@International_Pen
((( SEAN )))
Tuluyan nang napa walk out ang pikon kong asawa. Medyo naawa na din ako dahil pinikon ko na nga, sinagad pa ni Tay Ismael.
"Hay naku Aaron, mapapamahal ka na lang talaga sa ganyang klaseng babae. Sarap asarin no? Hay pinagdaanan din yan ng Nay Janine mo sa akin."
Napatango ako dito.
"Di na ako sasama sa inyo, Sa ayaw niyo naman ata na maistorbo. Ahahaha, saka matanda na ako para amging third wheel pa ninyo."
Hay naku, marami ding kalokohan talagang alam si Tay Ismael.
Napasenyas na lamang ako na susundan ko na yung asawa ko.
"Hayaan mo Aaron, sabihan mo na ipagluluto ko siya ng masarap na putahe galing sa kamias at Pinya."
Napatango na lamang ako… at nadatnan ko nga siya, kunot yung noon a hinihintay ako sa gate. Dumating na din si Pol, at inihanda yung Motor. Binigay sa akin yung susi.. at masayang napasakay si Sena, napahawak sa likuran ko… at di na kumapit sa akin ng komportable na siya.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com