webnovel

Chapter 18 : Ferris Wheel

NICE'S POV

"pre okay ka lang ba?"

Nandito kasi kami ngayon sa kwarto namin, sa guest room nila Kasey to be exact, kakatapos lang namin kumain pero heto si Hanz di pa rin ata busog dahil kumakain na naman.

Noong sinabi nila Denise sa amin ang tungkol sa bakasyon na ito ay nag dalawang isip ako kung sasama pa ba ako o hindi dahil paniigurado naman na maiilang ko kapag nandyan si Kasey, ngunit nanaig ang pagnanais kong makita sya. Sa nakalipas kasi na halos dalawang linggo ay pakiramdam ko isang taon na ang lumipas, parang napaka bagal ng oras na yung humantong na ako sa puntong kung pwede ko lang hatakin pabilis ang oras ay ginawa ko na para makita ko na sya uli.

"muka bang okay yan, tingnan mo nga tulala na naman" saad ni James

"iniisip na naman nyan si Kasey" sabi ni Claude saka nakisalo sa pagkain ni Hanz

"na basted kasi kaya ganyan" mapang asar na sabi ni Kris

"pwede ba manahimik kayo dyan, ang ingay nyo" iritable kong sabi

"at saka ikaw Hanz, Kris at Claude bakit nandito kayo, hindi ba doon sa kabila ang kwarto nyo" dugtong ko

"bakit masama bang tumambay sandali dito?" painosenteng tanong ni Hanz

"tumambay?, eh kumakain lang naman kayo, dun na lang kayo sa kwarto nyo" inis kong sagot

"ang sungit mo naman, pinagtatabuyan mo na ba kami" saad muli ni Hanz na ngayon ay nakakapit na sa braso ko

"bitawan mo nga ako, kadiri ka ah!, dun na kasi kayo sa kwarto nyo at matutulog na ako" sabi ko matapos sya itulak pabalik sa iba

"aray ah" pag arte nito na tila nasaktan ngang talaga kahit hindi naman kalakasan ang pagtulak ko

"bumalik na kasi kayo sa kwarto nyo bago pa kayo maitapon ni Nice sa kung saang lupalop ng mundo at kung mahal nyo pa ang buhay nyo" pabirong banta ni Vincent sa tatlo

"ito na nga babalik na sa kwarto namin, hmmmp! Buti pa sila KASEY di kami sinusungitan!" padabog na sabi ni Kris at saka sila lumabas.

Alam ko na naman na sinadya nya talaga na ipagdiinan ang pangalan ni Kasey para asarin ako.

"Ano ka ba naman Nice wag ka nang malungkot dyan, sigurado naman kami na gusto ka din ni Kasey, di ba James?" saad ni Vincent habang tinatapik ako sa balikat

"ha?!, ah oo naman, malaki ang posibilidad na magustuhan ka nya" pag sangayon ni James

"ang gwapo mo kaya" sambit ni Vincent

"oo nga, gwapo ka" panggagatong ni James

"saka, matangkad at matalino ka" dagdag pa ni Vincent

"mabait ka" pagdadagdag pa ni James

"masungit ka" nakangisi na sambit ni Vincent

"suplado ka" sambit ni James

"pikon ka" dagdag muli ni Vincent

"mabilis uminit ang ulo mo" mapang-asar na sambit ni James

"Teka nga!, dapat ba akong matuwa o hindi sa pinagsasasabi nyo?, yung tunay pangaasar ba yan o papuri" inis kong sambit sa dalawang nilalang na ngayon ay nasa harapan ko

"matuwa ka kasi papuri iyon" sambit ni James bago muling ibaling ang tingin sa librong binabasa

"ewan ko sa inyong dalawa, pinaalis ko na nga yung tatlo dahil ang ingay tapos pati ba naman kayong dalawa?, pwede ba magpatulog naman kayo ng tao" litanya ko

"magpatulog ng tao?, bakit tao ka ba?" pang aasar ni Vincent

"Isa pa Vincent at ihahampas ko na yung upuan sayo!, pagod na ako kaya matutulog na ako" sambit ko saka ako nahiga sa higaan

"pagod?, eh wala ka ngang ginawa buong maghapon kundi ang kumain, hindi mo nga kami tinulungan kanina na mag linis at maghugas ng mga pinagkainan" sumbat nito

"pagod ako, maghapon din kaya tayong naglakad at namasyal sa kung saan saaan" reklamo ko naman

"kaya kung pwede tumahimik ka na, kung ayaw mong itapon kita dyan sa bintana palabas" banta ko sa kanya

"kanina hampasin ng upuan, ngayon itapon palabas, ano ba talaga" saad pa nito

"Isa pa talaga Vincent!" inis kong sabi habang nakasubsob ang aking muka sa unan

"Isang ano?"

Aba't talagang nang aasar talaga ang kapre na ito ah!.

Kaya naman bumangon ako mula sa pagkakadapa sa higaan at saka sya titigan ng mapanlisik.

"sabi ko nga tatahimik na ako, sige na matulog ka na" sabi nito matapos mapaatras sa ginawa ko

Pero kahit na anong pilit kong matulog ay hindi ako makatulog, sa tuwing pinipikit ko kasi ang mga mata ko ay nakikita ko ang larawan ni Kasey.

Vincent's POV

"Guys bilisan nyo! Ang haba na ng pila oh!" sigaw sa amin ni Cherry

Nasa amusement park kasi kami ngayon, at dahil nga ika-24th na ng buwan ay napaka dami ng tao dito ngayon. Kaya naman inagahan na namin ang pag punta para masulit namin ang mga rides, sayang nga lang dahil hindi si James pwede sa mga extreme na rides dahil sa sakit nya, yun pa naman ang masayang sakyan. Kaya ayun si Denise hindi na rin sumasama sa amin sa pagsakay sa scream machines.

"makakasakay ka naman dyan kaya wag kang atat!" balik na sigaw ni Kris ang boyfriend nito

"bilisan nyo na kasi! Last na ride na to bago tayo umuwi, dali na ang haba na kaya ng pila kaya tara na" pagmamaktol nito

"alam nyo ba, nabasa ko sa internet kanina na may myth sila about dyan sa ferris wheel na yan" dagdag nito

Last na ride na nga namin ito, dahil halos maghapon na kami dito at kailngan namin umuwi ng maaga para sa Christmas eve party mamaya.

"ano naman yun?" tanong ni Hanz

"na kapag daw ang mag boyfriend at girlfriend ay sumakay sa isa mga gondola ng ferris wheel at nag kiss kapag nasa tutok na ito ay magiging strong at panghabang buhay na ang relationship nila" kinikilig nyang paliwanag

At ng dahil sa sinabi nito ay nagkatinginan kaming pito, ako si Denise, Cherry, Hanz, Claude, James at Kris; at sa isang tingin lang ay alam na kaagad namin kung anong iniisip ng bawat isa.

Yun ay ang mapasakay si Kasey at Nice sa iisang gondola, para naman sumaya na ang buhay pag ibig nila, alam naman namin na mahal nila ang isa't isa. Kaso ang dalawang yun na bida sa istoryang ito ay ayun hindi pa rin nag uusap magpa hanggang nagyon. Kaya bilang mapagmahal na kaibigan ay kami na ang gagawa ng paraan.

Habang papalapit kami ng papalapit sa pag sakay sa gondola ay mas lalo naman akong nae-excite sa plano namin.

"boys alam nyo na ang gagawin nyo ha" bulong ni Cherry sa amin

"oo" bulong din namin

"anong pinag uusapan nyo?" sambit ni Nice na gumulat sa amin

"h-ha?, w-wala lang yun" nauutal na sabi ni Kris

"talaga?" may pagdududa na tanong nito

"wala nga yun, pinag uusapan lang namin na sila Cherry at Kris, James at Denise ay sibang gondola sasakay to give them time for each other saka para may romantic moments sila dito" kuwaring paliwanag ko

"okay" walang buhay nitong sagot bago bumalik sa pwesto nya kanina

At lahat kami ay napabuntong hininga na lang sa biglaang pangyayari.

"Next!" sigaw nung operator

"uy guys tara na" sambit ni Cherry

At dahil kami na ang next, we proceed to our plan.

"Nice!" sambit naming mga lalaki saka sya hinila at tinulak papasok sa gondola.

"We love you Kasey, pero sorry" sambit nila Denise matapos nila itong itulak papasok sa gondola.

"Sir you may close it now!" mabilis na sigaw ni Hanz sa operator.

"HOY!, kayo!!"

Sigaw ni Nice na balak na sanang lumabas pero huli na kasi naisara na ng operator ang pinto at saka umaandar na din ito paitaas.

Mission Complete!. Kita namin ang naging reaksyon ng dalawa at halata sa kanila ang sobrang pagka-ilang pero kailangan na talaga namin tong gawin.

Sumunod na kaming sumakay sa sumunod na gondola at yung mag boyfriend-girlfriend naman na sina James at Denise, Cherry at Kris ay sumakay na rin sa gondola, nag tig-isa sila para daw may privacy, samantalang ako ito kasama si Hanz at Claude.

Sayang lang at wala dito ang girlfriend turned fiancee ko na Crystal, nasa ibang bansa kasi ito ngayon dahil gusto ng parents nya doon nito ipagpatuloy ang pag aaral nya. Fixed marriage man ang dahilan ng pagiging engaged namin ngunit di ibig sabihin noon ay di namin mahal ang isa't isa, magkababata kami and through out the years I started to fall in love with her so did she kaya ayos lang sa amin ang naging desisyon ng parents namin.

Teka!,bakit ko ba kinukwento ang buhay ko samantalang ang focus ko naman sa ngayon ay ang dalawang bida na sentro sa kwentong ito.

"HOY! Ano ba kayong dalawa para kayong butiki dyan!"

Saway ko kay Hanz at Claude na halos makipagpalitan na ng muka sa glass na pader ng gondola. Tahimik man si Hanz sa school pero pag magkakasama na kami ay lumalabas ang kakulitan nito, tulad ngayon.

"tinitingnan kasi namin ang ganap kila Nice" s

Sabi ni Hanz na nakadikit pa din ang muka sa glass wall at nakatingala sa kung saan naroon ang gondola nila Nice.

"para namang makikita mo ang nangyayari doon sa ganyang lagay mo, maupo na nga lang kayo dahil ako ang nahihirapan para sayo eh" muli kong saway sa kanila

Ilang sandali pa ang lumipas at nakarating na din kami sa tutok at mula dito kitangkita namin ang ganda ng tanawin, hay naku, sana lang talaga nandito si Crystal.

Yung dalawa kaya naming love birds kamusta na?, ginawa kaya nila yung sinabi tungkol sa legend ng Ferris Wheel na ito?, eh sila Nice kaya?.

"UY! Tama ba yung nakikita ko?!, Tingnan nyo si Nice at Kasey!!!"

Sigaw ni Hanz na kasalukuyang nakatingin sa gondola na nasa unahan namin.

Matatanaw kasi mula dito ang laman ng gondola na nasa unahan namin dahil glass din ang bubong nito.

At ano itong tanawin na nakikita ko? Mission accomplish na nga ba o mission failed kami?.

NICE'S POV

Ano nang gagawin ko?, ang awkward na talaga ng sitwasyon namin ni Kasey, ano ba kasi ang naisip ng mga yun at ginawa nila to?.

"k-kamusta ka na?" nauutal kong tanong

"ha?, o-okay lang naman, ikaw?" nauutal ding sagot ni Kasey

Halatang nai-ilang sya sa sitwasyon namin. Pero bakit nga ba naisip ko na kamustahin sya? Eh magkasama naman kami since nag umpisa ang bakasyon na ito, though this was our first conversation since that day.

"okay lang din ako" sabi ko habang nakatingin sa tanawin sa labas

"ganun ba" mahina nyang sagot habang nakatingin din sya sa labas.

Maaaninag kasi sa salamin ang repleksyon nya kaya nakikita ako kung ano ang reaksyon nya. Kaya naman hindi ko mapigilan na titigan sya mula rito.

Ilang segundo o minuto pa ang lumipas at pawang ang nakakabinging katahimikan lang nananaig, nasa tuktok na din kami at isang di inaasahang pangyayari ang hindi ko namalayan na nagaganap na pala sa kasalukuyan.

Nächstes Kapitel