webnovel

Riverhills Convenience Store

WHEN we got home, I directly asked my mother about the school. There's this feeling that I can't explain. I mean, bakit naman ako ipapasok ni Mommy sa iisang mortal school, eh, ang usapan namin ay sa isang Dark Art School niya ako i-enroll. But I'm hoping that my thoughts are wrong.

She closed the door and sat down on the couch while taking off her red heels. Kailan pa bumalik si Mommy sa pagsusuot ng magagara niyang gamit? Naka-move on na ba siya sa pagkamatay ni Daddy? What am I thinking?

"Mom, anong paaralan mo ba talaga ako in-enroll? Ang weird ng mga students doon. I can feel their energy but nothing special about it and as far as my observation has collected, they are mortals. So, please darken my thoughts." Umupo ako sa kabilang couch, kaharap niya, at nag-crossed legs.

"Oh, nakalimutan ko nga pa lang sabihin sa 'yo na, I changed my mind. After a long meditation–With myself, of course. Naisipan kong i-enroll ka sa isang mortal school kung saan–Sa tingin ko ay makatutulong sa 'yo, para sa ating dalawa na mag-walk forward. To make us able to move on and as what we are planning to do here, to make a new life here in this town." Hinawakan niya ang aking mukha at marahang hinaplos ito. Her warm hands never failed me for its comforting effect.

"But, Mom, don't you think na mahihirapan akong mag-adjust? 'Di ba, dapat sa isang magic school mo ako i-enroll dahil doon ako dapat nararapat. Mas magiging double ang pag-a-adjust ko kapag sa isang mortal school ako mag-aaral. Gosh, kung alam mo lang kung ano ang nangyari kanina when I was roaming around. Humas are weird as ever," irita kong sabi. Shit! What did I just say?

Agad akong tumayo at nilapitan si Mommy. "I'm so sorry, Mommy. I don't mean about you. Some of humas lang pala. Mali pala ang construction of words ko," I said as I held her hands. I don't want to hurt her feelings. She the only person I have in my side all the time. I can't afford to lose her, not today, not tomorrow, I won't lose her–Never.

"It's okay. Hindi mo naman kailangan na mag-alala tungkol sa sinabi mo. Alam ko naman kung ano at sino ang tinutukoy mo. Alam ko kung gaano mo ako kamahal, kami ng daddy mo. Pero, hindi magbabago ang desisyon ko. Why don't you give it a try, at least for a day? Then tell me if you don't like it, at ililipat agad kita sa isang magic school."

"But, Mom," nag-pout ako ng lips, hoping that it would make her change her mind.

"Prudence, just do it for me. Alam kong kaya mo 'to. Okay?" Hinawakan niya rin ang aking mga kamay.

Malabo na yatang magbago ang isip ni Mommy. I guess the only option I got on the table is to give it a shot then. But wait, "Mom, may magic school ba rito sa Riverhills? I haven't heard a single one since we got here. So that's why you enrolled me in a mortal school, right?" I smiled as if I caught her in twenty-four k shots.

"I will tell you nothing, for now. Pero kapag pumasok ka bukas at hindi mo nagustuhan doon. Saka ko na sasabihin sa 'yo kung saan ang magic school na ito."

"I guess we have a deal?" I offered my hand, and she shook it off.

There was this bright looks coming from her eyes. Tila sigurado yata siya sa balak niyang ilagay ako sa paaralang iyon. Ano kaya ang pinaplano ni Mommy. I'm sure it's one of her bad judgements . . . Or might mine.

ONE DAY BEFORE THE CLASS STARTS . . .

I was about to go out from the house when my mom called me. "Here we go." Mabigat na tinahak ko ang daan papasok pabalik sa loob ng bahay. Ito talaga ang nakakainis kay Mommy. Ayaw na ayaw niya akong hayaang lumabas o mag-shopping para sa sarili kong gamit. Eh, she didn't even know what to pick.

Tatanungin nga niya ako kung ano ang gusto ko pero hindi naman niya bibilhin. What's the point of asking me in the first place?

"Yes, Mom?" mabigat at malungkot kong sabi pagkaharap ko sa kaniya.

"You forgot your money," she said with a smiling face. Is she real? I mean, she's not wearing any outlook outfit. That's not it. Palagi naman siyang naka-outfit-of-the-day kahit nasa bahay. Ang ibig kong sabihin ay hindi niya suot ang mga panlabas niyang damit. Tama ba itong iniisip ko?

"You're not coming?" I said with pretentious tone and once took the money.

"Gustong-gusto ko man na sumama sa 'yo today, syempre I want to explore the town too naman but, I invited Mrs. August to join me for lunch today." She seems excited.

Mm, kaya pala ayaw niya sumama kasi may bago na siyang Marites na friend. Sino kaya ang babaeng 'to. Oh, don't get me wrong. She's not the type of woman that make gossips from her neighbors. It's more like creating lines of connections for power and make some friends as well.

"Sino po si Mrs. August?" I asked.

"Ano ka bang bata ka, hindi mo kilala si Mrs. Villaflor August? She's your school principal."

"Okay, Mom. Have a nice lunch with Mrs. August." I don't have the energy to talk about school today. It's the least I can do to avoid getting involved from her adult life, which is I already got involved. Kaya nga bibili ako ng school supplies. Tsk.

"Mag-iingat ka, Prudence. If anything, bad happened, tawagan mo agad ako. Understand?" she said with authority. As she should.

"I will, Mom."

I have gone for almost an hour since I left home. Nakatayo't nagmamasid sa paligid bago ko naisipan na pumasok sa iisang convenience store dito sa plaza. Ayaw ko pa sanang pumasok pero kanina pa ako rito. Nangangalay na ang mga paa ko. Wala naman akong hinihintay pero pinili ko pa rin na magmasid muna bago papasok dahil sa naalala ko na naman kasi si Daddy.

We used to shop together in a convenience store back in a day. But that was all in the past now. Bakit ba kasi siya namatay? I hate myself so much, dahil wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Now, it's making a turmoil inside my head, and I don't know how to get this thing out of my system. I guess, kunting spell and herbs lang, mawawala na rin 'to. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ito mawawala kahit gamitan ko man ito ng mahika, mananatili ang sakit sa puso't isipan ko kahit pilitin ko man na itago gamit ang mahikang siya rin ang dahilan kung bakit nawala si Daddy.

Sumalubong ang tunog ng wind chime pagkapasok ko sa store. Walang gaanong katao-tao rito pero mas gusto ko ang ganito. Less people, less toxic aura. Diretso kong tinungo ang school supplies section. Nagtingin-tingin na rin ako sa mga librong nakalagay sa displayed bookshelves. Ang daming bagong labas na libro.

Habang nagbabasa ng blurb sa isang librong hawak ko, may biglang nagsalita sabay hablot sa kaliwang kamay ko at kinaladkad ako paliko sa kanan, at tumigil kami sa kabilang section kung saan pinapagitnaan kami ng dalawang bookshelves.

Sino ba ang bweset na ito at sinira na naman ang good mood ko. I was just reading in peace, tapos ganito ang mangyayari. "What the hell are you doing?" inis kong sabi.

Pinagitnaan niya ako ng kaniyang dalawang magkabilang kamay, dahilan upang mapasandal ako sa bookshelf. Tila nag-aalala siya at takot na tako habang panay lingon sa kanan at kaliwa.

Kung nababaliw na ang isang 'to, pwes, 'wag niya akong idamay. Marahan kong sinipa ang kaniyang pribadong parte, at lumabas ng store. The hell is wrong with that guy. Mahilig talaga siyang manghablot ng wala sa oras. Talent niya ba 'yon? O inborn rudeness character. Kainis siya.

I didn't know that he was able to follow me after what I did to him. Nalaman ko na lang nang muli kong narinig ang kaniyang boses na tila nabibiyak.

"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako? Magsalita ka o tatawag ako ng police!" Calling a police officer is overrated, eh, kung kaya ko naman siyang paalisin in just one spell.

"H-Hey, please wai–Wait!" He's clearly in pain. After what I did, even the slightest force can make a guy crawl on his feet. He deserves it. Bastos na nilalang!

Tila lahat yata ng nilalang dito sa bayan na 'to ay mga walang–Oh, I should stop right there. Generalizing from one's mistake or rudeness is wrong. I should keep that in mind.

"Sasagutin mo ba ako o hindi?"

"Ew, w-why would I?" He laughed even though he's still in pain. What a . . . Is he a wizard?

Wow, may gana pa siyang magbiro, ha, amazing creature.

"Kidding," tumayo na siya nang matuwid. It seems he's fine now. "Hindi naman talaga kasi kita sinusundan. It was just a coincidence, more accidentally," he rolled his eyes, "pero hindi talaga kita sinusundan. I was just trying to save you from–" He paused. "Never mind about it. So, ano'ng ginaga–"

"You are not answering my question. Tatawag na ako ng pulis." Umasta akong kukunin ko na ang cellphone ko sa loob ng maliit kong shoulder bag nang agad siyang nagsalita.

"Hoqur. Hoqur is in there." Tinuro niya ang store.

Kaya ba takot na takot siya marahil ay nasa loob si Hoqur? Kung tama ang pagkakatanda ko, si Hoqur ay 'yong lalaking tumulak sa akin. Ang walang respetong nilalang na iyon!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad kong pinasok ang store at susugurin ko ang Hoqur na 'yon. Akala niya siguro ay matatakot ako sa kaniya pagkatapos niya akong ituring na parang wala lang.

Ngunit pagpasok ko at sinuri ang buong laman ng store, ni walang anino ng Hoqur na 'yon ang aking nakita. Saan kaya nagpunta ang bweset na 'yon?

"May hinahanap ka, hija?" An old woman approached me. Sa tingin ko ay nasa forty plus na ang edad niya. Pero nakakamangha siya, ang tuwid niya pa rin tumayo. Puwera na lang kung isa siyang witch. Hindi na bago iyon sa amin.

"Wala po–Uhm, may nakita po ba kayong lalaki rito kanina?"

"Lalaki? Parang may nakita akong lalaki rito kanina, pero kasama mo yata 'yon dahil pagkalabas mo kanina, sumunod din siyang lumabas."

"Ah, hindi po siya ang hinahanap ko. May iba pa po ba kayong nakitang lalaki rito?"

"Mm, mayro'n . . ." Tila may kampanang tumunog sa utak ko nang marinig ko ang sinabi ng matanda. "Nasa comfort room siya ngayon. Bakit, girlfriend ka ba niya?" She smiled. Kinikilig ka ba lola?

"Naku, hindi po," mabilis kong sagot sa kaniya. The hell.

"Ah, gano'n ba? Bumili kasi siya ng first aid pack at sa tingin ko ay ginagamot niya ang sariling mga pasa sa mukha niya, at pain reliever na rin. Eh, ayaw niya rin magpatulong sa akin. Ang batang iyon naman kasi, mahilig makipagbasag-ulo kahit anong araw o gabi." Marahang napalingo-lingo ang matanda.

"Ang sabi ko naman po kasi sa 'yo, Nanny, kaya ko." Unfamiliar voice invaded my ears. Siya na 'tong nasa likod ko? Humanda siya sa akin!

"Oh, anak. Kailan ka pa ba titigil sa ginagawa mo? 'Yan ang maglalagay sa 'yo sa sarili mong kabaong," nag-aalalang sabi ng matanda kay Hoqur.

Kitang-kita ko kung paano niya inalalayan ang matanda pabalik sa counter nang nilingon ko siya. I don't know what just happened. Pero bigla na lang nawala ang inis at galit ko sa kaniya. All I can see is a sweet and caring person. Sobrang layo sa pagkakakilala ko sa kaniya.

"Hindi mo naman ako kailangan pa na alalayan, hijo. Alam mo naman na kayang-kaya ko pa, 'di ba?" sabi ng matanda.

Then I realized that I was just standing here the whole time, watching him as he helps the old lady back to her sit.

Nächstes Kapitel