webnovel

Kabanata #11 Principals office

Habang nagkaklase hindi ko parin matanggal sa isip ko ang mga nangyari kanina sa hallway.

*knock knock knock*

"Magandang hapon Ma'am *flop* Maari ko bang makausap si Gino Recca Molinao *flop* sa principal's office?" magalang na tanong ni Ma'am Linda.

Si Ma'am Linda ay ang principal ng school. Matanda (siguro mga mid 60s na), maliit, mataba (sobra), makapal na kilay, na kasing kapal ng lipstick niya at may taglay na "laging galit" look.

Sa tuwing nakikita ko ang muka ni Ma'am Linda, tumatayo ang balahibo ko sa takot at sa pandidiri. Natural na yung takot, pero yung pandidiri? Bakit? Dahil sa napaka-glossy niyang labi na gustong gusto niyang pinapatunog bago at habang nagsasalita sya.

Eww.

Agad akong tumayo ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Bakit kaya?

Agad naman tumusok ang mga nguso ng mga kaklase ko sa tenga ng kanilang mga katabi.

Chismosa!

"Quiet Class!" sigaw ng adviser namin, "Gino, lumabas ka na at sumama ka na kay Ma'am Linda"

"Ok po" sagot ko, napalunok nalang ako sa kaba.

Habang naglalakad ako papunta sa pinto, naririnig ko ang mga bobo kong kaklaseng nag bubulungan nanaman.

Pag-uuntugin ko na kayo eh!!

"Sumunod ka sakin *flop*" taray at lakad ni Ma'am Linda.

"Ok po."

Kinakabahan ako, pero parang alam ko na ba't ako napatawag dun.

Kasalanan ko ba?

Kinukupalan niya ko eh, tsaka sino ba unang sumuntok? Di ko naman dudurugin ang muka niya kung di niya dinampi sa muka ko ung kamao niya, tsaka teka, hindi lang siya ang duguan, nagdugo din ang ilong ko.

Habang naglalakad kami sa hallway, kada madadaanan naming classroom ay agad agad tumatahimik.

Ganyan kabagsik ang prisensya netong matandang to, marinig mo pa lamang ang mga bracelet niya sa mataba ngunit maliit niyang kamay, ay mapapatakbo at talukbong ka na ng kumot.

Katakot!

Nang madaanan namin ang kabilang room, may sumitsit sakin sa bintana.

"Pst!!" sitsit ni bebe Kim, kita sa kanyang mukha ang pagtataka. Napangiti nalamang ako na parang huling ngiti ko na sa mundo.

"Mahal na mahal kita bebe Kim!!" sigaw ko...

Sa isip ko. Di pa ganun ka kapal yung mukha ko para gawin ang ganung bagay.

Pero malay mo nextime, may kasama pang kiss.

Yiiieee.

Nakarating na kame sa principal's office. First time ko lang mapatawag dito, malamig at maaliwalas naman pero alam kong di maaliwalas ang ipinunta ko rito.

"Umupo ka, Gino" mataray na bigkas ni Ma'am Linda.

"T-Thank you po"

Kinakabahan ako. Pusang kinalbo naman kasi.

"May gustong kumausap sayo, papasukin ko lang saglit, wag kang aalis diyan!"

Magulang ni Lennard to sigurado. Pakshet naman eh.

Teka... Ikaw!?

"Hello po" mahinhin na bigkas.

Yung babaeng nakausap ko sa hagdan kaninang umaga, bakit niya ako gustong kausapin?

"Iha, umupo ka" sabi ni Ma'am.

"Ok po, Ma'am, salamat po" mahinhin na sabi ni...

"Gino, eto si Gemma, ayon sa kanya kilala mo daw ang nawawalang tatay niya!" pakilala ni Ma'am.

Teka, di porket kilala mo si Tito Jeds at kahawig mo yung bata sa picture eh anak ka na ni Tito.

"Nakikiusap siya sa akin na kausapin ka at samahan mo siya upang makausap ang Tatay niya, Gino"

"Sigurado, ka na ba na tatay mo si Tito Jeds?" tanong ko kay Gemma.

Nagulat ako nang bigla na lang siyang may dinukot sa wallet niya.

"Hmm!!" sabay abot ng isang litrato.

Siya, nakayakap sa binti ni Tito Jeds.

Totoo nga.

Nächstes Kapitel