webnovel

Chapter 24: HOSPITAL

Raindell stared at the sleeping Faith. Nakatayo siya sa isang sulok ng pribadong kwarto nito sa ospital. Nakasandal sa pader at nakacross-arms pa.

He was there all the time since she was brought to their school clinic. Very thankful that his friends and twin took care of her.

Pagkatapos ng lahat ng tests na pinagawa ni Mike sa mga doctor don ay nalagay na rin ang dalaga sa sarili nitong kwarto.

Narinig niya pa na tumawag si Kent para makibalita at hindi na din ito makakapunta dahil sa family meeting nito.

Tumingin siya sa wall clock ng kwarto. Mag aalas otso na.

"What's the plan guys?" Tanong ni Mike. "Pwede naman natin siyang maiwan dito. I'll make sure to appoint some nurse to have a close eye on her or stay in this room all night." Kay Raimer ito nakatingin. Pati ang lahat.

Napaisip si Raimer. Pwede nga naman niyang iwan ang dalaga dito at umuwi. Pero mas gusto nalang niyang manatili sa tabi nito. Dahil na rin sa ayaw niyang umuwi.

"I'll stay." Sagot niya.

Parang di na rin nagulat ang lahat sa desisyon nito.

"Whoa.. Honestly bro.." Ipinatong ni Jason ang kamay sa balikat ni Raimer. Magkatabi sila sa mahabang sofa. Si Mike naman ay nasa single sofa. May sala set din kasi ang kwarto. May flatscreen tv pa at minibar. "Gusto mo lang ba si Ms. Fajarah or mahal mo na?"

Nagulat ang lahat sa tanong nito.

Hindi alam ni Raimer kung ano ang sasabihin. Wala siyang karapatan na sagutin at kompirmahin ang nararamdaman ng kakambal niya kay Faith. Hindi naman kasi siya si Raindell kaya di niya masasagot ito ng tama.

Napakibit-balikat si Raimer sabay sagot. "Di ko alam." Sumandal na siya. "Di ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Basta I care for her."

Napakunot-noo si Mike. "Ikaw ba talaga yan bro? You were always sure in your answers. Or what you do. But right now, you're so unsure"

"Ou nga." Sang-ayon ni Jason.

Bumilis ang tibok ng puso ni Raimer sa kaba. Nahahalata na siya ng mga ito. "Okay look." Raimer leaned forward again. Ipinatong ang dalawang siko sa tuhod. "I'm not sure because ayoko lang magsalita ng tapos. And besides, i have too many problems right now para isipin kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman sa kanya." Napabuntong-hininga siya sa mga nasabi at sumandal ulit.

Rain thought of what Jason asked. Gusto niya nga lang ba si Faith or mahal na? Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. He heaved a breath and stepped away from the wall. Nilapitan niya ang natutulog na dalaga. Careful not to make any noise dahil maririnig siya ng mga mortal.

Nang nasa tabi na siya nito ay napatitig nalang siya dito. Naaawa at nag-aalala ang pakiramdam niya. Kasabay na rin ng galit sa kung sino mang may gawa nito kay Faith. Nagagalit din siya sa sarili niya dahil wala siya nong nasa kapahamakan ito. Hindi niya ito naprotektahan. Pero babawi siya dito. Babawi siya sa kung anong paraang kaya niya at pwedeng magawa.

Hinaplos niya ang daliri sa pisngi nito. Mahimbing pa rin itong natutulog at di pa nagigising mula kanina.

Makalipas ang ilang sandali ay nagulat siya sa pag galaw ng pilikmata nito. He held his breath and his hand freezes on her cheeks. Napatitig nalang siya at tuluyan nang bumuka ang mga mata nito.

"Faith.." He finally mumbled.

Napatingin ito sa kanya.

Tapos dahan-dahang nagliwanag ang mukha ni Rain. At gumaan na rin ang pakiramdam niya.

"Rain.." Mahinang sambit nito kumilos para tinangkang umupo.

"Gising na siya!" Malakas na bulalas ni Jason at sabay tumayo lahat para lumapit sa tabi ng dalaga.

Agad napaatras si Rain para di mabangga ng mga to. Pumalit si Raimer sa pwesto niya. Dumistansya siya sa mga ito.

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ni Raimer. Tinutulongan nitong makaupo si Faith ng maayos at inadjust naman ni Mike ang higaan para makasandal ito.

"Tubig." Malat na sabi ni Faith. Kumuha naman ng tubig si Jason dahil ito ang mas malapit sa despenser. May plastic cups na din don.

Habang umiinom ng tubig ay tumawag sa intercom si Mike. Para sabihin na gising na ang pasyente.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok na ang isang doctor at may kasama itong nurse na nakasunod. Tumabi silang lahat.

Sinusundan ng tingin ni Faith ang nurse. "Okay na po ako." Sabi niya.

Dumungaw ang doctor sa kanya, nagulat siya sa ginawa nito kaya lumayo siya.

"i'm just checking on you, Ms. Fajarah." Sabi ng matandang doctor. Nakangiti ito sa kanya.

Tumango nalang siya. Hinayaan ang doctor na matingnan ang mata niya.

"Kumusta pakiramdam mo, iha? Nahihilo ka pa ba ngayon?" Tanong ng doctor.

"Konti nalang sakit ng ulo ko."

"That's because we're giving you pain killers. Medyo matindi din yung concussion na natamo mo. Other than that, may fatigue ka rin. Bumababa resistensya ng katawan mo. You need to rest. Proper and enough rest."

Umiling siya. "Okay lang po ako, doctor. I'm already fine."

"All her vitals are fine po, doc." Sabi ng nurse.

Tumango ang doctor dito.

"What do you suggest doc? Matigas ang ulo niya." Tanong ni Mike.

"Well, pwedeng-pwede na naman siyang makauwi. Pero basi sa pagmamatigas niya, it's much better for her to stay here in the following days upto one week--"

"--One week?!" Bulalas ni Faith. Di siya makapaniwala sa narinig. "Doc, okay lang naman po ako. Kita niyo naman hindi ako malnurished diba? Di ako ganon ka payat. I can take care of myself po." Pagsalungat agad niya.

"That's not the problem here, iha. We made some tests and your body needs proper nourishment. Wala naman sa panlabas na kaanyuan yan kung totoong malusog ang isang tao. You have a fit body but your system is low."

"But i can't stay here. Wala akong pambayad."

"You're all free, Ms. Fajarah." Mike said. "This is one of our hospitals." He turned to the doctor. "Kami na po bahala sa kanya, Doctor Levis. Maraming salamat."

Tumango lang ang doctor. "By the way, I left a copy of all the nourishment she needs at the nurse's counter outside." Habilin nito bago umalis pati ang kasamang nurse.

Sila na naman ang naiwan sa loob.

"I need to go home." Sambit ni Faith.

Napabuntong-hininga ang tatlong binata.

"Faith, para din sayo ang ginagawa namin. Ganito nalang, let me call your family. Para di sila mag alala at dalawin ka nalang nila bukas." Ani Jason.

"No need." Sagot niya agad.

"Sigurado ka? Di ka ba nila hahanapin?"

"Walang maghahanap sakin."

"Ah, nagbo-boarding house ka lang?"

Tumango siya.

"Kailangan ko talagang umuwi." Mahinang sambit niya.

"Bakit ba kailangan mo talagang umuwi?" Tanong ni Raimer.

Bakit? Kasi ospital ito. Maraming mga kaluluwa dito. Mga masasama at mabubuti. Yan ang sagot na nasa isip niya pero di pwedeng sabihin. "Dahil ayoko dito. Ayoko sa mga ospital."

"Just bear it. Hanggang sa gumaling ka lang."

"Di niyo naman ako kailangang tulungan eh. I appreciated all your help. But please, it's already enough." Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa tatlo. Nahagilap pa ng kanyang mata ang nakatayong Rain sa sulok. Mainam itong nakatitig sa kanya.

"All you have to do is get better para makaalis ka na dito. At kung mga kaluluwa ang kinakatakot mo habang nandito ka, don't worry, di na ako aalis sa tabi mo. Mas babantayan na kita." Rinig niyang malakas at matigas na sabi ni Rain.

Gusto niyang umangal pero di niya ito masasagot dahil sa ibang pang kasama nila.

Naisip niyang makakagawa din siya ng paraan para makaalis don. Pero bukas na. Papalipasin niya muna ang gabing ito.

"Okay. Fine. I'll stay here. For tonight." Pagsuko niya sa ngayon.

"Good." Usal ni Mike.

"Palabasin mo sila. We need to talk. Please." Sabi ni Rain.

Rinig niya ang sinseridad sa boses nito.

"Gutom." Sambit niya.

"Oh, right. May pagkain ng dumating kanina but it's already cold." Ani Jason.

"Bilhan ka nalang namin. Let's go Jason." Agad hinila ni Mike si Jason palabas.

Sinadya nilang iwan sa loob ang inaakalang si Rain at Faith para makapag-usap. Kinuha ni Mike ang iniwang papel ng doctor sa counter at binasa yun. Tungkol yun sa mga dapat at di dapat kainin ng dalaga para maibalik ang tamang lakas nito sa katawan.

"You don't need to do this, you know.." Sabi ni Faith kay Raimer.

"But i want to. Para masiguradong ligtas ka nga."

"Can you leave me for a while? Please."

Agad itong tumingin ng deritso sa mga mata niya. "Galit ka ba sa pamimilit namin? I'm sorry."

Nagugulat talaga siya sa asal ni Raimer. Masyado kasi itong mabait. Nakokonsensya siya pag sinusungitan ito. "No. I'm not. Ayoko lang maging pabigat sa iba. At saka, gusto ko lang din kasi makapag-isip."

He nodded. "Sige. Sabay na ako papasok ulit pagbalik nong dalawa."

"Thank you, Raimer."

Tumango ulit ito bago tumalikod at umalis.

Pagkasara ng pintuan ay halos takbuhin ni Rain ang pwesto ni Faith. Agad niyang niyakap ang dalaga ng mahigpit.

"Anong ginagawa mo?" Nagulat siya sa inaakto nito.

"Please, tell me who did this to you." Rain demanded. Binitiwan na rin siya nito at sumampa sa kama, umupo sa tabi niya.

Nächstes Kapitel