webnovel

Scratch 24

Di nagtagal, sumapit na rin ang araw ng kumpetisyon- ang araw kung kelan nila itatanghal ang kanilang pinagpraktisan. Magbubunga kaya ang kanilang mga sakripisyo ng pagod, gutom, uhaw, oras, at paos na boses?

Malalaman natin iyan ngayong araw.

"Maraming salamat sa ating ikalawang kalahok na mula sa JMJU-IBED. Ngayon, atin namang silayan ang ikatlong kalahok, MCHS!"

"Hooo!" Dumagundong ang mga tambol at ang masigabong palakpakan at sigaw ng mga supporters ng MCHS, kasabay ng pagwagayway nila ng mga banners, pompoms, at frilled Japanese papers. Karamihan ng manonood ay taga- MCHS dahil ito ang pinakamalaking High School sa kanilang lugar, at dito rin ginanap ang kompetisyon.

May malapad na itim na telang nakabalandra sa buong entablado. Dahan-dahan itong ibinaba. Lumantad ang mga masasayang mamamayan ng Pilipinas na namumuhay. May mga nagsasaka, may mga batang masyang naglalaro, ang mga kababaihan ay nagkukwentuhan.

Bang! Isang putok ng baril ang umalingawngaw. Nawindang at nataranta ang lahat. Dumating ang mga banyagang kastila at sinimulang mangolekta ng buwis. Nagmamakaawa ang mga magsasaka dahil wala silang pambayad ngunit ayaw paawat ng mga sundalo. Wala silang pakealam.

Doon na nila sinimulang pagbabarilin at bugbugin ang lahat. Ikinulong nila ang mga kabataan at kinuha ang mga kababaihan. Ikinulong nila ang mga tao na ngayo'y pumapalahaw ang mga iyak at sigaw para sa kalayaan at hustisya sa namatay nilang pamilya.

"Oh, Inang bayan

Kariktan mo'y aking walang kapantay

Ito'y tinitingala't hinahangaan

Ngunit ang lahat ng ito'y walang saysay

Kung ang iyong mga anak ay sinupil na ng mga dayuhan

Mga dayuhang kalaban

Na sa kayamanan at kagandahan mo'y nasilaw

Kapalit ng kanilang ligaya

Binihag ka at isinadlak sa dusa...."

Matapos ang performance ay bumalik na sila sa backstage para kunin ang mga props at magbihis ng civilian. Siksikan sa likod at gilid ng stage dahil hindi lang sila ang naroon. Naroon din ang mga susunod na kalahok galing sa ibang eskwelahan.

Maingay, magulo, at kanya-kanyang kulitan, at tawanan kaya walang ibang makakasaksi sa aktwal na mangyayari bukod sa may pakana ng pakulo.

For some unknown reason, nakaramdam si Lexine na parang may pwersang tumutulak sa kanya, dahilan para siya'y mawalan ng balanse at di sinasadyang nasagi si Julian na nasa tabi lang niya at natumba silang dalawa sa sahig.

With their lips touching.

Akmang pupuntahan na ni Sharry ang boyfriend niya, nang makita ng dalawang mata niyang nakapatong si Lexine kay Julian. She saw with her eyes how her boyfriend cheated on her.

"Sharry...." Ang tanging naiusal ni Lexine sa gulat. Hindi niya mahanap ang lakas kung paano magsalita. Nanghihina ang kanyang katawan. Parang ayaw paniwalaan ng utak niya ang mga nangyayari.

"Babe, hindi ko—" Malutong na sampal ang natanggap ni Julian.

"Manloloko! Mahal kita, Julian! Pero bakit? Paano mo nagawa 'to? Paano mo nagawa 'to sa'kin!" humahagulgol si Sharry. Parang sinaksak ang kanyang puso at pagkatapos nilakumos.

Tumigil ang lahat sa kanilang ginagawa at nakiusyoso sa nangyayaring eskandalo. Nakaabang ang lahat sa susunod na mangyayari.

Ayos ah, daig pa ang primetime bida nito. Amusement filled the twins' eyes. Andy smirked, while Ark suppressed his laughter. They must blend in with the crowd of spectators and just enjoy the show.

Hirap siyang habulin ang kanyang hininga. Pabilis nang pabilis ang tibok ng kanyang puso, na para bang nakikipag-unahan sa kanyang mga luha. The pain that she is feeling now is just too much to bear.

"Ah—Ah!" napahawak siya sa kanyang dibdib. Sobrang sakit ng kanyang puso. Parang kinukuha. Sana nga kunin nalang ang kanyang puso para wala na siyang maramdamang sakit. Sana mamanhid nalang siya.

"Sharry!" nag-aalang sigaw ni Julian. Tumakbo siya papunta kay Sharry na ngayon ay namumutla na at nagsisimula nang mandilim ang paningin. Her last tears fell as she continued struggling for air.

Till she fainted. Just in time, she fell right to Julian's arms. "Sharry!" Dali-dali siyang tumakbo palabas ng gym, papunta sa school clinic.

"Akala ko mabait yang si Lexine. Mang-aagaw pala."

"Ako rin. Relationship breaker pala."

"Nasa loob ang kulo. Two-faced bitch."

"Yuck. Ano bang nakita ni Julian para patulan siya? Di hamak na mas maganda naman si Sharry."

"Nandahil sa kanya, inatake sa puso si Sharry!"

"Ang kapal ng mukha! Grabe. At siya pa daw ang naunang nanghalik kay Julian? That bitch."

Naiwang nakatulala si Lexine, nakatayo sa gitna, pinalilibutan ng sangkatauhan habang samut-saring mapanghusgang tingin ang kanyang tinitiis.

'Hindi yan totoo! Hindi!' ang gusto niyang sabihin. Pero nalulunod ang kanyang boses sa dami ng bulong. Kaya tumakbo siya palayo sa mapanghusgang mga mata, at mga dilang nakakasugat.

-*-*-*-*-

Naliligo sa pawis, at hingal na hingal si Julian nang makarating sa kanilang school clinic. Gayunpaman, hindi niya alintana ang pagod at lagkit ng katawan ngayon. Mas inaalala niya si Sharry.

Kasalanan niya. Kung hindi dahil sa kanya, edi sana hindi nasaktan si Sharry. Kapag may nangyaring masama kay Sharry, hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.

"Doc, please."

"Anong nangyari sa kanya, iho?"

"Inatake siya sa puso, tapos... tapos hinimatay siya." Inilapag niya si Sharry sa bakanteng kama. Kumuha naman ng stethoscope, thermometer, at iba't ibang aparato ang school doctor saka chineck ang vital signs niya.

Umiling ang duktor. "Kailangan niyang madala sa ospital. Her heart condition is too sentitive. Wala kaming sapat na gamit dito para mastabilize ang kalagayan niya. Kailangan na niyang magpaadmit sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, baka mas lumala pa ang kalagayan ng kanyang puso."

Preshy-chan's note: This one's supposed to be a double update. Unfortunately, nakatulog ako kanina while watching star wars. Haha. Anyway, grabe! Malapit na tayo sa climax. Haha. Malapit na itong matapos!!! Matutupad na rin ang wish ko kay Starla.

hanarileecreators' thoughts
Nächstes Kapitel