webnovel

Chapter 37

37

HALOS mapasigaw ako sa gulat nang bigla siyang pumatong sa akin. Sinubukan kong intindihan iyong sinabi niya, ngunit dahil sa katawan niyang nakadagan ay tila nablangko ang utak ko.

"S-sir... mabigat po," bulong ko habang pilit na itinutulak nang marahan ang kanyang katawan palayo. Hindi naman siya umimik bagkus ay inangkin niya ang nakaawang kong mga labi at pagkakuwa'y inayos din ang kanyang posisyon para hindi ako gaanong mabigatan.

Sa mga sumunod na minuto ay patuloy lang niyang pinasadahan ng mga nagbabagang halik ang aking bibig. Hindi niya iyon nilubayan hanggang sa pareho kaming halos kapusin ng hininga.

"I... I love you, S-sir..." namamaos kong hayag nang huminto siya sa paghalik. Saglit kaming nagkatitigan. Punong-puno ng samu't saring emosyon ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko tuloy anumang oras ay matutunaw ako rito sa kama.

"Krisel..." aniya sa mababa at paos na boses. Pigil ko ang aking ngiti habang hinihintay kong dugtungan niya ang pagbanggit niya sa aking pangalan ngunit hindi na iyon na sundan pa dahil umarangkada na muli siya ng panibagong pulutong ng mga halik.

Napapikit ako sa kakaibang sensasyong nabubuhay sa aking kalooban. Hinayaan kong lumakbay ang mga kamay ko sa malapad niyang likod habang bumababa ang kanyang mga halik sa aking panga patungo sa aking leeg.

Pilit ko mang pinipigilan ngunit kusang lumalabas ang mga halinghing sa aking bibig.

"Hmmm... Uhhh... S-sir..."

Napapaliyad ako sa kakaibang pakiramdam na ibinibigay niya. Bago sa akin ang pakiramdam na ito kaya naman hindi ko alam kung paano ko ito kokontrolin.

Nakakawala ng ulirat. Nakakapanghina. Lalo na nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking dibdib. Hindi pa siya nakuntento't ipinasok niya ang kanyang kamay sa damit kong humaharang sa aking dalawang umbok. Salitan niyang pinaglaruan iyon, nilapirot, pinisil habang patuloy pa ring pinapaulanan ng mapupusok na halik ang iba't ibang parte ng aking mukha.

Pinagsasabay niya ang first saka second base! Hindi ko akalaing ganoon siya kabihasa!

"Ahh... S-sir???" Napamulagat ako nang bigla siyang huminto. "B-ba't po kayo tumigil?" bakas ang pagkabitin sa tono ng aking boses kaya naman ganoon na lamang ang pag-angat ng gilid ng labi ni Sir Rod.

"You want more?" tanong niyang tila nang-aakit.

Dahan-dahan akong tumango na lalong niyang ikinangisi. Sa isang kisapmata'y nahubad niya ang kanyang suot na t-shirt dahilan para mapako roon sa matipuno niyang katawan ang aking tingin.

"P-pahimas... S-sir..." nahihiya kong itinuro ang kanyang dibdib. Ewan ko ba! Simula noong nasaksihan ko ang himasan nina Andeng at Jerome ay naging sabik na rin akong mahimas ang katawan ni Sir Rod. Nung unang subok ko ay hindi niya ako pinagbigyan, tingin ko ngayon ito na 'yung tamang panahon.

Nanginginig ang kamay ko nang hawakan iyon ni Sir Rod para ilapat sa nagmamatigas niyang dibdib. Kinakabahan ako, wengya!

"Fondle me, baby. I don't mind."

Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong napalunok simula nang gumalaw ang kamay ko para maglakbay sa itaas na parte ng katawan ni Sir Rod. Hindi ko pinalagpas ang bawat detalye ng mga umbok niya sa tiyan at lahat ng iyon ay pinasadahan ko ng magagaang haplos.

Hindi ko sukat akalaing magiging ganito katindi ang epekto sa akin ng simpleng pagkarinyo ko sa katawan ng aking nobyo. Kaya naman nang marating ko ang kanyang pusod ay huminto na ako.

"Done?" tanong niyang sinuklian ko kaagad ng tango. "Great! It's my turn." Dahan-dahan ay bumalik siya sa pagkakapatong sa akin, ngayon mas ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

"You're literally giving me a hard time, Krisel..." bulong niya at halos mapatili ako nang marahan niyang kinagat ang punong tainga ko.

Nagsimulang gumalaw ang mga labi ni Sir Rod upang suyurin muli ang katawan ko. Talagang kakaiba ang bibig niya. Napakatalentado. Kahit anong pigil ko sa aking sarili ay kusang tumatakas ang mga mahihinang haluyhoy sa aking bibig.

"Let's do the third base," aniyang ikinataka ko. Hindi pa ba kami nagti-third base?

Inayos niya ang aking pagkakahiga at bahagyang pinaghiwalay ang aking mga legs. Wala akong ideya sa gagawin niya. Todo abang lamang ako sa mga susunod niyang galaw.

"Good thing you wore skirt today." Sinundan ng mga mata ko ang kamay niyang lumalakbay sa aking hita. Habang paangat nang paangat ang kanyang kamay ay paangat nang paangat din ang laylayan ng suot kong palda.

Hindi ako mapakali. Naiilang at kinakabahan ako. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko sa ginagawang ito ni Sir Rod.

"S-sir... h-hawakan niyo po ba 'yung—" Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang hawakan na nga ako roon ni Sir Rod. Gulat na gulat ako sa ginawa niya.

Ganito ba 'yung third base? Takte dapat pala hinugasan ko ito kanina nang maigi.

"What are you feeling?" tanong niyang tila isang doktor na nag-che-check sa kanyang pasyente.

Umiling-iling ako. Wala akong kakaibang nararamdaman, sa totoo lang. Bukod sa ilang at kaba ay wala na akong ibang nararamdaman. Wala naman kasing ginagawa ang kamay niya. Nakapatong lang naman iyon doon sa panty kong may drawing na Hello Kitty.

"I-ito na po 'yung third base?"

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sa tanong kong iyon. "Ito Krisel... ito ang third base..."

Mariin akong napapikit at napaliyad nang bigla na lang gumalaw ang kamay niya roon. Paikot-ikot... paikot-ikot... at paikot-ikot na rin ang tingin ko sa kakaiba na namang sensasyong naghahari sa loob ko.

Sa una ay mabagal lamang ngunit habang tumatagal ay pabilis nang pabilis ang galaw ng kanyang kamay.

"Uhh... S-sir! Ohhh... Bilisan mo pa po... Ahhh!" Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Nahihibang na ako. Hindi ko na makontrol ang aking sarili.

Katulad ng hiling ko ay lalo pa ngang binilisan ni Sir Rod ang galaw ng kanyang kamay. Animo'y may ritmo itong sinusunod na sumasaliw sa palakas nang palakas na mga daing ko.

"Uuhhh... S-sir Rod! Saglit lang po... N-naiihi na po ako oohh..." Pakiramdam ko anumang oras ay puputok na ang pantog ko kaya naman pilit kong inaalis ang kamay niya, ngunit hindi siya nagpapaawat, imbes na huminto ay lalo niya lang binibilisan ang ginagawa.

"S-sir Rod... Ahh... A-ano ba? Naiihi na po akoo... AHHHHHH!!!" Hindi ko na napigilang mapasigaw nang malakas nang hindi ko na rin napigil ang pagsabog ng kung anong likido mula sa aking loob.

Nanghina ang aking katawan at namungay ang aking mga mata nang dahil doon, ngunit sa kabila nun ay sinikap kong pasadahan ng tingin si Sir Rod na seryosong nakatingin sa akin habang lupaypay ako sa kanyang kama.

"Sir—"

"I'm sorry..." Walang lingong-likod ay bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Nächstes Kapitel