webnovel

Chapter 374

Pagkatpos namin mag-usap ni Zaida tungkol sa kasal namin ni Martin, napagpasyahan naming magmeryenda sa labas.

"Anong order mo?" tanong ni Zaida sa akin. Parehas na kaming naka upo sa isa sa mga restaurant na malapit sa shop niya.

"Carbonara nalang sakin saka iced tea tapos samahan mo ng garlic bread," order ko bago ko binalik yung menu sa waiter na naka tayo sa gilid ng lamesa.

"Sakin lasagna, samahan mo na rin ng orange juice," sabi ni Zaida saka niya nginitian yung waiter na pagkatapos inulit yung order namin saka umalis.

"Ikaw magbayad nito ah," sabi ni Zaida nung bumaling sakin.

"Bakit ako, di ba ikaw nagyaya kaya ikaw dapat magbayad?"

"Grabe ka naman Michelle, sa pagkakatanda ko di ka naman Ilokano pero bakit napaka kuripot mo," irap ni Zaida sakin.

"Hello di ako nagkukuripot talagang wala akong pera, baka nakakalimutan mo wala akong trabaho at isa lang akong palamunin ng pinsan mo," paalala ko sa kanya.

"Bakit di ka binibigyan ng pera ni Martin?" gulat na gulat na sabi ni Zaida na halatang di makapaniwala.

"Binigay niya yung card niya sakin pero naiwan ko sa bahay," pang-aasar ko kay Zaida dinilaan ko pa siya para tuluyang asarin.

"Grabe ka, di ako makapaniwala na iniwan mo yun. Akala ko pa naman makakapag shopping ako ngayon ng walang gagastusin kasi bibigyan mo ko ng bonus kasi sa magandang preparation ko sa kasal niyo, tsk...tsk..." napapa-iling na sabi ni Zaida.

"Tigilan mo nga ako, imposibleng wala kang kinita noh at saka dapat ikaw talaga manlibre sakin kasi good customer mo ko."

"Good customer, eh two years yung naging preparation ng kasal niyo dapat nga charge ko pa kayo sa storage fee ng gown niyo at mga gamit."

"Ganun? Wait tawagan ko si Martin at sabihin ko nagrereklamo ka,"

"Ikaw naman pinsan di ka mabiro," lambing ni Zaida sakin.

"Waiter!" sigaw ko.

"Bakit kulang pa yung inorder mo?"

"Take-out ko si Martin,"

"Kapal ha!"

"Haha...haha...!" tawa lang yung isinagot ko kay Zaida at kahit iniirapan niya ko omorder parin ako para kay Martin. Maaga pa kasi kaya naisip ko na ako nalang yung pumunta sa office niya para sunduin siya.

Isa pa busy si Zaida kaya ayaw ko naring tumambay sa shop niya kaya si Martin nalang yung guguluhin ko para maaga rin kami maka uwi.

"Ingat ka sa pag-drive!" paalala ni Zaida sakin nung paalis na ko.

"Thanks sa uulitin!" sagot ko sa kanya bago ko pinaandar yung sasakyan.

Pagdating ko sa building ng Casa Milan agad akong lumapit sa receptionist para mag register as visitors. Ayaw ko naman kasing sabihin na asawa ako ni Martin kaya sumunod parin ako sa protocol ng building.

"Good Afternoon, sa President office ako," sabi ko ng makalapit ako sa reception area, sabay abot ko sa ID ko. Dahil nga kilala naman na ko bilang trabahador dun at alam nilang personal akong kilala ni Martin di na siya masyadong nagtanong at binigyan ako kagad ng pass.

Pagdating ko sa floor kung saan naroon yung office ni Martin ang dinatnan ko lang dun si Xandra kasama yung dalawang bagong assistant secretary ni Yago.

"Ma'am, Good afternoon," magalang na sabi ni Xandra sakin nung makita niya ko.

"Tigilan mo nga yang formality mo sakin," pagbibiro ko sa kanya kasi kahit papano di ako sanay, isa pa GF siya ng kapatid ko at kung sakaling sila ang magkakatuluyan magiging maghipag kami kaya kung pwedi ayaw ko ng maging formal siya sakin di naman ako yung Boss niya.

"Wala po si Sir nasa meeting pa po sa board room," sabi ni Xandra, di nga niya ako tinawag na Ma'am pero pino-po parin niya ako.

"Hintayon ko lang siya dito," sabi ko saka ako umupo sa mahabang upuan kung saan yung waiting area ng bisita kung sakaling gustong maka usap si Martin.

"Dun nalang po kayo sa loob ng office, tara po!" sabi ni Xandra bago niya binuksan yung pinto ng opisina ni Martin at dahil nga sa tingin ko wala namang masama kung dun ako maghihintay sumunod ako kay Xandra.

"Drinks po?" offer niya sakin.

"Okay na ko, katatapos ko lang magmeryenda. Gawin mo na yung trabaho mo," sagot ko kay Xandra bago ako umupo sa sofa sa office ni Martin. Pagkarinig niya ng sinabi ko agad na din siyang lumabas at iniwan na kong mag-isa.

Gaya dati wala namang pinagbago yung opisina ni Martin maliban sa nawala yung dating table na ginagamit ko nung pumapasok ako dun. Habang hinihintay siya naisip kong magmasid sa opisina niya, pumasok ako sa resting room niya at nag-ikot ikot at dahil wala naman akong napansing nagbago muli akong umupo sa sofa.

Napabaling yung tingin ko sa office table ni Martin gaya sa bahay tambak rin iyon ng mga papel. Naalala ko yung picture ko na naroon sa table niya kaya lumapit ako dun pero laking gulat ko kasi nadagdagan yung picture frame sa table niya. Ang nadagdag is yung wedding photo namin, parehas kami dung naka ngiti at halatang masaya. Di ko tuloy mapigilang mapangiti rin nung maalala ko yung panahong iyon.

Naupo ako sa executive chair ni Martin at dahil sa curiosity ko kung ano yung trabahong ginagawa ni Martin, tiningnan ko yung folder na nakapatong sa lamesa niya.

Report iyon tungko sa Casa Milan Subic yung nasunog dahil sa maling materials na ginamit and according sa report nalugi yung company ng halos ten million at lumalaki pa yun kasi nga di parin siya operational hanggang ngayon and naka state din sa report na hanggang nagyon di parin iyon nagagawa kasi nga walang project manager ang gustong humawak dahil nga sa issue ng negligence.

Bigla tuloy akong napa-isip tungkol sa narinig kong usapan kanina sa elevator na gusto daw ng board member na bayaran ni Martin yung lost kasi nga kapabayaan niya daw yun as President kaya yun nangyari at hanggang nagyon di ako dun makapaniwala.

Nächstes Kapitel