webnovel

Forgive and Forget

Laine's Point of View

" O paano maiwan ko na kayo ha? Mag-usap kayo ng mabuti at wag kayong matutulog ng hindi kayo nagkakaayos.And I'm warning you,please behave." natauhan kami pareho ng marinig namin si mommy na nagsasalita.Pareho kasi kami na natulos lang sa kinatatayuan hanggang sa makaalis na si mommy.

" Can we talk?" basag nya sa katahimikan.

I just nodded at ibinukas ng malaki ang pinto hudyat upang doon na lang kami sa room ko mag-usap.

Umupo ako sa couch at sumunod sya sa akin.Walang kumikibo sa amin waring tinatanya kung sino ang mag-uumpisa.Ilang sandali pa ang lumipas na nagtititigan lang kami.Nakikita ko sa mga titig nya ang labis na pangungulila sa akin.I saw sadness in his eyes.

" Babe I'm sorry. I've hurt you.I've caused you pain.Lumayo ka dahil sa nagawa ko.Hindi man malinaw sa akin ang buong pangyayari,alam kong nasaktan kita.Kung maibabalik ko lang yung araw na yun,hindi na sana ako uminom at nalasing.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Peachy para masaktan ka ng husto at lumayo." he sighed then continue. " Sobrang pinagsisisihan ko yun Laine, sobrang sakit din sa akin yung hindi kita nakikita at nakakasama.Araw at gabi akong nananalangin na sana bumalik ka na dahil nahihirapan na ako.I'm sorry babe for all the heartaches that I've caused you, for every tears that you shed." madamdaming wika nya at napansin ko na may butil ng luha na pumatak mula sa kanyang mga mata.

Tahimik kong inabot ang mukha nya at pinunasan ang luhang pumatak.Gusto kong magsalita pero parang may bikig sa lalamunan ko.Parang kinukurot ang puso ko habang nakikita ko sa mukha nya ang iniindang sakit ng kalooban.

I wanted to tell him what really happened that night pero parang may pumipigil sa akin.Nasasaktan pa rin ako pag naaalala ko and yet kailangan na rin naming magkasundo at magkapatawaran.

Walong buwan yung nasayang sa amin.Mga lumipas na araw at buwan na tiniis ko na hindi kami nagkikita.Yung mga panahon na ang tanging iniisip ko lang ay nasaktan ako, hindi ko na inisip na nasasaktan din naman sya sa paglayo ko.

I was so unfair to him.

Kahit na nasaktan ako, kahit na yung sakit ay halos hindi ko na makayanan noon, hindi ko maikakaila na ang pinaka-masayang parte ng buhay ko ay yung kasama ko sya.Kaya bakit ko nagawang iwan ang taong ito na wala namang ginawa kundi ang mahalin at pasayahin ako? At ang nangyaring pagkakamali nya ay hindi naman nya sinadya.Bakit pinagkaitan ko sya ng pagkakataon na magpaliwanag? Masyado kong pinairal ang nasaktan kong damdamin gayong sobrang nag-aalala naman ako sa mga maaring mangyari nung mga panahong hindi ko sya nakakasama.

Ayoko na wala sya sa tabi ko.Ayokong magkaroon ng pagkakataon yung iba na makalapit pa sa kanya habang wala ako sa tabi nya.I didn't like the idea of him being with someone else.With him I wanted to be selfish.Gusto ko kaming dalawa lang.Gusto ko akin lang sya.Walang ibang humahawak, walang ibang humahalik.

Siguro ito na ang tamang panahon na dapat na naming kalimutan ang lahat ng nangyari and make up for the lost times.

Again,I cupped his handsome face and wiped his tears.

God, ilang beses na ba itong umiyak sa harap ko?

Hindi ko na rin napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit at dun sa balikat nya ako humagulgol.

" Beh I'm sorry.I'm so sorry. I broke one of our rules. Imbes na pag-usapan natin ng maayos yung nangyari mas pinili ko ang lumayo dahil nasaktan ako.Kapag nakikita kasi kita parang movie na paulit-ulit na nagpa-flashback yung eksenang nakita ko sa inyo ni Peachy.Beh ang sakit eh.Ang sakit-sakit.Pero mali pa rin eh, pinagdamutan kita ng pagkakataon na makapagpaliwanag.Iniwan kita ng hindi ko man lang inisip na masasaktan ka.I'm so selfish and unfair. Yung sariling nararamdaman ko lang yung inintindi ko." litanya ko habang patuloy na umiiyak.

" Shhh...hush now babe.Huwag na nating balikan yung pangit na pangyayaring yun.Isipin na lang natin na isang aral yun na kahit hindi maganda yung nangyari hindi maikakaila na may natutunan tayo pareho mula dun.I promise you this time na hindi na ako iinom ng sobra na hindi ikaw ang kasama ko." turan nya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Nang mahimasmasan ako ay ngumiti ako ng malapad sa kanya.Masarap talaga sa pakiramdam yung nailalabas nyo sa isat-isa ang lahat ng sakit na nararamdaman nyo.Tama na yung ilang buwan.We wasted so much time.

" Oo nga beh, hindi ko na rin babaliin yung rules natin, hihintayin kitang magpaliwanag bago ako mag-inarte.Ang hirap din kaya nung hindi kita nakikita noh.At isa pa masyadong magastos yung ginawa kong paglimot pati sila dad nagrereklamo sa akin dahil sa laki ng nagastos ko sa pag-sshopping at paglalakwatsa para lang hindi ko maisip yung nangyari.Kaya nga next time wag ka ng uminom ng sobra.Ang halay mo pag nalasing ka." natatawa kong saad sa kanya.

" Really, mahalay talaga? Ano ba kasi ang ginawa ko nun?" tanong nya.

" Ay huwag na! Ayoko na alalahanin pa yon.Basta mahalay ka." mataray kong sambit, nakakainis naman kasi pag naiisip ko yun.

" Ows! Baka kasi ikaw ang naiisip ko nun kaya ganon." pigil ang ngiting turan nya.

" Talaga lang beh? Kung ako man yon eh hindi ko gugustuhin na nasa ganoong estado ka, mas feel ko kung nasa katinuan ka."

" Talaga babe? Ngayon concious ako, hindi ako lasing,pwede ba kitang landiin?"

" Yuck! Nielsen Emmanuel what a word?"

" O bakit? You started it, sabi mo mas feel mo kung nasa katinuan ako.So, what now babe,game?"

Aba hinahamon ako ng mokong na to ah.Kung bakit naman kasi ang dami kong sinasabi kanina hayan tuloy nagkaroon ng idea ang talipandas na gwapong to.

Pero teka tignan lang natin kung uubra sa kapilyahan ko ang dakilang mapang-asar na to.

Ako pa ba?

" O sige beh, game! Landiin mo na ako!" Eiw! What a word? Baka biglang bumangon si Mother Theresa of Calcutta sa choice of words ko.

Nagulat sya sa sinabi ko..haha.sabi ko na nga ba eh,magaling lang talaga sya mang-asar pero kapag pinatulan ko ng kapilyahan ko, ninenerbiyos.Alam nyang hindi ko sya uurungan.

Sinamantala ko ang pagkagulat nya. Tinulak ko sya pasandal sa couch at

kumandong sa kanya.

I cupped his face and kiss him hard.Walang ng inhibitions basta tinuon ko ang atensyon ko sa paghalik sa kanya.Na-missed ko ito kaya lulubusin ko na.

Huminto kami ng pangapusan na kami ng hininga.Nagtitigan kami at pinagdikit nya ang noo namin.

" Babe this is my best birthday ever.Ikaw ang wish ko kaninang nag-blow ako ng candle dun sa cake na bigay ng daddy mo.And this time hindi ko na sasayangin ang pangalawang pagkakataon na ito sa atin.Hindi ko na hahayaang mawala ka sa paningin ko.Kung kinakailangang maging parang tarsier ako sa pagiging clingy ay walang kaso sa akin yon basta't sigurado lang na hindi ka mahihiwalay sa akin." hinalikan nya ako ng mabilis sa labi.

Dahil nakakandong ako sa kanya,kinawit ko ang mga braso ko sa leeg nya at kinabig sya palapit sa akin para mayakap ko sya ng mahigpit.

" Beh gusto ko yun.Ayaw ko rin na mawala ka sa paningin ko.Kung pwede lang na gawin kitang key chain para lagi ka sa bulsa ko, gagawin ko.Pero syempre hindi pwede yung ganon di ba? Mas maganda siguro kung dagdagan na lang natin yung tiwala natin sa isat-isa."

" I trust you so much babe.Wala lang akong tiwala sa ibang mga taong nasa paligid natin.Twice ng nangyari ang ganito sa atin kaya kailangang doble ingat na tayo ngayon.I can't afford to lose you again." he held my hand then intertwined our fingers.It feels good holding his hand.

" Oo beh hindi maganda sa pakiramdam yung nag-aalala ako palagi sayo kapag hindi kita kasama.Feeling ko may ibang yumayakap at humahalik sayo.Gusto ko ako lang.Gusto ko akin ka lang." napangiti sya sa sinabi ko at iniyakap nya ang mga braso nya sa bewang ko.

" Mukhang naging possessive ka yata ngayon? Di ba sa ating dalawa ako yung ganyan.Anyare sayo?" asar nya sa akin.

" Wag ka nga beh! Basta simula nung makita ko yung nangyaring yon that night, pakiramdam ko kailangan ko ng mag-ingat at protektahan ka sa mga higad.Kaya kahit sabihin mong possessive ako,carry lang basta hindi ka maagaw sa akin ng iba."

" Gusto ko nga yun babe,yung possessive ka para ikaw at ako lang talaga."

" Hahaha..ayos beh ang combination natin ah, isang possessive at isang clingy."

" Oo nga.Meant to be."

That night we stayed on the couch talking about what happened to us for the past eight months that we lost contact.We tried to catch up for the lost times.

Hindi namin namalayan na nakatulog na kaming pareho.Magkayap kami.Nakaunan ako sa dibdib nya at sya naman ay mahigpit na nakayakap sa bewang ko.Pinagkasya namin ang mga sarili namin sa couch na yun.

Nagising ako ng 4am ng tumunog ang alarm clock.Ginising ko si Nhel kaagad dahil kailangan na nyang makauwi bago pa may magising sa mga kasama ko sa bahay kundi baka mahalibas kami pareho ni dad ng tungkod nya.

Hinatid ko sya hanggang sa gate namin.

Sumakay na sya ng bike nya at ng medyo nakausad na sya ay tinawag ko syang muli kaya napahinto sya.

" Beh!"

" Hmm."

" I love you!" ngumiti sya ng malapad at binalikan ako.Nung nasa harap ko na sya ay mariin nya akong hinawakan sa mukha at hinalikan sa labi.

" I love you more! Sabi ko na nga ba may nakalimutan ako buti na lang tinawag mo ako."

" Sus kunwari ka pa.Bumalik ka lang talaga kasi gusto mo na namang makaisa.Talipandas kang tunay."

" Hahaha..kilalang-kilala mo ako babe.Isa pa nga."

At umisa pa nga ng umisa at wala syang pake kung nilalamok man kami sa labas.

Hayan sa wakas nagkaayos na ang dalawa. Abangan natin ang mga susunod na adventures nila sa mga susunod na chapter.

Thanks for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Nächstes Kapitel