webnovel

Affected

Nhel's Point of View

" Beh anong nagawa ko sayo para gawin mo sa akin ito? 15 years tayong nagmahalan at may anak tayo.Ako ang asawa mo." habang sinasabi nya yon ay walang patid na dumadaloy ang luha mula sa kanyang mga mata. Nakatingin lang ako sa maganda nyang mukha, may awang humaplos sa puso ko at damdaming hindi ko maipaliwanag.Gusto kong magsalita ngunit wala akong maapuhap na sabihin. Hindi ko maintindihan. Hindi ko sya kilala pero may kakaibang ibinubulong ang puso ko.

" Wait! Sandali!" sigaw ko pero tumakbo na sya palayo.

" Babe hintay!"

" Nhel! Beh gising!" marahang pagtapik sa pisngi ko ang nagpagising sa akin. Si Marga ang nabungaran ko.Panaginip lang pala.

" Nananaginip ka. Bakit tinatawag mo ako sa panaginip mo?" nakangiting tanong nya.

" Huh!"

" Oo nga sumisigaw ka. Sabi mo pa nga " babe hintay".Iniwan ba kita sa panaginip mo?"

I just nodded. Hindi ko pwedeng sabihin na hindi sya ang laman ng panaginip ko.Ilang araw ko na rin na naiisip yung babaeng yun, na nagsasabing asawa ko raw sya. Hanggang sa panaginip ginugulo nya ang isip ko.

" Beh, I'm not going anywhere.Dito lang ako sa tabi mo. Huwag ka nga masyadong nag-iisip, makakasama sayo.Halika na matulog na uli tayo." wika nya at humiga ng muli para matulog.

I heaved a deep sigh. Bakit ko tinawag na babe yung babaeng yun? Sino ba talaga sya? Bakit nung makausap ko sya kilala nya si Marga?Posible ba na totoo yung sinasabi nya? Pero bakit hindi ko sya kilala kung kilala nya si Marga? Gusto kong magtanong kay Marga kung kilala nya ang babaeng yun pero nag-aalanganin ako. Ayokong magduda na naman sya. Lahat na lang kasi pinagdududahan nya, ultimo yung may ari nitong resort na medyo may edad na sa akin gusto nyang sugurin dahil may gusto raw sa akin. Yung bagong lipat sa kabilang bahay na puro teen ager, natanong ko lang kung taga saan sila pinagduduhan na nya agad ako na may gusto raw ako dun sa isa.Kaya ngayon ayaw kong itanong sa kanya kung kilala nya si Laine baka sugurin naman nya yung tao,kawawa naman.

Humiga na akong muli sa tabi ni Marga para matulog. Yumakap sya sa akin at ginawang unan ang aking dibdib. Napakislot ako ng maglakbay ang kanyang kamay sa katawan ko. Nagpapahiwatig na naman sya na gusto nyang may mangyari sa amin.

At katulad nung mga nagdaang araw simula nung tanggalin ang mga benda ko sa kamay, binti at ulo sa ospital, madalas na kaming magniig, halos gabi-gabi na nga pero sa tuwing nandoon na kami sa rurok, tumitigil ako at nauuwi kami sa pagtatalo.

Simula nun, dalawang linggo na ang nakakaraan hindi na sya nagtangka pang magpahiwatig muli, ngayon na lang ulit.

" Beh gusto ko na.Baka pwede na." untag nya na nilangkapan pa ng pagpungay ng kanyang mga mata.

I just nodded at sinimulan ko na syang halikan sa labi.Gumanti na rin sya at nagsimula na syang maging agresibo. Aaminin ko, mainit si Marga sa sex pero kakatwang hindi nya ako madala, naisip ko na baka dahil sa aksidenteng nangyari sa akin kaya parang nawalan ako ng gana. Posible ngang iyon ang dahilan. Kasi kung hindi yon, hindi normal na wala man lang akong maramdamang pagnanasa sa kanya gayong asawa ko sya.

Patuloy lang sya sa ginagawa nya sa akin, sya na halos ang nagtatrabaho sa pagniniig namin. Umibabaw sya sa akin,hinalikan nya ang buo kong katawan at nagtagal sya dun sa manhood ko. Makalipas ang ilang sandali, padabog syang umalis sa ibabaw ko at nagpunta sa banyo.Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower tanda ng nag cold shower na naman sya.

Nang magbalik sya ay padabog din syang nahiga sa tabi ko. Niyakap ko sya mula sa likuran at hinalikan sa ulo.

" Babe I'm sorry. Maybe some other time we can do it."

" Okay let's go out, maligo tayo sa dagat para mawala ang init na nararamdaman ko."

Mabilis akong sumang-ayon sa paanyaya nya. Nagpalit kami ng panligo at lumabas na papunta sa dagat. Mabuti na rin siguro ito, naisip ko,para naman kahit paano mawala ang inis ni Marga sa akin dahil sa pagkabitin na naman nya.

Nang makarating kami sa dagat ay agad kaming lumusong sa tubig. May mga inabutan kaming mga kabataan na naglalangoy sa di kalayuan sa pwesto namin.

Sa di kalayuan sa kinaroroonan ng mga kabataan, may namataan akong isang pamilyar na bulto na nakaupo paharap sa dagat. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko ng masiguro kong sya nga yon. Nagdulot na naman iyon ng kalituhan sa isip ko. Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa taong hindi ko naman kilala? Yung damdamin na kakatwang hindi ko naramdaman sa asawa kong si Marga.

Bago pa makahalata si Marga na may tinitignan akong iba,niyaya ko na syang umahon at maupo na lang sa buhanginan. Magkaharap kaming naupo at nagulat na lang ako ng bigla na lang syang nangunyapit sa akin at mapusok akong hinalikan sa labi. Gumanti na rin ako ng mapusok din na halik at nakita ko sa aking peripheral vision na namangha ang babaeng yon ng makita nya kami, mabilis syang tumayo at nagmamadaling umalis.

Nang umuwi na kami ni Marga galing sa dagat, sabay na kaming nagbanlaw sa banyo pagkatapos ay naghanda na para matulog. Salamat naman at hindi na nya ako sinimulan para sa isang mainit na sandali kundi mabibigo lang lalo sya dahil okupado na nung estrangherong babae ang isip ko at hanggang sa bago ako matulog naiisip ko pa rin sya.

Haisst ano ba yan kinulam na yata ako ng babaing yon!

KINABUKASAN pagkaalis ni Marga para pumasok na sa trabaho nya, ay muli na naman akong tumambay sa duyan namin sa may ilalim ng puno.Nakagawian ko na ito tuwing umaga pagkaalis ni Marga dahil nare-relax ako pag tinatanaw ko ang dagat.

Ilang sandali lang ang lumipas ng matanawan ko ang babaing yon na naglalakad patungo sa dagat. This time malinaw ko syang nakikita hindi katulad kagabi na tanging buwan lang ang tumatanglaw sa maganda

nyang mukha.

At talagang nagagandahan ka sa kanya ha?

Oo naman kumpirma ko sa isip ko. Isa sya sa may pinaka- magandang mukha na nakita ko.Higit na maganda kaysa kay Marga. Kaya siguro sa tuwing nakikita ko sya, tumitibok ng mabilis ang puso ko dahil nagagandahan ako sa kanya.

Napatayo na ako ng tuluyan sa kinauupuan kong duyan ng makita kong nagtanggal sya ng roba at inilatag yon sa may buhanginan. Tumambad sa akin ang napaka-sexy nyang katawan na natatakpan lang ng pulang two piece bikini na lalong nagpatingkad sa maputi nyang balat.

Tila nanigas na ako sa kinatatayuan ko ng mapatingin sya sa gawi ko.

Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko na parang sumali sa karera.Nag-iinit rin ang aking pakiramdam sa buo kong katawan.

Damn! Bakit ganito ang epekto ng babaing ito sa sistema ko?

Lumusong na sya sa dagat at ekspertong lumangoy na parang isang professional swimmer. Magarbo kong pinagsawa ang mga mata ko sa panonood sa kanya. Ilang sandali pa ang lumipas ng huminto sya sa paglangoy. Marahil ay pagod na sya kaya umupo na muli sa buhanginan at isinuot ang kanyang roba.

Napansin ko na malungkot syang nakatanaw sa dagat habang yakap nya ang kanyang mga tuhod. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na naman ako ng kakaibang lungkot habang pinagmamasdan ko sya. At hindi ko mapaniwalaan ang sarili ko ng maramdaman ko ang mga paa ko na dinadala na ako sa direksyon ng kinaroroonan nung babaeng iyon.

Kahit tumututol ang isip ko na lapitan sya ay taliwas naman ang ginagawa ng katawan ko. At nalaman ko na lamang na nakatayo na pala ako sa likuran nya.

Lumingon sya ng maramdaman nyang may tao sa likuran nya. Nanlalaki ang mata nya sa gulat ng magtama ang aming mga mata.

" H-hi!" great nag stutter pa ako. Takte kinakabahan ako ngayong kaharap ko sya. Walang tigil sa pagririgodon ang puso ko.

" Hi!" bati nya pabalik,malapad ang ngiti nya. Naupo ako sa tabi nya,iniyakap ko rin ang mga kamay ko sa tuhod ko gaya nya.

" It seems that you're in deep thoughts. Did I disturb you?" tanong ko dahil sa biglang pananahimik nya.

" No, not really. I just want to relax and breathe some fresh air. Uhm..what are you doing here?" tanong nya.

Hindi ako agad nakakibo. Ano nga ba ang ginagawa ko dito?

" Ahh..I just saw you all alone. Maybe you need company." nagulat ako sa sinagot ko.Saan naman galing yun? Baka isipin nya kilala ko nga sya gaya ng ipinipilit nya sa akin nung isang araw.

" Ah okay ." yun lang ang sinabi nya. Nagtataka naman ako dahil nung isang araw lang ipinipilit nya na asawa nya ako. Pero ngayon parang hindi na nya binabanggit.Siguro na realized nya na hindi nga talaga ako yun.

Sa isiping yon, parang may kumirot sa isang bahagi ng puso ko.

Ano yon, umaasa ba ako na may koneksyon talaga sa akin itong babaeng ito?

Namayani ang matagal na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pareho kaming nakatingin lang sa dagat at pinapanood ang mga naliligo.Pagkalipas ng ilang sandali pa ng marinig ko na syang magsalita.

" Alam mo ba yung pakiramdam na makita yung taong mahal mo na may ibang kasama bukod sayo?" tanong nya na sa dagat pa rin nakatingin.

" What do you mean?" tanong ko.Tumingin sya sa akin na may malungkot na mga mata.

" You know it hurts me bigtime whenever I see the love of my life living with another woman. It's really painful to see him kissing a woman who is not me. Bata pa lang kami nangako na kami sa isat-isa na hindi namin ibibigay ang sarili namin sa iba kundi sa amin lang dalawa. Ngayon kapag naiisip ko na hindi lang halik ang pinagsasaluhan nila ng ibang babae na kasama nya, para na akong pinapatay ng unti-unti."

" Laine?!" gulat kong sambit.Umiiyak na naman kasi sya at kakatwang ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.

Lumapit pa akong lalo sa kanya at hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin ng kulungin ko sya sa mahigpit na yakap.

" Naguguluhan man ako sa sinasabi mo pero iba ang ibinubulong ng puso ko.At sa mga sandaling ito parang nararamdaman ko ang pinanggagalingan mo."

Nächstes Kapitel