GOOD grace it's Saturday. Walang pasok sa school, kaya nag-iisip ako ng puwede kong gawin habang maganda ang mood ko ngayon.
Nakaupo si Mommy sa couch habang nagbabasa ng book. I don't know the title, but it looks like a psychology kind of book we have that Daddy used to read back in our old house. Akala ko inilagay na ni Mommy lahat ng gamit ni Daddy sa basement. I guess she made exceptions.
Habang ako naman ay nakaupo sa hagdan, checking up places in the woods na puwede kong puntahan, o 'di kaya ay gawin kong hang out place. Alone by myself.
"Darling, can you please see who's there?"
The doorbell rang. That is why she's asking me to open the door. Focus na focus siya sa kaniyang binabasa, I wonder what she is reading. Mabasa ko nga 'yan kapag may time ako.
"Hi. What can I do for—" Everything just went flash and brought me back in time where I have first met her.
We were in school, and she accidentally or did it on purpose—She touched me. Iyon ang una naming pagkikita. I wonder what she is doing here outside our house and rang the doorbell.
"Hello. Are you okay?" she asked. She seems nice. Nice for her to asked if I'm fine.
"I-I'm fine. Ano po ang kailangan nila?"
Tiningnan ko siya mula leeg hanggang sa kaniyang mukha. She's so cool looking lady. She must be a professional—Police Officer possibly. Bagay sa kaniya maging pulis.
"Oh, you must not know me—Obviously, but can just you please call your mother?" She smiled awkwardly.
"Darling, sino 'yang kausap mo?" sigaw ni Mommy habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kaniyang binabasa.
Ibinalik ko ang aking mga tingin sa babaeng pamilyar sa akin pero hindi ko naman siya kilala. Siguro dahil sa nakita ko ang mga past memories niya as a former student at Riverhills High.
"What's your name again?"
"I'm Vanessa—Vanessa Gocela. Kilala ako ng mommy mo. Can you please call her for a sec?"
"Sure. Can you just please wait for a minute?" Nahihiya akong makipag-usap sa kaniya, o baka rahil lamang sa hindi ako komportable sa mga nakikita ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Her memories seem kind a dark for me, darker for my source of birth power.
Ngumiti lang siya.
Nakabukas ang pinto nang nilapitan ko si Mommy para sabihin sa kaniya ang tungkol sa babaeng nasa labas ng bahay.
"Mom, there's someone at the door asking for you. Her name is Vanessa—Vanessa Gocela."
Ibinaba niya ang libro at kasabay no'n ay ang pag-angat ng kaniyang mga mata sa akin. "Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"
Eh, bakit parang ako pa ang may kasalanan? Hindi na lang ako sumagot at pumunta sa kuwarto ko sa itaas. Habang si Mommy naman ay tumayo at pinuntahan ang babae.
After an hour, nakaalis na siguro ang babaeng 'yon. Bumaba ako para i-check kung nakaalis na nga ba siya. Tatanungin ko si Mommy kung sino siya at ano ang ginagawa niya rito sa bahay. Sino kaya siya at parang exciting ang naging past life niya.
Where's mom? Nagpunta ako sa kusina para suriin kung nando'n ba siya, pero wala siya rito. Nasaan kaya siya?
"Mom!" I called her from the kitchen facing the door to the back door of the house. "Mom, where are you?"
"Bakit ka ba sumisigaw?" biglang sagot ni Mommy mula sa likuran ko.
"What the—Mom, ginulat mo naman ako!"
"Bakit ka ba kasi sumisigaw?" she asked me again.
Halos makapag-cast ako ng enchantment dahil sa gulat.
"Eh, saan ka po ba kasi galing? Kanina pa kita tinatawag, ha, hindi ka sumasagot," naiinis kong sagot sa kaniya. But not to the point that it sounds too rude na.
"Kinuha ko lang ang gamit na kailangang kunin ni Vanessa."
"Thank you po sa pagtulong. Sana hindi po ako nakaaabala ng oras n'yo po," wika ni Vanessa habang bitbit ang isang box. Hindi ko alam kung ano ang laman nito pero sigurado ako na puro lumang gamit lang nila ang nandiyan sa loob.
So . . . Dito pala siya nakatira noon? It means that this is her house before. Paulit-ulit lang ako. That's not the point here. Kaya siguro kami nagkatagpo marahil ay may bagay na rapat kaming pag-usapan o baka kailangan niya ang tulong ko.
Pero hindi rin ako sigurado kung tama ba itong iniisip ko. Baka nagkatagpo lang kami for some reason, maybe dahil siya ang may-ari ng bahay na ito noon. Kaya siguro kami nagkita sa school.
"No need to thank me, hija. It's the least I can do for you." Mommy's smile looks comforting as always.
"Sana komportable po kayo ng maganda ninyong anak sa bahay na ito," nakangiti niyang sabi.
"Naku, sobrang komportable, hija. Ayaw nga nitong pumasok kahapon sa school niya dahil siguro sa gustong-gusto niya ang kama mo rati." What's the connection, Mom? Ayaw ko lang pumasok kahapon kasi nga ayaw kong makita ang mukha ni Hoqur. Tsk.
Marahang natawa si Vanessa. What's so funny? I rolled my eyes in discreet. I'm sure hindi nila iyon nakita dahil marahan akong tumagilid nang kaunti para hindi nila ako makita.
"Gano'n din po ako noon. Ayaw na ayaw kong pumasok sa school pero—I'm not bragging about this, pero isa po akong consistent honor student noong Junior and Senior high school ko po."
Wow! She's lowkey flexing her Einstein brain. Sana all.
Nah, I can't stay here with them. It only pressures me up. Kailangan ko ng makaisip kung saan ako pupunta ngayon. Think, Prudence!
The doorbell rang. Sino na naman ang nandito? Bakit parang ang dami na yatang tao ang pumupunta rito sa bahay since Mom invited some few people she knows. Mrs. August—My school principal, and the school librarian. Ano nga pangalan niya?
"Prudence, tingnan mo nga kung sino 'yang nasa labas ng pintuan."
Nice. Nakatakas din ako kahit sandali lang.
Pagkabukas ko ng pinto ay isang nakaiinis na mukha ang tumambad sa akin. Talking about some people.
"Hi, Prudence!" bati ni Angel sabay silip sa loob. Aba, sumilip pa talaga siya.
Bakit parating ang saya ng nilalang na 'to? Ni kahit kailan ang hindi ko siya nakitang hindi nakangiti sa tuwing may kaharap siyang ibang tao. Baka marami siyang mabibigat na dinadala mula sa bahay nila, and the only way he thinks to move forward is to smile, even though it's fake.
"Angel?" gulat kong sabi. Kasi paano niya nalaman na rito pala ako nakatira. Dalawa na sila ni Hoqur, ha. "What are you doing here?" I stepped outside and closes the door.
I don't want Mom seeing another person from school. Marami na naman siyang sasabihin kahit hindi ko naman kailangan marinig ang mga salitang iyon. Baka ano naman ang masabi niya sa kanila at . . . Tsk.
"I just found out that Hoqur was here yesterday, right? Tell me ano'ng ginawa niya sa 'yo? Did he threatened you or something that would scare you off away from him?" He seems afraid and care about me.
Ano ba kasi ang mayro'n sa nilalang na 'yon at takot na takot ang cousin niya?
"Paano mo nalaman?" Binalewala ko lang ang pagiging takot niya. Baka may soft bones lang siya kaya madaling tuksuhin at takutin.
Napaisip siya saglit at umiling-iling. "It doesn't matter. Sabihin mo lang kung tinatakot ka ni Hoqur—"
"Bakit, ililigtas mo ako laban sa kaniya? Eh, kulang na lang matunaw ka sa panginginig mo diyan," pang-aasar ko sa kaniya.
"Hindi, ano. Binabalaan lang kita." His face became serious, and his caring voice suddenly fade off.
"I don't need it," suplada kong tugon. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako." Humakbang ako paalis sa kinatatayuan namin, at naglakad patungo sa saan man na direksyon.
"Hey, saan ka pupunta?" pagtataka niyang sabi. Akala niya siguro ay hindi ako umaalis ng bahay.
"None of your business." Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya nang masama. "Don't you dare follow me." Pinatulis ko ang aking mga mata.
"'Wag mo akong tinatakot, Prudence. Hindi 'yan gagana sa akin. Mas lalo kang nagiging cute sa ginagawa mo," sabi niya, at saka lumapit sa akin na tila hindi nga natatakot na magalit ako.
Natigilan ako. How real is this creature?
"Mas nakatatakot pa rin si Hoqur kung ikukumpara kita sa kaniya," pahabol pa niyang sabi.
Tumayo lang ako at tiningnan siya nang hindi makapaniwalang tingin. Sa pagkakaalala ko, wala naman akong sinabi na magkaibigan kami para makipag-usap siya ng ganito ka feeling close, ano.
"Come, may ipapakita ako sa 'yo." Walang pasabi niyang hinablot ang isa kong kamay at patakbo niya akong hinila papunta sa mini-parking lot ng mga bicycle.
"Hoy, saan mo ba ako dadalhin? At kung saan man iyan, sino may sabi na sasama ako sa 'yo?" kibit-balikat kong sabi sa kaniya habang nakatayo sa gilid niya.
"Sumakay ka na sa bike mo," hindi tugma sa tanong ko ang sagot niya, sabay turo sa biskiletang katabi ng sa kaniya.
"Hindi 'yan sa akin, 'no. At saka puwede bang sagutin mo muna ako? Saan ba tayo pupunta? Para naman masabi ko kay Mommy kung nasaan ako. Baka mag-alala 'yon sa akin. Hindi pa naman niya kabisado ang bayan na 'to, lalo na ang subdivision na 'to."
"So, you're saying that papayag ka ng sumama sa akin?" nakangiti niyang sabi. His lightened up as if he's super happy.
"I'm not saying anything." I rolled my eyes and turned against him.
"Tell your mom that we're going somewhere. Just around the corner."
Hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig mula sa kaniya.
"Fine. Dadalhin kita sa sikat na old mansion dito sa bayan. Malapit lang naman 'yon, eh. In fact, nasa dulo lang ng subdivision, ilang layo mula sa labas ng boundary. Kaya magtiwala ka sa akin. Hindi naman kita ipapahamak, ano. Kung gusto ko man 'yon gawin, eh, 'di sana hinayaan na kitang magisa ng mommy mo kanina."
Wait, paano niya nalaman ang bagay na 'yon? Narinig niya ba ang pag-uusap namin kanina? Pero malabo rahil nakasara naman ang pinto kanina. Malabong marinig niya ang pinag-uusapan namin.
Nilingon ko siya nang may pagtataka sa aking mukha.
"Sumilip ako no'ng pinagbuksan mo ako ng pinto. At kung tatanungin mo man ako kung paano ko nahulaan ang bagay na 'yon," tumingin siya sa akin nang napakaseryoso, "Teenager din ako, Prudence. Alam ko kung ano ang iyang nasa mukha mo, sa mukha ko kapag naiinis ako sa isang pangyayari o ano man iyong sitwasyon mo kanina sa loob ng bahay n'yo." He's sounds adult, huh.
Inalis niya ang tingin sa akin at inayos ang bisikletang ipapagamit niya sa akin habang nakaupo sa bisikleta niya.
"Baka sabihin mo na naman o tatanungin mo ako kung isa ba akong wizard, witch, o 'di kaya ay isang grim reaper," bulong niya sa kaniyang sarili.
"Narinig ko 'yon, hoy!" inis kong sabi sa kaniya habang tinitingnan siya sa kaniyang ginagawa. Pursigido talaga siyang isama ako.
Ano kaya ang mayro'n sa old mansion na sinasabi niya at parang kakaiba ang pakiramdam ko rito.
"Mabuti naman at narinig mo 'yon. Ibig sabihin ay gumagana ng maayos iyang tainga mo." Nasaan na ang mabuti at tila anghel na ugali ni Angel? Sinaniban ba siya ng masamang espiritu? Biglang gumaspang ang ugali niya.
Akto akong aalis nang bigla niya akong pinigilan. Nakahawak ang isa niyang kamay sa pulsuhan ko. Kunti na lang talaga at mapapaisip ako na may gusto itong si Angel sa akin. I mean, don't get me wrong, ano pa ba ang rason kung bakit tila gusto niya akong inaasar o 'di kaya ay palagi siyang nagpapapansin sa akin, 'di ba?
"Biro lang. Ito naman, oh," nagmamakaawa niyang sabi. He even used the pout-lips-effect. Gross.
"Ew, hindi bagay sa 'yo, Gel," pinipigilan kong matawa sa kaniya.
His eyes became brighter. All I can see is . . . He's happy. "Napangiti rin kita. Yes!"
Huh? "Is this all about making me smile?" I'm confused.
"No. It's just part of my plan. And now, sumakay ka na para makaalis na tayo." He tapped off the sit twice. Making it clean. "Nasa sa 'yo kung sasayangin mo ang araw. Ikaw bahala." Iniwas niya ang kaniyang tingin mula sa akin at kunwari tumingin-tingin sa paligid.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kaniya. "All right, let's go." Sumakay ako sa bisikleta. "Text ko muna si Mommy kung saan tayo pupunta."
Tumango lang siya. Kinuha ko ang phone ko at mabilis na nagpadala ng text message kay Mommy.
"All set. Now we can go."
At pagkatapos ay sabay kaming pumadyak paalis, patungo sa lugar kung saan kami lang ang may alam.
Old Mansion. Saan kaya ito? Palaisipan sa akin kung saan ito habang tinatahak namin ang daan palabas ng subdivision. Hindi ko naman maiwasan na ma-curious kahit parang off sa akin pakiramdam tungkol sa lugar na ipapakita niya sa akin.