It was not what I have expected from Joaquin last night. Hinatid niya ako sa mismo kong condo unit. I thought he would bring me on his pad. Na kanyang nakagawian na, noon.
Wala kaming imikan habang nasa loob ng elevator. I was not surprised that he knows on what floor I am living. He firmly pressed the top floor.
"Goodnight." Tanging sinabi niya lamang ng nasa harapan na kami ng pintuan ng aking condo unit. I slide my keycard at bumaling sa kanya.
"Thanks."
That was it. Ang galit sa kanyang mga mata kanina ay napalitan ng malambot na ekspresyon. Tinanguan niya lang ako at hinintay na makapasok bago siya umalis.
"Yana, I hope you haven't change your decision about the trip." Ani Sir Gio ng ipatawag niya ako sa office sa araw na ito.
"Yes of course. I'll still go."
"It's good to hear that. I know you and the Sacortoza had a past. I bet it doesn't influence your decisions now that we're working with them." Dagdag pa niya at humigop ng kape. Tinatanaw ang kalakhang Maynila.
"Not at all, Sir. Personal matters should be outside the workplace."
My day went smoothly. I finished all the papers I need to attend to. Hindi na ako binagsakan pa ng mga gawain dahil sa darating na business trip. The company's preparing so much and putting a lot of great effort for the project.
Sino bang hindi paghahandaan ng husto ang proyektong iyon kung ang magiging kasama mo ay isa lang naman sa mga pinakamaimpluwensya sa larangan ng negosyo.
For others, it's an honor and a fortune to be working with great people in the industry. Kahit ako man noon ay ganito ang aking pananaw. Pero sa kalagayan kong ito ngayon, I think it's not what I am holding on to right now.
"Miss Yana, the papers for your trip are already finalized. Kailangan na lang po ng inyong confirmation," ani ng aking secretary ng malapit nang matapos ang office hours.
The sun is already setting ng matapos kong ayusin ang aking office table. I called Faus to accompany me para mamili ng mga gagamitin ko sa pag-alis. She's already waiting at the lobby in the groundfloor. Tinamad umakyat.
"Antagal mo naman!" Iritado niyang saad habang maarteng nakaupo sa couch.
"It only took me five minutes. Meron ka ngayon 'no?" Mataray kong tugon.
She stood up and flipped her now short hair exaggerately. Her outfit today is so chic. With her cropped top and high-waisted jeans that are partnered with black stilletos. Napakataray ng aura niya kumpara sa aking formal ang attire. A fitted white dress with blazer. She puts on her wayfarers na agad kong hinablot sa kanya.
"Baka mapagkamalan kang bulag," pabiro kong saad ngunit umismid lamang siya at isinuot ang panibagong eyeglass na nakasabit kanina sa kanyang damit. It was the Harry Potter styled glasses. Umiling ako at ibinalik sa kanya ang wayfarers.
"Really? He sent you home? Ohmygosh! I knew it!" she exclaimed while we are in the fitting room. Napagpasyahan niyang mamili na rin ng mga bagong damit. Kanina pa ako natapos mamili ng akin at eto, siya naman ang nag-shopping galore.
"Yes. Satisfied now?"
Hindi niya kasi ako tinantanan sa pagkwento kung anong mga pinaggagawa niya daw kagabi. Nalimutan niya. And then, she was curious how I managed to take her home in that state. Dahil sa hindi ako expert gumawa ng kwento, para iwas issue na din sa babaitang ito, wala akong nagawa kung hindi sabihin ang totoong nangyari.
"And then what? Did you stay up all the way to morning?" ngisi niya sa akin.
"Bakit naman ako mag-aadik na sumalubong ng umaga?"
"Tinga! Ang ibig kong sabihin, may nangyari ba?" She whispered while grinning from ear to ear. Tumingin- tingin pa siya sa paligid na akala mo'y may pinag-uusapan kaming illegal na gawain. Na-gets ko kung anong pinupunto niya kaya pinitik ko na ang noo niya. Namimihasa na sa kamalisyosahan ang babaeng 'to.
"Wala! At walang dapat mangyari!"
"Huh? Talaga baaaaa?"
"Tumigil ka nga diyan, Faus! Baka nakalimutan mo kung anong nangyari noon…"
Tumigil naman siya at napaisip sa sinabi ko. Maging ako ay nawaglit sa nangyari noon sa amin ni Joaquin. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang dinatnan ko ng araw na iyon.
Magaan ang pakiramdam ko habang tinatapos ang paglilinis sa mga muwebles sa sala. Ngayon ang uwi ng pamilya Sacortoza. Ngayon ang uwi niya kaya hindi magmaliw ang saya ko. Nagbakasyon kasi sila sa ibang bansa ngayong summer. Gusto niyang isama ako pero mayroon akong summer class kaya naman ay tinanggihan ko ito.
"Ylliana, maayos na ba ang mga kwarto?" tanong sa akin ni Nana Fely na siyang punong abala sa pagsalubong sa pamilya.
"Opo, Manang."
"Iyong mga guest room?"
"Okay na okay na po!"
"Mabuti naman kung ganoon. Darating din ang mga Espinosa. Tiyakin niyong maayos ang magiging pakikitungo ninyo sa kanila. Importante silang mga panauhin para kay Joseff."
Hindi nagtagal at dumating na nga ang buong pamilya. Lahat kaming mga tagapagsilbi ay nakahilera sa entrada ng mansion para salubungin sila. Unang bumaba ang mag-asawang sina Sir Joseff Sacortoza at si Ma'am Olivine. Kasunod nito ang isa pang mag-asawang may halong banyaga ang mga kompleksyon.
"Nana, magandang umaga," bati ni Sir Joseff.
"Hay! Home sweet home! I miss this," ani naman ng bumabang si Olivia mula sa kabilang sasakyan.
"Hi Yana! I miss you so much!"
Gumanti ako ng yakap sa naging aksyon niya pero hindi iyon nagtagal ng may maramdaman akong humihila sa laylayan ng damit ko.
"Ate Yana… karga mo ko!"
"Ano ba naman 'yan Odin! Ako ang nauna kay Yana! Pwede bang huwag ka munang mang-agaw," maktol nito sa bunsong kapatid.
Nagpapa-cute pa sa akin ang bata kaya naman ay hindi ko na napigilang pisilin ang mga pisngi nito.
"Olivia, hayaan mo na ang kapatid mo," ani ng malamyos na tinig na si Ma'am Olivine. Ngumiti naman ito sa akin ng buhatin ko na si Odin. Agad na ipinulupot ng bata ang maliliit nitong braso sa leeg ko at pagkuwa'y isinandal ang ulo upang matulog.
"Hmmp! Basta mamaya Yana pumunta ka sa kwarto ko at marami akong kwento sa'yo!" saad ni Olivia at sumunod na sa mga pumasok sa looban.
Nagsialisan na din ang iba pang kasambahay at mga guards upang ipagpatuloy ang mga gawain.
Nanatili ako sa labas dahil hindi pa siya bumababa. Nagpapamiss? Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko ng maisip iyon. Mas lumawak pa ang pagngiti ko ng makita ang pagbaba ng taong mahal ko mula sa huling sasakyan. Pero agad din itong nabura ng makita ang kasunod niya.
"I told you. Dapat sa kwarto mo na lang tayo, Joaquin. Hindi ka na talaga makapaghintay 'no?" malambing na saad ng isang blonde-haired na babae habang inililingkis ang sarili nito kay Joaquin.
The girl looked so beautiful with her natural white skin at balingkinitang katawan. Banyaga ang kanyang mga mata na may pagkakahawig doon sa mag-asawang bisita nila Sir Joseff.
Bumaling ang mataray niyang mukha sa akin na buhat pa rin si Odin. Pansin ko ang ruined lipstick niya at ang kaunting gulo sa kanyang buhok. The strap of her white dress fell from her shoulders. Sa ayos niyang iyon, alam ko kung anong nangyari.
My eyes went directly to Joaquin who is now staring at me intently. Tila nananantiya sa magiging reaksyon ko. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na salubungin siya ng yakap. Miss na miss ko siya, pero ako? Sa tingin ko hindi niya ako namimiss dahil… sa kasama niya. Hindi ko man nakita ang ginawa nila, hindi ko maiwasang hindi isipin iyon.
Sa nanginginig na labi at halos manlabo nang mata dahil sa pagpipigil ng luha, nagawa ko pa ring magsambit ng mga salita.
"Welcome back…"