@International_Pen
((( SENA )))
Lumabas na si George. At ako parang donya na gumagala sa loob ng silid namin ni Sean… Ganito talaga ang nagagawa ng mga mayayaman, at sa tingin ko nga sanay at normal na si Sean sa ganitong paligid.
Habang ako, di ko talaga inaasahan sa buhay ko na makaka-apak ako sa sahig ng eroplano… ganitong mga kagagarang tuluyan at ang pamamahay nga ng Madrid at Herald. Nagkataon pa na si Sean talaga ang nasilo ko para dumating ang lahat ng ito sa akin. May kailangan pa ba akong idemand sa kanya, na halos lahat ibinigay na niya sa isang kagaya ko. Di ko alam kung deserve ko ba ito… dahil sa ginawa ng mga magulang ko kay Sean… O sadyang… natigilan ako. Ginagawa ba ito ni Sean, dahil sa namayapa kong magulang? Napailing ako. Mahal ako ni Sean at yun ang dapat na paniwalaan ko.
"Ang laki ng silid na ito Sean, para ipagdamot natin kay Elaine."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com