webnovel

Our Home

"Anong sabi mo?" tanong ni Martin kay Lucas na may halong paninindak.

"Wala akong sinasabi Caz," inosenteng tanggi ni Lucas na nagsimula ng kumain.

"Pagpasensyahan mo na Michelle yung preparation namin ha, limited kasi yung oras pero hayaan mo inaayos ko na yung formal wedding niyo bigyan mo lang ako kahit two months," sabi ni Zaida sa akin.

"Ano ka ba okay lang ito sakin?" sabi ko, kasi kahit papano ay na-appreciate ko yung effort nila sa pagprepare ng lahat-lahat.

"Ano ka ba naman Hon, alam ko di sayo ito okay kasi wala dito yung mga kaibigan mo lalo na sila Mama, Papa at Mike pero yaan mo binigyan ko lang si Zaida ng one month para settle yung kasal natin sa church. Bibigay ko sayo yung dream wedding na gusto mo. Trust me!" sabi ni Martin habang hinalikan yung likod ng palad ko.

"Ikaw magpaliwanag kina Papa at Mama na pinikot mo ko," sabi ko kay Martin kasi tiyak magwawala yung magulang ko especialy si Mama kaya dapat maging handa siya kasi siya talaga yung ituturo ko kapag nagataon.

"I know, ako na bahala," sabi ni Martin sakin.

"Pwedi ba kayong dalawa tigilan niyo na yan maawa naman kayo sa single na kagaya ko," sabi ni Lucas na naka subsob sa pagkain kasi nga ayaw na niyang makita yung PDA namin ni Martin.

"Kaya nga bilisan niyong kumain para ma-solo ko na yung asawa ko," sabi ni Martin na agad ko namang kinurot sa tagiliran kasi nakakahiya lalo pa nga at kasama pa namin si Father sa hapag kainan.

"Pasensya na po Father," hingi ko ng pasensya.

"Okay lang ako Iha, buti nga at nakikita kong mahal mo rin pala talaga itong si Martin akala ko pa naman kanina nagkamali ako sa pagbibigay ng bendisyun sa inyo lalo pa nga at wala akong nakikitang emosyon sayo maliban sa pagkabigla Akala ko talaga si Martin lang ang may pagtatagi sayo."

"Pinikot niya lang talaga ako Father," sagot ko.

"Opo pinikot ko siya Father para di na makawala sakin, mahirap na baka masalisihan ako at may maka bingwit pa sa kanyang iba."

"Dapat ka lang talagang matakot kasi madaming lalaking naghahabol sakin," mayabang kong sabi kay Martin.

"Alam ko pero di parin nila ako kayang abutan sa pagsungkit ng puso mo," sagot ni Martin sakin habang hinalikan ako sa labi pero smack lang yun.

"Hay naku nag-uumpisa nanaman sila, Bilisan niyo na at ng magkaroon na sila ng oras sa isa't-isa," sabi ni Lucas na tumayo na at binitbit yung pinggan papaunta sa sala.

Nagtawanan lang kami dahil sa naging reaction niya. Makalipas ng ilang minuto ay natapos ang kainan namin at nauna ng nagpaalam si Father samin.

"Nasa loob na ng banyo yung regalo ko sayo," sabi ni Zaida habang hawak-hawak yung kamay ko.

"Ano yun?" takang tanong ko.

"Basta malalaman mo!" tuwang tuwang sabi ni Zaida and based sa reaction niya mukang di maganda yung sinasabi niyang regalo.

"I'm happy for you Michelle," sabi uli ni Zaida habang hinawakan yung dalawa kong palad.

"Salamat!"

"Tandaan mo, pagkatiwalaan mo si Martin at malalagpasan niyo lahat ng problema at pagsubok na darating. Wag mo siyang bitawan ha at tatandaan mo andito lang kami handang tumulong sa inyo."

Di ko maintindihan yung ibig sabihin ni Ziada pero nagpasalamat parin ako sa kanya saka kina Lucas, Bert at Jerold na tuluyan ng umalis.

"Mukang marami tayong liligpitin na kalat ah," sabi ko kay Martin habang naglalakad kami papasok na bahay.

'Bukas na yan," sabi ni Martin bago ako binuhat ng Princess style. Agad akong kumapit sa leeg niya para di ako malaglag.

"Di ba tayo uuwi sa Pad mo?" tanong ko sa kanya habang dinala niya ko paakyat sa hagdan.

"Dito tayo matutulog sa bahay natin," sabi ni Martin habang hinalikan ako sa noo pero di ako maka paniwala sa sinabi niya na bahay namin kaya nagtanong parin ako.

"Bahay natin 'to?"

"Hmmm, dito tayo titira at bubuo ng pamilya. DIto rin natin palalakihin yung magiging anak natin at dito rin tayo tatanda ng magkasama." sabi ni Martin sakin bago ako inilapag sa isang malaking kama na punong-puno ng mga petals ng rosas na kulay pula.

Di ako naka sagot kaya pala halos lahat ng gamit na naroroon pati kulay ay puro gusto ko pati yung design ng garden sa labas ay based din sa preference ko pero di yun ang dahilan kung bakit ako naging speechless yun ay dahil sa malaking portrait na nakasabit sa uluhan ng kama namin. Picture namin iyon ng naka wedding gown ako samantalang si Martin ay naka tuxedo pero ang pinagtataka ko latest picture ko at picture niya yung naroon based yun sa buhok ko na maiksi.

"Regalo yan ni Zaida satin, ini-edit niya pero mas gusto ko sana tunay na picture nating magkatabi yung ilalagay ko diyan kaya lang napakaganda mo kasi diyan Hon kaya nanghihinayang naman ako kung di ko ididisplay." sabi ni Martin na naka upo na sa tabi ko at hawak kawak na ko sa baywang.

"Sa pagkakatanda ko yan yung pictorial na sinabi ng photographer na imaginin ko daw yung sarili ko na kasama yung lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay," sabi ko kay Martin habang naka tingin ako sa mga mata niya.

"Sino naman yung iniisip po at napakaganda ng pagkaka ngiti mo diyan?" tanong ni Martin na halatang nagseselos. Yan kasi yung time na di pa kami halos nag-uusap.

"Walang iba kundi ikaw syempre," sagot ko kay Martin habang hinahaplos ko yung pisngi niya para maka sigurado ako na totoo siya at di ako nanaginip.

"Mahal na mahal kita Michelle," sagot ni Martin sakin habang kinuha yung kamay ko na humahaplos sa pisngi niya at dinala yun sa labi niya.

"Di mo na ko hahayaang umalis uli?"

"Di na kahit kailan, kung pwedi lang itali kita sa baywang ko gagawin ko,"

"Hon," tawag ko kay Martin habang di ko na mapigilan yung pagtulo ng luha ko. Di dahil sa nalulungkot ako kundi dahil sa labis na kaligayahang nararamdaman ko kasi ito yung pinaka gusto kong mangyari saming dalawa ni Matin. Spend our life together with our Home.

"I love you!" muling sabi ni Martin bago nagdikit yung labi naming dalawa.

"I love you too!" sagot ko at buong puso ko siyang tinugon.

Sorry Guys to disappoint you,

Di pala ako pweding magpuyat ngayon kasi vaccine ko bukas kala ko sa Saturday pa, kaya need kong matulog ng bago mag-umaga hahahah!

If wala akong maramdamang side effect update ako bukas ng mahaba.

Good Morning!!!!!!!!!!

pumirangcreators' thoughts
Nächstes Kapitel