webnovel

Reunion in the Gossips

WHAAAATTTT!!!! CODY!!!! AS IN MY HS Bestfriend!!

"C-Cody!!!"

Napabulalas nalang ako bigla nang masabi yun ni Maam sabay titig kay Chris na nakasmile dahil sa reaction ko.

STARE...

Kumunot ang noo ko sa pagtitig sa kanya.

"Cody!!! Ikaw nga!!!" Sa laki ng gulat ko bigla ko siyang napalo ng kamay sa balikat.

Malakas pa na man ako pumalo.

Kilala ako ni Cody kaya't he quickly raised his arms to defend.

"Haha. Hindi ka pa rin nagbabago ah."

"Really? Magkakilala kayo?" Tanong ni Josh na nakanganga.

"Akalain mo, may bestfriend ako na bigatin na."

"Oo. Siya yung bestfriend ko simula high school."

Nagsmile si Cody sabay sabing...

"Nice to meet you."

Kaya pala namumukhaan ko siya. Pero I thought he was Miko one of our classmate na medyo kamukha niya. Kala ko nga kapatid ni Miko eh. Haha. Hindi pumasok sa isip ko na si Cody pala siya. He changed so much. Hindi ko maexplain kung ano pinagbago niya kung bakit hindi ko siya nakilala agad. Maybe I just wasn't expecting na siya si Cody.

"Talaga?" Bulalas ni Josh.

"Edi siya yung nalink sayo dati? "

Biglang kong galit na tiningnan si Josh. At sabay tirik ng mata. Of all natsinismis ko sa kanya, yan talaga agad ang sinabi niya tungkol kay Cody.

"Ahahaha." Tumawa lang siya.

Awkward!

Walang hiyang Josh na to! Panira ng moment.

"Talaga? Naging kayo!!!" Sabi ni Maam.

"Aray!"

Nabigla ko sabi ng napadiin ang malinis ni Maam ng sugat ko.

Naging kami?

"Ai. Pasensya. Hahaha. Nabigla lang talaga ako na naging kayo."

Inulit pa ni Maam.

"Hala. Maam, wala pong KAMI!"

Napatikom ako bigla ng bibig. Mukha napadiin yata yung kami. Mas lalo akong naawkward. Mukha tuloy tinatakwil ko si Cody.

"I-I mean. Hindi po naging kami. Ano na tayo Maam. Baka kumalat yan. Ahaha-aha."

Medyo naiilang na ko magsalita.

"Pft!" Nagpigil ng tawa si Josh. Gusto ko sanang batukan kaso ang sakit pa ng sugat ko.

"Ahahaha."

Tumawa si Cody habang nasa bewang ang mga kamay niya.

"Hindi po Maam. Talagang bestfriends lang kami. At umabot sa point na nililink na kami ng mga tao." Paliwanag ni Cody.

"Eh. Bakit hindi. Bagay naman kayo ah." Sabi ni Maam habang nakatingin sa sugat.

Nagkatinginan kami ni Cody. Ang kinis ng mukha niya. He so white and parang ang lambot-lambot ng lips niya.

But I don't know, i don't find him attractive at all. Ilang sigundo kaming nagkatitigan.

"BWAHAHAHA!"

Nagkasabay kami ng tawa ni Cody. Umabot sa point na kumapit na si Cody sa tiyan sa sobrang tawa.

We are really not for each other.

We are just really comfortable with each other before the tsismis broke out.

Ganyan talaga ang mga tao eh! Simpleng bagay pinagtsitsismisan. Hindi lamang muna icoconsider kung totoo ba talaga ang mga stories, at kung alam naman na totoo, bakit kelangan pang itsismis na may kasali pang pangjujudge sa tao. You don't even know the whole story! Hindi man lang inisip kung ano epekto nito sa taong pinagtsitsismisan. The tiniest gossip could even break a precious diamond.

Buti sana kung ang itsinitsismis always positive. Eh 85% ng mga naririnig ko puro negative. Si kuwan nabuntis, malandi kasi. Si ano pumunta ng motel, hindi na siya ano. Yung kaklase ni kuwan nakaperpek, bobo naman, nagcheat kasi. Yung kapitbahay niya, mapula ang mata, adik daw. Madami pa. Sasakit lang ulo kung sasabihin ko pa. Hays. Binabadtrip na naman ako. O back to the story. Sensya napadpad tayo kung saan.

Nagulat sina Josh at Maam Rose ng tumawa kami bigla.

"Bagay talaga kayo." Tinapik ako ni Maam habang tinatapos niya na ang paglinis ng sugat.

"Somehow, I feel that you have that connection with each other na magkatinginan lang kayo alam niyo na ang sasabihin niyong dalawa." Dagdag ni Ma'am.

Tumango-tango si Josh sabay sabi.

"Love Telepathy kung baga."

"Yaks! Love telepathy. Meron bang ganun!

Hay naku. Mam and Josh. Sadyang close lang talaga kami. Wag po kayong malisyoso ah. Baka may gelpren natong si Cody, nu ba kayo." Tanggi ko naman.

"Eh kung wala." Sumbat ni Josh saka tinaas niya balikat niya at kunot ng noo.

Eh. Pano kung wala?

Tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako kay Cody.

Napatitig ako habang hinahanap ko ang tamang mga term. Magkamali pa baka humaba pa ang usapan.

"Oooooy!!! Hahahaha" Tease sakin ni Maam. "Napatitig siya kay Cody." Sabay tawa ni Maam.

Patay! Nawala ako sa sarili.

"Hala! Hindi ko siya tinititigan." Sinulyapan ko si Cody habang nagsasalita ako. Nakangiti lang siya. Lagi naman siyang nakangiti eh kapag ganto usapan.

"Eh. Bakit ka nakatingin sa kanya? Natulala ka nga eh."

Sabi ni Josh.

"I'm just lost from my thoughts." Paliwanag ko.

You know that feeling na tumititig ka sa isang bagay pero hindi mo naman siya tinititigan talaga. Tulala ka lang dun pero hindi mo siya nakikita. Ano raw. Ang hirap eexplain.

"Lost from your thoughts. Ayieee! Inlab ka lang!"

Mas lumakas ang tease sa kin ng dalawa. Ang hirap magdefense sa kanila kung ganito ang usapan. Lagi ako ang napagkakaisahan.

"Hay naku."

Tiningnan ko si Cody.

"Cody, wag mo pansinin, may mga saltik lang talaga to sa utak."

"Oo. Oo. Ayos lang. Hahaha." Ngiti niya.

Matapos nun. Naghintay samin si Cody hanggang magsara ang shop since madadapit hapon na rin naman. Tyaka ininvite kasi siya nila Josh at Maam na sumama samin sa Bon Plaza para manood ng concert.

"Ah. Tyaka pala, pupunta pala mamaya sina Elisse at Kale. Mas marami mas masaya." Sabi ni Josh.

Sina Elisse at Kale ang barkada ni Josh. Actually si Kale lang talaga raw ang unang kilala ni Josh and si Elisse, i don't know how to describe this. Crush kasi ni Elisse si Kale kaya sumasama siya lagi. She didn't hide the fact na crush niya si Kale. Basta ang sabi ni Josh, she wants to know more about Kale.

Si Kale naman yung dating katrabaho ni Josh sa shop. And he is Josh's ultimate bestfriend simula nung 5 years old sila. Josh often talks about Kale kung gaano siya nag aact as Josh's big brother although they're not blood related brothers.

"Talaga? Ininvite rin pala ako ni Jay kanina." Sabi ko.

"Oh? Invite mu nalang siya na sumama satin.

Jay? Bf mo?" Sabay tanong ni Cody na nakaupo.

"Hindi noh. Sadyang-"

Naputol ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Josh.

"Ayiee. Nagseselos. Ahahahah"

Kumunot bigla ang noo ko and I give Josh an indifferent look.

"Cody. Masanay kana. Everytime na makakuha sila ng butas, mang-aasar at mang-aasar sila."

"Ganun ba. Ahahaha." Sabi niya sabay tawa.

~

Mag si-six thirty na nang binuksan ko ang data ng phone ko. Sabay may nag-pop up sa messenger.

[Jay:] Wer n u?

[Me:] Bon Plaza na. Punta ka nlang dito. Mekasama na tau dito.

[Jay:] Talaga? Palabas palang ako ng kanto.

[Me:] Oh sya sya. Ingat nalang.

[Jay:] 😊

[Me:] ...

"Asan na raw?" Tanong ni Cody.

Nakaupo na kami sa hagdan. Style hagdan kasi ang upuan. Pababa. Sa pinakataas ng hagdan dun ang road papunta sa west gate ng BGC. Sa pinakababa naman, tiled floor. Dun sinet-up ang stage. Nakapalibot sa plaza ang sangkatutak na restaurant na pagtiningnan mo ang menu, mapapanganga ka nalang sa mga presyo. Tapos merong dalawang malaking screen sa magkabilang corner ng plaza na nagfaflash ng mga advertisements.

OTW na raw. Sabi ko habang tiningnan ko sina Maam na bumibili ng maiinom sa baba, dun katabi ng stage. Mayroong french fries dun sa katabi nito. Gusto ko nun.

"Tara, bili rin tayo." Yaya bigla ni Cody sakin.

Syempre. Sasama ako. Malay natin manglibre eh. Ahahaha. Hoy. Hindi ako parasite ah. Sadyang natatakam lang talaga ako sa french fries ngayon. And hindi naman ako nagyayaya kay Cody na ilibre ako. Although hindi pa naman ako nililibre. Wag tayo assuming. I mean, ako.

Bumaba kami papunta dun sa stall.

"Ate. Bibili rin kayo?" Tanong samin ni Kale nang makita kaming papalapit sa kanila.

Biglang kumunot ang isa kong kilay.

Ate? Na naman. Hindi niya talaga kayang hindi ako tawagin na ate. Ganun na ba ako katanda para tawaging ate? We're on the same age you know. Alam mo yung feeling ng ganyan. Hahaha. Hindi naman ako galit.

"Hmm." Tumango ako.

"Ah, tyaka nga pala. Cody, si Kale at Elisse. Kale, Elisse... this is Cody." Sabi ko.

"Hahaha. Alam na nila. Sinabi ko lang kanina."

Biglang sabi ni Josh na nagsisip ng shake.

"Talaga? Mas maganda nang pormal."

"Parang big time ang bestfriend mo ah." Siniko ako bigla ni Elisse at she whispered. Kelan ka magpapaligaw.

"Hoy!" Pinalo ko bigla sa balikat si Elisse.

"Wag kayo maging ano ha."

"Ano." Sabi ni Elisse. Habang inayos ang suot. She was wearing t-shirt na may maikling manggas and a mini skirt. It was really revealing though. Kaso nasa nagdadala na rin kasi yan. And bagay naman sa kanya.

"Maging ano." Nadistract ako ng fries. Ambango!

"Anong ano."

"Maging .... ano. Basta yun nayun."

Ang hirap ng usapan namin ah.

Parang sarap ng french fries. I don't know but natatakam talaga ako for fries this day.

"Tara, bili tayo." Yaya ni Cody na nakatayo katabi ko.

"Tara!" Umabot sa tenga sa smile ko sabay kuha ng wallet ko sa shoulder bag.

"Ako rin, ate."

Ate. I know who that was. Kale. Muntik na akong mapatawa nang tawagin niya ulit akong ate. Napakagalang na bata. Ahahaha.

He was indeed kind. But indifferent. His eyes were indifferent, his voice is meh and his kind of serious guy. Magkaibang makaiba sila ni Josh. And to tell you, he is actually the exact opposite of Josh. Madali siyang maawkward. Hindi naman siya shy type but he is a silent type one. He has a decent look. Bagay sa kanya ang hairstyle niya na 2x3 barbers cut. Medyo parehas sila ni Josh ng eyebrows. Naka furrow but only that mas makapal ang kilay ni Josh. Mas mababa siya kay Josh na sa una mong tingin mapapaisip ka na mas matanda si Josh sa kanya, but actually he is 6 months older than Josh. Baby face lang kasi siya and maliit ang katawan niya. Hindi naman siya payat, in fact Josh and him are actually fond of swimming.

"Anong flavor?" Sumulyap ako sa kanya habang nasa gitna ng nakapilang mga tao.

"Kahit ano basta hindi cheese." Sabi niya.

"Pft! Haha. Dito tayo magkakasundo. Ahaha."

We both dont like cheese. Sa amoy, sa lasa and texture. Ayaw namin ng cheese.

Mga ilan pang minuto nakabalik na kami sa seat namin. Maya maya pa't sisimula na ang concert.

"Sya nga pala. Jasmine and Kathleen invited me for a dinner reunion. Nasa BGC din daw kasi sila. Gusto raw nila magkaget together tayo. Sabi nila mag-invite pa raw ako ng iba. Join ka rin." Sabi ko kay Cody.

"Sige. Try ko kung makapunta ako. Baka kasi-" Naputol si Cody magsalita.

"Ano?!" Sigaw ko nang hindi ko marinig ang sinabi niya. Ang ingay na kasi nang nagtetest ng instruments.

"Try ko bukas! Baka kasi tumawag ng meeting."

I forgot. Nagtatrabaho pala sa siya sa company.

"Talaga? Ayos lang. Chat kana lang."

Tiningnan ko ang mga tao sa stage na bumuba na. Natapos na yata sa pagtest.

"By the way. San ka pala nagtatrabaho. Big time na big time ka na ah." Sabi ko.

Actually kanina pang hapon ako humhanap ng tiempo na matanong yun.

"Ah. Sa company ni Arvin. His dad hired me. Swerte ko nga eh. Its a one of million opportunity." He smiled.

I know he deserved to be in that company. Ang sipag niya kasi eh.

Ding! Nagpop ang chathead. It was Jay.

[Jay:] Asan kayo? 😂😂

[Me:] ...

Nagtatype pa ako ng makita ko siya na nakatayo sa may kalsada sa taas.

"Jay!" Sigaw ko. Nagsitinginan bigla sina Maam Rose.

"Uy. Jay! Kumusta ka na?" Napatayo sina Maam and the rest. Close kasi sila. I often invited him sa shop para magpatulong pag gipit kami sa mga workers. Siniswelduhan din naman siya ni Maam. Nothing is free in this world naman kasi.

"Hi guys!" Lumapit siya samin habang kumakaway. His wearing v-neck t-shirt habang nakatie naman ang jacket niya diagonally sa body niya. Ang isang dulo nasa left shoulder niya at yung isa sa bewang niya. It was really cool though. Mas bumagay sa suot niya na maong.

"Oh." Napatigil si Jay when he saw a new face in the group. It was Cody. Kaya, again, pinakilala ko ulit siya.

"Bf niya." Ikling sabi ni Maam.

Biglang napatingin sakin si Jay habang nakanganga.

"Alam na ba to ng kuya mo?" Sabi niya sakin with shock na shock na expression.

"Hoy! Wag ka magkakalat ng maling tsismis! Malilintikan ka sakin." Sabi ko habang kumukunot ang noo at pakita ng kamao ko.

"Ahahaha. Uy. Dinidedy ka oh. Sakit naman." Sabi niya habang tinikwil si Cody.

Jay is friendly. Sa sobrang friendly niya, baka iniisip ng ibang tao, fc siya. Hindi naman siya fc, mas magaan nga ang mga usapan pag nandyan siya eh.

"Malamang, idedeny. Hindi naman totoo eh.

Lahat ba ng hindi totoo kelangan ideny?"

Napatingin ako kay Jay.

"Oo."

"Talaga?"

"Syempre. Sino naman ang magpapakamartyr ang hindi ideny ang lies."

"Okay. You win this time." Sabay taas ng kamay ni Jay and smiled.

"Ahahaha. Lagi talaga kayong ganyan ah. Dun nalang kaya kayo sa korte pag nagdedebate kayo. May sweldo dun." Sabi Elisse.

"Ahahaha." Tumawa naman si Josh.

Ganyan talaga kami. For some reason mas humahaba ang usapan namin ni Jay sa pakikipagbangayan. Kahit maliliit na mga bagay pinag-aawayan namin. And even complicated things na dapat gobyerno na ang mamobrelema, pinadedebatehan pa namin.

"Uy. May fries! Bea, gusto mo?" Sabi sakin ni Jay. Napansin bigla ni Jay na kumakain na pala ako ng fries pati si Cody. Napatitig siya kay Cody saka tumingin ulit sakin.

"Another round? Treat ko." Sabi niya.

"Talaga? Sige ba. Tara! Hahaha." Ako na mismo ang nagpull kay Jay na bumaba. Libre eh. Napatayo tuloy bigla si Cody. Muntik na kasi matapon yung juice ko.

"Ahh. Kami rin! Sabi ni Josh. Ahaha. Mas nauna akong ilibre. Pasensya. Ahahaha."

"Wala. Ako lang ang ililibre." Sabi ko habang patuloy kami sa pagbaba.

As if na mapipigilan ko sila sa pag insist na ilibre rin sila. Nag sibabaan din sila. Except kay Kale, Cody and Maam Rose.

+++ Kale P.O.V. +++

Tiningnan ni Maam Rose sina Ate Bea, and the rest na bumili ulit sa mga stall sa baba habang patuloy sa pagkain si Kuya Cody.

"She sure is lively." Maam Roschelle said while looking at Kuya Cody.

Napatingin si Kuya Cody kay Maam Rose saka ibinaling ang tingin kay Ate Bea na hawak hawak pa ang kamay ni Kuya Jay.

"Mmm." Tumango lang si Kuya Cody.

Bumuntong-hininga si Maam Rose at naglean sa upuan na style hagdan. Tiningnan niya ang mga adverstisement na nagfaflash.

"Kumusta ang dad ni Arvin?"

Tiningnan ulit ni Kuya Cody si Maam Rose nang magsalita si Maam.

"His doing good. Malakas pa rin. Ah. His organizing pala a new project." Sabi ni Kuya Cody.

"A new project." Napayuko si Maam.

"Mm." Tumango si Cody.

"I still haven't check what it was. "

"His very kind." Sabi Maam.

"Mm. His very kind." Tumango ulit si Kuya Cody.

Naguluhan ako sa pinag-usapan nila. Parang code na sila lang ang nakaiintindi kahit marinig ko man. Hindi ko na pinansin kung ang ano meaning ng pinag-usapan nila. Ibinaling ko na lang tingin ko kina Ate Bea na ang lalakas ng tawa. Ang dami nilang binili ah.

Napatingin ako kay Josh saka napabuntong-hininga.

Hala. Mamantika na naman. Wag kang magsasabing hindi kita binalaan ah. I thought.

Biglang napatingin sakin si Josh and he smiled. Bumukas ang bibig niya and spoke. Although hindi ko narinig, naintindihan ko ang sabi niya.

"Don't worry. I'm fine." Bukas ng bibig niya saka nag smile ulit kasabay ng mata.

Tiningnan ko siya indifferently saka ibinaling ang mata sa stage. Mas dumami ang tao. May babae na umakyat sa stage. MC. Ipinakilala niya ang banda and the concert started. Paakyat na sina Ate Bea ng nagsimulang tumugtog ang banda. Nagsigawan ang mga tao.

🎶🎶Heto na naman naririnig!

Kumakaba-kaba itong dibdib.

Lagi nalang sinasabi,

Pwede ka bang makatabi!🎶🎶

Nagsihiyawan ang mga tao ng may mga couple na pumunta sa harap ng stage at sumayaw. Medyo upbeat kasi ang kanta. Pati ako napapasabay rin sa beat.

🎶Kahit sandali lang sige na.🎶

Full of love ang plaza. Pati ang screen nagflash ng mga puso.

🎶Sana pagbigyan, pwede ba.

Mukha tinamaan, yata ako!!!!🎶

Nagsitayuan bigla ang mga tao. Wala kaming magawa kundi tumayo rin. And sabay sabay kumanta.

🎶🎶Kapag tumibok ang puso,

Wala ka nang magagawa kundi sundin ito.

Kapag tumibok ang puso,

Lagot ka na, siguradong huli ka!!!🎶🎶

Nang makarating na sina Ate Bea, biglang hinablot ni Kuya Jay ang mga dala niyang pagkain saka ibinaba sa upuan. Hinawakan niya mga kamay ni Ate and he pulled her pababa papunta sa harap ng stage.

Nagulat kami ni Kuya Cody sa ginawa ni Kuya Jay. But hindi sina na Maam na nagsigawan pa. Parang normal to sa kanila ah.

Biglang may mainit na dumampi sakin. Napatingin ako sa ibinibigay sakin ni Josh. Takoyaki.

He knows me alright. Alam niya kung ano gusto ko't dislikes.

Inaabot naman ni Elisse ang apple juice.

Apple Juice. Is it coincidence na nabili niya toh? I thought.

Napatingin ako kay Josh saka narealize and gave him a stare.

'Wag mong pinagkakalat ang mga info tungkol sakin.' Sabi ko sa isip ko.

Looks like he reads my mind. He gave a sorry expression.

Napatingin bigla ako kay Kuya Cody na tutok na tutok sa stage. Tiningnan ko bigla ang stage. Nashock ako nang nandun na sina Kuya Jay and Ate Bea. They are dancing. And they look like a couple.

Couple?

Bigla akong napatingin kay Kuya Cody. His eyes.

Dont tell me...

+++ BEA P.O.V +++

I was so hyped. And hindi ko na tinitingnan ang mga tao. Jay and I were dancing. Eto yung sayaw na tinuro niya samin ni Kuya Henry. Syempe, naaliw na rin ako sa mga sumasayaw kaya instead na irefuse ko ang invitation ni Jay ay ginanahan ko pa ang pagsayaw.

The song is almost over. And were both drenching with sweat. May sumabay rin na ilang sumasayaw kanina. Simple lang kasi ang step. But medyo mabilis lang.

The last churos!

🎶Kapag tumibok ang puso, 🎶

Mas tumaas ang tono ng boses ng kumakanta.

🎶🎶Wala ka nang magagawa kundi sundin ito.

Kapag tumibok ang puso,

Lagot ka na, siguradodng huli ka!!!!🎶🎶

"Yey!!!! Whooo!!!" Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao.

Humihingal kami parehas habang bumalik kami sa seat namin. Nakita ko sina Maam na pumapalakpak and sumisigaw.

Napasmile ako. The best feeling!

Nagsimula ulit ang banda ng sunod na mga kanta. At hindi naubusan ang mga tao ng energy para makakeep-up sa song. Dahil dun nakailang ulit kaming bili ng pagkain hanggang sa matapos ang concert.

~

KRIIIINGGGGG!!!

"Bea! Gising na!" Sigaw ni Kuya Henry.

Nagbuntong hininga ako. Ang sasakit pa ng mga muscles ko. Mukha napasobra yata kagabi. Nagsimula na ako magprepare nang mag ring ang calendar tone ko.

[REUNION: 7:30PM @ HIGH END RESTAURANT]

"Okay."

Inayos ko na ang damit nagagamitin ko. And start my day. Actually nothing special happened ngayong araw ang nagproceed ang day ko mga 7:00 PM nang magchat si Cody na nasa labas na siya ng shop.

Nakatayo siya sa labas ng kotse and he's wearing a grey slim fit dress vests for men na may sleeveless jacket blazer chaleco hombre.

"Nakahingi ako ng oras kay Boss. Nakaalis ako ng maaga." Sabi niya.

Bigla akong nataranta.

"Wait sandali lang mag-aayos lang ako."

Actually nakaayos na rin ang buhok ko.

Magpapalit na lang ako ng damit. Tinulungan na rin ako ni Maam magmake up. Very supportive kasi si Maam.

Mga 20 minutes pa'y nakaready na ako. Nakipagkwentuhan muna si Cody kay Josh.

"Tara." Yaya ko kay Cody.

"Nice. Ganda ng damit ah!" Sabi ni Cody.

"Hoy! Mas pinagtuunang kong pansin ang mukha ko especially mata ko ah! Wag kang ano!" Sabi ko kay Cody na napatawa.

Nagmadali kaming pumunta sa venue. Ba't ang daming tao?

May paskil akong nakita sa may entrance.

Grand reunion pala ito ng buong high school sa uni namin. Ang yayaman na ng mga kaschoolmate ko ah. Ang gagara na ng mga suot. Buti nalang pinili ko yung medyo pang sosyal na damit. It is actually a short chiffon round neck dress tyaka merong pleated front stitched belt.

Napansin ko na every table merong nakalagay na batch year.

"Yun sila Jasmine oh." Siniko ako bigla ni Cody. Nakahawak kasi ako sa braso niya. Parang red carpet lang ang peg.

Napatingin ako kung saan nakatingin si Cody. Andun sina Jasmine, Kathleen, Veronica, Alicia and Justin. I'm thankful na konti lang kami.

Ang sososyal na nila ah. Ang gaganda at branded na ang mga damit. Pati mga accessories parang mamahalin.

Lumapit kami sa kanila. Si Jasmine ang unang na nakapansin samin.

"Bea? Bea!!!" Napatayo bigla si Jasmine at sabay beso beso sakin saka napatingin sa lalaking kasama ko. Lumapit sakin bigla si Jasmine saka nagwhisper.

"Bigatin ka na. San mo nakuha tong jowa mo?" Sabi niya.

"What! Hoy. Hindi ko to jowa! Bigla kong sabi."

"Maang maangan ka pa. Ilang taon tayong di nagkita, di ka man lang nagshare sa gc." Sabi ni Justin.

Gusto ko sanang kumustahin sila in the past years na hindi kami nagkita but mas nauna na pa ang intriga kaysa sa memories.

"Ano naman ang isheshare. Eh wala naman dapat ishare." Sabi ko.

"Yang lalaki mo." Sabi bigla ni Veronica.

"Ahahaha." Napatawa nalang ako sabay napatingin kay Cody. Nagpipigil din siya nang tawa.

Napatingin din sakin si Cody. Ilang sandaliy bigla kaming napasmile. Evil smile. I know what he's thinking.

Hinigpitan ko bigla ang kapit kay Cody saka nagsalita...

"Hoy! Ba't kami ang inintriga agad. Di ba pwedeng paupuin niyo muna kami."

"Ayiee. Hindi niya na deniny!" Sabi ni Alicia.

Bigla akong natamaan sa sinabi niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ko kay Jay kagabi.

Naupo kami na magkatabi ni Cody. Pagkakita't pagkakita ko palang ng pagkain sa table parang nahiya na ako kumain. Eh parang mas maganda pa sakin ang pagkain.

"May bf ka na pala? In fairness, marunong kang pumili!" Sabi ni Kathleen na nakasmile.

"Oo nga. Tyaka medyo kahawig niya si... si.. MIKO!!!" Sabay turo kay Cody.

"Pft!" Nagpigil kami ng tawa ni Cody. Although it was true. Noong una, kala ko kapatid siya ni Miko.

"Sinong Miko?" Tanong ni Veronica.

"Si Miko...yung basketball player na tinitilian ng mga bababe kahit sablay yung tira." Harsh na sagot ni Jasmine.

Saka nagtawanan ang lahat nang marealize nila.

"Ay. Oo. Kamukha niya talaga. AHAHAHA. "

"Wait, Bea. Pakilala mo naman samin." Sabi ni Justin.

Bigla akong napatingin kay Justin. Wait! Anong sasabihin ko. Nagpanic ako bigla. I can't tell them he is Cody. And weird nga eh. Ganun na ba talaga nagmature si Cody para di na makilala? I also tell that to myself.

"I'm Chris. Nice to meet you." Biglang nagsalita si Cody.

Ang ganda ng boses niya. Parang binabaan niya ng konti para maging manly masyado.

Napasmile silang lahat na parang kinikilig. Nagsikamayan sila saka nag acting ako na isa isa ko silang pinakilala kay Cody although kilala na niya silang lahat especially Justin and Alicia na katropa namin nung high school.

"But wait." Napatingin kami kay Veronica.

"Kung bf mo siya. Pano pala si Steve?" Dugtong niya.

Nanlamig bigla ang mga kamay ko. Steve? As in my elementary crush? Panu nila nalaman? Napatingin sakin si Cody. Medyo nahiya ako.

"Ay oo nga." Sabi ni Kathleen.

"Di ba super crush mo siya nung elementary? Tapos naghahabulan kayo nun sa field."

Nabigla ako sa sinabi ni Kathleen. Pano nila alam?

"Hoy! Ano ba kayo!" Sabi ni Alicia na nakakunot na ang noo.

Alam din ni Alicia? Tiningnan ko si Justin. Nakatingin sakin.

"Gusto lang namin malinawan. Ano ba." Sabi ni Veronica.

"Bea." Mahinahong sabi ni Justin.

"May nakarating kasi samin..." he paused... "...na isyu na kayo raw ni Steve."

Bigla akong napanganga sa sinabi ni Justin.

Kami ni Steve!

Nächstes Kapitel