webnovel

Chapter 5

"Nangingitim 'yang mata mo, Luca." Puna ni Ivy sa akin.

"Patingin." Singit ni Patricia at nakiusisa na rin.

"Siguro puyat 'yan kagabi." Segunda ni Eunicel. "Lumalovelife na siguro. Yeii." She poked my side.

"'Di ah." Ngumuso ako. "Kasalanan kasi 'to ng kapatid ni Aubriene."

"Oh?" Bulalas ni Ivy. "Bakit anong meron sa kanya?"

Inisa-isa ko sila ng tingin. Halatang kuryoso sa nangyari sa amin kagabi.

"Nililigawan ka ba ni Maximilian?"

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Sino 'yon?"

"Ay tanga?" Pagbibiro ni Patricia kaya tumawa silang tatlo. "Maximilian 'yong pangalan ng kuya ni Aubriene. Guwapo 'di ba?" Tumaas-baba ang kanyang kilay.

Maximilian? Kaya ba Ximi? Weird nickname.

"Medyo kilala kaya 'yon." Biglang sabi ni Euni. "Kasi kilala si Aubriene kaya expected na kilala rin ibang mga kapatid."

"Ang ganda ng lahi." Singit ni Pat. "Sarap magpalahi. Charot."

Tumawa kami nang mahina sa sinabi ni Pat. Siya kaya naghahanap din ng lalaking para sa kanya? Or kagaya ko rin siya na abala sa ibang bagay?

"Tas isipin mo, ang bait pa ni Sir Maximilian." Ani Ivy, dahilan para mapangiwi ako nang husto.

Si Ximi mabait? Saan banda? E puro hangin lang nasa utak ng kumag na 'yon.

"Ay oo, Luca." Segunda ni Patricia. "Nanlibre nga sa amin eh. Feeling ko tuloy may gusto sa akin."

Bumungisngis kami sa sinabi ni Patricia. Kinantyawan siya nila Ivy at Euni.

"Kapag ba manlibre sa inyo, mabait na kaagad?" Tanong ko.

I doubted. Siyempre nagpapabango lang iyon ng pangalan. 'Yon pa.

"Oo naman!" Sagot kaagad ni Ivy.

"Eh kung manlilibre ako sa inyo, mabait na ako sa lagay na 'yon?"

"Aba'y oo naman, Luca!" Si Patricia. "Alam mo bang hindi lahat ng tao kayang manlibre? Mga kuripot eh."

Napatunganga ako sa kawalan. Kung iyon ang basehan ng pagiging mabait, I don't know anong klaseng tao ako kasi 'di naman ako 'yong tipo ng taong nanlilibre. Although I share my blessings to others, bihira lang.

"Ah basta." Euni brushed off the topic. "Alam mong 'yan si Maximilian? Feeling ko mabuting tao 'yan. May sense of humor pa. Ang dami niya ring talents. Magaling sa art, maganda ang boses and he said sumasayaw din siya."

Hmm. Siguro sa art alam kong magaling siya pero kung ibang talento ang pag-uusapan, wala na akong alam doon.

"Hala!" Bulalas ko. Naalala ko na naman na 'di ko pa nagagawa 'yong card niya. "Pupunta kaya 'yon dito mamaya?"

"Bakit?" Kuryosong tanong ng tatlo.

"Kasi 'di ko pa nagawa 'yong card."

"Ha? Akala ko ba apat na drafts na 'yon?" Kunot noong tanong ni Euni.

"Saka pinakita mo na rin naman 'yon kay Aubriene?" Si Pat naman.

"Eh 'yon na nga!" Sabi ko. "Kung 'di ba naman siya mayabang e dapat tapos na 'yong invitation card. Ang sabi niya kasi 'di raw maganda."

"Weh? Sinabi niya 'yon?" Di makapaniwalang tanong ni Pat.

"Yes! At ang sabi niya, hindi pasok sa standard niya ang mga disenyo ko kahit pagsama-samahin pa 'yong apat."

"Eh paano na 'yan ngayon?" Tanong ni Ivy.

"Eh 'yon na nga 'yong kahapon. Nakipagkita pa ako sa kanya para pag-usapan namin 'yong gusto niyang mangyari. And ayun, binigay niya sa akin 'yong draft niya."

"So finished work nalang 'yong hinihintay?" Si Euni.

"Yep." Tumango ako. "May sinabi ba siyang babalik siya dito mamaya?"

Bukod sa ayaw ko siyang makita, 'di ko pa tapos gawin 'yong card. Ayoko namang maangasan na naman ng lalaking iyon kaya kailangan kong matapos bago pa 'yon makarating dito.

Patricia checked her phone at tumingin sa akin.

"Parating na 'yon. 10:00 na rin naman kasi nang umaga."

"Huh?" Kumabog ang puso ko. "Sige, diyan na muna kayo. Tapusin niyo na ang mga kailangang tapusin."

I waved at them at kumaripas nang takbo. May balak talaga siyang bumalik dito just to ruin my life.

Pumasok ako sa maliit kong opisina. Binuhay ko ang laptop at hinanap ang mga card na gagamitin. Matigas ito at mabango. Bago ako pumasok ay huminto muna ako sa isang tindahan na nagbebenta ng school supplies. Mabuti nalang at kompleto lahat sila ng mga gamit. Hindi ako nahirapan sa paghahanap.

Na-lay out ko na rin naman kagabi ang design na gusto niyang mangyari. Ipi-print nalang siya halos. Kaya naman nang nabuhay ang laptop, sinunod ko ang printer. Nilagay ko na rin doon ang hard card kung saan ipi-print ang buong design.

Napasapo ako sa aking noo. Panira talaga 'yang si Ximi. And speaking of him, Maximilian pala ang tunay na pangalan. Ibig sabihin, he's Maximilian Abenajo?

Nakapangalumbaba lang ako habang naghihintay kung kailan matapos ang printing. At mula rito ay naririnig ko ang boses ni Patricia, Ivy at Euni. Alam ko na kaagad na andyan na nga si Ximi.

As soon as the process has finished, nai-check ko kaagad ito. Ito ang gusto niyang mangyari at magiging kalabasan. Mabuti nalang talaga at bihasa ako sa ganitong bagay. Napakadali lang para sa aking tapusin ito. Basta ba'y maaga palang ay sinasabi na sakin ang mga posibleng pagbabago para 'di ako maggagahol sa oras.

I love how his imagination works. Talagang may talento nga siya sa larangang ito. Pero kung ganoon nga, bakit sa iba pa nagpaggawa si Aubriene kung puwede naman pala ang kuya niya?

I heard footsteps coming towards my place na sinundan ng mga boses ng babae.

"Ah nandito lang si Luca, sir. Saglit lang po." Rinig kong boses ni Patricia. Natahimik sa labas pero saglit lang iyon dahil may kumatok sa pinto ko. "Luca? Hinahanap ka ni Sir Max."

Pumikit ako at huminga nang malalim. Kakalma ako. Sana kaya kong kumalma.

Tumayo ako para pagbuksan sila ng pinto. Sa sobrang pribado kong tao ay nila-lock ko ang pinto para walang makakapasok sa loob nang basta basta.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Ximi.

"Goodmorning, Luca." He winked at me saka bumaling sa tatlong babae. "Thank you so much, ladies. I'll just talk to Luca about the invitation card."

"No problem, sir." Sabi nila, except kay Patricia na pabebe magsalita. Halatang nagpapacute.

"Alright." Tumango si Ximi sa kanilang tatlo. Kumaway naman si Pat at naghawi ng buhok. Napailing nalang ako. Pumihit ako saka bumalik sa kinaroroonan ko.

Girls. Babae nga naman at lalaki nga rin naman. Dapat sila ang pinapana eh.

"I bet you just finished the card." Kaswal na sabi ni Ximi. Narinig ko ang pagsara ng pinto at paglock ng iyon.

"And I bet those girls just told you." I mocked.

I know them well, lalo na si Patricia. Madaldal 'yon and just to have a conversation with you, kahit ano ang pinagsasabi ng babaeng iyon 'cause that's how she gets an attention.

"They did." Aniya. Umupo naman ako sa inupuan ko kanina.

"Good." I nodded kahit 'di ako nakatingin sa kanya. Kinuha ko ang card at iniabot sa kanya 'yon. "I hope this will satisfy you."

Kinuha niya ang card habang nakatitig sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kanya. Kung sa inaakala niyang matatalo niya ako, nagkakamali ulit siya. 'Di siya uubra sa akin.

He flipped the card side by side and every angle pero minsan nakatingin sa akin. Humalukipkip naman ako habang nakataas ang isang kilay sa kanya.

"This one is better than yours." Kaswal niyang sabi pero halatang nang-iinsulto na naman. "You got the talent but you just have to polish it more... especially when it comes to your creativity and fantacies."

"Okay." Tumango ako, keeping myself from rolling my eyes.

Ang yabang talaga! Akala mo naman kung sinong magaling. Kung tutuusin, halos magkapareha lang 'yan sa mga nagawa ko. Tss.

"I will show this to Aubriene and I'm sure she'll like this."

"Okay." Tumango ulit ako. 'Yan lang ang tangi kong masasabi sa ngayon. Baka kasi 'di ko mapigilan ang sarili kong magsalita nang masama sa kanya.

"Do you know how many of this you'll provide?" He asked at ibinalik sa akin ang card. Iniabot ko naman ito.

"50, sir." Simple kong sagot.

"50?" Pag-uulit niya sa nakakunot na noo. "It's 100, Luca. Tsk." Umiling siya na mukhang dismayado. Mas lalong umalab ang inis ko sa kanya. "Aubriene has so many friends. Hindi lang 50. You should know that."

Sa isip ko'y umirap ako. Ano bang alam ko sa buhay ng kapatid niya? Eh baka naman kasi nagbago na 'yong bilang. Hindi ko naman alam eh!

"Sa susunod, you should know every detail of the plan, Luca. Paano nalang kung hindi considerate ang mga kliyente mo? I'm sure they will sue you just because you were irresponsible."

Sinamaan ko siya ng tingin. Sumusobra na talaga ang kumag na 'to. Kung makapanermon, akala mo ang taas taas ng kalagayan.

Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanya. Kalma ka lang, Luca. Kliyente 'yang nasa harap mo.

"I'm very sorry, sir, for my irresponsible actions. I'll do better next time. So if you have nothing to say worse than what you just did, you may now leave. Marami pa po akong kailangang gawin. Isipin mo nalang isang daan na pala ang gagawin kong card. Hindi pa kasi ako nasabihan na binago na pala." I faked a smile. Tumalikod ako mula sa kanya dahil ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata.

Suminghot ako. Naiinis ako sa lalaking ito. Siya lang ang nagganito sa akin buong buhay ko. To think hindi niya ako kilala nang husto, ang lakas niyang mang-insulto ng pagkatao.

Dahil ba mayaman siya? Sikat? Guwapo at may talento? Akala mo talaga kung sinong mataas sa posisyon eh.

Nag-ingay ang bakanteng upuan. I assumed inayos niya iyon o doon na siya umupo. Bahala siya sa buhay niya.

"Puwede ka ng umalis, sir." Sabi ko. Napasinghot ako dahil sa sipon tubig sa ilong ko. "Napakita ko na rin naman sa'yo ang example kaya you can assume na pareho lang ng kinalalabasan ang iba."

Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Tumingala ako para 'di na pumatak ang luha ko. Ang sakit pala. Ang sakit mahusgahan nang ganon lang kadali without knowing anything. Bakit mabait naman siya sa tatlo at pagdating sa akin iba na ang trato niya? Do I look like a mess in his eyes? Kasi kung ganoon, pareho kami ng tingin sa isa't isa.

"Here," sabi ng malalim na boses. Bahagya akong nagulat nang naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko at ang kamay niyang may hawak na panyo. "Use this to clean your face."

Umikot ako para lang tignan siya nang diretso. Sinisigurado kong alam niyang galit ako sa kanya.

"Ano ba trip mo sa buhay, Maximilian?" Mariin kong tanong. Kita ko ang gulat sa kanyang mata. Marahil nang binuo ko ang pangalan niya. "Bakit ang bait mo sa iba samantalang sa'kin hindi? Akala mo kung sinong mas nakatataas. Sino ka ba ha?"

I pouted. Nakakainis naman kasi na sa akin lang siya ganyan while he was so nice to others.

"I just want you to learn, Luca." Kalmado niyang sabi. Mukhang 'di nagsisisi na pinaiyak ako. "This is a very important work. Gusto ko lang maayos ang pagkakatrabaho." Huminga siya nang malalim. "Look, don't take this personally. Trabaho lang ito, okay?"

I was taken aback nang hinawakan niya ang braso ko at marahang pinunasan ang pisngi kong basa ng luha.

"You should know how to control your emotions, Luca." Marahan niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya habang maingat niya dinadampi ang panyo sa mukha ko.

Aaminin kong guwapo si Ximi. Maputi, matangkad at ang lakas ng datingan. Lalo na siguro dahil marunong siya manamit kaya dagdag iyon sa kaguwapuhan niya. But his attitude contradicts his beauty. Doon siya sumasablay.

"Next time, don't cry over shallow matter." Aniya at binaba ang kamay niyang may hawak ng panyo. Ang isa naman niyang kamay ay nakahawak pa rin sa braso ko. 'Di ko alam kung ano pero may kakaibang hatid ang kamay na iyon sa balat ko. I just knew his hand was soft. "Guard your heart no matter what. Kung sa simpleng bagay ay umiiyak ka na, ano pa kung mabigat ito?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang kapal talaga ng pagmumukha. Akala niya ba maliit na bagay lang 'yon? Hindi! Masakit 'yong mga pinagsasabi niya kasi naaapakan ang ego ko! Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako magaling.

"You're a jerk." Sabi ko sabay tulak sa kanya. "Umalis ka na kung wala kang magandang sasabihin. Akala mo ba mababaw lang 'yon? Para mo na ring winasak ang pagkatao ko."

"In what way, Luca? In what way?" May bahid ng panghahamon ang boses niya. "I just said what's better for you. Kung nasaktan ka man, kasalanan mo na 'yon. Words are meaningless unless you give one. It's you who will encode every single letter."

Siningkitan ko siya ng mata. Bakit kaya 'di nalang naging abogago ang kumag na 'to? Ang lakas makasalungat eh! Parang laging nakikipagdebate.

"Whatever you say, sir. Hindi na magbabago ang katotohanang ininsulto mo ang pagkatao ko."

He chuckled and looked down. Mukhang naaaliw siya sa pinaggagawa niya sa akin.

"Sino may sabi sa'yo na Maximilian ang pangalan ko?" He asked. Siningkitan niya ako ng mata na mukhang nanghahamon.

"It's none of your business." I rolled my eyes at him at tumalikod. Pero bago ko pa magawa iyon ay hinawakan na niya ako sa braso at pinaikot para maharap ulit siya.

"It's my business, Luca. Unless stalker ka? Do you like me?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Look at that! Napakahangin!

"Hindi ka rin naman assuming, sir, ano?" Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Saka pakialam ko ba kung ano ang tunay mong pangalan? Kliyente lang kita. I don't do a background research about my clients."

"What if isang kriminal pala ang kliyente mo at papatayin ka? You'll die in ignorance?"

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip ako.

"First of all, 'yong tatlong babae ang magsasabi sa akin na isang kriminal ang kliyente namin. Isa pa, si Miss Nherrie ay hindi tumatanggap ng kung sino sino lang, kumita lang ng pera. Unless isa ka talagang kriminal and no one knows?" Panghahamon ko.

Pero kung tutuusin, mayaman naman siya so kaya niyang baliktarin ang sitwasyon.

"And you really think I'm a criminal?"

"I didn't say that, sir." Agap ko. "Ikaw lang nag-isip ng ganyan. Kagaya nga ng sinabi mo, "words are meaningless unless you give one." Ngayon mo panindigan 'yan."

Kita ko ang paggalaw ng lalamunan niya kaya napaismid ako. He looked so challenged because of me. Sa wakas, nakakita rin siya ng katapat. Kung sa inaakala niyang kaya niyang patumbahin ang kahit na sino, ibahin niya ako. Umiiyak ako pero 'di ibig sabihin noon ay mahina ako.

Nächstes Kapitel