webnovel

ANG KATOK

HTG's|Note : experience to namin ng mga friends ko . Sa bahay namin mismo . Enjoy reading ....

---

ANG KATOK

Gabi noon ng maisipan kong mag pasleep over sa bahay namin yong mga kaibigan ko. Wala kasi akong kasama nasa probinsya kasi sila mama, papa at kapatid ko. Nakakabagot kasi sa bahay kapag ako lang mag-isa.

I decided to call my two friends Amy and Lendy. Matagal ko na silang friends since grade 6 pa kami. Hindi ko pa nabababa ang call andito na agad sila. Ang bilis no? Haha!

Matagal na kasi nilang gusto ditong mag sleep over sa bahay namin. Ewan ko kung bakit? Trip nila house namin eh! Nag doorbell na sila as i expected, may unan silang dala mga damit, some foods and cd's.

" Yaaah! Ang daya nyo'ng dalawa! " sigaw ko at pinag tatawanan lang nila ako. Kinurot lang naman nila pisngi ko at pumanhik sa taas kung saan naroroon ang kwarto ko.

" God girl! Youre so yaman talaga. " naka nganga si Amy habang nakatingin sa kwarto ko.

" kingna! Dream room ko'to eh! " napa mura naman si Lendy. Sanay na ako sa kanilang dalawa sa mga reaksyon nila.

" stop it nga! Ano dala nyo? " tanga! Alam ko naman dala nila ba't nag tatanong pa ako?

Ikinalat nila yong cd's na sobrang rami. Like, horror, romance, comedy and such. Pinili na naman yong papanoorin namin.

" mas exciting yong nakakatakot tapos nakakatawa." sabi ni Amy na nakatulala sa mga stuff toys ko na nag kalat sa bed.

Kaya, napagpasyahan naming A Haunted House na lang ang papanoorin namin. Nakakatakot din yon saka, nakakatawa.

Nasa gitna kami ng pagtawa ng sobrang lakas. Parang kami lang yong natitirang tao sa mundo. Nang biglang may kumatok ng pagka lakaslakas.

Nahinto ang aming pag tawa. Pinakiramdaman naming tatlo ang susunod na mangyayari. Hindi namin alam kung saan nag mumula ang malakas na pagkatok.

" kingna! Tinatakot lang ata tayo eh! " inis na sabi ni Lendy. Mahilig talaga yang mag mura. Napa kibitbalikat na lamang si Amy sa nangyari.

Binaliwala na lang namin iyon at nag patuloy sa pagtawa. Si Lendy ang may pinakamalakas na tawa sa aming dalawa. Hindi ko alam kung saan nya kinuha yang malakas nyang tawa.

Muli, ay may kumatok na naman. This time sobrang lakas na pero, isang beses lang ito kumatok. Nung una akala ko pinag lalaruan lang kami ng kapitbahay namin. But, it was late night na nung nangyari yon.

Halos, mag totwelve midnignt na may gising pa ba? Nagka tinginan kaming tatlo, nag-isip sandali. Wala ang mama at papa ko dito pati si bunso. Sa pagkakaalam ko bukas pa ang uwi nun. Hindi naman pwedeng kapatid ko yon? Or si mama? Or si papa? Hindi naman nila gagawin yong ganun eh!

Hindi na sila kakatok dahil, pwede naman silang pumasok. Nasa kanila kasi ang spare key ng bahay namin. Anong silbi ng pagkatok?

Hindi na lang ulit namin pinansin at nanuod na lang kami ng palabas. Hindi ko alam kung tinatakot lang namin yong sarili namin or what?

Natapos na kami sa panunuod ng mapag pasyahan naming we should sleep na. Gabing-gabi na kasi. Mag katabi kami nila Lendy at Amy. Queen size kasi yong bed ko then, ang papayat lang naman nila so, mag kakasya kami.

Hindi kami makatulog. Alam ko kung ano ang iniisip nila. Kung sino yong kumatok kanina.

" ganito ba talaga sa bahay nyo Kyla? " takang tanong nya. Umiling lang ako sa kanila.

" hindi, firts time nangyari to sa akin. Kasi, usually kapag nanunuod kami nila mama, papa at bunso ng ganitong oras. Wala namang ganung nangyari. Ngayon lang talaga. " todo explain naman ako sa kanila.

" shit! Naiihi ako. Samahan nyo kaya ako. " sinamahan namin si Lendy sa sa sala kung saan nandoon ang banyo namin. Doon din sa sala kami nanunuod kanina.

Hinintay lang namin si Lendy'ng matapos. Masikip kasi kung papasok pa kami sa banyo. Nakatayo lang kami ni Amy habang hinihintay palabas si Lendy.

" Ahhhhhhhh! " sigaw naming lahat ng biglang may kumatok ng pagkalakaslakas. Nagsi tayuan na ang mga balahibo ko sa takot.

Hindi kami naka galaw. Ilang minuto lang ang lumipas we decided na tingnan yong labas. Doon kasi, nag mumula ang katok. Baka, may bisita. Oh common! Sinong niloloko ko? Sarili ko? Twelve midnight na Kyla! Mag aala-una na oh? Bisita pa ba?

Dahan-dahan naming binuksan ang pinto. Halos nanginginig ang paa ko sa ginagawa namin. Nang bumukas ang pinto tumambad sa amin ang tahimik at madilim na kalye.

Nakahinga kami ng maluwag. Biglang humangin at sumara yong pinto ng pagkalakas. Nakatulala kaming tatlo at nag si takbo sa kwarto ko.

Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi. Hindi kami nakatulog ng maayos. Kasi, nag paparamdam parin sa amin yong kumakatok. Hindi ko alam kung bakit at paano.

Ngayon ang uwi nila mama galing sa probinsya. Hindi pa rin umuuwi sila Lendy at Amy. Hanggang ngayon takot pa rin sila. Naisip kong ikwento kila mama ang naranasan namin kagabi.

" baka, naingayan sa inyo ate. " kumento ni bunso na nakatingin sa akin. Napa kibitbalikat na lang ako.

" guni-guni nyo lang siguro yon nak. Masyado kayong nag papadala sa napapanuod nyo. " sabi ni mama. Hindi kasi yan naniniwala sa mga multo oh what so ever.

" baka, kasi. Naistorbo nyo yong ibang nakatira dito. Kaya, nag paparamdam sa inyo. Ayan tuloy, kayo yong di pinatulog ng maayos. " mahabang sabi ni papa.

" pero po tito, sabi ni Kyla. Ngayon lang ito nangyari sa tanang buhay nya. Kasi kapag kayo daw yong nanunuod wala naman daw ganung nangyayari. " paliwanag ni Amy. Habang si Lendy ay nakikinig lang.

" mali ka. " maikling sabi ni papa. Kaya ang atensyon ng lahat nasa kanya na. Maging si mama nakatingin sa kanya.

" Kyla, naalala mo pa yong nanunuod tayo ng kapatid mo ng palabas? " tumango ako. " tulog ang mama mo nun. Diba? " tumango uli ako. " sa kalagitnaan ng ating panunuod may kumatok. Diba sabi ko kaibigan ko? " tumango na naman ako.

" hindi yon totoo. Ang totoo walang tao nun noong may kumatok. Sinabi ko lang yon para hindi kayo matakot. " nagka tinginan kaming tatlo ni Amy at Lendy. So, totoo yong nangyari sa amin kagabi? Hindi guni-guni.

Nächstes Kapitel