webnovel

She Can't Be Mad

Nakakahiya!

🎶Ikaw! Ang pag-ibig na hinintay!🎶

Nagsikantahan sila sa loob ng van ni Cody ngayon. Actually kay Arvin daw talaga 'tong van but somehow Cody managed to lend it through the help of Arvin's dad.

"Shhh! Manahimik nga kayo. Nakakahiya kay Cody." Sabi ko habang patuloy sila sa pang aasar.

Nasa unahan kami ni Cody habang ang rest, sa sunod na mga seats. Nakikitawa na rin si Steve sa grupo. Fit in na fit in na talaga siya.

🎶Ang puso ko'y nalumbay ng kay tagal🎶

"Hoy! Ano yan. Ang corny ng kanta!" Sabi ko.

Tiningnan ko si Cody habang nagdadrive. Napapasmile nalang siya sa mga pang-aasar nila. Although nagwoworry ako since baka maging isyu 'to, hindi ko rin mapigilang mapatawa since they really believe na kami ni Cody.

It's not a good joke but I already think that it was kinda helpful para matigil na ang isyu ko kay Steve. It is just that para matakpan ko yung isyu, kenailangan kong gamitin ang another lie. But, at some time naiisip ko na masama, but we both know naman ata kung ano ang consequences nito samin.

"Bye guys!" Sabi namin ni Jay kila Maam.

"Bye. Ingat kayo." Sabi ni Steve.

Mas naunang inihatid ni Cody sina Maam and the rest while kami ni Jay ang huli since magkatabi lang naman ang bahay namin.

It's so awkward ng mawala na ang maiingay. I felt a very long silence and it was like decades the hindi kami nagkakita kita para maawkward ng ganito.

"Ay. Sya nga pala. Jay. Sigurado ka bang magdadala ka ng aso?" Sabi ko para maputol ang silence habang tumingin ako sa backseat.

Napatingin si Cody sa salamin para tingnan reaction ni Jay.

Napangiti si Jay.

"Mmm. Pinag-iisipan ko pa. Gusto ko kasi kahit isambeses man lang, maipasyal ko si Jasmine sa ibang lugar. But at the same time, nagwoworry ako na baka mawala siya dun."

"Yan nga rin naisip ko eh."

"May lahi ba?" Sabi ko.

Syempre! Nu ba. Naisip ko yung tinanong ko sa kanya. Lahat naman ata may lahi.

"Ah. Husky eh. Ang kulit nga. Puppy pa lang naman siya kaya madali pang pasunurin." Sabi niya sabay tingin sa window.

Naawkward ako bigla sa reaction niya na para bang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa puppy niya.

And nahatid kami ni Cody na hindi naalis yung awkward atmosphere. Parang hindi in ang ugali nina Cody and Jay. Hindi sila masyado nag-imikan, ako tuloy ang mas naawkward sa kanilang dalawa.

Gosh! Yung ilang kanto ang niliko namin tapos ako lang taga-ingay tyaka parang halata rin na pilit ko ang pagpatawa.

Anyways, inalis ko nalang sa isip ang awkwardness sa mga sumunod na araw and I just focus kung ano ba talaga ang mga dadalhin ko sa mini-vacation. As usual, mga damit. Nahirapan nga akong pumili eh. Ahaha. Hindi naman ako maarte sa mga damit sadyang nahihiya ako kay Ken, baka sosyal ang mga customer nila sa resort nila. Kaya every hapon dumadaan kami nila Josh sa ukay para humanap ng mga damit. Kaya nang dumating yung vacation party namin, yun at least meron ang akong msusuot.

"Wow!" Napanganga nalang kami ni Josh nang makita namin kung gaano kaganda ang resort. Saka naman napansin ang mala Shang Rila na building. Ang taas! Ilan kayo yun na storey? Tyaka parang pang 5 star hotel ang design ah.

Pagbaba na pagbaba namin sa van, nakita namin ang gate na made from bamboo, it was really simple but really elegant since may arc ito na may mga halamang Cadena de Amor, super ganda ng mga bulaklak niya and super cute ng effect with the arc.

And ang parking area is very refreshing since there are several huge acasia trees na nakabigay ng lilim. But the most unique with these trees are, there are mini bars na style tree house sa mga puno saka may mga architectural design pa sila. Maganda siyang parking lot since even though umulan meron namang covered paking lot na alotted sa lahat ng cars.

Dumaan kami sa entrance ng resort and there is a statue na kamukha ni David, nakahubad lang talaga kasi siya. Katabi niya ang fountain na ang daming mga lotus. It is very refreshing kung tingnan.

Sir Ken. Good morning po. Sabi ng isang lalaki na naka formal attire. Para siyang butler, saka siya nagbow. Meron namang sumalubong saming mga lalaki saka kinuha ang mga gamit namin.

"Mr. Simone. How are you?!" Tuwang tuwang sabi ni Ken sabay yakap dito.

"Ahaha. Eto, madali nang magtatlo ang paa." Saka nagtawanan ang dalawa.

"By the way guys, this is Simone, ang care taker ng resort since laging wala si Uncle."

"Simone, mga barkada ko pala. Please make them feel at home." Sabi ni Ken.

"Hello po."

"Hi po." Binati namin si Mr. Simone

"Of course, Sir Ken. Ah by the way, kung gusto niyong maglibot libot I will ask somebody para itour kayo sa resort pa-" Naputol bigla ang sabi ni Simone.

"No no. No need to worry. Mas magandang sila na ang mag explore ng resort para may thrill. Hindi naman ata sila mawawala dito eh no?" Sabi ni Ken.

"Okay po sir Ken. Then just call me kung may kailangan kayo. Well, if you excuse me, Ah! Siya nga po pala sir, tawagan niyo nalang po ako kung available kana. Merong lang akong idisdiscuss sayo." Sabi ni Simone.

"Of course, maya tawagan nalang kita." Sabi ni Ken.

"Okay po. Sige po." Saka nagbow si Mr. Simone.

"Thank you po ulit." Sabi namin.

Dun ko napansin na para medyo mature si Ken pagdating sa pakikipag usap sa mga katulong nila.

"Well, for now, puntahan muna natin ang mga rooms natin." Sabi ni Ken as he clasped his hands.

Saka kami pumasok sa hotel tyaka nag check in.

Wow!!! Ang sosyal ng design ah. Sa sobrang ganda ang hirap idescribe. Well, para sakin magandang maganda na ang design. Hindi ko alam sa mga architects.

Naamaze ako since ang taas ng building, kenailangan pa naming mag elevator para makaakyat sa 11th floor. We actually discussed about the rooms and hiwalay dapat ang babae sa lalaki but magkakatabi naman ang mga rooms namin para madaling makajamming.

Nagpagkasunduan namin -

Rm. 103 Steve and Cody and Jay

Rm. 104 Arvin and Ken

Rm. 105 Josh and Kale

Rm. 106 Maam Rose, me and Elisse

And we also decided na room nina Cody ang jamming room namin since mas malaki ang room nila compare sa ibang boys.

"Lakad lakad muna tayo." Suggest ni Elisse.

Nag-agree naman ang lahat kaya sabay sabay kaming bumaba.

"Ah by the way. Para mas thrilling tong paglakad lakad natin, let's do a game." Suggest ni Ken.

"Game?"

"Sige ba!"

"Ok! Dito kasi sa resort nila Uncle merong tinatawag na The Pond of Thumbelina." Ani Ken.

"Woah."

"Tyaka sa pond na yun, meron mga lotus syempre. But there's one different lotus na merong maliit na figurine sa bulaklak niya and kung sino ang makapicture nun, siya ang panalo." Sabi ni Ken.

"Picture?" Tanong ni Jay.

"Oo, bawal kasi kunin. Game?"

"Game!"

"Ok. Then lets start!"

Saka kami nag kanya kanyang alisan. But si Arvin sumama kay Maam Rose while si Elisse naman sumunod kina Josh and Kale. And me, inuna ko munang tingnan yung restaurant katabi ng tree house na bar. Although gusto ko manalo sa game, gusto pa ring tingnan ang mga view, once in a lifetime lang naman to eh.

Wow! Ang ganda ng design. Wood architectural designs. Brown ang theme ng restaurant and ang kurtina gawa sa mga plastic wrappers ng mga chichiria na ginawang maliliit na cone shape. Ang cute tingnan kong nililipad ng hangin. Sumasabay pa ang classic guitar music na tumutugtos. So refreshing!

"Good morning, Maam!"

Nabigla ako nang lumapit sakin ang isang waiter. Bisaya ang accent niya.

Binato ko siya ng smile saka dumiretso sa isang upuan malapit sa may window. Spacious ang restaurant, and napansin ko ang sososyal ng mga kumakain.

Merong mga tourist rin akong nakita and I find it really awkward ng makita ko silang naka underwear lang. Mukhang galing sila sa dagat.

"Here's the menu po." Sabi ng waiter sabay abot ng menu.

"Okay. Thank you." Nag smile ako. Actually nabigla ako ng inabot niya ang menu.

Actually wala naman talaga akong balak bumili. Gusto ko lang talaga tingnan ang view. But nakakahiya naman kung umupo na ako rito at di ako bibili. Saka ko tiningnan ang menu.

Ang daming pagpipilian ah! Ang ibang mga foods hindi ko na mareach. Hindi ko maintindihan ang pangalan, tinitingnan ko nalang ang picture para maimagine ko. Affordable naman ang mga pagkain but hindi talaga kasi ako napapakain. Saka ko ibinaliktad ang menu and my eyes widened.

Coffee.

Nagseserve pala sila ng coffee.

Unconsciously, I rolled my eyes on the counter. Hindi ko ba alam kung bakit ang naalala ko agad ay kung meron bang barista rito.

And napasmile ako bigla ng makita ko yung guy na nasa counter na nagbebrew. He was wearing a white polo na nakakaluskos ang sleeves hangang sa may elbow kaya kitang kita ang mga ugat niya sa kamay, saka nakasuot siya ng apron na black. Naaalala ko sa kanya si Josh habang nagbebrew.

Dun ko nahalata ang mga babae sa harap niya na nakatingin hindi dun sa coffee but sa mukha ng lalaki. Natawa ako bigla. Saka ibinalik ang tingin ko sa menu.

Ah!

Latte!

Napagdesisyunan ko agad na bumili ng latte. Dali dali kong hinanap si kuya waiter.

"I like to order this one, this one and this one." Narinig kong sabi ng isang babae sa likod ko.

"Ito rin for me, and ayoko ng masyadong sweet, ayoko ko rin ng masyadong matabang but don't make it bitter naman, tyaka wag niyong masyadong sobrahan ang creamer. Okay?" Sabi nung isang babae na katabi.

Hindi ko naman napigilang mapatingin kung sino ang kinakausap nila. Si kuya waiter.

Nakasmile pa rin si kuya waiter kahit na ang hirap intindihan nung babae. Kahit ako hindi ko rin alam kung ano yung gusto niya. Tiningnan ko yung mga ladies na kausap ni kuya waiter.

They were like Elisse kung manamit sila pero mas parang sosyal lang ang mga damit nila, however mas ayos para sakin ang pananalita ni Elisse since masyadong paarte ang salita nila. I'm sorry for being judgmental. But I can't help but to comment.

"Oh! What are you looking at?!"

Napakurap ako nang ako ang kinausap nung isang girl na nakataas ang kilay.

Whutttt?? Ako ba? Bakit ano ginawa ko? I thought saka ko itinuro sarili ko.

Tumingin din yung isa at nagtaas din ng kilay. Tinangnan ako simula sa baba hanggang sa mukha. Nainis ako bigla. Well, ganyan din yung ginawa ko sa kanila. Karma is life.

"Do you have a problem?" Sabi nung isa.

Nabigla ako sabay iling iling saka ako bumalik sa menu dun ko narealize na mag oorder pala ako.

"Ah kuya waiter." Itinaas ko ang kamay ko kay kuya saka nakasmile. Napatingin sakin si kuya waiter saka nagsmile din.

"Bastos ka rin ano."

"Eh?" Nagulat ako sa sinabi nung babae.

Nakatingin siya sakin. Huh? Anong ginawa ko? AHAHAHAHA. I thought. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Bakit ba parang ako ang napag-iinitan.

"Alam mo namang nag oorder pa kami eh."

What? Sa dami nilang pinag-usapan?

"Eh?!" Pati si kuya waiter nabigla rin.

Tumatagaktak na pawis niya sa mukha and halata na nahihirapan na siyang makipag-usap sa kanila.

"Okay. I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." Hindi ko na pinatulan since I don't really know how to handle classy persons.

Tinarayan nila muna ako sabay balik kay kuya sa pag-oorder.

Ehehehe. Natatawa nalang ako sa isip ko since first time kong makakausap ng ganung mga tao.

Although Arvin and their circle of friends are really classy already, hindi naman sila ganun mang trato sa ibang tao except nung nag alburuto siya nung nag-away sila ni Maam. Naalala ko nung napasubsub ako sa pavement at nasugatan. Bigla ko rin naalala yung day na nalaman ko na si Cody ay si Chris. I mean, si Chris si Cody.

Naghanap nalang akong ibang waiter. But then dun ko narealize na lahat sila may kausap na customer.

Ayoko ko nang mang-agaw ng waiter baka mapag-initan na naman ako. Kaya't tumayo nalang ako and lumapit muna sa counter and tumingin-tingin ng mga nakadisplay na mga foods.

Nakakapang laway ah! Lalo na yung lobster.

Mmmh! Nanggigigil ako. Ilang minuto kong tiningnan yung pagkain na yun since I want to know ang mga ingredients, gusto ko kasing itry lutuin, but hindi naman talaga ako magaling magluto.

Although ang hirap malaman ng exact recipe sa finish product well at least meron din namang mangilan ngilan na distinguishable ingredients.

"Uy! Merong onions! Well syempre nasa ibabaw siya eh! Ahaha. May paminta. Pano kaya ginawa tong paste na to?" I thought.

"Do you want na mapagkamalan kang patay gutom jan?"

Nabigla ako sa nagsalita. His voice is so crisp and handsome. Bigla akong napatingin sa kanya.

Ah! It was him. The barista. Lumapit na pala siya sakin and he was actually smiling towards me. Biglang uminit ang mukha. Nakakahiya! Ba't puro nalang kahihiyan ang nangyayari sakin.

"Ahaha. Just kidding." That laugh. Naalala ko sa kanya si Josh.

"Ahaha. Sorry." Nagustuhan ko lang talaga 'tong pagkain na 'to.

Sabi ko habang nakasmile. Naconscious tuloy ako sa ityura ko baka kasi namumula na ako.

Nakatingin sakin yung mga girls sa likod ni kuya barista.

Da heck! Baka ako pag initan ng mga babaeng to!

Mukhang naudlot ang pag bebrew ni kuya dahil sakin. Yaks! Ahahaha. Hindi ako assuming!

"Why don't you order it. Masarap yan." Sabi niya saka nagsmile ulit.

Why? Why? Pwede bang bumalik ka na sa counter mo? Ba't nag sisales talk ka pa sakin. Ahahaha. Hindi ako kinikilig. Nag aalburuto na yung mga babae.

"Ah hindi hindi. Wag na. Coffee lang naman ang ioorder ko." Sabi ko.

"Talaga?!" Napabulalas siya. Parang umabot na sa tenga ngiti niya.

Nagulat ako sa reaksiyon niya and saka ko lang narealize.

Walang ya! Barista pala siya! Ba't ko sinabi na coffee ang ioorder ko! Waaa!

"Ah h-." Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang hablutin ang kamay ko.

"Why don't you join us here para makita mo ang pagbebrew." Hila niya sakin.

What!!!!!! Mapapaiyak na ako. Please wag niyo akong sabunutan mga girls!

"Ah wag na wag na. I will just sit ther-"

"Ano ka ba. Don't be shy. Dito ka umupo." Saka siya kumuha ng upuan and ipinatong niya kamay niya sa balikat ko para paupuin ako.

Naluluha na ako sa isip ko. Nakatingin sakin ang mga girls but ayoko silang tingnan baka matunaw ako. Bumalik na si kuya barista sa counter.

"Ano pala pangalan mo? Ah! I'm Hiroshi, Hiro for short." Sabi niya habang nakasmile saka abot ng kamay para makipaghandshake.

Half japanese pala siya. Kala ko kasi korean. Mukhang koreano kasi siya.

Waah! Ba't ka pa nagpakilala. Get to know kung anong atmosphere na dito. Ahahaha.

"I-I'm B- ... Hyacinth." Nahiya ako tuloy sa pangalan ko kaya ibinigay ko nalang second name ko. Saka ko siya kinamayan.

"But you can call me Bea." Sabay bawi ko.

Dun ko narealize ba't naman ako mag-iinarte.

"Nice to meet you." Saka siya nagsmile.

Naconscious ako kung ano ityura ng mga katabi ko. Baka kaya na nila akong kainin dahil sa galit.

Dali namang ibinaling ni Hiro ang kanyang tingin dun sa mga babae.

"San na pala tayo?"

"Well, were on that coffee agent thing." Sabi nung isang babae na nakadamit apple green habang kumurap-kurap ang mata niya.

"Ahahaha. Oo nga pala. Okay." Sabi ni Hiro na halatang pilit ang pagtawa.

"Ah! Hyacinth... I mean, Bea. Medyo nahuli ka na nang dating but just listen nalang muna. Ano pala sana order mo?" Sabi niya sakin.

"Ah. Eh."

Kapressure! Sakin lahat ang tingin ah!

"C-coffee Lattee nalang."

"Mmh. Latte? Boss! Meron ba tayong ingredients for Latte?" Bigla lang sabi niya dun sa papasok sa kitchen.

"Wala na. Kakakuha lang ng truck kanina." Sigaw ng lalaki sa loob.

"Well. Ehehe." Nag apologetic smile si Hiro.

"I'm sorry. Bihira lang kasing may bumili rito ng latte kaya laging nasisira ang mga stock namin, yung ilang ingredients lang naman." Sabi niya.

"Talaga ba? Ayos lang. Mag-aamericano nalang ako." Sabi ko. Tutal nakaupo na rin naman ako rito.

"Uy. Tamang tama. I'm actually showing them how to brew that coffee. Tingin tingin ka muna." Saka niya binaling ang tingin niya sa mga babae.

Tumango nalang ako para wala na akong masabi para magpique ng interest niya.

+++ KALE P.O.V. +++

Dun tayo! Sigaw bigla ni Elisse habang yakap sa braso ko at hila papunta sa mga mini-stalls na merong mga sari-saring tinda. Sa likod nito parang maliit na lake na may mga water lilies.

Napatingin agad ako sa braso and sa bracelet ko na ipit na ipit ni Elisse. Nagworry na baka mapigtas ang bracelet sa higpit ng kapit ni Elisse. This is really important to me. Regalo to sakin noong elementary palang ako nang pinakamatalik kung kaibigan.

Napaindifferent eyes ako bigla.

Sineseryoso niya talaga ang game ah. I thought.

"Sige sige!" Sabi rin ni Josh habang na excited na excited.

Nagmamadali ang dalawa na parang makakaladkad na ako sa hila ni Elisse.

"Uy, dun tayo sa likod. Baka andun yung figurine!" Hila ni Elisse.

Nahiya bigla ako since she is so loud. Napatingin yung mga tao na bumibili sa stalls. And ang iba'y parang mayaman tingnan.

Kumunot bigla ang noo ko saka ko sinabihan si Elisse.

"Parang wala jan. Merong warning sign na hindi pwedeng lapitan oh."

"Huh? Wala na man ah. Iba na man ang sabi eh. Don't disturb plants ang sabi eh." Sabi niya. Mas dumami ang napatingin samin.

Nakatingin lang samin si Josh.

"Wag na." Kumunot ang noo ko.

"Eh baka nga nandun yung hinahanap natin."

"Elisse." Sabi ko habang kinakalma ko ang sarili ko.

"Sabi ni Kuya Ken, lotus. Hindi water lilies." Sabi ko.

"Pero-"

"Elisse." Medyo napadiin ang sabi ko.

"Uy takoyaki! Bili tayo." Sabi bigla ni Josh.

"Ayoko." Madiin kong nasabi.

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Dun ko narealize si Joshua pala ang nagsalita. Mas nairita ako kay Elisse.

"Ah. Talaga ba." Napatingin siya sakin saka pilit na nagsmile sabay yuko.

Napakunot lalo ang noo saka ko tiningnan ng mariin si Elisse na siya na man tong nakatingin parin sa mini-lake.

"No... I - I mean. Ikaw na bumili sakin. Susunod ako."

Tiningnan ko si Josh sabay smile.

"Okay okay. Sandali lang." Sabi ni Josh saka siya nagsmile. Napahinga ako ng malalim. At least hindi niya na pilit ang smile niya.

'Sorry!' Nag echo ang boses ni Josh sa utak ko.

Memories of him resurfaced nung nakaluhod siya habang umuulan saka walang tigil na umiiyak.

Kinagat ko labi ko dahil sa nasabi ko kay Josh kanina.

"Kale, dun tayo." Sabi ni Elisse.

Uminit ang ulo ko dahil kay Elisse.

"Elisse." I let out a long sigh sabay tanggal ko ng kamay niya sa braso even though na ang higpit ng pagkakapit niya.

"I won't go there. I'm sorry. Siguradong wala dun ang hinahanap mo." Sabi ko sa harap niya saka ako sumunod kay Josh.

Tiningnan ko si Elisse bago ako umalis and she was looking at me at a blank face.

Harsh ba ang nasabi ko?

Napatingin din si Josh kay Elisse saka ibinalik ang tingin sa takoyaki.

"Uhm. Kale?" Seryosong sabi ni Josh.

Napatingin ako sa kanya.

Mas matangkad siya sakin kaya medyo nakaangat pagtingin ko sa kanya.

"I'm sorry. Di ko sadya na magalit ka kay Elisse." Sabi ni Josh.

Tiningnan ko si Josh habang nakatingin siya sakin saka ako nag indefferent na expression.

"Hindi mo naman kasalanan." Sabi ko.

"Pero hindi ka na man magagalit kung hindi dahil sa pagdagdag ko pa usapan niyo eh."

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa takoyaki.

"Hindi man ako galit." Sabi ko ng mahinahon.

"Tyaka. Sinabihan ko lang si Elisse. Hindi naman yun dadamdamin." Dugtong ko.

"Hala!"

Nagulat kami ni Josh nang may malakas na boses na nagsalita sa tabi namin.

Si Elisse.

"Ba't di niyo ko binilhan?" Sabay suntok ni Elisse sa braso ko.

"Ahahaha." Napatawa bigla si Josh saka napatingin sakin. Napasmile ako sa reaction niya.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Elisse saka yumakap ulit sa braso ko.

"Wala. Ah. Kuya, isa pa nga po order." Sabi ni Josh habang nakasmile.

+++ BEA P.O.V. +++

"So, ngayon. To make this more fun. Ill bring out three different coffee mix tyaka identify niyo kung alin ang tama and alin fail. Okay?" Sabi ni Hiro.

Sabay sabay namang tumango ang mga girls sa tabi ko kaya dahan dahan din akong tumango.

Make more fun? Meron bang price? Ahaha lol. Sana meron.

"Sige sige. Punta muna ako sa kitchen tyaka magpeprepare ako. Madali lang ah." Sabay alis niya.

What?! Wag mo kaming iwan dito. Patay ako rito sa mga girls mo!

Nanerbyos ako bigla. Inaliw ko agad ang sarili sa pagtingin sa mga coffee beans na nakadisplay.

"Ah. Hi?" Bati agad nung isang babae na mahaba ang buhok tapos nakasuot ng pink na damit.

Nächstes Kapitel