webnovel

What Do We Mean To Each Other

Laine's Point of View

SAKAY na kami ng eroplano pauwi ng Pilipinas.Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.Gusto ko syang makita pero may kirot pa rin sa puso ko.

Hindi naman maiiwasan na hindi kami magkita dahil uuwi kami ng Sto.Cristo para sa kasal nina Pete at Rina. Posibleng magkita kami dahil hindi naman ganon kalaki ang Sto.Cristo para hindi mag krus ang landas namin.

May major fashion show din ang Montreal at malamang din nandoon sya dahil isa rin sya sa mga sikat na modelo na hinahawakan ng kumpanya.

Haay hindi ko alam kung handa na ba talaga ako.Hindi naman sa nag-eexpect ako ng kahit ano mula sa kanya pero kasi yung isa sa mga agenda ko kung bakit kami umuwi ni Anton dito sa Pilipinas, ay para ayusin ang pagiging mag-asawa namin ni Nhel.It's either annulment or going back to each other's arms.Depende yun sa sitwasyon nya.

Bahala na si Lord kung ano ang mangyayari.Siya lang ang nakakaalam kung ano ang mas mabuti sa amin ni Nhel.

Sa bahay nila Anton kami tutuloy dahil gusto kaming makasama ng mommy at daddy nya.Gusto rin nilang makita at makapiling sana si Aliyah pero nag~aaral pa nga ito.

Nung pumunta ang daddy ni Anton sa Switzerland nuon para ipakasal sya sa anak ng business partner nito five years ago,akala ko iyon na ang huling pagkikita namin dahil nagalit sya sa amin sa ginawa naming pagpapakasal.Pero makalipas ang ilang buwan ay bumalik ang daddy nya kasama ang mommy nya at si lolo bigboss upang pormal akong i-welcome sa pamilya nila.Simula nun madalas na silang magbakasyon sa bahay namin lalo na nung isilang ko na si Aliyah.Minahal nila ako at nakisama ako ng husto sa kanila.Nalaman din nila na maganda ang estado sa lipunan ng pamilyang pinanggalingan ko.Kumbaga hindi na nga naman masama,good catch na rin ika nga.At isa pa, tumino daw si Anton sa akin lalo na nung dumating na si Aliyah sa amin.Naging masigasig na ito sa pagpapatakbo ng negosyo nila sa Switzerland na umunlad na ng husto.Ang alam nila, nagsisikap si Anton para sa amin ni Aliyah.Partly true, but half of it is for Lianna.

Hanggang ngayon wala pa rin silang alam dun sa kasunduan namin ni Anton at ng lolo nya.At yun ang pinangangambahan namin ni Anton, ang malaman nila ang katotohanan.

MASAYA kaming sinalubong ng pamilya nya nung makarating kami sa kanila.May hinanda rin na konting salo~salo at nandun din ang bigboss na tuwang~tuwa pang yumakap sa aming dalawa.

" Welcome back mga apo." bati nya sa amin at hinarap ako.

" Ano Laine handa ka na bang sumabak sa major fashion show natin next month? Yung billboard mo nga pala, bukas na ilalagay sa may Edsa at yung isa ay inilalagay na ngayon sa papasok ng NLEX.I'm sure daragsa na naman ang mga clients natin pag lumabas na yun." balita ni lolo bigboss.

OMG! Grabe pa naman ang suot ko dun,two piece bikini lang, ang bagong product ng Montreal na ila~launch dito sa Pinas.

Akala ko sa magazine lang yun ilalabas but now may billboard pa pala.At take note,sa Edsa at NLEX pa talaga.

Shemay,kinakabahan yata ako.

Kasi naman si lolo bigboss ako pa talaga yung pinili nya na gawing modelo para sa mga undergarments at swimwear na inilunsad dun sa Switzerland 3 years ago.Napilitan pa nga akong huminto sa pagbe-breast-feed kay Aliyah noon dahil kailangan ko daw ibalik yung dati kong katawan.

Sumikat ang bagong produkto namin sa Switzerland nung i~launched yung product dun at ako nga ang modelo. Hindi ko akalain na gagamitin din yun dito.Open minded ang mga tao dun pero dito, hindi ako sigurado kung tanggap nila ako na ganun ang suot.Sanay sila na casual at formal wear ang minomodel ko.

" Eh lolo baka po naman hindi tanggapin ng public na ganon na ang suot ko sa mga billboards ngayon.Mas sanay sila sa pa sweet kong style." turan ko kay lolo na medyo nag-aalanganin.

" Iha, don't worry, nailabas na sa mga magazines yung mga kuha mo,pati na sa mga brochures natin at napaka ganda ng feedback.Marami na nga ang gustong umorder ng mga bagong products natin kaya lang hindi pa tayo nakapag-launch.Expect nyo na rin ni Anton na magiging busy tayo sa rehearsals para sa fashion show, at sa susunod na araw na yung rehearsal."

" Lolo naman, hindi mo muna po ba kami pagpapahingahin ni Laine,rehearsal agad?" singit ni Anton.

" Naku apo, naghahabol na tayo sa oras. Saka na muna yang paggawa nyo ng susunod naming apo kapag tapos na ang trabaho nyo." natatawang turan ni lolo.

" Lolo?!" nahihiyang sambit ni Anton,ako naman namumula na rin sa hiya.

Nagkatinginan kami dahil sa pinagsasabi ni lolo.

" O bakit, wala pa ba kayong balak sundan si Aliyah?" nang-aasar pa uli na turan ng matanda.

" Lo, nasa Pilipinas na po kami,alam nyo kung ano ang estado namin ni Laine dito.Wait lang kayo bibigyan ko uli kayo ng apo.Kay Lianna na nga lang." pabulong na wika ni Anton baka kasi marinig ng magulang nya na nasa di kalayuan.

" O siya nagbibiro lang naman ako.Mag-ready na rin kayo bukas dahil may board meeting tayo sa Montreal,kasama kayong dalawa dun."

" What do you mean po lolo?" tanong ko sa kanya.

" Pagbalik nyo ng Switzerland para ayusin ang mga dapat nyong ayusin, babalik uli kayo dito para dito na uli magtrabaho sa kumpanya.Siguro naman by that time maayos na rin ang mga relasyon nyong dalawa sa iba.You know what I mean."

______________

" Hubby daan muna tayo sa mall, may bibilhin lang ako. Actually hahanapin pa natin,hindi ko alam kung mayroon dito nun." untag ko kay Anton,pagkagaling namin sa board meeting ng Montreal.

" Ano ba kasi yun baby? Bakit hindi mo na lang hanapin sa mga online shops mamaya pagdating sa bahay. Gusto ko na ngang mahiga,sakit ng katawan ko." dinama ko naman agad ang noo at leeg nya kung may lagnat,kanina pa kasi parang matamlay.

" Yung damit na pinakita sa facetime kagabi ng anak mo.Alam mo naman yon,pag hindi ko sinunod.Kasalanan mo kasi,spoiled masyado sayo." nakalabi ko pang turan.

" Hahaha..ang cute mo baby.Eh hayaan mo na, nag-iisa lang natin yun natural lang na maging spoiled sa akin yun.Gawa tayo ng isa pa para hindi na ganun kakulit yun." asar nya sa akin.

" Hay nako Antonio Jaime Montreal del Rio! Ako nga'y tigil-tigilan mo dyan sa isa pa,isa pa na yan.Para kang si lolo.Yung isa nga lang, malapit na akong mabuang sa sobrang kulit, dadagdagan mo pa ng isa pang makulit din na katulad mo,eh saan na kaya ako nun pupulutin?"

" Hahaha..baby naman, high blood agad, binuo mo na talaga yang pangalan ko.Sorry na po,galit ka na nyan eh."

" Hindi naman hubby, inaantok lang ako.Kasi naman ang aga nung board meeting tapos may jetlag pa ako.Pagkagaling ng mall, inom ka na agad ng gamot pagdating ng bahay ha hubby?" nag-aalala kong turan.

" Kaya nga umuwi muna tayo para makapag-pahinga. That dress can wait." kinabig nya ako at hinalikan sa ulo.

" Sige na nga umuwi na tayo para makapag-pahinga at matulog."

" Tutulog na agad?" pilyong asar na naman nya.

" Oh eh ano pa ba dapat?" mataray ko naman na tanong.

" Alam mo na yun baby!" sabay halik sa balikat ko,naglalambing na naman ang damulag.

" Oh, Eh di shing!"

Hahaha?...

Ano kaya yun? Eh sila lang po talaga ang nakakaalam nun.

Alam ko marami sa inyo ang nalalabuan pero di ba nga sabi ko patuloy lang kayo sa pagsubaybay at malalaman nyo rin.

Anyways,thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Nächstes Kapitel