1. The 'Stranger's stage.
- Isa ka din ba sa naniniwala sa sinasabi ng kanta na love begins with one hello? Dalawang tao na hindi magkakilala, walang alam sa isa't-isa, pero nagkakilala kayo, Ito 'yung araw na una kayong nagtagpo.
2. The 'Tadhana' stage.
- Ito 'yung araw na nagkita kayong muli. Hindi mo alam kung aksidente ba o plinano, pero nandoon 'yung pakiramdam na tinadhana na magtagpo kayong muli.
3. The 'spark' stage.
- Sparks are flying. The kilig moment. Dito ka nagsimulang humingi ng signs. Dito ka nagsimulang unti unting maniwala na pwedeng maging kayo, na kapalaran ang pagtatagpo ninyong dalawa.
4. The 'work in progress' stage.
- Ito na 'yung stage na ginagawan n'yo na ng move at step ang tadhana n'yo. Hindi naman kasi pwedeng hayaan n'yo na lang ang lahat kay Tadhana, dapat magtrabaho kayo kasama niya, ito na 'yung gumagawa kayo ng paraan para muling magkasama, para muling magtagpo.
5. The 'Honeymoon' stage
- Kayo na. Mag celebrate tayo. Dito nagaganap lahat ng first ninyong dalawa. First kiss, first hug, first sex, first tampuhan, first away, first na pagbabati, dito kayo nagsimulang bumuo ng mga alaala.
6. The ''Work in process' stage
- Iba ito sa stage 4. Dito ninyo sinosort out lahat ng differences n'yo, dito sa stage na 'to unti unti n'yong nakikita ang flaws at short comings ng isa'-isa, ginagawan ng paraan ang mga pagkakaiba ninyo, pinupulido ang relasyon n'yo, inaayos ang gusot at gulo. At umaasang sa huli, walang susuko.
7. The 'Comfortable' stage
- Alam n'yo 'yung pakiramdam na sobra na kayong komportable sa isa't-isa? Kilalang kilala n'yo na kasi ang sapak at topak n'yo, alam mo na kung kailan mainit ang ulo niya at ikaw naman alam mo na kung kailan siya nagsisinungaling. Nagagawa mo ng umutot sa harap niya at siya naman mangulangot sa harap mo. kaya n'yong mag stay sa kama ng nakahiga lang at nanonood ng netflix o nag mo-movie marathon. Dito, hindi lang pala partner ang mayroon ka, natagpuan mo din sa kanya ang isang matalik na kaibigan.
8. The ''Boredom' stage
- Ito 'yung pakiramdam na na nagawa n'yo na ang lahat lahat at 'yung pakiramdam na wala na kayong hindi alam sa isa't-isa? Iyong feeling na napag-usapan n'yo na ang lahat at wala na kayong mapag-usapan pang iba? Dito, unti unting nawawala ang thrill at challenge. Madalas na kayong mag-away kahit hindi n'yo alam kung anong pinag-aawayan n'yo, nagtatalo kayo sa maliliit na bagay, kahit ang issue ng nawawalang Nailcutter, isinisisi mo sa kanya at kahit ang issue ng maalat na adobo, ikinagagalit niya. Dito n'yo narerealize na ang taong karelasyon mo ay hindi pala ang taong inakala mong siya. Dito n'yo sisimulang kwestyunin kung kilala n'yo na nga ba talaga ang isa't-isa. Maraming magkakarelasyon na hanggang sa stage lang na ito at hindi na nakakaabot pa sa dulo.
9. The 'Killer silent' stage
- Hindi na kayo nag-uusap. Madalas mas gusto mo na lang na manood ng make-up tutorials sa Youtube at mang stalk sa fb, at siya naman, maglaro ng mobilegames at uminom kasama ng mga tropa niya. Ito 'yung stage na nagkakaroon na kayo ng kanya kanyang lakad, hindi na kayo nag-aaway. Parang wala na kasi kayong pakialam sa isa't-isa.
10. The 'cheating' stage
- Isa sa inyo magloloko. Technically or emotionally speaking. Dito pumapasok 'yung mga 'what if iba ang naging partner ko'? Dito ka magsisimulang ma attract sa iba, iyong iba, ume-engage into another relationship, nagkakaroon ng kabit, iyong iba naman, hanggang isip lang, hanggang tanong lang na sana ang Partner ko kasing ano ni ano, o sana katulad siya ni ano na ano, hindi ka man magkaroon ng relasyon sa iba, iyong isipin mo pa lang o mag imagine ka pa lang tungkol sa ibang tao, cheating na 'yun.
11. The 'cold treatment' stage.
- Cold na kayo sa isa't-isa. Hindi na kayo masaya at kahit na ilang beses pa kayong magkunwari, alam n'yo na marami nang nagbago. Marami nang nawala.
After ng stage 11, depende sa inyong dalawa kung tutuloy ba kayo sa stage 12 which is The 'Break-up' stage, kung saan tatapusin n'yo na ang lahat at tuluyan na kayong maghihiwalay, o babalik kayo sa Stage 1, babalik kayo sa kung paano kayo nagkakilala, aalalahanin n'yo ang mga panahon na nagsisimula pa lang kayo, muli ninyong iisipin kung gaano kayo kasaya noon, kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit naging kayo, kung bakit ninyo minahal ang isa't-isa. Muli ninyong kikilalanin ang bawat isa, muli kayong magsisimula. At kakapit sa pakiramdam na nadama ninyo sa stage 2, na kayong dalawa ang tunay na itinadhana.
PS: Hindi ko sinasabi na lahat ng relasyon dumadaan sa ganyan, may mga relationship na na miss out ang isang stage at hindi ko din sinasabi na lahat ng relasyon dapat dumaan diyan. READ RESPONSIBLY. LIVE RESPONSIBLY.