webnovel

Fated to Love Her [Tagalog]

Autor: NihcRonoel
Allgemein
Abgeschlossen · 174.3K Ansichten
  • 37 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

CLICK HERE FOR THE ENGLISH VERSION: https://www.webnovel.com/book/sabotaging-my-walkout-queen-%5Benglish%5D_18712652606854505 THE 3D RIVERA SIBLINGS SERIES #2 [VOLUME 1 COMPLETED] “How long do you have to convince yourself that you don’t love her anymore?” David believed to have been hurt by the same woman twice, leaving him with no other option but to hate her for the succeeding days of his life.

Tags
3 tags
Chapter 1The Start Of Rivalry

David's P.O.V.

Final school year na!

Isang taon na lang ang gugugulin namin dito sa St. Augustine's Academy pagkatapos ay magko-kolehiyo na kami. Syempre bago mangyari 'yon, kailangan ko munang masungkit ang pinakamataas na titulo: ang maging class valedictorian.

Sabi naman ng class adviser namin ay hindi ako mahihirapan dahil base sa aking mga marka mula una hanggang ikatlong taon ay ako ang nangungunang estudyante para sa karangalan. Nakakatuwa lang dahil kapag nangyari 'yon ay magkakaroon ako ng full-scholarship grant sa kolehiyo kaya hindi na mahihirapan si Ate Diane sa aking pang-matrikula. Pitong taon pa lang ako nang mamatay ang aming ama at simula noon ay naging sakitin na ang aming ina, kung kaya't si Ate Diane na ang halos umako ng lahat.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang makarating ako sa silid-aralan. Umupo agad ako sa tabi ng kasintahan kong si Vanessa at pilyong sinundot ang kanyang tagiliran. Bukod sa aking pamilya, isa rin siya sa mga inspirasyon ko at lagi akong pumapasok nang maaga dahil sa kanya.

Akalain niyo bang ang famous cheer leader ng St. Augustine's Academy ay girlfriend ko? Syempre, gwapo eh! Kaya perfect match kami.

Nagtaka ako nang hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng hawak niyang libro. Pagtingin ko sa cover nito ay agad na nangunot ang aking noo.

Walastik! Sixty Shades of Grey?

"Hey, Dave! Ano ba? Nakita mong nagbabasa 'yong tao eh," bakas sa boses niya ang pagkagulat nang bigla ko na lang hablutin 'yong libro niya.

"Ano ka ba naman, Vanessa? Bakit ganitong klase ng mga libro ang binabasa mo? Bawal ito rito ha! You're violating our school rules. 'Yong assignments mo, nagawa mo na ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Akin na nga 'yan!" sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay pilit lang niyang kinukuha 'yong libro na pilit ko rin namang itinataas gamit ang kanang kamay ko. "Hay naku! Ang hirap talaga 'pag may matalinong boyfriend, hmp!" narinig ko pang bulong niya. Dahil nga hanggang tainga ko lang si Vanessa, sabihin man nating matangkad din siya sa taas na 5'5", ay hindi niya ito maabot-abot dahil mas matangkad pa rin ako sa kanya. At sixteen, I already stood at 5'8".

Natigil kami sa pag-aagawan ng libro nang pumasok sa aming silid si Mrs. Cheng. Agad kong nilagay sa loob ng bag ko 'yong libro habang si Vanessa naman ay tila umuusok pa rin ang ilong sa tindi ng inis sa akin.

"Okay class, good morning!" panimula niyang bati.

"Good morning, Ma'am!" sagot naman namin.

"So this is the second day of your class and of course, your final year in high school. Ngayon pa lang, I would like to congratulate all of you for making this far lalo na 'yong ating mga running for honors."

I smiled widely. We were forty students in section one and half of the class were currently running for honors, but of course, I was the only one who ran for the valedictorian title.

Well, who else?

"Bibig mo, mapapasukan na ng langaw sa sobrang laki ng ngiti mo!" patutsada ni Vanessa. Binigyan ko lamang siya ng isang nakakalokong ngiti na sinabayan ko ng kindat. Ang sarap talaga niyang asarin kapag nagtataray siya.

"But for the meantime, I would like to introduce to you your new classmate," tumingin si Mrs. Cheng sa labas ng pinto at sinenyasan ang kung sino mang naroon sa labas. Hindi ko alam pero parang bigla na lang akong kinabahan.

Sukbit ang pulang knapsack sa parehong balikat, pumasok naman ito nang dahan-dahan... ngunit tila ba nag-aalangan kung papasok ba talaga siya.

"She is Ms. Helena Delgado, from St. James Catholic School. It's obvious that she was a transferee here so be kind to her, okay? Hija, would you like to say something about yourself? Maybe a little introduction would help your classmates get to know you."

Hindi naman maitatangging maganda siya, pero 'di hamak na mas maganda at sexy pa rin si Vanessa. 'Yon nga lang, dahil sa eye glasses ni Helena ay nagmukha siyang matalino, pero alam kong hindi pa rin niya ako matatalo.

I smirked.

Kailan ba naging valedictorian ang transferee? Wala pa akong nababalitaang may gano'ng nangyari.

"H-Hi, everyone. I'm H-Helena Mari Delgado. I'm fifteen years old. I came from St. James Catholic School. I'm a bookworm¹ and I love to spend time with my family," pakilala ng transferee.

"Thanks, Ms. Delgado. You can sit at the back of Mr. Rivera," tinuro ni Ma'am 'yong likuran ko at doon nga umupo si Helena. Ibang klase rin naman 'tong babaeng 'to. Hindi halatang bookworm siya, mas mukha pa nga siyang couch potato² kung tatanggalin lang 'yong eye glasses niya.

"And by the way, class... Ms. Delgado was a consistent top one student from first year to third year. So I think, you already found your competitor in getting the valedictorian title, David." Mrs. Cheng was sincerely smiling at me but I found it a little bit awkward. Her smile was saying that I should study harder than usual.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napayuko. Hindi naman ako gano'n sa tuwing kinakausap ako ni Mrs. Cheng.

Am I intimidated sa nalaman kong ang one hundred percent probability na ako ang magiging class valedictorian ay magiging fifty percent na lang? Hindi ako usually naiinis sa babae, pero bakit kasi kinailangan pa niyang mag-transfer dito?

"Buti nga!" Narinig kong sabi ni Vanessa. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong didila-dila pa siya. Siya naman ngayon ang nang-aasar.

Hindi ko ito pinansin at wala sa sariling napalingon ako kay Helena. Hindi namang inaasahang nagtama ang aming mga mata. Agad naman akong bumawi ng tingin pero sa sandaling pagtititigan namin, hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa kanya para mag-isip ako nang ganito. Ewan ko ba, siguro ay dahil nagandahan lang ako sa berde niyang mga mata.

Teka, nagandahan? Hindi 'no! Para ngang peke 'yong mga mata niya eh... baka nga naka-contact lens lang siya. Kaso ano namang gamit ng eye glasses niya? Props lang? Tsk, bakit ko ba iniisip 'yon? Napailing na lang tuloy ako.

Nagsimula ang aming klase ngunit hindi nagtagal ay tumunog na rin ang school bell. Hudyat 'yon na break time na - ang favorite subject ng karamihan. But not for me, it was my least favorite. Gusto ko, mag-aral lang.

Yayayain ko sanang kumain ng tanghalian si Vanessa, pero tumanggi at nagmamadali siyang lumabas ng aming silid dahil may practice pa raw sila ng sayaw. Wala naman akong magagawa kung hindi ang kumain ulit mag-isa.

Bago ako naiwang mag-isa ay nakita ko pang kalalabas lang ni Helena. Agad kong inayos ang mga gamit ko, sinukbit ang knapsack sa kanan kong balikat at nagmadaling lumabas ng silid para habulin siya. Hindi ko akalaing mabilis siyang maglakad kung kaya't nilakihan ko rin ang aking mga hakbang.

Teka... bakit mo naman siya hahabulin, Dave? Eh 'di ba nga, naiinis ka sa kanya? Tanong ng aking konsensiya.

Pero hindi ko ito pinakinggan.

"H-Helena, s-saglit!" tawag ko. Huminto naman siya pero hindi lumingon sa akin. Dahil doon ay agad akong pumunta sa harapan niya para makapag-usap kami nang maayos, "I-Itatanong ko lang sana kung b-bakit ka nag-transfer?"

Bahala na, curious ako eh! Pero ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano ang itatanong ko.

Tahimik lamang niya akong tinitigan pagkuwa'y huminga nang malalim bago siya nagsalita, "It was my father's decision." Matipid at walang emosyon ang sagot niya pagkaraa'y nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Hindi ko na siya hinabol pa. In the first place, I didn't even know the reason why I suddenly rushed to start a conversation with her... and the way she responded to me? Parang ayaw niyang makipag-usap, ayaw niyang makipag-close at ayaw niyang makipag-kaibigan sa akin. It seemed like she built a wall, all of a sudden.

Makipag-close at makipag-kaibigan talaga ha? Did I really say those things? Stupid!

Hindi ko namalayang inihatid na pala ako ng mga paa ko malapit sa stage ng buong campus kung saan nakita ko ang mga cheer dancer na nagpa-practice ng kani-kanilang steps. Hinanap ko si Vanessa pero wala naman siya sa mga iyon... hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip siya ng mga mata ko na nasa isang sulok kausap si Drew. Hindi ako maaaring magkamali dahil si Vanessa lang ang may pulang buhok sa mga cheer dancer.

Si Drew naman ang isa sa mga sikat na varsity player ng school. Lahat ng laban ng basketball, sa loob at maging sa labas ng campus, ay lagi nilang napapanalo. Captain ball na maituturing, pero mahina naman ang ulo pagdating sa academics. Ang alam lang niyang gawin? Puro pa-pogi.

Hindi ako seloso pero bakit parang may mali? Niyaya ko si Vanessa para sabay kaming mag-lunch pero tinanggihan niya ako, pagkatapos ay makikita ko siyang kumakain dito kasama si Drew? At masaya pa talaga silang nagtatawanan habang nagku-kwentuhan ha? Tawang kailanman ay hindi ko nakita sa tuwing kaming dalawa ang magkasama.

At dahil sa hindi ko nagustuhan ang tanawing nakita ng dalawang mata ko, agad akong umalis sa lugar na 'yon at tinahak ang daan papuntang canteen para kumain. Marahil ay gutom lang ako at pagkain lang ang sadyang makapagpapawi sa kung ano mang nararamdaman ko ngayon.

Gutom ka lang, Dave. Huwag kang seloso! Mas gwapo ka ro'n!

Bago ako makarating sa canteen ay madadaanan ko muna ang Music Room. Dito nag-eensayo ang mga estudyanteng kasali sa Music Club, o ang mga estudyanteng sadyang gising nang magsabog ang langit ng talento sa musika.

Lalagpasan ko na sana 'yong Music Room nang may marinig akong nagpi-piano sa loob, mamayamaya pa ay may kumakanta na...

I couldn't remember when did the last time I saw your face

You were always proud of me, afraid of letting me go, but I walked away

If only I cherished the time you were still with me, ooh ooh

Maganda at nakakaakit pero bakas ang lungkot sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero nanatili lang ako sa pinto upang patuloy na makinig.

How I wish that I could turn back the time and hold you in my arms

Only you could take the sorrows and forgive all of my mistakes

But there was nothing I could do right now

No matter how much I wanted to hear your voice again

You were already gone, you left me... you left me now...

And you would never be here again even how many times I begged God for you to come back

Medyo gumagaralgal na ang kanyang tinig, hindi naglaon ay tila umiiyak na siya habang umaawit.

Oh, I'm sorry for envying you

For everything that happened to us

And I've blamed myself since the day you were gone

Huminto siya sa pagkanta at naulinigan ko na lang na parang nagmamadali siyang lumabas sa exit door. Wala sa sariling binuksan ko ang entrance door ng Music Room at tinakbo ang kabilang bahagi nito kung nasaan ang exit door, pero hindi ko na naabutan pa kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

I guessed, I was just too curious. Ang ganda kasi ng boses niya and this is my first time to hear that song... parang self-composed.

Dumiretso na lamang ako sa canteen para kumain at sa isang sulok niyon ay nakita ko si Helena na tahimik lang na kumakain habang may binabasa o pinapanood sa kanyang tablet computer - marahil ay e-book version ng kung ano mang gusto niyang basahin o isang pelikula sa Netfilms.

Napansin ko namang tila naluluha siya habang seryosong nakatingin doon. For that, I frowned.

Was she reading a romance novel or watching a tragic film that seriously, for her to become too emotional?

Nagulat pa ako nang makita kong tila pumatak ang luha niya. Dahil doon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad ko siyang nilapitan at wala sa sariling inabutan ng panyo.

Tumingin siya sa akin at tila nag-isip pa kung kukunin ba niya ang panyo ko. Matagal pero kinuha rin naman niya 'yon at habang pinupunasan niya ang kanyang pisngi ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makita nang bahagya ang screen ng tablet niya, at doon ko nalamang tungkol sa Theory of Reactance³ in Psychology lang pala ang binabasa niya. Napabuntong-hininga tuloy ako. Akala ko naman ay kung ano na.

'Yon ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak? Kung 'yon nga, parang ang babaw naman yata.

"Thank you," sabi niya sabay abot sa akin ng panyo ko. Hindi pa man niya natatapos 'yong kinakain niya ay inayos na niya ang mga gamit niya, sinukbit ang knapsack sa kanan niyang balikat at nagsimula na siyang lumakad palayo.

"Wait... H-Helena!" tawag ko sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay hinabol ko siya. Inabutan ko naman siya sa labas ng canteen.

Mabuti na lang at walang gaanong tao kahit lunch time namin. I had a girlfriend and I didn't want to hear any gossips related to Helena that would make Vanessa jealous.

Huminto si Helena at humarap sa akin, pero agad lang niyang itinaas ang kanang kamay upang senyasan at pigilan ako sa ano mang aking sasabihin...

"Please, Mr. Rivera... stop! I don't know about your motives, but I'm pretty sure that what you think of me is a threat to you. Don't talk to me, okay? Frankly speaking, I don't want to do anything with you so please leave me alone! Just... just stay away from me. Consider me as your rival from now on!"

_________________________

¹Bookworm is a person who likes to read books and who spends a lot of time reading and studying.

²Couch Potato is someone who spends a lot of time sitting and watching television.

³Reactance is a motivational reaction to offers, persons, rules, or regulations that threaten or eliminate specific behavioral freedoms. Reactance occurs when a person feels that someone or something is taking away his or her choices or limiting the range of alternatives.

Reactance can occur when someone is heavily pressured to accept a certain view or attitude. Reactance can cause the person to adopt or strengthen a view or attitude that is contrary to what was intended, and also increases resistance to persuasion. People using reverse psychology are playing on at least an informal awareness of reactance, attempting to influence someone to choose the opposite of what they request.

Das könnte Ihnen auch gefallen

A Kiss For Sky

He got the looks and money, he's also sporty, intelligent, talented-almost perfect. Girls are head over heels with him, but he only sees one woman. Sky Abellera, the person you would love to have for the rest of your life, the person who can't take seeing a woman in agony, the person who doesn't know what negativity is not until something bad happened. There, his life started to change. He was once a jerk. He's taking advantage of his almost perfect feature. He only dated those women who just loved to play with him. But among all, Sun Abellera has an undying love to his parents and his twin. When it comes to selflessness, Sun is number one on the list. She, who hides her real self. She, who has a secret reason why she transferred to another school. Hillary Aeiou Gomez, the person Sky has been wanting to befriend. Hillary is very loyal when she's in love, but falling in love with her is a big no-no, she will surely never get out of your head and you'll end up chasing her again and again. She was bullied in the past and was fond of being alone, but all thanks to her prince charming for saving her in her doom-world. She then became a happy-go-lucky person, Veia Jane Garcia, who's always been the reason for other girls' jealousy because of her closeness to the Abellera twin. But, as she comes along with them, two hearts will beat for her, but only one can win her heart. On the first stanza of the song, 'Born For You', it says, too many billion people, running around the planet. But, of all the people in the world, what will you do if you end up loving the person your sibling owned? In this story, people will be played by love and friendships will be shaken. But, who will experience the mirthfulness? Those who found who their hearts beating for? And, who will be in melancholy? Those people who end up having a broken heart? Or, the person who tasted Sky's lips is the one who will experience both?

eommamia · Allgemein
4.6
83 Chs