webnovel

Chapter 9 – Danger Indicator

Chapter 9 – Danger Indicator

Although di pa malinaw saakin ang purpose at di ko pa totally gamay tong kapangyarihan ko, nagawa ko nang magamit to in-public, dalawang beses na actually. At yung dalawang beses na yon biglaan lang. Madami pa akong tanong tungkol dito sa kapangyarihan ko na wala pa ring kasagutan.

Lowkey lang muna ako ngayon, mag-aaral lang ako pag sa school, at pag dito na ako sa bahay ay pinapractice ko gamitin tong kapangyarihan ko. Puro Cloud Blast at Cloud Balls prinactice ko. Pero di ako kontento dito sa pinag-gagagawa kong to. Parang may kulang eh…

[1 New Message Received – Mommy globe]

Claudine pauwi na aq bkas, nagtxt na aq kay

yaya at kuya benjo. Bka hpon aq mkarting

jan sa bhay, bka hndi ka muna masundo

ni kuya benjo mo bkas. Kmusta na pag-aaral

mo?

Tinext ako ni Mommy… bukas na pala sya uuwi? Hahahaha! Magpapabili pala ako kay Mommy ng punching bag. Gamit pa din nya ata yung luma nyang phone, replyan ko nga….

[To: Mommy globe]

Okay naman myy, ingat po sa pag uwi.

Miss you po :*

Mga ilang minuto lang akong nag-antay nun sa reply ni mommy, tinawanan nya lang ata yung reply ko hahaha!

[1 New Message Received – Mommy smart]

Wla nko pang reply sa globe, sweet ng anak

ko may ipa2bili ata to pgdting ko jan hehe

Alam agad ni Mommy na may ipapabili ako hahaha! Pero di ko muna sasabihing punching bag ipapabili ko. Good vibes tong gabing to kausap si Mommy, pero sa totoo lang nakakamiss sya. Sana safe syang makauwi.

..

..

Hinatid ako ni Kuya Benjo papasok ng school pero sinabi nya kaninang hindi nya muna ako masusundo dahil nga susunduin nya si Mommy mamayang hapon. Sinabihan nya ako na mag-ingat ako at appreciated ko naman yun. Pero deep inside ang saya nanaman neto kasi wala akong sundo pauwi! Hahahaha! Gala na to with friends mamaya!

"Beh wala akong sundo mamaya! Hahaha wer to go tayo?" -Ako (Claudine)

"Daan tayong SM mamaya, pa-chill naman tayo kahit onte. Naloloka na din ako sa dami ng school works natin eh" -Queenie

"Lagi ka ngang chill dyan eh" -Ako

"Baliw! Hindi ah, wala pa ngakong nasisimulan sa assignments natin eh" -Queenie

"Ako rin naman, wala pa rin akong nasisimulan… busy ako" -Ako

"Busy ka saan?" -Tanong ni Queenie

"Sa… sa ano, sa pagpapaganda! Gumagaling nako mag-kilay beh" -Palusot ko nalang,

Muntik ko pang masabi na busy ako sa pag-practice ng kapangyarihan ko. Naiba bigla yung usapan namin nung nang mapansin nya tong jacket na suot ko.

"Lagi mo suot yang white mong jacket ah, lagi ka ata nilalamig?" -Queenie

"Trip ko lang naman, favorite ko color white beh"

"Kala ko dati Blue favorite mo?" -Queenie

"Paborito ko pa din naman yun 😊"

..

Habang nasa class kami kanina nun, napatingin muli ako sa kalangitan at kapansin-pansin lang na hugis arrow ulit na parang may tinuturo ito sa kung saan. Madami nga ding nakapansin eh, binigyang meaning agad to ni Alex. Lumabas kami saglit ng room, para lang makita namin ng maayos yung ulap na may itinuturo.

"Parang ganyan din yung ulap na nakita ko nung nakaraan, coincidence lang siguro to girls pero diba may binalita nung nakaraan na may bungguan sa bandang University belt" -Alex

"Oo, nabalitaan ko yan. Pero anong kinalaman nun sa ulap?" -Ako (Claudine)

"Yung ulap na iyon... feeling ko doon nakaturo sa bandang University belt!" -Alex

"Pano mo nasabe? De joke lang!" -Queenie

"Kung totoo nga yang sinasabi mong iyan… edi may panibagong aksidenteng mangyayari sa bandang?" -Ako

"Anlayo, tangina maski ako di ko na matukoy kung anong lugar na tinuturo ng ulap" -Alex

"Paano kaya kung ngayon na mismo nangyari yung aksidente noh?" -Queenie

"Pwede rin?" -Alex

Napa-check ako sa facebook ko nun at unang-una sa news feed ko yung insidente sa QC, nakalagay mga 8 minutes ago, may pinatay na public school teacher. Pinakita ko agad sa kanila to, at ilang saglit lang ay unti-unti nang nag-bagong hulma yung ulap na hugis arrow.

"Kakamatay lang ng teacher na to, as in kani-kanina lang ng onte. Pambihira talaga mga tao ngayon at panay lagi nalang ata teacher ang namamatay?!" -Queenie

"Hindi na hugis arrow yung ulap, siguro sa QC nakaturo iyun. Hindi lang natin talaga natukoy agad" -Alex

"Parang totoo nga yang teorya mo Alex, siguro kung alam to ng iba, baka nailigtas pa si Mam…" -Ako

"Maibabalita nanaman to mamaya sa TV, parang nakakatakot na tuloy mag-teacher. Kung hindi pinapatay, nagpapakamatay naman ☹" -Queenie

"Sa tingin nyo ba, sinubukang mailigtas ni Rouser si Mam?" -Open topic ako bigla

"Hindi eh, kung dumating sya syempre maililigtas nya yung teacher" -Alex

"Baka nga hindi pa alam ni Rouser na napatay na si teacher eh" -Queenie

"Parang ang creepy tuloy makakita ng ganiyang ulap!" -Alex

Pwedeng tama si Alex, na yung hugis arrow na ulap ay nagtuturo sa kasalukuyan or tapos nang pangyayari, it's either krimen o aksidente. Di pa sure tong 'Theory' na to pero nakaka-convince lang. Nagka-teorya din ako na pwedeng eto yung sinusundan ni Rouser kaya nagagawa nyang mapigilan yung mga krimen na pwede pang makontra, kasi naman napaka-imposible lang na naandoon sya AGAD sa kung saan may krimen na nagaganap diba? Di naman sya yung tipuhan na nalipad kaya nga naka-motor sya eh. Kaya ko naitong kina Queenie at Alex kung sa tingin nila ay nakarating sya.

Pero bakit… bat ngayon ko lang to napansin. Dati naman hindi ako nakakakita ng ganitong hulma ng ulap. May gusto tuloy akong subukan… kung kaya ko bang makontrol yung ganong ulap.

..

..

After ng class namin ay tuloy kaming tatlo (sumama si Alex) sa walwal namin. Hehehe! di kasi ako susunduin muna ni Kuya Benjo kaya gala muna kami. Kaya gusto nila akong kasama kasi nalilibre ko sila lagi, nabubusog sila ng wala ni-pisong ambag. Shawarma nanaman foodtripan naming tatlo, selfie-selfie na din syempre para may pang 'My Day' sa facebook. Young wild and free kami at the moment! Without smoke, weeds, at alcohols hehehe <3 mas masarap pa tong gantong feeling with friends kesa sa jowang pinapasaya ka pero bina-backstab ka pala.

Pauwi na kami ngayong 7:41 ng gabi nang makakita ulit kami ng ulap na hugis arrow, as tanaw na tanaw namin kasi nasa itaas lang talaga, unlike sa school kaninang hapon na tanaw lang namin sa malayo mula sa 3rd floor.

"Mukang may magaganap sa EDSA ha… pauwi na pa naman tayo oh!" -Alex

Sa Edsa naka turo yung ulap na natatanaw namin ngayon. Pano ko kaya masusubukang kontrolin tong ulap na to eh kasama ko sina Alex at Queenie ngayon?!

"Alex hatid mo ako saamin pauwi, sabayan mokoooooooooooooo…" -Queenie

"Sige lang, ako bahala sayo hihihi! <3" -Alex

"Uhhhhhhhhmmmmmmmmm… guys saglet lang ha! May balikan lang ako saglet! Wait lang or kung nauuwi na kayo mauna na kayo!" -Lumayo agad ako sa kanila, di ko pwedeng mapalampas tong ulap na to

Sumunod saakin si Queenie nun pero sinabi ko sa kanyang ayos lang ako at kaya ko naman na mag isa. Pumwesto agad ako sa open parking lot, kampante ako hindi na ako nasundan nung dalawa kaya itinutok ko agad sa ulap tong kanang kamay ko gaya ng ginagawa ko dati.

"B-bat ganito tong ulap na to?! Di ko sya makontrol!"

Unti-unting nagtila anyong ulap tong kamay ko at patungo ito sa taas! Parang dahan-dahan akong nabubura dito sa lupa.

"OH GOD?! ANO TONG NANGYAYARI SAKIN?! NO! NO! N—"

Wala na akong naramdaman pa pagkatapos nun, ang alam ko lang is… hinatak ako mismo ng ulap papataas. Naramdaman kong unti-unting nabubuo ang pisikal na anyo ko habang papalapit na ako mismo sa ulap!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Tila naging baliktad ang gravity saakin, na himbis na nasa lupa lang ako, para pa akong nahulog mula sa lupa papaakyat dito sa ulap na ito. Di ko nakita yung buong pangyayari, yung habang patungo ako dito sa taas, ang huli ko lang na maalala saakin dun sa baba is na-feel kong unti-unti ako hinihigop ng ulap na to dito. Imagine-nin mo nalang na tao ako then from right hand ko unti-unti ako naging ulap at hinigop or let's say na lumipad ako dito. Sayang di ko nakita yung part na lumilipad ako patungo dito.

Literal pa sa literal na naglalakad ako sa ulap ngayon! At hindi na ako nananaginip sa lagay na to, as in tanaw na tanaw ko ang buong kamaynilaan dito.

"Buti di ako nahuhulog?"

Bukod sa di ako nahuhulog, napansin ko rin na di ko na dala yung bag ko dito sa ulap?! Naiwanan ata doon sa parking lot! Oh fuck, naandon yung iba kong gamit hala?! Yari ako kay Yaya at at Mommy neto.

"Ngayon… kung totoo ngang tinuturo netong ulap na ito kung saan may nangyayaring aksidente o krimen ngayon, saan ako dapat papunta ngayon?!"

Sa gilid ko nun ay kusang gumagalaw ang mga ulap at naghulma ito sa mga salitang…

'Puntahan mo na yung dapat mong puntahan', napasalita nalang din ako nun

"Eh hindi ko nga alam kung saan ako pupunta eh!"

Nagbago agad ito at tila sumagot sya sa sinabi ko…

'Pumunta ka sa dulo ng ulap, makikita mo'

"Sure ka ha? Okay"

Nang marating ko tong tipping point ng ulap na to, may mensaheng ibinigay saakin tong ulap saakin.

'Ihanda mo ang sarili mo'

Nang basahin ko yun ay agad itong naglaho, nagawa ko pang makapag-picture nun kasi nasa-jacket ko lang tong phone ko, buti di ko naiwanan sa lupa. Sinuot ko na din tong face mask kong puti.

Feel ko yung lakas ng daloy ng kapangyarihan ko pag naandito ako sa itaas. Ilang saglit pa ay unti-unti muling nag-anyong ulap tong katawan ko tulad ng kanina, ngayon naman mula sa paa ako papataas.

"Ready nako!"

Para akong ibinala sa kanyon sa bilis ng lipad ko, at ngayon patungo na ako sa dapat kong mapuntahan! Ibinala ako ng ulap na sa taas papuntang baba! Hindi ako nalipad talaga pero parang lumilipad na din ako sa ngayon. Parang ako yung balang bato, at yung ulap ang nagmistulang tirador!

"WOOOOOOOOOOOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!! HAHA!!!"

Mabilis akong nakabalik sa pisikal na anyo nun at agad akong nag nag cloud blast sa kalsada nang dahan-dahan akong makalapag sa ibabaw ng umaandar na truck! At kasalukuyan na nga akong nasa Edsa ngayon!

"Anong meron bat dito ako dinala ng ulap na yun?!"

Nakarinig agad ako ng putok ng baril mula sa likuran ko at nakita ko agad kung sino ang may gawa!

"Hindi baril kundi grappling gun ang ginamit?! Teka kaninong hook yung nasa poste—"

Mabilis na nakadaan si 'Cable Blade' sa bandang kanan ko! At mukang may pupuntahan sya. Para syang si Spiderman sa bilis ng pagkaka-swing nya. Buti nalang naka yuko ako at hindi nya ako napansin!

100% sure akong si Cable Blade yun, yung sumalakay sa Metrobank kahapon lang ata yun!

Wait… hhhhmmmmmmmmmmmmm… okay!

Get's ko na kung ano pinunta ko dito!

..

..

..

..

..

"Asan na yung putanginang armored van na yun, yari sakin ang laman nun ngayon! Hahaha! Tingnan nalang natin kung may mga pulis na makakapigil saakin sa gantong traffic ng EDSA, tangina maging si Rouser ay di ako magagawang mahabol dito! Jackpot to sakin ngayon!"

--Cable Blade

Nächstes Kapitel