Mabilis kong sinuot ang damit ko matapos makapagpahinga. Tyler's still sitting in that long sofa while he's watching me dress.
"I have to go. Thanks for tonight." wika ko sa kanya.
Aalis na sana ako ng magsalita siya. "I still want more, sweetheart." aniya.
Napakunot ang noo ko. "I don't think I can. I have to go back to my room before my mom finds out."
"She will not find out."
I chuckled. "She has eyes everywhere."
Tumayo siya saka nilapitan ako. "Why don't you stay with me tonight? I'm up til morning."
"Wala ka bang gig bukas ng umaga?"
Umiling siya. "Bukas ng gabi. You should watch me. I'll sing for you."
"Mukhang mas gusto kong pakinggan ang vocalist niyo."
He smirked. "You like him, don't you?"
Nagkibit-balikat ako. Well, gwapo yung vocalist ng banda nila but that doesn't mean na gusto ko na siya as in gusto. I just like him as a talent. I like his voice. He has passion for it. I can sense it when he sings.
"He doesn't like young girls. He prefers girls his age."
"And how do you know that?"
"I just know... Saka, I don't share my fuck buddies to anyone."
Napatingin ako sa kanya. Buddies. Okey na sana eh kaya lang plural yung ginamit. Ibig sabihin, marami kami. Hindi ba pwedeng ako na lang? Hindi pa ba yun sapat? I can do it with him kahit ilang oras basta wag lang sa gabi. Hindi ako pwedeng umuwi ng late. This is still my cousin's place. I can't stay outside for long. Maraming nakamasid.
"I have to go. Just ask your other fuck buddies to stay with you tonight." wika ko saka lumabas na ng kwarto.
Nakasunod siya sa akin. I roamed my eyes. I don't want anyone I know to see me here. When the place is all clear, I started walking through the crowd. I need to go back to my room. It's already midnight.
"Hey." hinawakan niya ang kamay ko bago ako makalabas.
"What?"
"Tomorrow. 8:30 in the morning. I will wait for you."
I smiled. "Okey."
Nagpaalam na ulit ako. I really need to go. Nagmamadali na akong pumasok ng hotel ng hindi inaasahang marinig ko ang isang pamilyar na boses di kalayuan.
"M-mommy... You're still up?"
Shit. Shit. Shit. Don't tell me na andito siya para tingnan kung lumabas naman ako? Hindi naman siguro siya magpapagod ng ganun diba? Kung pwede namang pasundan niya na lang ako.
"I went to your tita's cottage. Saan ka na naman galing?"
Napalunok ako lalo na ng tingnan nito ang suot ko. Hindi nakawala sa matalas nitong paningin ang suot kong shirt. Napataas ang kilay nito.
"I was just walking around."
"Walking? Nadadalas ata ang paglalakad mo sa ganitong oras?"
Napatikhim ako. "I was just enjoying the place, my. I like it here na minsan hindi ko na namamalayan ang oras. I always stay on crowded places naman so don't worry."
"Throw that shirt away. Hindi magandang tingnan. Are you even aware what that means?"
"I-I just like the design. I didn't really give any regard about what's written. I didn't thought people would notice."
Hindi na ako makahinga. Masyadong matalim ang mga tingin nito. Everytime she's like this, I always feel like, I am being lectured by our University president and not my mom. Kahit sa ibang studyante, if she thinks it's inappropriate at nakita niya ay talagang sinisita niya. Ganyan siya ka-strikta. Sometimes it makes me scared.
"Sabay na tayo papunta sa kwarto." ani mommy.
Nauna na itong naglakad sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. I thought she'd ask me more like who I was with. Glad she just brush it off... Or did she? Bahala na. Ilang araw na lang naman kaming magste-stay rito. Malamang ay babalik na sa dati lahat pag uwi namin sa Manila.
"You still remember what your father told you, right?" biglang tanong nito ng papasok na sana ako sa kwarto ko.
Tumango ako. "Of course, my."
"Good. Itatak mo yan sa isip mo. Wag na wag mong isipin na gumawa ng kalokohan ngayon, Casandra. You're already one step closer to your dreams and to your father's expectation."
"I-I know mom."
Pumasok na siya sa loob ng kwarto nina daddy. Agad akong napaupo sa sahig ng makarating ako sa loob ng kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Nanginginig ang tuhod ko. Grabeh. Akala ko ay bibigay na ako kanina. Oh my god. What a coincidence. Talagang si mommy pa ang nakakita sa akin.
Ngadadalawang isip pa ako kung lalabas ba o hindi after my mother's confrontation last night. Kinakabahan na ako. There's something in me that's telling me that she knows something pero may bahagi naman sa sarili ko na ayaw palampasin ang araw na makakasama ko si Tyler. It's not that I have already fallen in love with him. I just really like his company. Ugh! Bahala na. Ngayong araw na lang naman. Tomorrow's Adam's wedding. Uuwi na kami sa susunod na araw.
I wore a short and a swim suit as a top na tinatabunan lang ng cardigan. Like a coachella look. I wore a contact lense. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at ng makitang ayos na ay lumabas na ako.
Pumunta ako sa tabing dagat. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Tyler. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanyang naglalaro sa tubig. Tahimik akong naglakad palapit sa kanya. He's singing. Nang marinig ang boses ay napahinto ako. Parang hinaplos ang puso ko sa lamig ng boses nito.
"Wise men say, only fools rush in
But I can't help,
Falling in love with you
Shall I stay? Would it be a sin?
If I can't help falling in love with you.
Like a river flows,
Surely to the sea
Darling so it goes
Somethings were meant to be
Take my hand
Take my whole life too
Coz I can't help,
Falling in love with you."
Naalala ko yung version ng Twentyone pilots sa boses niya. You know that voice na pang rock or punk pero pag kumanta na ng love songs parang matutunaw na lang yung puso mo. It sounds so good to my ears and to think that he's singing it effortlessly?
When he finished singing, tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Napamulat siya sa malalim na iniisip.
"You're here." aniyang parang nagulat pa na nakita ako.
"You didn't expect me to come?" natatawa kong tanong.
"Well... Akala ko pagtataguan mo na naman ako like the last time." aniya sabay tingin sa aking kabuoan. "You're beautiful kahit anong suot mo."
"Thanks."
Ngumiti siya. Tahimik kaming nakatingin lang sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Should I compliment him too? I'm not really used to this. I mean, I don't even know what we are to each other.
He's wearing a grey tshirt saka short pants. May suot siyang sumbrero sa ulo niya. He looks kinda cute. Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang mukha niya sa araw. He looks... Gorgeous kahit na hindi naman siya nakaporma. Simple lang.
He cleared his throat. "Let's go?"
I smiled. "Kanina ko pa hinintay na mag-aya ka haha."
Hinawakan niya ang kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang balat namin. Nagsimula na kaming maglakad. Parang natorete ako habang HHWW kaming dalawa. Charot.
Napakunot ang noo ko ng sumakay kami ng shuttle. Malapit lang naman kasi ang cottage niya rito. Why do we need to ride?
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng lumagpas na kami sa cottage.
"You'll see." aniya.