@ International_Pen
((( SENA )))
Haist. Sarap upakan ng lalaking to. Hula ko matanda pa nga to kay Sean. Binuksan na nito yung gate na sira-sira na nga. Kunting kumpuni noon ayos na tignan. Tama nga yung sinabi ng Ale na galing sila sa tuktok at dahil sa ugali nila. Bumagsak pamilya nila ng ganito. Mga tamad! Dapat sa inyo, kayo itong pinapadala sa North Korea.
" O ayan na siya."
Napalingon kami sa likuran namin. Si Tatang na kakatapos pa lang ata maglako. Na ngayon, pawisan. Ibinaba yung dala niya.
"Anong ipagliling-----." Natigilan siya…
"Sabihin niyong mali ba ako, kayo ba yung tumulong sa akin kagabi? Medyo kasi Malabo na paningin ko kapag gabi na."
Nang makita ko si Tatang na ganito katayuan niya… sarap paliparin ng mga anak niya sa Mercury! Wag sa Mars kasi kailangan doon masipag at matatalino dahil nagtatayo na ng sibilisasyon doon. Bawal ang tamad. Sa Mercury nang ihawin sila ni Araw.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com