webnovel

Onemig

Aliyah 's Point of View

Bwisit..bwisit..bwisit..

Nakakaimbyerna talaga ang numero unong mapang-asar na yon!

" Aliyah anak luluwas na kami ni mommy bukas, yung mga bilin namin sayo ha?" turan ni dad na bahagya ko na lang napansin dahil sa inis ko sa alaskador na Onemig na yun.

" Anong problema at sambakol yang mukha mo?" puna ni dad.

" Eh kasi naman dad nakakahiya po ako kanina,nagdidilig ako ng halaman eh may tagos po pala ako sa short. At ang masama pa doon ang nakakita eh yung alaskador na kaaway ko nung bata ako. Nakakaasar!" wika ko na pumapadyak pa sa sobrang inis at pagkapahiya.

" Ah si Onemig ba?" sambit ni daddy sa tono na parang nang-aasar pa.

" Eh sino pa nga ba? Yun lang naman po ang madalas mang-asar sa akin mula pa noong bata kami."

" Alam mo anak kaya ka inaasar nun eh madali ka kasing maasar. Mabait na bata yung si Onemig, kababata namin ang daddy nyang si Miguel kaya alam ko ang ugali nya. Paborito ka lang nyang asarin kasi pikon ka." pagpupunto pa ni daddy.Umingos ako. Napahiya kaya ako dun kanina.

" Eh daddy naman kasi, parang hindi po yata buo ang araw nun pag hindi ako nakitang naaasar."

" Baka naman type ka lang nya anak. Uy ang baby ko dalaga na." panunukso pa ni daddy sa akin.

" Ay si daddy! nakakatawa ka po. Kung yung herodes lang na yun dad eh wag na lang po.Gusto ko po dad eh yung katulad mo."

" Oh eh bakit naman hindi? Gwapo, matalino at mabait sya.Saan kapa? Hindi mo ba napapansin na magkapareho kami ng qualities?"

" Pero ubod naman ng alaskador! Bakit ba nirereto mo po ako dun dad? Ok lang ba sayo na may manligaw na sa akin?"

" Kung meron ba eh may magagawa ba ako dun? Napakaganda mo anak kaya imposibleng walang magka-gusto sayo. Hindi ako maghihigpit basta nasa ayos lang. At gusto ko dito sa bahay aakyat ng ligaw at irerespeto ka sa lahat ng pagkakataon."

" Ok po. Kaya lang po dad wag mo naman akong ireto sa bugok na Onemig na yon, maaaring magkatulad nga kayo pero sobrang mapang-asar naman. Siguro nga po type nya ako....type nyang asarin.'

" Asus oo na nga. Pero anak kung sakali eh boto ako dun sa batang yun. Kung sakali lang naman." pang-bubuyo pa muli ni daddy.

" Ewan po sayo dad. Malabo kami nung isang yon. Maraming chicks yun panigurado, sa itsura lang nun eh malamang kabi-kabila ang babae nun. Hindi tulad mo, si mommy lang talaga ang first and last mo."

" Wala naman akong nababalitaan na ganun yung batang yun. Type ka non sigurado ako. Kilala ko ang mga ganyang da moves kunwari dinadaan sa pang-aasar." kumpiyansang wika muli ni dad.

" Siguro dad ganyan ka po kay mommy noon kaya mo nasasabi yan. Ano dad tama po ba ako?"

" Hahaha.tumpak! Ang mommy mo nga non halos maiyak na sa pang-aasar ko. Parang armalite pa naman yun pag naiinis. Madalas kaming magbangayan nun kahit hindi pa kami formal na magkakilala. Nung minsang nagkabati kami mula sa matagal na hindi pagkakaunawaan, yun ang naging daan para masabi ko yung feelings ko sa kanya. Hayun mutual naman pala ang feelings namin sa isat-isa and the rest is history." napapangiti pa si daddy habang nagku-kwento. Nakikita ko sa mga mata nya na hanggang ngayon ay in-love pa rin sya sa dating Mutya ng Bayan na si Alyanna Maine Guererro.

" Hayun kaya naman pala ganun ang tingin mo sa amin nung kumag na Onemig na yon. Pero daddy hindi po kami ganon, mula pagkabata eh aso't pusa na kami nung taong yon."

" Pustahan sweetie ?" hamon pa ni dad.

" Ay si daddy tigilan nyo nga po ako." napapailing pa ako.

" Hahaha.pikon! Tara na nga at maghahapunan na tayo." hinigit na ako ng tatay kong gwapo papuntang komedor.

***

MADALING ARAW pa lang luluwas na sina daddy at mommy, ayaw daw nilang abutan ng traffic sa daan.Kahit puyat sila dahil nag-bonding sila ng mga kaibigan nila kagabi, maaga pa rin silang gumising para makaalis kaagad. Mag-eempake pa kasi sila para sa byahe nila papuntang Switzerland  sa kinabukasan.

Hinatid namin sila ni lola Paz at ng baby brother ko hanggang sa gate. Pagkatapos ng maraming bilin ay tinungo na nila ang nakaparadang kotse sa labas.

" Anak kung sakali lang ha? Aprubado sa akin yon." pang-aasar muli ni daddy bago sumakay ng kotse. Sumimangot ako sa sinabi nya.

" Ano ba naman Nhel ke aga-aga inaasar mo yang anak mo!" singhal ni mommy sa kanya pero nakangiti naman. Napahalakhak naman si daddy.

" Sige na po. Mang-iingat po kayo. Love you both po." pagpapaalam ko.

" Daddy,mommy ingat po kayo.Yung pasalubong ko po ha?" singit ng inaantok pa na si Neiel, ngumiti ng malapad si mommy at niyakap ang kapatid ko. Si daddy naman ay pinanggigilan ang matambok nyang pisngi.

" Oo naman bunso hindi namin yon kakalimutan." sagot ni dad.

" Mag-iingat sa pagmamaneho Nhel ha? Mang-ingat kayo dun."  bilin naman ni lola Paz.

" Opo mommy. Kayo na po ang bahala dyan. Sweetie alagaan mo yang kapatid mo ha?" bilin ni daddy  tapos humalik na kami sa kanila at niyakap naman nila kaming magkapatid. Matapos nilang magmano kay lola Paz ay saka sumakay na ng kotse at nagmaneho na palayo.

Pumasok na kami nila lola sa loob at pumasok na rin kami ni Neiel sa kanya-kanyang silid para matulog ulit. Napabuntung-hininga ako. Matatagalan na naman bago namin sila makasama ulit. Buti na lang may Skype at kahit paano ay nababawasan ang pangungulila ko sa kanila.

Bandang 10am ng puntahan ako ng dalawa kong kaibigan. Napag-usapan namin  nung isang araw nung pinuntahan nila ako dito sa bahay na mamamasyal kami. Since nakagayak na ako kaya umalis na rin kami agad.

Sa isang sikat na fastfood muna kami pumunta para mag early lunch. Manonood kami ng movie pagkatapos at saka sa huli ay mag-sshopping kami ng mga summer outfit namin. Binabalak din kasi naming mag-swimming sa bagong bukas na resort sa kabilang bayan.

Nung nasa fastfood kami at kumakain na, may namataan akong nakaupo sa sulok na bahagi ng kainan na nagpakulo na naman sa dugo ko.

Bakit ba sa dinami-dami ng kainan ay dito pa kumain ang herodes na ito?

Nakita nya kami ng mapalingon sya sa gawi namin at sabay ngumisi ng pilyo ng matuon ang paningin nya sa akin.

Medyo namula ako ng makita ko ang paraan ng pagngisi nya. Naalala ko yung insidente nung isang araw ng makita nya yung tagos ko. Bwisit talaga!

" Si Onemig yon di ba? Girlfriend nya ba yung kasama nya na taga-kabilang kanto?" tanong ni Anne.

" Ah si Kristel yan, balita ko patay na patay kay Onemig yan. O di ba wagi ang bruha dahil kasama nya ang crush ng bayan!" si Richelle ang sumagot sa tanong ni Anne.

" Sus di naman kagandahan. Di hamak na mas maganda itong si Liyah kumpara dyan sa parang espasol na yan." inis na saad ni Anne.

" O bakit napunta naman sa akin ang usapan? Anong konek?" mataray kong tanong.

" Ang taray naman girl! Ang ibig ko lang sabihin, kung may babaeng babagay kay Onemig, wala ng iba kundi ikaw. Kahit na para kayong aso't pusa noong mga bata pa tayo hindi maikakailang may chemistry kayo, mas bagay kayo kesa sa espasol na yan." paliwanag pa ni Anne na nagpaismid sa akin.

" Sus chemistry -chemistry. Ang sabihin mo bagay talaga kaming maging magkaaway. Hindi buo ang araw nyan kung hindi ako maaasar."

" Parang hindi naman ganyan si Onemig. Ang sweet nga sa amin nyan. Lagi kaming nililibre ng snack at balut pag gabi sa plaza." apila ni Richelle.

" Sa inyo lang sweet yan pero sa akin hindi. Nakakaasar kaya yang herodes na yan!"

"  Nag-away na naman ba kayo kaya ka ganyan kainis? Eh kararating nyo lang nung isang araw ah? " si Anne na tila naguguluhan ang itsura.

" Oo nung isang araw nga pag-alis nyo!" nagtataka silang napatingin sa akin.

" O bakit? Ano problema nyo?"

" Paano nangyari na nagkita kayo ni Onemig eh nakita namin yun na umalis papuntang kabilang kanto. Dyan nga siguro sa espasol na yan." wika ni Richelle.

" Eh anong gusto mong sabihin ko eh sa talaga namang nagkita kami nung araw na yon. Nabasa ko kasi sya dahil nagdidilig ako nun sa may bakod nung bigla syang dumaan. Ano yun aparisyon?"

" Hindi nga? Kasi nung makita nya kami nung araw na yon tinanong nya kung saan kami galing, ang sabi namin sa inyo nga dahil dumating ka. Tapos nun hindi na sya kumibo at sumakay na ng bike papunta sa kabilang kanto. Hindi kaya...." putol ni Richelle sa sinasabi nya.

" Hindi kaya ano? Naku Richelle Marie Santiago hindi ko gusto ang tinutungo nyang salita mo?" sambit ko.

" Bakit Aliyah Neslein Mercado, ano ba ang sasabihin ko dapat?" tanong nya sabay ngisi.

" Ewan sayo Richelle Marie. Hindi maganda yang ngisi mong yan!" nagtawanan pa sila kaya lalo akong naasar.

" Ate Rich what do you think? Bagay sila di ba?" panunulsol pa ni Anne sa pinsan.

" Isa ka pa Anne Lucille Santiago, makapang-asar kayo,wagas ah!" singhal ko kay Anne.

" Hoy,hoy girls tumigil na nga tayo! Nagkakasabihan na ng buong pangalan ah.Seryoso na yan."awat  ni Richelle.

" Hindi naman , nagro-roll call lang." turan ko saka kami nagtawanan na parang mga sira.

Nagtinginan tuloy sa amin ang ibang mga kumakain sa fastfood dahil sa ingay namin. Pati ang herodes na si Onemig at ang kasama nyang si espasol este si Kristel ay napatingin rin sa amin. Nang magtama ang paningin namin ni herodes ay pinandilatan ko sya ng mata tapos binelatan ko.

Akala ko gagantihan nya ako pero laking gulat ko ng bigla nya akong ngitian ng matamis at...

At....

At...

Kinindatan nya ako!

Naknang teteng! Bakit ang gwapo?

Nächstes Kapitel