webnovel

Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 10

PAGKA-GALING ko sa room nila dad pagkatapos kong magpaalam na sasama ako dun kila Candy sa perya bukas, dumiretso ako sa kusina at inabutan ko ang maganda kong nanay na nagluluto ng specialty nya na cassava cake.

Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para magpaalam na rin para bukas at pumayag naman sya after nya mag explain kung ano ba yung perya.

Paalis na ako nung magpahabol sya ng utos na dalhin ko raw yung cassava cake sa favorite nyang kumare at long time friend na si Tita Bining.Hindi ko na masyadong kabisado kung saan yung bahay nila Tita Bining kasi bata pa lang ako nung huli kaming nagpunta dun.

Sinabi naman ni mommy yung direksyon kaya sakay ng bike ko na kulay pink na may parang basket sa harapan, gora na ako kila Tita dala ang cassava cake nya.

Madali ko namang nahanap yung bahay, bago na nga sya pero yung puno ng anonas nandun pa rin naman, tanda ko yun kasi nanguha pa kami dun bago lumuwas nun ng Manila.At katapat sila nung bahay ni Tito Toots, yung pinsang buo ni mommy.

Bukas yung gate nila kaya iniwan ko na lang yung bike ko sa may bakod nila.Dala yung cassava cake, kumatok ako sa pintuan.Hindi naman nagtagal may nagbukas nung pinto.

Anak ng pitong kuba! na shock ako nung makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto.

" W- what are you doing here?" shocks muntik na akong mag stutter ah.

" Ako?" naa- amuse na turo pa nya sa sarili nya. " Hindi ba dapat miss ako ang magtanong sayo nyan?Dito ako nakatira, hindi ba obvious? dahil ako ang nagbukas ng pinto." mahabang sabi nya na medyo nangingiti pa.

Shet na malagket, ang gwapo ng palakang to talaga, bagong ligo pa sya kaya naamoy ko pa yung cologne nya.Grabe ang bango, tsaka ilang taon na kaya tong mokong na to parang binatang- binata na ah, lakas ng dating eh...

" Hoy! miss natulala kana naman dyan! Are you done checking me out?" pilyong tanong nya.

" Huh?!" yun lng nasabi ko.

pahiya na naman ako dun ah, kung bakit naman kasi natutulala ako pag nakikita ko tong mokong na to eh.

Teka nga kailangan kong makabawi!

" Hoy, kuya I'm not checking on you! How dare you! Nagulat lang ako kasi hindi ko ine- expect na makikita ko yang pagmumukha mo dito.Anak ka ba ni Tita Bining? Pwes, ituro mo na lang kung nasaan sya para maibigay ko na tong pinabibigay ng nanay ko sa kanya at ng makaalis na ako ng hindi ko na makita yang pagmumukha mo.

Naaalibadbaran ako sayo!" dire- diretso kong sabi sa kanya.

Whew! kapagod yun ha siguro naman nakabawi nako sa pagkapahiya ko.

" Diretso ka lang sa kusina, andun si mama.Grabe para kana namang armalite ah!" nangingiti nyang sabi.

" Tse!" sabi ko na lang sabay martsa papunta sa kusina nila.Ang mokong na yun nakuha pang ngumiti naha- high blood na nga ako.

Huh.kaasar!grrr!

" Hahaha!" naririnig ko pang tawa ng hudyo.Bwisit!

" O Laine, nandito ka pala." sabi ni Tita Bining." bakit parang high blood ka yata?" tanong pa nya.

" Hi, Tita! sabay nagmano sa kanya.

May pinabibigay po sa inyo si mommy, paborito nyo po." iwas ko sa huling tanong nya.

" Uy salamat anak, paborito ko nga yan at ang gawa ng mommy mo ang pinaka masarap na natikman ko." natutuwang sabi ni tita.

" Ay opo, masarap po talagang gumawa si mommy nyan." sabi ko naman.

" Bakit nga parang high blood ka pagpasok mo kanina dito?".kulit ni tita sa akin...patay paano ko ba sasabihin sa kanya na yung magaling nyang anak ang dahilan.

" Ah eh, kasi po tita may palaka po akong nakita dyan sa labas,eh naaalibadbaran po ako, ang yabang po eh!" sabi ko na lang sa kanya.

" Palaka?Mayabang? May ganon ba?

Palakang mayabang.hahaha." tanong ni tita na hindi mapigilan ang pagtawa..naaliw yata sa sinabi ko.

" Meron ma at napaka gwapo pa!"

singit ng boses na papasok ng kusina na parehong ikinagulat namin ni tita Bining...

Second encounter na nila magkaaway pa rin.Ano na kaya ang mangyayari sa ating mga bida?Abangan!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Nächstes Kapitel