webnovel

Ballet studio

DINALA ni Ansell si Sammie sa loob ng ballet studio kung saan nagpa-practice noon si Lexine. Buti na lang at kasalukuyang walang gumagamit kaya solo nila ang buong lugar.

"Lexine used to train in this studio for more than a decade. She started dancing ballet since she was four," kwento ni Ansell habang prenteng nakatayo sa isang tabi.

Kanina habang nasa byahe sila ni Ansell, nag-kwento na ang binata ng mga bagay tungkol sa pagkatao ni Lexine. Nalaman ni Sammie na isa itong only child, maagang naulila ng maaksidente ang mga magulang, lumaki ito sa lolo na si Alejandro. Mayaman at tagapagmana ng Vondeviejo Family. Maging kung ano ang mga hobbies ni Lexine, ugali, pananalita, mga paniniwala. Kung sino ang mga kaibigan nito at kung ano-ano pa.

Dahan-dahang naglalakad sa loob ng studio si Sammie. Pinagmasdan niya mabuti ang buong lugar. Sinipat ang bawat sulok nito, pinakiramdaman ang paglapat ng paa niya sa makinis at malinis na wooden floor. Lumapit siya sa gilid kung saan sinasakop ng salamin ang buong dingding. Una niyang napansin ang ballet barrel na nakadikit just above her waist level. Hinawakan niya ito at nilapat ang palad sa mahaba at cylinder na kahoy.

She tried to feel it. This is actually her first time entering a ballet studio and for some weird reason, Sammie felt as if like her small hands are mold to hold this barrel. As if her feet memorized the surface of the floor in every way she can't understand. She felt a warm sensation on her skin, she's actually feeling nostalgic.

Bakit ganito ang pakiramdam niya?

"Is Lexine… a good ballerina?" di niya napigilan itanong.

"Yes she is. Siya ang pinakamagaling na estudyante ni Kristine Garcia, most of time that she performed she's always the center of attention. Lexine had dreams to become a successful ballerina. Unfortunately, she died early," kwento ni Ansell.

Nanatiling nakahawak si Sammie sa barrel habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. She looked closely at her face. Her almond shaped eyes, pointed little nose, thin lips and fair skin. Inimagine niya ang mukha ni Lexine na nakapusod ang buhok habang nakasuot ng leotards at tutu.

Then she started to see flashes of images, Lexine looking at the mirror doing a barrel exercise, stretching, dancing inside the studio, skipping, jumping, bending, spinning. Everything is so fast its almost like a blur. Sammie felt her heart tightens. Napahawak siya sa dibdib.

What the hell was that? Why is she seeing memories of Lexine?

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. She need to know more. Hindi siya matatahimik. Nakita niya ang repleksyon ni Ansell na nakatayo sa kanyang likuran habang nakapamulsa sa pantalon nito. Tumitig siya sa mga mata ng binata.

"Paano namatay si Lexine?"

Nakita niya sa repleksyon ang pagtigas ng bagang ni Ansell. Kanina pa nararamdaman ni Sammie na may tinatago ang binata. Basic lang ang mga kinukwento nito pero malakas ang kutob niya na may misteryo at kababalaghan sa pagkatao ni Lexine kagaya ng sikreto ng pagkatao ng nobyo nito, si Night. At may hindi magandang nangyari kung bakit ito namatay.

"Bangungot daw sabi ng mga doktor," sagot ni Ansell nang hindi tumitingin sa kanya.

Nahugot ni Sammie ang hangin sa dibdib, humarap kay Ansell at naglakad papalapit dito. Hindi siya naniniwala na bangungot ang kinatamay ni Lexine.

"Hindi totoo 'yan, alam ko may tinatago ka Ansell. Nangako ka sa akin na sasabihin mo ang lahat tungkol kay Lexine. I need to know the whole truth. Everything about her and how she really died."

Natahimik si Ansell lalo na nang makita ang determinasyon sa mukha ni Sammie. Napatitig siya sa mata nitong punong-puno ng emosyon. Ngayon niya napatunayan na hindi lang mukha ni Lexine ang hawak ng babae dahil kahit maging ang tapang ng puso ay magkatulad sila.

Unang kita niya pa lang kay Sammie alam na niyang hindi simpleng coincidence lang na kamukha ito ni Lexine. Kailangan nilang malaman kung ano ang nagtatagong sikreto.

Hindi matangap ni Ansell ang biglang pagkamatay ng kanyang bestfriend lalo na at wala siyang nagawa upang protektahan ito. Matagal na sinisi ni Ansell ang sarili lalo na at pakiramdam niya napakarami niyang unfinished business kay Lexine. Higit sa lahat, hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin dito na mahal na mahal niya ito higit pa sa kaibigan.

Kung totoo ang hinala ni Sammie na nakikipag-ugnayan si Lexine dito, ibig sabihin maaring magkaroon ng posibilidad na makausap niya ulit si Lexine. Ito ang isang bagay na inaasam niyang mangyari.

Bumungtonghininga si Ansell. Kailangan malaman ni Sammie ang lahat mula sa pinakamaliit na detalye.

"Just make sure to prepare your heart Sammie. Dahil lahat ng sasabahin ko sa'yo ngayon…. ay mga bagay na mahirap paniwalaan. Handa ka na ba?"

Buong loob na tinaas ni Sammie ang noo at hinarap ang binata. Sa dami ng mga kababalaghan na nakita at pinagdaanan niya sa Black Phantom, wala na siya ng dahilan para hindi maniwala sa mga imposible.

"Try me Ansell," aniya.

"Okay. May isa pa tayong pupuntahan."

Nächstes Kapitel