I DON'T have any choice but to go back. After all, these are for both of us.
"For Mommy." Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng school building.
Sana may magandang bagay naman ang mangyari sa araw na 'to. Hindi puro accident visions, nakaka-irita moment encounters with Angel, and most especially . . . that Hoqur. Kung ilalagay sa isang highlights book ang buhay ko simula no'ng unang araw ko sa paaralang ito, I'm sure it would be boring and a pain in the ass.
Papunta na sana ako sa locker room ko para iwan ang mga gamit na hindi ko kailangan dahil papasok muna ako sa shower room upang magbihis ng PE uniform. Hindi ko alam na uso pa pala ang may pa uniform ngayon sa generation namin. Well, I guess it's still part of the formality thingy of every mortal school in the whole world.
"Good morning, Prudence." Ito na nga ang sinasabi ko kanina, sana, hindi agad ako nakaalis dahil sa nagpakita na naman ang Angel na more like a bad omen for me. Ano na naman kaya ang inis na ipapadama niya sa akin ngayon?
Hindi ko agad siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa kong pagkukuha ng PE uniform ko mula sa bag. Mas uunahin ko ang sarili ko bago siya. Iinisin niya lang ako at dadalhin ko sa buong araw.
"Hey, pansinin mo naman ako. I meant no harm, okay. If my presence were an insult for you, then I guess I have to stop being around you and maybe . . . Okay, aalis na ako. Ibabalik ko na lang itong mga librong hiniram ko para sa 'yo . . . sana."
Sad-boy 'yan? Okay, fine. He got me.
"Hey," I called him. And he stopped, "are those for me?" Syempre, hindi ako ngumingiti. Baka isipin niya na ayos na kami. After how many days of insulting me, akala niya ba ay maayos lang ng gano'n kadali? Of course, I have to play pabebe, ano?
Mabilis siyang humarap sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. What's his deal?
"So, this is Science," una niya itong ibinigay sa akin, at agad-agad ko rin na binuksan ang aking mga kamay para tanggapin ang mga librong ibibigay niya sa akin, "Language Arts," pangalawa niyang ibinigay sa akin at sunod-sunod na ang iba pa, "Physical and Health Education, Fine Art, and Applied Design, Skills, and Technologies."
Ang bigat naman kahit limang libro lang ang mga ito. Parang masaya pa yata siya nang maibalik ko ang aking mga mata sa mukha niya.
"Wala lang man akong Thank you diyan?" His eyebrows met in the middle.
"Eh, hindi mo ba ako tutulungan dito?" reklamo ko sa kaniya.
Kaya agad naman niyang binawi sa akin ang mga libro. "Sorry," sabi pa niya habang kinukuha ang mga libro.
Binuksan ko ang locker ko at kinuha sa kaniya ang mga librong hindi ko gagamitin sa araw na 'to at iniwan ko lang sa kamay niya ang PE book na gagamitin ko ngayon. Pagkatapos ay sinara ko na ito at kinuha sa kaniya ang PE book.
"Thanks, Angel—Don't get me wrong. We're not friends." I rolled my eyes with a smile and left him standing with a smile on his face too.
I never imagined that this would happened today. Sobrang layo sa inaasahan ko. Bumabawi na ba siya sa mga araw na sinira niya?
Right. Nakalimutan ko nga pala na humiram ng libro kahapon dahil sa tumakas ako sa presensya ni Angel. At napadpad sa isang sulok kung nasaan ang ayaw kong makita sa pamamalagi ko rito sa Riverhills High School. Mabuti na lang talaga at hindi kami magkaklase ni Hoqur. I'm sure that my life would be in a great hell hole.
"OKAY, class. All girls should go that way," our PE instructor pointed the other side of the pool, "while you boys on the opposite side," said Sir Felipe.
Sir Felipe Cruz is a guy yet has a feminine characteristic. I guess his age was around twenty years old plus. Ang bata niya pa kasi tingnan, parang ate kuya lang namin.
Pagdating ko sa natatorium, nando'n na rin ang mga kaklase ko. Mabuti na lang at hindi ako na late. I'm sure it would be a shameful scenario. Kabago-bago ko rito sa school, tapos late pa ako . . . Baka ano ang sabihin ng instructor at isumbong ako kay Principal August, at magsumbong din siya kay Mommy. Tsk.
Sumama ako sa mga kaklase kong babae kahit na isa ay wala akong kaibigan. Wala rin ang may naglakas ng loob na kausapin ako simula no'ng unang pasok ko, puwera na lang kung may importante talagang dapat silang sabihin sa akin o 'di kaya ay tinatanong sila ng guro namin at sasabihin nila sa akin.
Hindi rin ako sigurado kung ano ang rason, pero base sa aking iniisip . . . Parang pinili lang nila na hindi ako kausapin dahil sa weird siguro akong tao—Kalahating tao. Nahihiya rin kasi naman akong kumausap sa kanila, eh, baka hindi nila ako magustuhan. Lalo na't wala akong karanasan sa pakikipagkaibigan dahil nga home school ako ni Mommy at Daddy. Pero specialty ko ang pagiging witch talaga. If only this is a school for darkness.
"Now, choose your partner."
Hays. Paano na 'yan? Kakasabi ko lang sa sarili ko na nahihiya akong makipagkaibigan sa kanila, tapos ito ang kasunod na mangyayari?
Lahat sila ay agad na naghanap ng partner, at halos lahat ay mayro'n na. Ako na lang yata ang wala pang partner. Nakatayo lang ako malapit sa bench habang pinapanuod ko sila.
"Okay, next natin na gagawin ay mag-warm up muna. Now get yourself in position."
Paano na 'to? Wala pa akong partner, eh, lahat sila ay may partner na kahit sa mga boys wala na ring puwedeng i-partner. Sir, puwede bang ako na lang mag-isa? Kung puwede ko lang sabihin, I mean, kung puwede ko lang sana sabihin sa kaniya, eh, nahihiya talaga ako.
Shit. Ayan na. Nakatingin sa akin si sir. Ano'ng gagawin ko? Ba't ba ako kinakabahan, eh, tao lang naman siya. Normal lang naman daw 'to sabi ni Mommy pero kakaibang kaba ang mayro'n ako, eh. Ganito pala kahirap kapag nag-aaral sa isang mortal school?
"Miss Morningstar?" palapit nang palapit si sir nang sinabi niya ito. At sumabay pa nga ang pagkabog ng puso ko.
"Y-Yes, sir?" nauutal kong sabi. Nakatingin na rin kasi ang mga kaklase ko sa akin. Nakakadagdag kaba tuloy lalo.
"Wala ka bang kapares?" malumanay niyang sabi. Hindi pala galit si sir. Akala ko talaga ay magagalit siya sa akin. Eh, bakit naman siya magagalit kung wala naman talagang natira na kaklase ko ang puwede kong maging kapares. Praning ba ako?
"Wala po, sir, eh," tugon ko at ngumiti nang awkward.
"You're the new student, right?"
"Ako nga po," tugon ko ulit na may halong awkward na ngiti pa rin.
"Mm, no doubt why you don't have a partner even if there's still available person around."
Ano'ng ibig niyang sabihin?
"What do you mean, sir?" paglilinaw ko. Baka iba pala ang ibig niyang sabihin tapos ako itong tanga na hindi inalam ang ibig niyang sabihin.
"Oh, I'm sorry. What I meant is . . . Dahil bago ka pa lang dito sa school, kaya wala ka pang masyadong close siguro dito."
Ngumiti na lang ako. Tama si sir. Wala nga akong close rito sa section namin. Eh, hindi ko nga nakikita sa mga mata nila na gusto nila akong makasama. Maging partner pa kaya?
"It's okay." Tinalikuran niya ako at lumingon siya sa mga kaklase ko. "Lahat ng mga may kapares na, proceed kayo sa warm-up. I am guessing that everyone has already studied the activity last night. Now, start." At humarap siya ulit sa akin. "You can just sit here on the beach and watch us as we do the activity, then maybe next time, we can—"
"I can do solo, sir." Pagputol ko sa sinabi niya. Hindi naman puwede na mahuli ako sa klase dahil lang sa wala akong partner. The show must go on, ika pa nga.
Napataas ang kilay ni sir sa sinabi ko. "Yes, I like that spirit!"
Naganahan ako sa energy ng reaction ni sir. "But I'm sure hindi mo nabasa ang activity natin kagabi—Obvious naman. Kasi kung nabasa mo, alam mo kung gaano kahirap ang activity ng mag-isa. Am I right?"
Ano pa ba ang isasagot ko? Eh, 'di . . . "I'm sorry, sir. Hindi po kasi ako nakahiram ng book kahapon dahil may emergency lang po sa bahay. Kaya umuwi po ako ng maaga after my morning class," pagdadahilan ko.
"It's okay. So, umupo ka na lang muna diyan."
"Okay po, sir. Thank you." Wala na akong magawa kundi ang umupo na lang talaga at panuorin silang lahat.
Nagmumukha akong skinless chicken dito. Malamig pa naman dito marahil na rin sa naka-swimsuit lang ako, tapos hindi ko lang pala magagamit. Tsk.
Nasa kalagitnaan sila ng first activity nang biglang sumigaw ang isa sa mga kaklase kong lalaki. Tinawag niya si sir.
"Yes, Mr. Lozano?" tanong ni sir.
"Dumating na po si Hoqur," tugon ni Christian—Christian Lozano.
"Good morning, sir. I'm sorry I'm late," sabi ni Hoqur nang nakaharap na niya si Sir Felipe.
"Bakit ngayon ka lang, Mr. Black?" ma-awtoridad na tanong ni Sir Felipe.
Hindi makikita sa mukha ni Hoqur ang takot o kaba sa sitwasyon niya ngayon. Siguro ay kilala na niya ito, pero kahit naman siguro na kilala mo na ang isang tao, kung alam mo ang tunay niyang ugali ay matatakot o kakabahan ka pa rin. O, baka matapang lang talaga siya.
Bakit parang ako pa ang kinakabahan kaysa sa kaniya?
"I was having hard time finding my . . . trunks, sir," tila nahihiya niyang sabi.
Eh, kahit ako ay natatawa sa sinabi niya. Hala! Bakit siya nakatingin sa akin? Nakita niya ba akong tumawa? Mahina lang naman ang tawa ko, ha. Pati 'yon ay napansin pa niya?
Napalingon ako sa paligid ko para suriin kung may iba pa bang tao sa likod ko, pero ni isa ay wala akong nakita maliban na lang sa akin. Hindi lang pala siya ang nakatingin sa akin, pati rin pala ang mga kaklase ko at si Sir Felipe.
Gano'n ba kalakas ang tawa ko at narinig talaga nilang lahat?
"Next time, prepare your things ahead of my time para hindi ka na ma-late sa susunod. Okay?"
"Yes, sir."
"This is also for everyone's reminder, prepare your things before going and arriving at school to avoid being late or to get late. Understand, class?"
"Yes, sir," sabay-sabay na tugon ng lahat.
"Mabuti na rin at dumating ka—Ms. Morningstar!" tawag ni sir sa akin.
Luh, bakit ako tinawag ni sir?
"Yes po, sir?" Agad akong lumapit sa kaniya, at sinisigurado kong makaiwas ang maka-eye contact si Hoqur. Baka galit siya sa akin dahil tinawanan ko siya.
"Since you don't have a partner, kung ayos lang sa 'yo, si Mr. Black ang magiging kapares mo for the rest of the year," wika ni sir.
What? Magiging kapares ko si Hoqur? Eh, umiiwas nga ako sa kaniya dahil ayaw kong magkaroon ng problema marahil ay ayaw kong may malaman si Mommy tungkol sa pag-aaral ko at maging disappointment ako sa mga plano niya kahit ayaw ko naman talaga ang mag-aral dito sa una pa lang.
"Ah, eh, s-sir, baka may iba pa pong dumating at—"
"Bakit ka pa maghihintay na may dumating, eh, nandito na si Hoqur," pagtatakang sabi ni sir.
"Excuse me lang po," napalingon kaming tatlo nina Sir Felipe, Hoqur, at ako kay Christian, "Wala na pong dadating na kaklase namin."
"Mr. Lozano's right. Luckily, Mr. Black has a back subject dahil hindi siya pumasa sa subject ko before due to some—Anyways, good luck for you Ms. Morningstar dahil may partner ka na, while it's unfortunate for Mr. Black dahil may back subject siya, but at the same time it also gives you the opportunity Ms. Morningstar to have a partner good as Mr. Black here."
Bakit parang hindi naman negative ang nangyaring pagbabalik ni Hoqur sa subject na ito? I wonder why he got a back subject, especially in PE subject. Ang dali lang naman sigurong ipasa ng subject na ito.
"Okay, since you both don't have any choice, go get on your position na. We are running out of time. Now, go."
Wala na akong magagawa kundi ang sumunod kay sir. Pumunta na ako sa pinakadulo ng pool, sa pinakalikurang bahagi ng mga kaklase ko, habang nakasunod sa akin si Hoqur. Bakit ba kasi sa dami-rami ng puwedeng mahuli sa klase, si Hoqur pa talaga. Puwede naman si Christian na lang at . . .
Napasigaw ako nang malakas nang nahulog ako sa pool. Shit! Nakahihiya. Hindi ko namalayan na nasa edge na pala ako ng pool. Pero hindi naman kasalanan ng pool kung bakit ako nahulog, eh.