiya ito. Pangiti-ngiti lang naman din ako kahit na sa totoo lang ay nayayamot na ako. Hindi ko hahayaan na makita nyang naapektuhan ako.

" Ikaw Aliyah, kumusta na kayo ni Theo? "

" What? " naguguluhang tanong ko.Nagulat ako sa tanong nya. Parang may gusto kasing ipahiwatig.

" Who's Theo sweetie? "biglang tanong ni Onemig. Hindi maganda yung tono nya. Parang anytime eh mananakal sya. Naipon na yata yung inis nya at mukhang sa akin pa mabubunton.

" Oh hindi mo kilala si Theo, Onemig? Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya Aliyah? " nanlaki ang mata ko. Ano pinupunto nitong babaeng ito? 

" Sino si Theo sweetie? May hindi ba ako alam? " galit na sya nung harapin nya ako.

" Yung madalas nyang kasama sa school. Pinsan ni Savannah. " singit muli ni Greta. Tapos kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi niya. Pati yung paghahatid ni kuya Theo sa akin nung party ni ate Sabina na lalong nagdagdag ng iritasyon sa boyfriend ko.

" Beb sya yung --" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang syang tumayo at mabilis na lumabas ng bakuran nila Gilbert. Galit na.

Galit kong nilingon si Greta.

" Oops sorry! " ngingiti-ngiti pa sya sa kabila ng masama na ang tingin naming lahat sa kanya. Parang balewala lang sa kanya na parang galit na umalis si Onemig. Tila yun naman talaga ang pakay niya. Ang magalit si Onemig sa akin.

Sinasabi na nga ba may gagawin ito na hindi maganda! Such a trouble maker.

Gigil nya ko. .

Nächstes Kapitel