@ International_Pen
((( Sean )))
Di ko talaga kayang pabagsakin sila? Tss… Ganoon na nga ba ang tingin sa akin ng matandang to… at ako pala itong dahilan nila. Parang buhay pa tuloy ng nanay ko ang naisanla para maprotektahan nila ako sa Madrid Empire! At bakit ako?! Sino ba ako sa madrid Empire para gawin nila ito sa amin! Bw*sit! Alam ba nila na kaya ko silang pabagsakin!
" Ikaw bata ka! Layuan mo na ang Madrid kung ayaw mo ng magulong buhay!"
" bakit ako lalayo sa kanila! Sila ang nagsimula nito at karapatan kong tapusin ang sinimulan nila. Di ako mananahimik lang sa tabi, dad. Kagagawan nila ito! At bakit umiinit ang Madrid sa pamilya natin! Ano ba talaga sila sa buhay natin!"
"Master Sean." Si Dra. Bellen, na umiling na sa akin… na ibig sabihin lang nito, di na naman maganda ang paghinga ng matanda. Napasapo ako sa noo ko.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com