webnovel

How dare you call them...

Nanginig ang tuhod ng Chief of Maintenance Section nang makapasok na siya sa loob ng Office of the Chairman. Even though he is such a huge mascular guy, he couldn't help but shiver dahil sa aura na galing kay Ken. He was also conscious dahil sa kitang kita ng mga office workers kung ano ang ginagawa sa loob since transparent glass ang window ng office at walang pang kurtina.

Ken's eyes were really sharp habang tinitingnan niya si Chief. He was clenching his teeth as his hands were clasped beneath his chin. Kitang-kita sa mukha ni Ken na galit siya. Ang dating masiyahi't palangiting lalaki, now, he was just sitting and nakatitig lang sa mukha ni Chief na para bang malulusaw na sa tingin niya.

Gumapang ang lamig sa batok ni Chief as he felt the killing intent galing kay Ken. Ibinaling niya ang agad ang tingin sa tiles but that didn't help. He could still feel the dark presence ni Ken.

"Alam mo naman kung bakit ka nandito di ba?" Ken harrumphed. Itinaas niya ang kanyang chin as his fingers thumped on the table.

"Y-yes sir..." Sabi ni Chief as his hands trembled.

BAM!

"Well, care to explain?"

Nagulat bigla si Chief when Ken slammed his fist on the table. Napalunok nalang siya dahil sa takot.

"A-actually..p-po.. s-sir...m-"

"Ayusin mo pananalita mo. Kay laki mong tao, utal-utal kung magsalita." Demanda agad ni Ken habang kunot na kunot ang noo.

"Ah. Eh.." Napakagat ng labi si Chief. Natatakot siya since alam na alam niya kung ano ang magiging kahihinatnan niya dahil sa nangyari.

"Ahem." He immediately cleared his throat saka tiningnan sa mata si Ken. He knew what he have done. And sarili niya lang ang makakapagdefend from Ken. Even though hindi pa naman siya inaakusahan na may kasalanan.

Napataas bigla ang mga kilay ni Ken as he felt the sudden change kay Chief. He slowly crossed his arms saka inihanda ang tenga at ang kanyang pudpod na na pasensya.

"Well, actually po sir, we don't really know what happened." Chief raised his hands na parang idinidefend ang sarili.

"Isa po sa worker namin ang nagtatrabaho sa hoist machine sa top floor nang mangyari ang aksidente. Pero hindi naman po kami ganun ka walang utak para hindi naman siguraduhin na lahat ng floor elevator doors securely labeled at nalagyan ng warning sign na walang pwedeng pumasok." Napatingin si Chief sa sahig as he comprehend kung ano ang nangyari talaga.

Ken just stared at him saka hinihintay na magpatuloy magsalita.

"Hindi ko po talaga alam kung anong nangyari. Pero ako...ako po mismo, nakita ko na nalagyan ng warning sign at barricade yung elevator door ng 10th floor. Nagkataon lang po na kinailangan po kami sa basement para sa pagpalit ng mga Air ventilator shafts. Hindi ko po alam kung ano....pano nangyaring nawala yung nakaharang dun. Pwera na lang po kung tinanggal nung mga sumakay dun saka ambobong pumasok sa loob ng-"

BAM!!!

Naputol ang ang sinasabi ni Chief nang ubod lakas na hinampas ni Ken ang mesa kung kaya't nagsihulog ang mga lapis tyaka marker na nakalagay sa pencil holder.

Umalingawngaw ang tunog patungo sa labas ng office dahilan para mapatingin ang mga office workers na busing busy.

Napasulyap si Chief sa mukha ni Ken nang magwonder siya kung bakit nagalit siya bigla.

"You're telling me na kaibigan ko ang may kasalanan? Are you telling me mismong sila ang tumanggal ng harang para mismong sarili nila ang maaksidente ha?! Ganyan pa ang ibig mong sabihin?!!"

Napatayo si Ken nang mamula na ang kanyang mukha dahil sa galit. He was actually restraining his anger kanina pa pero sadyang nag-explode nalang siya bigla when Chief suddenly brought that assumption.

"Ah..hindi..Eh. hindi po sir." Natakot bigla si Chief saka napailing-iling. He didn't expect na kaibigan ni Ken ang mga nastuck sa elevator. That time he came to realize kung bakit galit na galit si Ken sa simula't sapol.

"HOW DARE YOU CALL THEM....ARGH!!!"

BAM!!

Ken made a forceful groan nang hindi niya kayang masabi ang sinabi ni Chief. Becuase of that he just slammed his fist on the table again. Parang napuno na ng dugo ang kanyang mukha at kulang nalang pumutok ang mukha niya.

"Ah-ah..ah..I'm v-very sir. Hindi ko po sinasadya na ijudge. Hindi ko lang po talaga alam ang nangyari." Dahil sa pagkagulat, nagbow nalang ng ilang beses si Chief. Wala na siyang ibang maisip kundi ang humingi ng tawad.

"Paumanhin po sir. Hindi na po mauulit. Gagawin po namin ang lahat para mahanap kung sino tumanggal ng sign."

Saka ulit siya nagbow ng ilang beses.

Seeing what Chief did, Ken suddenly clenched her teeth for a few seconds while holding his breath. Grabe ang pagtitimping ginagawa niya as his blush crawled way up to his ears.

"Ha!!" Ken suddenly made loud sigh as he stumbled on his chair saka napakamot ng ulo.

"S-sorry po sir. Hindi ko po sinasadya na sabihan ng ganun ang mga kaibigan mo." Sabi ni Chief habang nakayuko pa ang ulo.

Napatakip ng mukha si Ken as he felt his face surging with heat.

"Okay na. I understand. Hays! Wag na wag nang mauulit to ah. Or else buong team ang sisibakin ko sa trabaho. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho. Ayusin niyo na ang elevator."

Nanamlay bigla ang buong katawan ni Ken saka ipinapaypay ang kamay para sabihan umalis na si Chief sa loob.

"Sorry po talaga sir. For the maintenance po ng elevator, tinatrabaho na po ng workers ko."

Saka ulit nagbow si Chief.

"Maraming salamat po at sorry po ulit sir."

"Ano ba. Kakailan ka nang sorry ah. Sige na." Iritang sabi ni Ken nang bigla niyan tiningnan si Chief.

"Ah. Sorry po."

Ken's eyes suddenly widened dahil sa inis. He clenched his teeth again sa pagtitimpi. Napansin ito ni Chief.

"Ay. Sorry po sir."

"Argh! Labas!" Saka kinuha ni Ken ang scratch paper as he crumpled it at ibinato kay Chief.

Chief got really startled kaya napatakbo siya palabas ng office. As soon as Chief got out, Ken made a very long sigh. His head hurts, and his hands couldn't stop clenching.

Kinurot niya ang kanyang noo sa pag-iisip.

"If Chief was telling the truth, then who the hell removed the sign? Pero ba't naman tatanggalin?" Napakamot siya ng husto sa ulo.

KNOCK. KNOCK.

Napakurap bigla si Ken nang kumatok sa pinto saka siya napatingin kung sino. It was the frail guard na kakausap sana sa kanya kanina.

"Pasok." Malumanay na sabi ni Ken as he was still breathing heavily para makalma ang sarili.

"Good n-noon po sir..." Saka nagbow ang binata.

"Ano ang atin?" Ani ni Ken saka niya pinulot ang nagsihulog na mga lapit at ballpen kanina.

"Ah. Pinapatawag ka po ni Chief."

Napakunot ang noo ni Ken sa sinabi niya.

"Chief?" Napastraightened ang likod niya saka tiningnan ang binatilyong guard.

"Ah. Si Chief Jose po ng Security Section." Paglilinaw agad.

"Ah. Chief of Secu. Oh kumusta ang inutos ko sa kanya?"

"Ah. Yan nga po ang dahilan kung bakit po ako nandito. Kanina po inutusan na rin po ako ni Sir Simone na icheck ang CCTV, and we've found out a footage na kung saan there's a hooded girl ang tumanggal ng warning sign."

"A-.. a girl?"

Nächstes Kapitel