webnovel

Chapter 20: FRIENDS

"Bwesit." Sambit ni Faith. Naglakad na siya paalis sa don. Gusto niyang makalayo sa magkambal.

Akmang dadaan na siya kay Raimer nang bigla siya nitong pinigilan pulso. She turned to him. Hindi naman mahigpit ang hawak nito. Malambot nga pagkakahawak nito sa kanya.

"Ano?" Inis niyang tanong dito. Kay Rain naman talaga siya naiinis pero nakikita niya kasi ang mukha nito dito. At kung hindi rin lang siya pinigilan nito, hindi niya ito mapagbubuntunan ng galit. Matatalim ang tinging ipinukol niya dito.

"I'm sorry, Ms. Fajarah. Pagpasensyahan mo na ako." Sabi nito sa malumanay na boses at deritsong nakatitig sa kanya.

Agad nawala ang galit niya. Nakikita niya kasi sa mga mata na sinsero ito. She let out a heavy breath. Pansin ng gilid ng mga mata niya ang mas lalong panggagalaiti ni Rain sa galit. Hindi naman ito lumalapit sa kanila.

"Okay na yun. Kalimutan mo na lang ang nangyari."

Binitawan din siya nito. "Salamat, naiintindihan mo ko." Nginitian siya nito ng mapait.

Tumango nalang siya at tinalikuran na ito.

Sinipatan ni Faith si Rain at iiwasan lang din sana ito pero humarang ito sa daraanan niya. Mabuti nahinto siya bago bumangga dito. She stepped to the side, hinarangan ulit siya. Nauubos na ang pasensya niya dito.

Nagtataka na si Raimer sa ginagawa ni Faith. Wala namang nakaharang sa daan pero bakit parang may iniiwasan ito?

Magsasalita na sana si Rain pero nagsalita si Raimer at nakitang papalapit ito.

"Faith." Tawag ni Raimer.

"Langya ka." She said to Rain through gritted teeth. Parehong matalim ang tingin sa isa't isa.

"Okay ka lang?" Tanong ni Raimer, nasa likuran na niya ito.

"Ou." Sagot niya. Hindi alam kung saan dadaan dahil nakakulong siya sa dalawa.

Naisip niya na banggain si Rain pero alam niyang hindi ito matitinag. Maghihinala pa si Raimer sa kanya.

Something popped in her mind.

"Faith?" Pagtawag pansin ni Raimer. Nakatayo nalang kasi si Faith sa pwesto nito.

She smirked at Rain and mouthed, "Fuck you." Saka siya nagpakatumba na parang nahihilo. Alam niyang sasaluhin siya ni Raimer at ginawa nga nito iyon.

"Faith!" Sabay bulalas ng dalawa, aktong hihilahin siya ni Rain pero nauna si Raimer na saluin siya.

Binuhat na ni Raimer ang dalaga para dalhin na ito sa clinic.

Tumabi na lang si Rain para hindi mabangga ng dalawa. Wala siyang magawa kundi tignan nalang ang nangyayari. Naghahalo ang galit at sakit sa dibdib niya. Alam niyang sinadya nito iyun. Kasalanan din naman niya dahil ayaw pang padaanin nito.

Sa ngayon ay nagdesisyon siyang hayaan nalang muna ito. Palalamigin din muna niya ang ulo.

Mabuti at medyo malapit lang ang clinic sa library. Pinagtitinginan kasi sila ng mga nakakakita. Hindi naman nahihirapan si Raimer sa pagbuhat sa dalaga, di kasi ito ganon kabigat. Ramdam niyang humihinga pa naman ito sa dibdib niya.

"Ms. Fajarah, sandali nalang." Sambit niya, mas lalong binilisan ang mga hakbang.

Dahan-dahang nagmulat ng mata si Faith. Nakita niya agad ang mukha nito. Si Raimer ang nasa katauhan ni Rain. Ibang-iba ito sa kapatid. Nakatitig nalang siya sa binata. Kahit si Rain ang nakikita ay hindi pa rin nalilito ang isip niya. Si Raimer ang nararamdaman niya at baka matawag niya pa ang totoong pangalan nito. Kita niya ang pagtulo ng pawis ng binata at hindi halatang napapagod na ito sa pagkarga sa kanya. Hindi pa nito napansing gising na siya.

"Raimer." Di mapigilang mahinang sambit sa ngalan nito.

Napatingin si Raimer sa kanya. Nang makitang gising na siya ay saka lang ito huminto sa paglakad-takbo. Medyo hinihingal na din.

Napatitig nalang sa dalaga. "Are you okay? How do feel?" Naglilibot ang mata niya sa buong mukha nito. Naghahanap ng sintomas na hindi ito okay. Hindi na naman ito ganon kaputla at kalamig gaya kanina nong binabangungot pa. At hindi rin nakaligtas sa tenga niya na marinig ang pagtawag nito sa totoong siya.

Nakaramdam ng konsensya si Faith sa pagpapanggap na ginagawa niya. Ginamit pa niya ito para makalayo sa kakambal nito. Walang kamalay-malay si Raimer na nakaharap na nito ang kakambal at nasa paligid lang.

"Okay na ako. Pwede mo na kong ibaba." Mahina niyang sambit.

"Are you sure? You can stand and walk by yourself already?" Nakakunot-noo pang tanong nito.

Muntikan na niyang ikatawa yun pero pinigilan lang ang sarili. "Yes."

"Okay.." Sambit ni Raimer at dahan-dahan na siyang ibinaba.

Pero napahiyaw siya nang inayos lang pala nito ang pagbuhat sa kanya, napahawak siya sa batok nito. "Later." Sambit ng binata.

Hindi siya agad nakapagsalita sa inakto nito. Naglakad lang itong muli. Hindi alintana ang mga bulongan sa paligid. Pinag-uusapan na sila ng lahat ng nakakakita.

"Shit, Raimer. What are you doing?!" Galit niyang bulong dito. "Ibaba mo ko!" Nagpumiglas siya pero mas lalong humigpit ang kamay nitong nakahawak sa bewang at binti niya. "You are acting who you look like!"

"You are lying to me earlier, Ms. Fajarah." Nagsalita na rin ito. Napakapormal. Tumingin ito sa kanya. "I just want to ask a few questions properly and directly." Wala siyang sinagot dito. "Pasensya na kung sa ganitong paraan ko ginagawa. Ibababa rin kita pag nandon na tayo."

"Ganito ba ang proper and direct questioning na gusto mo?" Sumbat niya dito, matalas ang tingin.

"No." Tanggi agad nito. "We'll talk properly when we get there."

Faith sighed. Wala na siyang magagawa. Masyado ng maraming nakakita sa kanila. Panibagong isyu at gulo na naman to. "Mr. Azarcon, please.. Ayuko ng gulo. Ayuko ng isyu. Ayuko masangkot sa kahit ano." Nakapikit niyang sabi, tinago nalang ang mukha sa dibdib nito. She's even inhaling his enticing smell.

Naglalakad nalang si Raimer, napatingin siya sa dalaga. Nakapikit ang mga mata nito na halos nakatago ang mukha sa dibdib niya. Ramdam niya ang init mula dito. Di niya alam kung anong dapat isagot don. Pero ito nalang nasabi niya. "Let them. Nandito naman ako so don't worry."

Napaisip si Faith, kasalanan din naman niya ang nangyarin. Kung bakit buhat-buhat siya nito ngayon at balak pang kidnapin. Natuon na ang galit niya sa sarili.

"Saan mo ko dadalhin?"

"Sa clinic. Para isipin lang ng lahat na tinutulungan kita."

Di na sumagot si Faith.

"Nandito na tayo. Katukin mo, please."

Kinatok ni Faith ang pinto at agad sila pinagbuksan ng nurse. Halata ang gulat sa mukha nito.

"Mr. Azarcon, pasok po."

Binuksan ng nurse ang pintuan para makapasok silang dalawa.

"Anong nangyari sa kanya?"

Sinundan niya ang nurse na patungo sa isang bed, itinabi nito ang kurtina at pinahiga si Faith. Maingat na inilagay siya ni Raimer sa kama.

"Bigla po siyang nahilo Nurse Jen. Ako po nakasalo sa kanya at dinala agad siya dito." Sagot ni Raimer.

Umakto naman si Faith na nanghihina. Hindi na siya nagsalita at hinayaan ang binata sa pagsagot sa mga tanong.

Kinuhanan siya ng blood pressure ng nurse. "Medyo namumutla ka." Sambit nito. "Okay naman ang B.P mo. Ano pa nararamdaman mo?"

"Medyo okay na po sya Nurse. Kanina lang sobrang putla niya. Gising na din siya nong binubuhat ko pa." Nakatayo lang si Raimer sa gilid ng kama.

"Kumain ka na ba, Ms. Fajarah? Baka dahil yan sa gutom."

"Kumain na po siya. Sa cafeteria siya nagbabantay kaya malamang libre pagkain niya don."

"Hindi ba masakit ulo mo?"

"Nurse, sabi niya sakin kanina na okay na siya. Nagpumilit lang akong dalhin siya dito para makapagpahinga siya."

Bumuntong hininga ang nurse. "Okay, just rest here Ms. Fajarah. Let's go, Mr. Azarcon." Kinuha ng nurse ang ginamit sa pagkuha ng blood pressure.

"Leave us alone." Raimer firmly said. Napatingin ang nurse sa kanya, medyo natatakot na ito. "You know what i can do. Don't tell this to anyone. I just want to talk to her. Understand?" Matalim din ang tingin niya dito.

Napalunok ang nurse, syempre alam nito ang kayang gawin ng isang Azarcon. Lalo na ang badboy sa magkapatid. Tinignan nito si Faith na tumango dito.

"Don't listen to us, or else, you know what i mean." Pananakot pa niya.

"O-okay, Mr. Azarcon." Agad umalis ang nurse. Itinakip ulit ni Raimer ang kurtina. Rinig din niya ang pagbukas at sarado ng pintuan ng clinic. Silang dalawa nalang ni Faith ang naiwan sa loob. Wala rin kasing ibang estudyante na nagpacheck up or nag eexcuse.

Nächstes Kapitel