webnovel

CHAPTER 10: REVENGE?

MATAMANG mga titig muna ang ginawa ni Celina mula sa harapan ng mansyon ni Ashton-ang bahay na nagsilbing kulungan niya sa nakalipas na ilang buwan. Sa paraan nang pagbuntong-hininga niya'y tila nagdadalawang-isip pa siya kung tutuloy sa binabalak o magpapakalayo-layo na lang; malayong-malayo. Kung saan hindi na sila mahahanap pa ng mga Gamara.

Isinumpa niyang hindi na siya muli pang babalik sa lugar na ito, o kahit pa tumuntong sa harapan ng bahay na ito. Ngunit, heto siya ngayon. Facing the cursed jail once again...

"Just help me with this, Celina... At ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para makabawi sa pamilya niyo," sabi ni Al.

"Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na kaunting ugnayan sa mga Gamara! Please, leave us alone!"

"Celina, alam mong hindi maganda ang relasyon naming magkapatid, hindi ba? Maniwala ka sa'kin... I'm here to exchange deals. Not to give you another burden! Kung makikipagtulungan ka sa'kin, sasagutin ko ang pagpapagamot kay Tita Clara. I will send her abroad para mapabilis ang pagpapagamot sa kanya. Si Tito Ronald, hindi na siya mahihirapan pa sa trabaho. And even your family's credits will be down to zero the very moment na pumayag ka sa kasunduan. Ako na ang bahala sa lahat... J-just trust me with this. Okay?"

Sarkastiko siyang napangiti. Pang-ilang beses na ba niyang narinig ang mga pangakong ito mula sa pamilya ng mga Gamara? Muli na naman ba siyang aasa? At lolokohin din pagkatapos? Isusugal na naman ba niya ang buhay ng kanyang ina?

"Hindi mo man sabihin... I know you want revenge. Pero, hindi mo alam kung paano mo gagawin. Paano mo lalabanan ang makapangyarihang si Ashton? So, here's the deal... Babalik ka sa kanya at kumbinsihin siyang ibigay sa akin ang full authority ng kompanya."

"What?!" Halos malaglag ang kanyang panga sa pagkagulat sa sinabi nito. Nahihibang na ba ito?

"Iyon lang ang kailangan mong gawin, Celina."

"Iyon lang? As in LANG? Are you out of your mind?! Akala ko ba, alam mo ang mga pinagdaanan ko sa kanya? Pero, bakit ngayon ay gusto mo akong makipagbalikan sa kanya?"

"Iyon na nga, e! That's the perfect revenge, Celina!" Malapad ang pagkakangiti ni Al. Kita sa mga mata nito ang kasiguruhan ng mga plano nito.

"Look, may amnesia si Ashton ngayon. Wala siya sa tamang kondisyon na pamahalaan ang kompanya. He didn't even recognize anyone, nor memorize anything. Make him believe that you're his wife-well, totoo naman talaga-pero paniwalain mo siya that you both have a good relationship. Puweding-puwede mong i-introduce sa kanya ang kabaliktaran ng totoong relasyon na meron kayo. In that way, sakali mang bumalik na ang alaala niya, wala na siyang maipagmamayabang pa sa 'yo. Wala na sa kanya ang kompanyang nagiging dahilan nang kasamaan niya at dahil iyon sa 'yo. Ipamukha mong magdudusa rin siya ng dahil sa 'yo!"

"Ganyan ka ba talaga kagalit sa kapatid mo?" Iiling-iling na turan niya. Hindi niya mapaniwalaan ang lalaking ito. Kahit nga siya--sa kabila ng lahat nang ginawa nito sa pamilya nila--ay ni hindi sumagi sa kanyang isipan ang sukdulan itong paghigantihan. Oo. Gusto talaga niyang pagbayarin si Ashton sa lahat nang kasamaan nito't ipamukha ritong may limitasyon din ang kapangyarihan nito. Pero, hindi sa puntong nais mangyari ng kapatid nito.

"Correction, STEPBROTHER! And, it's not being bad on my part. I'm just returning the favor to you... dahil sa lahat ng mga nagawa niya sa family mo. At concern ako sa family business namin. It's a fare deal, Celina. So?"

"Siguruhin mo lang na gagawin mo ang lahat nang ipinangako mo."

"You have my word!"

Muli siyang napapikit nang mariin matapos maalala ang mga napag-usapan nila ni Al Gamara. Heto ulit siya. Muli na namang sumugal para sa pinakamamahal na ina. Kahit pa kasi kumayod siya sa pagtatrabaho umaga't gabi, hindi siya kaagad-agad na makakalikom ng sapat na halaga para tustusan ang series of chemotherapy nito. Isa pa, naisip din niyang wala nang mawawala pa sa kanila kung susugal siya. Ngunit, sa pagkakataong ito'y lalaban na siya at hinding-hindi na papasakop pa sa mga ito.

Tama na ang naranasan nila noon sa kamay ni Ashton. At isinusumpa niyang hindi na iyon mauulit pa.

"Ma'am Celinaaa!" Isang tili ang biglang gumulat sa kanya, dahilan upang matauhan siya.

Nakita niyang nagkukumahog ang matandang si Nanay Martha papunta sa gate ng bahay para pagbuksan siya. Malapad ang pagkakangiti nito't gayun din ang nakasunod na si Monica.

"Kumusta po kayo?" Hindi niya napigilan ang mapaluha nang muling makita ang mga ito. Dahil kung mayroon man siyang masasayang alaala sa bahay na ito, iyon ay dahil sa kanila.

"Masayang-masaya kami na nagbalik ka, Ma'am Celina!" ani Nanay Martha matapos siyang makapasok sa loob ng gate.

"Oo nga po, Ma'am Celina. Alam mo ba 'tong si Nanay Martha, may pa-surprise-surprise pang nalalaman!" pambubuska ni Monica, habang natatawa. "Sobrang excited po niya! Pagkasabi pa lang po ni Sir Al na darating kayo ngayon, halos hindi na iyan makatulog kagabe!"

"Ano po'ng surprise iyon?" Alam niyang hindi sasabihin ng mga ito kung ano iyon. Ngunit, nag-abala pa rin siyang magtanong. Halos wala na kasi siyang maapuhap na sasabihin dahil sa tuwang nakikita niya sa mga ito.

"Ano ka ba, Monica! Aba, syempre matutuwa ako na babalik na ulit siya dito sa atin. At sa pagkakataong ito... naniniwala ako na magiging maayos na ang lahat! At ang sorpresa, malalaman mo rin pagpasok natin sa loob. Hali'na kayo!" Pagkuwa'y iginiya na siya nito papasok sa loob.

Kanina pa niya napapansin na maaliwalas ang mukha ni Nanay Martha. Pansin din niya maging sa kilos ni Monica na maayos na ang pamamalagi ng mga ito dito sa mansyon. Hindi na sila katulad ng dati na ang bawat kilos ay may kalakip na takot at pagkatuliro.

MASYADONG tahimik sa loob ng mansyon pagpasok nila. Pero, pansin na kaagad niya ang ilang pagbabago roon. May ilang mga halaman na sa loob at napunan na rin ng mga sariwang bulaklak ang mga vases. Napakagaan na kaagad nang pakiramdam niya't hindi niya napigilan ang sariling mapangiti.

"S-si Ashton... alam ba niyang darating ako ngayon?" 'di niya napigilang itanong, nang mapansing wala sa paligid ang kanyang asawa. Medyo may kaba pa rin sa dibdib niya sa tuwing maiisip ang mga nakaraan niya sa bahay na ito sa piling nito.

Sandaling nagkatinginan sina Nanay Martha at Monica bago sabay na tumango. May halo ring pagkakilig ang mga ngiti ng dalawa.

"Syempre, alam po niya!" Tumitiling sagot ni Monica. Mistulang uod na binuhusan ng asin ang dalaga sa sobrang pagkakilig.

Lalo tuloy siyang napuno ng pagtataka. Kung sabagay, baka maganda na ang pakikitungo ni Ashton sa mga kasambahay nito dahil wala itong maalala.

"E, n-nasaan pala s-siya ngayon?"

"Ahhh..." Halos sabay pa ang mga itong nagtanungan ng tingin. Parang nagdadalawang-isip kung sasagutin ba ang tanong niya o hindi.

But, they was saved by the bell-este, saved by the noise pala! Bigla na lang silang ginulat ng malalakas na kalabog na nagmumula sa may harden ng pool area. May tila kung anong mga bagay ang bigla na lang nalaglag mula roon.

Pinanlakihan kaagad ng mga mata ang dalawa't nabalot nang matinding pag-aalala, habang siya naman ay napuno nang pagtataka.

Ngunit, bago pa man siya makapagbitiw ng anumang salita para itanong kung ano ang ingay na iyon, ay mabilis nang naglaho sa harapan niya sina Nanay Martha at Monica. Dali-daling tumakbo ang mga ito papunta sa pool area.

Naiiling na lang siyang napasunod sa mga ito. And to her surprise... nabungaran niya roon si Ashton. Nakasalampak ito ng upo sa may Bermuda grass at namimilipit sa sakit habang sapo ang kaliwang braso. Agad itong dinulugan ni Nanay Martha, habang si Monica ay nagkukumahog namang muling tumakbo papasok sa loob para kunin ang first aid kit.

Sandali siyang natigilan sa kinatatayuan. Para siyang biglang na-magnet doon at hindi niya magawang kumilos man lang para gumawa ng anumang hakbang. Tanging ang pagsiyasat sa hitsura ni Ashton ang umuukupa ng kanyang isip ng mga sandaling iyon.

Wala itong suot na pang-itaas maliban sa kulay yellow na bulaklaking apron, kaya naman kitang-kita pa rin ang matipuno nitong pangangatawan. Nakasuot din ito ng ragged maong pants na bahagya nang nangungupas dahil sa kalumaan.

Napakaguwapo nito!

'At ang hot niya!'

Isang kakaibang Ashton Gamara ang nakikita ng kanyang mga mata ng mga sandaling iyon. At hindi niya maintindihan kung matutuwa ba siya o ano.

"Naku, Ashton! Ano bang ginawa mo kasi?" Labis-labis ang pag-aalala rito ni Nanay Martha. "Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat ng bagay. Tinawag mo sana ang ilang kasambahay para matulungan ka..."

"Maalam naman ako sa pagluluto. At napakadali lang mag-ihaw ng karne," katwiran ni Ashton.

"Ngunit, bakit nangyari ito, aber?" pagalit pa ng matanda. "Halika muna rito't maupo tayo ng maayos para magamot kaagad iyang paso mo."

"N-nais ko lang namang ipaghanda ng pagkain ang aking asawa... Ngunit, h-hindi ko kasi alam kung papaano gamitin ang bagay na iyon..." Itinuro nito ang tong na nasa Bermuda grass. "B-bigla na lang itong l-lumipad nang subukan kong hawakan at gamitin ito kagaya nang nakikita kong ginagawa ninyo."

"Haaay..." Sandaling natigilan ang matanda at matamis na sinulyapan si Celina.

Nabigla naman siya sa mga narinig at pakiramdam tuloy niya'y pinamulhan siya ng mukha.

"Ashton, narito na ang iyong asawa!" Masayang pagbabalita ng matanda rito't mabilis siyang itinuro. Na agad namang sinundan ng tingin ng lalaki.

...to be continued

Nächstes Kapitel